Share

Mistake: Hiding The Actor's Son (Filipino)
Mistake: Hiding The Actor's Son (Filipino)
Author: VERZOLAKRAM02

CHAPTER 1

MADILIM NA ANG kapaligiran nang makaalis si Dane sa kaniyang flower shop. Patungo siya ngayon sa kaniyang nobyo upang sorpresahin ito dahil kaarawan nito ngayong araw. Dala niya ang isang bouquet ng red roses para ibigay kay Dalton dahil iyon ang paboritong bulaklak ng kaniyang nobyo. Bago magtungo sa condo unit nito, dumaan muna si Dane sa bakery shop upang bumili ng cake. Matapos bumili ng cake, nagpatianod na si Dane patungo sa tinitirhan ni Dalton. She drove 20 minutes before she arrived to her destination. She parked her car properly before she went inside the condominium building.

Dumiretso agad si Dane sa elevator at pinindot ang tenth floor kung nasaan ang unit ng nobyo niya. Ingat na ingat siya sa mga hawak niya lalo na ang cake dahil ayaw niyang ipresinta iyon kay Dalton na sira. Nang bumukas ang pinto ng elevator, agad siyang lumabas at mabilis na tinungo ang unit ni Dalton. Napakunot-noo agad siya nang makitang naka-awang ang pinto ng unit nito. Never iyon ginawa ni Dalton. Ngayon lang niya nakita na iniwan nitong nakabukas ang pinto. Sunod-sunod na umiling si Dane kapagkuwan ay pumasok na sa loob. Sinipa niya ang pinto at dumiretso sa sala saka ipinatong ang mga hawak sa center table. Hinanap ng mga mata niya ang nobyo ngunit hindi niya ito nakita.

Nagtungo siya sa kusina, hindi niya rin ito nakita roon. May isang lugar na lang siyang hindi napupuntahan… ang kuwarto nito. Dahan-dahang nilapitan ni Dane ang kaisa-isang kuwarto sa unit nito. Hinawakan niya ang seradura at unti-unti iyong pinihit. Dane pushed the door and was dumbfounded for what she witnessed. Mula sa kama, kitang-kita ng mga mata ni Dane ang dalawang tao. Naghahalikan ang dalawa habang parehong hawak ang mga kamay. Mariing napalunok si Dane habang pinagmamasdan ang dalawa. Pakiramdam ni Dane ay tumigil ang pag-inog ng mundo niya ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay nalunok niya ang kaniyang dila. Natuod siya mula sa kaniyang kinatatayuan habang hindi nag-aalis ng tingin sa dalawa.

"Dane, what are you doing here?"

Dane clenched her fists. "What is the meaning of this, Dalton?" mahinahon niyang tanong pero sa loob-loob niya'y gusto niyang sumabog.

Tama, ang nobyo niya iyon. She can't be wrong. Hindi siya bulag para magkamali. Kitang-kita ng dalawa niyang mata na nakikipaghalikan ito sa kaniyang bestfriend na si Charlotte.

"Kanina ka pa ba riyan, bestie?" tanong ni Charlotte at naglakad ito palapit sa kaniya.

"Huwag mo akong lalapitan!" Dane said coldly. "Huwag mo akong tatawaging bestie."

"Let me explain, babe. You're thinking wrong. It is not what it is. Please, listen to me."

"Listen? Do you want me to listen after what I've witnessed?" She laughed bitterly. "Hindi ako tanga, Dalton. Hindi ako kailanman magiging tanga."

Matapos noon, tumalikod na si Dane para makaalis na. Pero pinigilan siya ni Dalton. Hinawakan nito ang braso niya dahilan para matigilan siya. Hindi na napigilan ni Dane ang sarili. Humarap siya rito at walang ano-ano'y malakas itong sinampal. Kasabay nang pagsampal niya ay ang pag-agos ng mainit na likido mula sa kaniyang mga mata.

"Why, Dalton? Anong naging pagkukulang ko para gawin mo ito? You don't need to explain. Iyong nakita ko, malinaw na niloloko mo lang ako. Sana sinabi mo na hindi mo na ako mahal para hindi na ako nasaktan pa. Bakit, Dalton? Bakit?" humahagulgol na anas ni Dane habang walang humpay sa pagtulo ang mga luha niya.

Pakiramdam niya ay unti-unti nawawasak ang puso niya. Masakit ang nararamdaman niya ngayon at para bang anumang oras ay mauubusan siya ng hangin sa katawan. She tried to not cry, but she couldn't. Ayaw niya sanang ipakita kay Dalton na nasaktan siya pero hindi niya napigilan ang sarili. Masakit. Mas lalong nasaktan si Dane dahil matalik na kaibigan niya pa ang babae. Doble-dobleng sakit ang nararamdaman ni Dane ngayon sa kaniyang kaibuturan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin.

"Forgive me, Dane. Mabilis ang mga nangyari. H-Hindi namin alam ni Charlotte ang ginawa namin. Please, forgive me. I'm begging you…"

Sinubukang hulihin ni Dalton ang mga kamay niya ngunit inatras niya iyon. Nanlilisik siyang bumaling kay Charlotte na kasalukuyang nasa likod ni Dalton. Tahimik itong umiiyak habang nakatingin sa kaniya. Gustong sugurin ni Dane si Charlotte ngunit pinipigilan niya lang ang sarili. Hanggat kaya niyang pigilan ang sarili, gagawin niya. Bahala na kung ano magawa niya. Baka nga makapatay pa siya kung sakaling hindi niya mapigilan ang umaapoy na galit sa kaniyang kalooban.

"Forgive you? Gusto mong patawarin kita after I saw you two kissing each other? Hindi ako tanga, Dalton. Huwag mo akong gawing tanga. Hindi ko maintindihan kung bakit mo ito nagawa sa akin. Anong pagkakamali ko, Dalton? Anong naging pagkukulang ko? We have been together for two years. Wala akong ibang ginawa kundi mahalin ka. You even promised na hindi mo ako lolokohin. Nangako ka rin na dadalhin mo ako sa harap ng altar pero anong ginawa mo? You kissed that woman!"

Dinuro ni Dane ang kaibigan niya. Muli na naman niyang kinuyom ang mga kamao niya dahil sa tindi ng galit na nararamdaman niya. Malapit na siyang sumabog, kaunti na lang. Kaunting-kaunti na lang.

"Hindi namin sinasadya ang nangyari. We both don't want it. Mahal kita, Dane. I can't afford to lose you. Mamamatay ako kapag nawala ka sa akin. Disregard what you saw. Forget it. Kailanma'y hindi ko sisirain ang mga pangako ko sa iyo dahil ikaw lang… ikaw lang ang tanging nandito sa puso ko."

Due to burning rage, for the second time, Dane slapped Dalton again. "Hindi ako tanga, Dalton. Disregard it? Forget it? Sa tingin mo kaya kong gawin iyan? Panloloko iyang ginawa mo, Dalton. Manloloko ka! Manloloko kayong dalawa!"

At walang ano-ano'y sunod-sunod na pinaghahampas ni Dane ang matigas na dibdib ng binata. Hindi pa siya nakuntento dahil sinugod niya pa si Charlotte at walang pag-aalinlangang hinaklit ang buhok nito. Gigil na gigil si Dane ngayon. Halos makalbo na niya ang walang kibong si Charlotte. Kung hindi pa siya pinigilan ni Dalton, hindi pa siya titigil.

"Enough, Dane. You're hurting her." Then Dalton helped Charlotte stand up. "Are you okay?" tanong pa nito.

"Wow! Ang bilis mo namang magbago. Kanina, sinabi mo na mahal mo pa rin ako. Tapos ngayon, tinutulungan mo na iyang babaeng iyan. Ano ka, may bipolar?" singhal ni Dane kay Dalton. "Hindi ako ano para magpatawad. Malinaw na sa akin na hindi mo ako mahal. Niloko niyo akong dalawa!" Hinugot ni Dane ang singsing na iniregalo ni Dalton sa kaniya at ibinato rito. "I'm breaking up with you. I don't deserve like you. Magsama kayong dalawa!"

Lumapit si Dane sa center table at kinuha roon ang isang rosas na ibibigay niya sana kay Dalton. Ibinato niya iyon kay Dalton bago kinuha ang cake. Naglakad siya palapit kay Dalton habang may pang-aasar sa mukha.

"What are you doing, Dane?"

"Before I leave, I just want to wish you a happy birthday. Happy birthday, Dalton. Mabuhay ka pa sana nang matagal." Matapos noon ay walang ano-ano'y idinikit ni Dane ang cake sa mukha ni Dalton at hinayaan iyong mahulog sa sahig. Natawa siya nang makitang puno ng icing ang mukha nito. "You deserve it, Dalton."

"Pag-usapan natin ito, Dane. Hayaan mong magpaliwanag kami ni Dalt—"

"Heh! Tumigil ka, Charlotte!" putol niya sa matalik niyang kaibigan. Hinaklit ni Dane sa kaniyang leeg ang kuwintas na ibinigay ni Charlotte sa kaniya noon. "Pinuputol ko na ang pagkakaibigan nating dalawa. From now on, we're not friends anymore." Then Dane let go of the necklace until it reached the floor.

Hindi na hinintay ni Dane na magsalita ang isa sa dalawa. Lumabas na siya ng unit ng kaniyang ex-boyfriend. She slammed the door. Nang makalabas siya, sumandal siya sa pader na katabi ng pinto. Sunod-sunod siyang nagpakawala ng hangin sa bibig bago roon mahinang umiyak. Naninikip ang dibdib ni Dane ngayon dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. That was unexpected. Pareho niyang mahal ang dalawang iyon, pero pareho rin pala siyang lolokohin. Hindi pa sapat iyong ginawa niya sa dalawa. She wants to hurt them even more. Pero alam ni Dane na walang mangyayari kung sasaktan niya ang dalawa. Kaya didistansya na lang siya sa mga ito. Basta't malinaw sa kaniya ngayon na wala na silang koneksyon sa isa't-isa.

Wala siyang balak umuwi ng kaniyang bahay. Para mawala ang sakit na nararamdaman, napagdesisyunan ni Dane na magtungo sa bar upang lunurin ang sarili sa kalasingan. Alam niya na ang alak lang ang magpapa-alis ng sakit sa puso niya kahit pansamantala lamang.

DANE IS AT the bar. Malalim na ang gabi ngunit magpahanggang ngayon ay nandito pa rin siya. Hindi na mabilang ni Dane kung ilang oras na siya rito dahil abala siya sa pag-iinom ng alak. Nasa counter siya—sa harap ng mismong bartender habang nakaupo sa mataas na upuan na kung tawagin ay stool. Hawak ni Dane ang isang baso na may lamang kaunting alak. Inubos ni Dane ang laman ng naturang baso bago iyon ipinatong sa counter.

"I want more!" maawtoridad niyang utos sa bartender.

"Lasing ka na, miss. Hindi maganda sa iyo ang umiino—"

"E, ikaw, hindi ka ba lasing?" naka-taas kilay na tanong ni Dane sa binatang nakaupo sa tabi niya.

Bigla na lang ito sumulupot kanina at kung ano-anong mga corny joke ang sinasabi nito sa kaniya. Sumasabay lang si Dane sa kasiyahan nito kahit ang totoo ay inis na inis na siya. Mas lalo siyang nainis dahil pati ang pag-iinom niya, pinapakialaman nito.

"I am drunk, miss. We're both drunk."

"So, huwag mo akong pakialamanan. Gusto ko pang mag-inom, and you can't stop me." Duro ni Dane sa binata at bumaling sa bartender. "Give me my order, now!" maawtoridad na utos ni Dane rito na mabilis naman nitong sinunod.

Ngunit bigla na lang natigilan si Dane nang bigla siyang sunggaban ng halik ng binata. Sa una, nagulat pa siya. Pero makalipas ang ilang segundo, pumatol na si Dane sa mapusok na halik ng binata. Hinapit niya ang binata palapit sa kaniya upang mas lumalim pa ang paghahalikan nilang dalawa. Hindi na alam ni Dane ang ginawa niya dahil sa sobrang kalasingan. Nasa huwisyo pa siya kanina ngunit ngayon, wala na. Nararamdaman niyang unti-unti nang umiikot ang paningin niya at anumang segundo ay babagsak siya mula sa kinauupuan niya. Humiwalay siya mula sa binata nang kapusin siya ng hangin.

"Why did you kiss me?" nagtataka niyang tanong sa binata.

"Because I want to. Don't you like it?"

Madiing lumunok si Dane. "I liked it, actually." Then for the second time, si Dane na ang sumunggab sa binata. Humiwalay rin siya rito makalipas ang ilang sandali. "Help me forget, please. Help me ease the pain I'm feeling right now. Help me…" she begged.

"You want to forget?" the guy asked.

"From what my boyfriend and bestfriend did to me. Help me, please…"

Hindi na alam ni Dane ang mga nangyari ng tagpong iyon. Naramdaman na lang niya ang sarili na binubuhat siya ng binata patungo kung saan. After a few seconds, the guy slowly put her on the bed.

"Where were we?" nakapikit nang tanong ni Dane dahil sa sobrang kalasingan.

"I'll help you forget, miss…"

At unti-unting naramdaman ng dalaga na hinuhubad ng binata ang mga saplot niya sa katawan. Hindi niya ito nagawang pigilan. After a few moments, the guy finished undressing her. Dane slowly opened her eyes at sakto namang umibabaw ang binata sa kaniya. Nagtama ang mga mata nilang dalawa.

"Do you trust me, miss?"

"I do trust you, but… what are we gonna do?"

The guy smirked. "Since you want to forget, I'll help you feel the heaven. You'll like it, miss." The guy brought his face towards her ear, and without any words, he licked her ear and bit her earlobe. "Promise, I'll be gentle…"

At doon ay walang kaabog-abog na niromansa ng binata ang dalaga. Mabilis na nagustuhan ni Dane ang ginawa ng binata sa kaniya. Walang ibang lumalabas sa kaniyang bibig kundi ungol na idinidulot ng binata sa kaniya.

NANG MAGISING SI Dane kinabukasan, agad siyang napadaing dahil sa sakit ng ulo niya. Dahan-dahan niyang iginala ang mga mata niya at mabilis siyang napabalikwas mula sa kinahihigaan nang mapagtantong wala siya sa kuwarto niya. At doon lang din niya napagtanto na wala siyang saplot sa kaniyang katawan. Tanging kumot lang ang bumabalot sa kaniyang kahubaran.

"Nasaan ako? Anong ginagawa ko rito?"

Hindi pamilyar kay Dane ang kuwarto kaya nagtataka siya ngayon. Paano siya nakapunta rito? At bakit siya walang saplot sa katawan? Anong nangyari? Nabahala agad si Dane. Bumaba siya mula sa kinahihigaan at bigla siyang natigilan nang bahagyang kumirot ang gitnang bahagi ng katawan niya. Hindi na iyon pinansin ni Dane dahil ang mahalaga sa kaniya ay makaalis sa lugar na ito.

Pinulot niya ang mga kasuotan niya na nasa lapag. Garalgal ang naging pagkilos niya. Matapos magbihis, hinanap niya ang kaniyang bag ngunit hindi niya iyon nakita. Ipinagsawalang bahala na lang niya iyon at dinako na ang pinto. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakahakbang nang may mapansin sa matres ng kama. Mantsa iyon—kulay pula. Hindi ignorante si Dane kaya marahil ay dugo iyon. Hindi kaya'y galing iyon sa kaniyang pagkababae?

Oh, my God!

Sa takot ni Dane, kahit masakit ang gitnang bahagi ng katawan, dinako pa rin niya ang pinto. Binuksan niya iyon at mabilis na lumabas mula sa kuwarto. Ngayon lamang nalaman ni Dane kung nasaan siya. Nandito pa rin siya sa bar. Sunod-sunod na napailing si Dane at dinako ang exit. Nang makalabas, halos liparin na ni Dane ang kinaroroonan ng kotse niya. Binuksan niya ang kotse niya ay napa-awang siya nang bumukas iyon. At mula sa passenger's seat, nakita niya roon ang bag niya at susi ng kaniyang sasakyan.

Hindi na nag-aksaya si Dane ng oras. Kaagad niyang kinuha ang susi ng kaniyang kotse at minaneho na ang sasakyan palayo sa bar. Habang nasa kahabaan ng kalsada, malalim ang iniisip ni Dane.

Ano ang nangyari kagabi? Walang maalala si Dane. Paano siya napunta sa kuwartong iyon? Sino ang nagdala sa kaniya? Bakit siya hubo't-hubad? Hindi kaya… hindi kaya'y pinagsamantalahan siya? Wala talaga siyang maaala sa mga nangyari. Maraming katanungan si Dane sa kaniyang sarili ng mga sandaling iyon. Mga katanungan na gusto niyang mahanapan ng sagot sa lalong madaling panahon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status