MIREN'S POINT OF VIEWMatapos ang aming pag-uusap kanina tungkol sa nangyari sa kanyang Ina nila Orpheus at kung paanong naging Reyna ang aking Tita Isabella. Nandito na ako sa harapan ng pinto ng Hari at Reyna rito sa kaharian nila. Nasa loob nito ang aking Tita Isabella na akala ko patay na ng Ilang taon. "Ayos ka lang ba, Mahal ko?" Tumingin ako rito at saka tumango sa kanya.Hindi pa rin talaga ako sanay sa Mahal ko na sinasabi niya. Kung siguro masasanay naman ako, ano?Biglang bumukas ang malaking pinto na pumapagitna sa amin at sa Hari at Reyna ng mundo nila. Nakatingin lamang ako sa harapan ko at iniisip kung ano ang aking gagawin. Ngayon ko lang ulit makikita ang Tita Isabella ko na ang akala naming lahat ay matagal ng patay. Nang tuluyang bumukas ang pinto, natanaw ko sa kinatatayuan namin ang tatlong tao na nakaupo. Nakita kong lumakad si Virion at sinundan ko rin naman siya agad. Gusto ko man tignan ang paligid ng aking nilalakaran, pero ang ak
MIREN'S POINT OF VIEW "Alam niyo po bang napakatamad ni kuya Orpheus? Sa kanilang dalawa ni kuya Virion siya lagi ang tamad at bugnutin sa kanila." K'wento nito sa amin na akala mo hindi niya mga kapatid ang tsinitsismis niya sa amin. Nakatingin lamang kami sa kanya habang masaya siyang kumakain. "Sino sa kanila ang matapang?" Napatingin kami kay Beverly ng magtanong ito. Seryoso ba siya?Nag-isip si Druzila na akala mo math ang tinanong sa kanya, "parehas silang matapang. Iyon nga lang parehas silang takot sa mga babaeng nakatadhana sa kanila." ani niya sa amin habang nakatingin sa amin ni Fille. "Druzila, kilala mo na ba ang nakatadhana sa'yo?" pagtatanong ko rito. Napatigil siya sa pagkain at malungkot na ngumiti sa amin, "oo," may sasabihin pa sana siya ng may tumunog na malakas na kampana. Tumayo si Druzila kaya maging kami ay sumunod sa kanya, "mag-uumpisa na ang kasal niyo! Siguro tapos na iyong se
MIREN'S POINT OF VIEW "Anong tinitignan mo, Mahal ko?" Lumibot ang aking paningin dahil naririnig ko ang boses ni Virion sa aking isipin.Nakita ko siya sa kumpulan ng mga maharlikang bampira na naninirahan dito. Kasama niya sina Kieron, Orpheus at Blade. Maging sina Lazarus at Clotter ay kasama rin nila. Kalat na rin pala sa iba pang kaharian ang tungkol sa pag-iisang dibdib namin. Nakatingin na umiling ako sa kanya. Hindi pa rin talaga ako sanay na bigla-bigla na lamang siya sumusulpot sa aking isipan. "Nakakatuwa na kasal na tayong tatlo!" Nawala sa aking isipan ang boses ni Virion ng magsalita si Beverly sa aking tabi. "Totoo bang magiging hari rin si Lazarus?" Napangiwi ako ng maalala ang sinabi ng isang niyon kanina. Pagkatapos ng pag-iisang dibdib nina Fille at Orpheus, doon lang namin napansin sina Lazarus at Clotter na nakangisi sa amin habang may hawak na kopita. Ang kanilang suot ay pang-maharlika na napapanood ko
MIREN'S POINT OF VIEW "Miren!" Kumunot ang noo ko nang makita si Beverly na tumatakbo habang papalapit sa akin. Nasa tabi ko ngayon si Virion, simulang umuwi kami galing sa mundo nila at nang may nangyari sa aming dalawa, hindi na siya humihiwalay sa akin. Lagi siyang nakasunod sa akin, maging sa k'warto ko mismo ay nandoon siya para bantayan ako at sa pagsapit ng umaga nasa harap na siya pintuan namin para sunduin ako. Kinausap niya rin ang magulang ko tungkol sa aming dalawa, mag-boyfriend-girlfriend kami iyon ang alam ng magulang ko. Hindi nila alam kasal na kami at may nangyari na sa amin. "Hi, Virion!" Sabay yuko nito at kasunod niya sa kanyang likod ay si Blade. Tumango lang ang isa kay Beverly at hinawakan na naman ang kaliwang kamay ko. Nilalaro niya ang aking mga daliri. Naiilang ako sa ginagawa niya pero kapag hinihila ko naman pabalik ang aking kamay hindi niya naman binibitawan bagkus hinihigpitan niya
MIREN'S POINT OF VIEW"T-tulong... Lumulusob ang Rubis sa kaharian nila Lazarus. T-tulong, V-virion!" Mensahe na natanggap namin mula kay Kieron. Napatayo kami at ramdam kong nakatingin sa amin sila Virion. Lumingon ako kung nasa'n ang tatlo at tama nga ang hinala ko, nakatingin din sila sa amin. Umalis na sila sa pila at saka kami nilapitan. "Si Kieron," ayon lang nasabi ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at lumabas ng canteen, nakasunod sa amin sila Fille. Pumunta kami sa likod ng canteen na ito at walang kahirap-hirap na nasa mundo na nila kami. Lumingon ako sa aking likod, buong paligid ng kaharian na nila ang nakikita ko. Wala na ang building ng canteen namin at ang ingay sa buong campus. Gano'n pa rin ang mundo nila, mailaw pa rin dito, ang simbulo ng aming pagmamahalan. Pumasok kami sa kanilang palasyo at nadatnan namin doon sina Mahal na hari, ang Reyna, Druzila at ang mga matatandang bampira sa lugar n
MIREN'S POINT OF VIEW"Sa akin ka na ngayon," Naalimpungatan ako at nagising na lamang ako sa isang madilim na silid. Totoo ba niyong nakita ko kanina? O, isang panaginip lang? Isang pares na kulay pula na mga mata ang nakita ko habang patakbo sa pasilyo. Mga bisig na yumapos sa akin. Parang totoo. Napabuga ako ng aking hininga ng maramdamang may nakatingin sa akin, madilim man pero ramdam ko ang kanyang mga titig. "V-virion..." Tawag ko sa buong silid kung nasa'n man ako. Walang sumagot man lang sa akin. Kinakabahan na ako pero pilit kong pinapatatag ang aking loob. "F-fille, Beverly?" Walang sumagot sa tawag ko. "Fille! Beverly! Virion!" Malalakas na sigaw ko pero wala akong nakuha ni-isang sagot sa kanila. Nasaan ako? Napapikit ako ng aking mga mata ng may tumamang ilaw sa akin. May naaninag akong dalawang anino na naglalakad palapit sa akin at siyang pag-atras k
MIREN'S POINT OF VIEWHindi ko na alam kung anong oras at ilang oras na kaming nakatayo rito. Habang tumatagal lalo akong kinakabahan dahil parami nang parami ang mga Rubis sa harap namin. Pulang-pula ang kanilang mga mata, nakalabas ang mga pangil nila at handa na kaming balatan ng buhay, isip-isipin ang aming mga dugo at kainin. Hindi man magsalita si Neko, ramdam kong natatakot at kinakabahan na rin siya katulad ko. Hindi ko namin alam kung may tutulong sa amin. Hindi rin namin alam kung nakuha na rin nila si Kone, kakambal ni Neko. Katapusan na namin kapag maging si Kone ay nakuha na rin. Babaha na ng dugo itong kinatatayuan namin. Nangangalay na ang mga braso kong nakatali. Nauuhaw at gutom na rin ako. Pagod na pagod na ako. Parang gusto ko na lang bumigay sa kinatatayuan ko. Umingay ang mga Rubis na nasa harap namin, kinabahan ako. Tinignan ko ang mga ito at parang may tinitignan sila sa aming likur
MIREN'S POINT OF VIEW"Buhay na buhay ang katipan mo, Reid. Buhay na buhay at nag-aalala siya sayo." madiin na sabi ko sa kanya at hindi ako nagpatinag sa kanyang tingin sa akin.Hinawakan niya ulit ang aking panga pero ngayon ay mas mahigpit na. Mukhang magkakaroon ng pula at pasa ang kanyang pagkakahawak sa akin. Tiniis ko ulit ang sakit. "H-hindi mo alam, diba? Hindi mo alam na buhay siya, Reid! Alam mo bakit? Naka-sentro niyang isip mo sa kaharian niyo at sa pagganti mo sa mga kaibigan mo! Wala nagsabi sayong buhay ang katipan mo, Reid!" "Sino ang katipan ko?" Dama ko ang galit sa kanyang pagbigkas na iyon. Lalong humigpit ang kanyang pagkakahawak. Nalalasahan ko na ang dugo sa aking bibig dahil sa higpit nitong pagkakahawak sa aking panga. "S-si Druzila..." ani niya ko sa kanya na siyang pagkatigil niya.Napatulala siyang nakatingin sa akin, wala na rin ang kanyang kamay sa aking panga kaya nagagalaw k