/ Romance / Mine ang Baklang CEO / CHAPTER 4: Trying Hard

공유

CHAPTER 4: Trying Hard

작가: Magic Heart
last update 최신 업데이트: 2022-05-01 20:52:25

JANINA MARIE

Halos malaglag ang puso ko sa sigaw ng daddy ni Xavier. Napaurong din ang baklang CEO ng Montefona Electronics Company at nakita ko ang takot sa mga mata niya. 

Alam kong namumula ang mukha ko kahit hindi ko iyon nakikita. Ang init ng pisngi ko at ramdam ko iyon kahit malamig ang buong Quality Assurance Department. 

"Follow me!" matigas na utos ni Kurt Montefona sa anak n'ya. 

"I'm not yet done with you," mahina ngunit sakto para marinig ko ang mga katagang binitawan ng gwapo naming CEO. 

"I'm not yet done with you mo ang lelang mong panot," gigil ko rin na sabi.

"What?" Lumingon s'ya sa akin. 

Sa halip na sumagot ay ngumiti ako ng ubod tamis at saka humawak sa tapat ng aking puso para magbigay pugay sa kaniya. Kumukulo ang dugo ko pero kailangan kong magpakumbaba dahil may lolo akong umaasa sa akin. Yumuko ako tanda ng kunwaring pagsuko. 

Nang mawala na ang may-ari ng kumpanya at ang CEO niyang anak sa harapan namin ay saka nagkaroon ng lakas ng loob ang aking mga katrabaho para magsalita. Nakakaloka ang mga tingin nila sa akin na kulang na lang ay tumagos hanggang sa balunbalunan ko. 

"Janina Marie Villasanta, iba ka girl! Akala ko talaga ay malalaglag na ang brief ni sir sa ganda mo," bulalas ni Nene.

"Ang tanong, naka-brief ba? Mukhang naka-t-back si sir at may giyera sila ni Sir Jake kaya masungit na naman," sabi din ng isa pa. Nagtawanan ang lahat. 

"Jake?" tanong ko. "Jake Admerson ba?" 

"Oo, kaya huwag kang malandi dahil hindi ka papatulan ni Sir Montefona," mataray na sabi ng supervisor namin. 

"Kilala mo ba ang CEO ng Admerson Corporation?" nagdududa na tanong sa akin ni Nene. "Boyfriend iyon ni Sir Xavier."

Natutop ko ang aking bibig. "This can't be," bulong ng isip ko. Ayaw kong maging karibal ang isang mabuting lalaki. Hindi ko kayang saktan ang isang mabait na taong kagaya ni Jake Admerson. 

Dahil sa nalaman ko ay parang gusto ko nang umurong at mag-resign na lang kaysa ituloy pa ang mga plano ko. Ngunit paano ang lolo ko? Hahayaan ko na lang bang parusahan siya ng mga Montefona? No. I should use my head and disregard my feelings. Hindi pwedeng gumana ang pagiging maawain kong nilalang. 

Erase!

Erase! 

Gusto kong mabura ang kabutihan ng puso ko. Hindi ko dapat kaawaan si Jake. Kung kinakailangan na masaktan siya para sa kaligtasan ng lolo ko, so be it. I don't care anymore. 

Nagmumuni-muni pa ako nang nagpatawag ng emergency meeting. Lahat ng department ay present. Medyo nailang ako sa tingin ng mga tao sa akin, lalo na ng mga lalaki. Hindi sa naman pagyayabang, angat kasi ang ganda ko sa lahat. 

"Huwag kang feeling maganda," bulong ng isang tinig sa may punong-tainga ko. 

Paglingon ko ay ang nanlilisik na mata ni Xavier ang nakita ko. Instead na ma-intimidate, nginitian ko lang si Xavier. Iyong tipo ng ngiti na malalaglag ang manipis na string ng t-back n'ya. 

Huminga ako ng malalim habang nakakuyom ang aking mga kamao. Kailangan kong maging mabait dahil may trabaho akong dapat ingatan. May obligasyon akong dapat pagtuunan ng pansin. 

"Hi, sir. Good morning," bati ko sa kaniya.

Kunwari ay walang naganap na kahit ano kanina. Kunwari ay hindi ko siya kilala pero gustong-gusto ko nang sipain ang mukha n'ya. 

"Excuse me. Don't block my way!" singhal ni Xavier sa akin.

Napahiya ako pero hindi ko ipinakita sa kaniya na napikon ako. Sa halip ay yumuko lang ako para ipakita na siya ang boss at empleyado lang ako. 

Habang nagme-meeting ay nag-iisip na ako kung paano ko makukuha ang puso ng mailap na boss namin. Alam kong malaki ang problema ng company dahil sa mga rejects na naipadala sa costumer pero wala akong pakialam doon. Wala pa kasi ako sa kumpanya nang nangyari iyon at late lang ang feedback kaya ngayon lang lumabas.

"Hoy, tinatawag ang mga inspectors." Siniko ako ni Nene kay biglang bumalik ang isip ko sa pinag-uusapan sa meeting. 

"Stupid!" sabi ni Xavier habang nakatingin sa akin. "Kung ang isip n'yo ay nasa outer space, huwag na kayong pumasok pa. Kaya nagkakaroon tayo ng problema, iyon ay dahil wala kayo sa focus!" 

Naningkit ang mga mata ko. Bakit ba galit na galit sa akin ang baklang ito? Subalit hindi ako nagsalita. Dahil sa nakikita kong ugali niya ay mas natsa-challenge akong paibigin siya. 

Natapos ang meeting na wala akong naintindihan. Palibhasa bago pa lang ako sa kompanya kaya hindi pa ako familiar sa ibang terms. Tango lang ako ng tango. Mabuti na lang at nawala ang atensyon sa akin ni Xavier pagkatapos niyang gisahin kaming mga inspectors sa harapan ng lahat. 

Bago magtanghalian ay ipinatawag ako ni Sir Kurt Montefona, ang daddy ni Xavier. Tumaas ang kilay ng mataray kong supervisor. 

"Landi pa. Iyan ang napala mo," wika niya. 

"Darating ang araw na mahihiya ka dahil sinabi mo iyan sa akin," gigil kong sabi. 

Habang naglalakad ako papasok sa opisina ng may-ari ng kumpanya ay pinagtitinginan ulit ako ng mga production operators. GGS ako dahil doon, gandang-ganda sa sarili. 

Marahan akong kumatok sa opisina ng may-ari ng kompanya. Kabado ako sa sasabihin niya sa akin. Baka kasi pagalitan n'ya ako dahil sa nangyari kanina sa department namin. 

"Come in," utos ng isang baritono na tinig.

Bahagya kong binuksan ang pintuan at saka idinungaw ang aking ulo. 

"Good morning, sir. Ipinatatawag n'yo raw po ako," nahihiyang sabi ko. 

"Yes, Miss Villasanta, please come and sit here; I'd like to speak with you about something."

Atubili akong pumasok kahit na mukhang hindi naman galit si Sir Kurt Montefona. Umupo ako sa harap ng lamesa niya. Humingi pa siya ng kape sa secretary niya at tinanong ako kung ano ang gusto kong kainin. 

"Sir, I'm sorry po sa nangyari kanina," wika ko. 

"It's not your fault. Your were triggered by Xavier. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa anak namin na iyon. He became cold and ruthless because of Rhian. I'm sorry about his actions while ago. You have to be very strong. Ikaw ang pag-asa namin ng asawa ko para hindi siya tuluyang ma-involve sa same sex relationship." 

"Ayaw n'yo po ba sa bakla, sir?" 

"Don't get me wrong: I'm not anti-gay; in fact, we have a lot of them in this company; but he's our only son, and we want him to give us grandchildren."

"Sir, kahit na po ba may anak na ako, itutuloy n'yo pa rin po ba ang kasunduan?" Naitanong ko na iyon dati sa kanila nang dumalaw sila sa bahay pero gusto kong makasigurado. 

"Your son is a lovely and fine young man. You don't have to worry about him. My wife and I are delighted to have him as our eldest grandson." 

Nakakataba ng puso ang mga naririnig ko mula sa ama ni Xavier. Kung sana ay katulad din siya ng ama n'ya baka sakaling tumalon na rin ang puso ko sa lalaking iyon. Subalit hindi siya ganoon kaya nga narito ako para paibigin siya pero wala pa nga akong one week sa trabaho, kulang na lang ay lamunin n'ya ako dahil sa kasalanan na hindi ko naman alam. 

Tinanong ako ng ama ni Xavier kung ano ang mga kailangan ko. Wala akong sinabing kahit ano. Ayaw ko kasing dagdagan pa ang utang na loob ng Villasanta sa mga Montefona. Baka lalo kaming mabaon at hindi ko na magawa pang bayaran. Subalit hindi ko inaasahan nang abutan ako ni Sir Kurt ng perang nagkakahalaga ng one hundred thousand pesos. Gamitin ko raw iyon para mapaibig ko si Xavier. Pilit kong tinanggihan ang pera ngunit hindi pumayag si Sir Kurt. Nang tumaas ang boses n'ya ay natakot na ako kaya tinanggap ko na lang. 

"Hindi ko ito pwedeng gamitin para sa kapakanan ko," bulong ko sa aking sarili habang hawak sa kamay ang ATM card na nakapangalan sa akin na may lamang pera. 

"What were you up to in my daddy's office? What is this?" Hinablot ni Xavier ang ATM card na bigay ng daddy niya kaya nanlamig ang buo kong katawan. 

Hindi ko siya napansin na nakatayo sa aking daraanan dahil abala ang isip ko sa hawak kong card. Nabangga ako sa kaniya kaya halos matumba ako. Mabuti na lang at nahawakan n'ya ako sa baywang at napakapit ako sa braso niya. Ngunit nang mahimasmasan kami pareho, bigla n'ya akong itinulak kaya kung hindi ako nakabalanse ay baka napasalampak ako sa sahig. 

Nakakapikon! 

Ang sarap makipagsabunutan sa baklang kaharap ko. Ang arte pa n'ya na para bang diring-diri nang magkalapat ang mga katawan namin. Napatingin ako sa paligid. May iilang mga taga-Human Resource Department ang nakatingin sa amin. 

"Ibibigay mo ba sa akin ang card na iyan o hahalikan kita sa harapan ng mga empleyado mo?" matapang kong tanong sa kan'ya. 

"What the hell did you say?" 

"Magsasama talaga tayo sa init ng impyerno kapag hindi mo isinauli ang ATM card ko, sir!" 

"Crazy! You're fired!"

Ibinato n'ya sa akin ang card at saka galit na galit na pumasok sa opisina niya. Dedma lang ako sa sinabi niyang tinatanggal niya na ako sa trabaho dahil katulad ng sabi ni Sir Kurt, walang ibang pwedeng magpaalis sa akin sa trabaho kun'di siya lamang. 

Nang uwian, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pinahirapan din kasi ako ni Quency, ang supervisor namin. Mataray na talaga siya noong first day of work ko pa lang pero malala ngayong araw. Mabuti na lang at pilit akong pinakakalma ni Nene at pinagtatawanan na lang namin si Quency. 

Sa bahay ay agad akong sinalubong ng aking anak. Tinanong n'ya ako kung tumawag daw ba ang papa n'ya o hindi. Sabik siyang malaman kung kinumusta raw ba siya ng kaniyang ama. Katulad nang madalas kong gawin, nagsinungaling ako ulit kay Jude. Sinabi kong mahina ang signal sa trabaho kaya hindi kami nakapag-usap nang maayos ng papa n'ya. Narinig iyon ni Althea na dumating para bisitahin ang inaanak n'ya. 

"Hanggang kailan ka magsisinungaling diyan sa bata, ha? Utang na loob, JM, maawa ka sa anak mo. Huwag mo siyang paasahin," bulong sa akin ni Althea. 

"Magkakaroon din siya ng ama," mahina kong turan.

"Sino? Si Xavier Montefona ba? JM, ikaw na rin ang may sabi na masama ang ugali noong mokong na iyon. Sa palagay mo talaga ay tatanggapin n'ya ang anak mo?" 

Parang sampal sa akin ang tanong ng kaibigan at kumare ko na. Alam kong kapakanan ng anak ko ang iniisip niya kaya ganoon na lang kung pagsalitaan n'ya ako. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Pakiramdam ko kasi ay ang bigat-bigat ng dibdib ko. 

"Susubukan kong paibigin siya bago pa kami ikasal. Hindi lang para kay lolo kun'di para kay Jude," tanging nasabi ko. 

"Ano'ng gagawin mo, JM? Sasayawan mo ba siya nang n*******d habang sumisimsim siya ng alak, pagkatapos igagapos mo siya sa kama at aakitin ng bonggang-bongga?"

Bigla kong tinakpan ang bibig ni Althea. Mabuti na lang at tumakbo ang anak ko papunta kay lolo kaya hindi nito narinig ang sinabi ng ninang niya. 

"May perang ibinigay sa 'kin ang daddy ni Xavier, gagamitin ko iyon para padalhan siya ng mga regalo," sabi ko. 

"Magkano?" 

"Hundred thousand."

"Siguro mas tamang gamitin mo iyan para mas gumanda ka pa at para mas maakit mo siya. Yayain mo siyang mag-bar o beach tapos sagot mo lahat," suggestions ni Althea.

"High maintenance iyon. Kulang ang one hundred thousand para sa isang gabing party sa bar," kontra ko sa aking kaibigan. "Saka baka lunurin lang niya ako sa beach kapag niyaya ko siya."

Nagkatawanan kaming magkaibigan. Habang nakikipaglaro si lolo kay Jude ay humanap kami ni Althea ng mga pang-mayaman na damit, chocolates, gamit at kung ano-ano pa. Habang tumatagal ay nag-e-enjoy akong tingnan ang mga pwede kong ipadala kay Xavier para kunwari ay humahanga ako sa kan'ya. Ngunit hindi ko muna ipapaalam ang tunay kong katauhan. 

Kinabukasan, excited akong pumasok sa trabaho. Gusto kong makita ang magiging reaksyon ni Xavier sa in-order kong moist chocolate cake mula sa isang kilalang bakeshop sa Makati. Yes, sa Makati pa manggagaling ang cake at special kong hiniling na samahan iyon ng isang stem ng rose. 

"Good morning, Janina," bati ni Tommy. 

Hays! Panira ng araw ang aking ex-boyfriend na nakatambay sa tabi ng sasakyan n'ya sa harapan ng Montefona Electronics Company. Pinukol ko siya ng matalim na tingin. Ngunit hindi siya apektado dahil dahan-dahan siyang lumapit sa akin para iabot ang isang bouquet of flowers. Gigil na kinuha ko ang bulaklak at saka inihampas ko iyon kay Tommy.  

"Pagkatapos mo akong iwan para sa American dream mo, ngayon, heto ka at ginugulo ang mga plano ko!" malakas kong sabi habang sinasaktan ko si Tommy. 

Pilit naman akong pinatitigil ni Tommy hanggang sa naipulupot n'ya na ang kaniyang mga braso sa baywang ko. Lalong uminit ang aking ulo dahil doon kaya nagwala ako. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga empleyado ng company.

Malakas na bosena ng sasakyan ang nagpatigil sa akin. Biglang lumamig ang mainit kong ulo nang makita kong bumaba mula sa mamahaling sasakyan si Xavier. Madilim ang mukha niya at parang gustong sapakin ako. 

"Bitawan mo siya!" dumadagundong ang boses niya habang inuutusan niya si Tommy. 

"Pasensya na, pare. Aayusin lang namin ang problema namin," wika ng dati kong nobyo.

"Wala tayong aayusin!" sabi ko sabay tadyak sa paa ng lalaking dati ay aking kinababaliwan kaya nabitawan n'ya ako. 

"Janina Marie!" sabay nilang tawag sa pangalan ko. 

Hindi ko sila parehong pinansin. Dinukot ko ang id ko at nag-time-in ako. Hindi ako palaaway. In fact, isa ako sa pinaka-behave sa klase noong nag-aaral pa ako. Best child din ako noong elementary days. Ngunit hindi ako natatakot lumaban kapag sobra na. 

"Miss Villasanta, pulutin mo ang mga kalat na iniwan mo rito!" sigaw sa 'kin Xavier. 

"Hindi po ako sweeper ng company, sir!" 

Malakas na bulong-bulungan ang narinig ko pero hindi ko iyon pinansin. Muli kasing umusok ang tuktok ng ulo ko at pati si Xavier ay gusto ko na talagang patulan din.

"Kalma," sabi ko sa aking sarili habang inilalagay ko ang aking gamit sa locker room. 

Narinig ko ang mga bulong-bulungan na matatanggal na raw ako sa trabaho ngunit hindi ko iyon pinansin. Sa department namin ay ang galit na supervisor agad ang naabutan ko. Dinuro-duro ako ni Quency at sinabihan ng kung anu-anong masasakit na salita. Ipinapahamak ko raw kasi ang department dahil sa attitude ko. Tiyak daw na pag-iinitan kami ng CEO. 

Hindi pa tapos si Quency sa mga litanya n'ya ay bigla naman akong pinapupunta sa CEO's office. Gumamit pa talaga ang secretary ni Xavier ng paging system para marinig ng lahat na malapit na akong sintensyahan. 

"Bakit ka pumasok ngayong araw? You're fired, 'di ba?" sigaw agad ni Xavier sa akin bago pa man ako tuluyang makapasok sa opisina niya. 

Nanatili akong nakayuko. Bait-baitan ulit ang drama ko. Ibinagsak ni Xavier ang hawak niyang folder sa ibabaw ng kaniyang table at saka tumawag sa Human Resource Department. 

"What did you say?" nakasigaw na tanong niya. Pulang-pula ang mukha n'ya dahil sa galit. "You can not fire this woman. For God's sake, why?"

Habang nakikinig sa kausap n'ya ay matalim akong tinitingnan ni Xavier. Nakakuyom din ang mga palad niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa. Gusto kong mapahalakhak dahil sa itsura niya pero pinipigilan ko kaya kinagat ko ang mga labi ko.

"Kabit ka ba ni daddy?" tanong ni Xavier pagkatapos niyang ibagsak ang telepono. "Tinutukso mo ba ako sa pagkagat-kagat mo ng labi mo?" 

Teka, iba ang tono ng boses niya. Hindi siya galit at parang namamaos siya. Panay din ang tikhim n'ya. Maging ang adams apple niya ay patuloy sa pagbaba't-taas. 

Nanlamig ang mga kamay ko. May iba akong naramdaman habang inoobserbahan ko siya. Mabuti na lang at kumatok ang secretary niya. Pumasok itong may dalang cake at stem ng rose. Nanunukso ang ngiti nito sa boss niya. 

"Sir, special delivery for you," sabi ng lalaking secretary ni Xavier. 

"From whom?" 

"I don't know, sir. Wala pong pangalan sa card. Love letter lang ang mayroon dito," sagot ng secretary. 

Bigla akong naging uneasy. Gusto ko nang kumaripas ng takbo. Naiihi na rin ako sa p*nty ko. 

"Throw it away! Baka may lason iyan," utos ni Xavier.

Ha? Lason? Sana nilagyan ko na lang talaga ng lason dahil hindi deserve ng kaharap ko ang cake at rose na iyon. Ang mahal pa naman ng bayad ko para sa cake na iyon tapos itatapon lang. Bigla kong inagaw ang cake sa kamay ng secretary ni Xavier. Kung ayaw n'ya, pwes, ako ang kakain. 

"Miss Villasanta, ikaw ba ang nagpadala ng cake na iyan?" 

"Hindi! Sayang lang kasi kaya akin na lang, sir. Tutal ayaw mo naman, ipakain ko na lang sa mga kasamahan ko sa department. Sa amin kasing mahihirap, walang pagkain ang dapat masayang," matapang kong sagot. Nakalimutan kong dapat mabait pala ako sa harapan ng future husband ko. 

"Really, huh?" Marahan na lumakad si Xavier palapit sa akin. "Villasanta… Are you related to Winston Villasanta?" 

Marahas niyang hinawakan ang aking kanang braso at saka tinitigan ako ng mata sa mata. 

"Sir, may problema po ba tayo kung Villasanta ako at apo ako ni Winston Villasanta?" tapang-tapangan kong tanong. 

"Malaki!" Ngumisi si Xavier na parang nakakainsulto. Nanginig ang mga tuhod ko. Daig ko pa ang makasalanang nilalang na nasukol ng hari at naghihintay ng parusa.  

Magic Heart

Hello readers, Please support this book. Daily update na po ito ngayong May. Please vote this book and leave your reviews. Thank you. Love lots, Magic Heart

| 10
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (23)
goodnovel comment avatar
Josephine Sanchez Lopez
so alam na nya kung sino ang magiging future wife nya. malditang Xavier
goodnovel comment avatar
marilyn ynigo
awesome story.. kakakilig ...️
goodnovel comment avatar
Normita Fernando
super kilig at super romantic ang story mkalaglag panty how sweet your mind your so sweet writter love u
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Mine ang Baklang CEO    EPILOGUE

    JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para

  • Mine ang Baklang CEO    THE END

    JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.

  • Mine ang Baklang CEO    CHAPTER 82: Her Lover's Wrath

    RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg

  • Mine ang Baklang CEO    CHAPTER 81: I Can't Live Without You

    JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta

  • Mine ang Baklang CEO    CHAPTER 80: Rhian's Secret

    JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba

  • Mine ang Baklang CEO    CHAPTER 79: Tommy's Secret

    XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe

  • Mine ang Baklang CEO    CHAPTER 78: Danger without You

    JANINA MARIEFeeling ko ay nabura ang lahat ng hinanakit at galit ko sa isang simpleng yakap lang ni Xavier. Mas nanaig kasi sa akin ang pagkagulat nang nakita ko siya sa police station. Hindi siya nakadamit pangkasal bagkus ay nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at maong pants lang. Pagkatapos masiguro na okay kami ng mga bata ay iniuwi kami ni Xavier sa bahay naming dalawa. Natatakot man dahil sa isyu ng security pero buo ang loob niya at ng mga police na hanggang nagtatago kami ay lalong hindi rin lalabas sina Jake at Rhian. Sinang-ayunan ni Lola Genevieve ang pasya ni Xavier. Ngunit may isang kondisyon, iyon ay itatago ulit ang mga bata at kaming mag-asawa lang ang parang magsisilbi na pain. Subalit hindi gusto nina Jude at Yna na malayo sa aming mag-asawa kaya no choice na ang lahat kung hindi magsama-sama sa loob ng isang bahay. Ang bahay namin na dapat ay ubod ng saya ay punong-puno palagi ng tensyon. Maraming tauhan kaming kasama bukod pa sa mga pulis na maya't-maya ang

  • Mine ang Baklang CEO    CHAPTER 77: The Search

    JAKE ADMERSONDaig pa namin ni Rhian ang aso't pusa habang nasa biyahe kami pabalik ng Cavite. Kasal daw nila ni Xavier at naghihintay na ang fücking bestfriend ko. I was not about to go dahil hindi ko gustong maki-celebrate sa buhay ni Xavier. Magiging masaya lang kasi ako kung patay na siya. Tumawag si Rhian sa pinagkakatiwalaan niyang katulong na nasa mansion ng mga Montefona. Gusto kong marinig ang latest activity ni Xavier dahil aaminin kong duda ako sa magaganap na kasal nila ni Rhian kaya inutusan ko siyang lakasan ng tawag para marinig ko. “Ma’am, kinausap ako ni Sir Xavier. Tulungan ko raw siyang mag-ayos ng mga gagamitin sa kasal at inayos ko na po lahat,” wika ni Gemma. “Ano ang ginagawa niya ngayon?” ‘Nakakulong lang po siya sa kan’yang silid. Nitong mga nakaraan ay palagi siyang nasa kaniyang room lang kasi masama raw ang pakiramdam niya. Masakit daw ang kaniyang ulo.” “Have you seen any unwanted actions or may narinig ka ba na kahit na anong mga salita na laban sa

  • Mine ang Baklang CEO    CHAPTER 76: Into Your Arms

    JANINA MARIEMatinding awa ang naramdaman ko habang tinitingnan ko si Rhian na dahan-dahang umuupo sa sahig at umiiyak. Alam kong biktima rin siya ng mga sakim na tao lalo na ng kaniyang kinilalang ina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya pero may hinuha akong marami siyang pasakit na naranasan. Inilayo ko si Yna sa kaniyang ina. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ang Mommy niya. Kahit hindi ko man siya dugo’t-laman, mahal ko si Yna na parang tunay kong anak. Hanggang hindi matino si Rhian ay ipaglalaban ko ang batang natutunan ko nang mahalin. Nang madala ko si Yna sa silid, muli kong binalikan si Rhian. Ngunit naroon na si Jake. Parang bata na naglambitin si Rhian sa bestfriend ng asawa ko at umiyak lang siya nang umiyak. Panay naman ang tanong ni Jake sa kan’ya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman nagsasalita si Rhian. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila para hindi ako makaistorbo. Alam ko kasing may relasyon sila dahil nahuli ko silang naghahalikan sa living room

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status