Share

CHAPTER 5: I Need a Bath

-=Gabby's Point of View=-

Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko nang tuluyan akong makalabas ng kuwarto ni Jayden, I don't have any doubt na tototohanin nito ang naging banta nito, hindi ko naisip masyado ang maaring maging consequences ng ginawa ko dito, I may be thrown to jail for all I know or worst baka ipapatay nito ako ng dahil kasi sa akin ay hindi ito nakaalis ng Pilipinas para makipag meeting sa business client nito kaya hindi malabong gawin nga nito ang isa sa mga iniisip ko.

Ngunit kailangan kong tatagan ang sarili ko at huwag magpatakot dito para mapanagutan nito ang ate ko, the hell I care kung siya ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo, nagkamali siya sa ate ko at ang batas naming magkapatid ang mas mahalaga.

Katulad ng mga nakaraang araw ay sinubukan kong tawagan si Ate Mel ngunit wala pa din, sinubukan ko na ding tawagan ang mga kaibigan nito ngunit maski man sila ay hindi alam kung nagpunta ito.

Labis na akong nag-aalala kung ano na bang nangyari dito, hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin na baka ganoon na lang ang pagtanggi ni Jayden sa relasyon nito sa Ate ko ay dahil sigurado itong hindi na matatagpuan pa si Ate Mel, ngunit agad ko iyong binura sa isip ko dahil pakiramdam ko ay wala itong kakahayan na saktan nito ang Ate ko o maski ako, hindi ko alam kung paano ako nakakasigurado basta nararamdaman ko lang.

Para maalis ko ang takot sa dibdib ko ay naisipan kong lumabas na muna ng bahay, sa totoo lang gustong gusto ko ang buhay sa probinsya, simple lang ang buhay, walang polusyon, walang maiingay na mga sasakyan at walang naglalakihang mga building, naalala ko pa nang dinala kami ni Mama dito noong mga bata pa lang kami, kung ako ay enjoy na enjoy sa pag-stay namin dito si Ate Mel naman ay hindi na makapaghintay na bumalik sa Maynila.

Thinking about Mama brings tears in my eyes, apat na taon na din kasing namatay si Mama ng dahil sa sakit nitong cancer pero kahit ganoon ay masakit pa din sa akin kapag naalala ko ang bagay na iyon pero mas masakit kasing makita mo ang mahal mo sa buhay na naghihirap ng dahil sa sakit nito kaya naman ng namayapa na ito ay magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko, lungkot dahil hindi ko na makikita si Mama at saya dahil alam kong tapos na ang paghihirap niya, kaya din siguro ako naging masyadong close kay Ate Mel dahil siya na lang ang pamilya ko at kung bakit ko nagawa ang bagay na ito.

A genuine smile appeared on my lips nang makita ko ang punong madalas kong puntahan kasama ng mga pinsan ko, medyo mataas na iyon kaya naman kinailangan ko pang umakyat ng puno na hindi na ganoong kadali considering na medyo kulang na ako sa practice.

"Finally." ang nangingiti kong bulong ng tuluyan ko nang maiangat ang sarili ko sa punong iyon at maingat kong inabot ang nakita kong sanga na namumutok ng mga bunga ng aratelis, I remembered liking these berries so much na naisipan ko ngang magtanim sa bahay namin kaso bago ko pa man maitanim ay naubos ko na ang bunga kaya naman walang nangyari.

Kahit madilim sa lugar na iyon ay hindi ako natakot lalo na't nagbibigay naman ng liwanag ang buwan na bilog na bilog sa kalangitan.

Halos mapuno ko ang dala kong plastic bag ng mga aratelis na nakuha ko, I may look like a loony, I mean sino ba namang matinong babae or make it sino bang matinong tao ang kukuha ng aratelis sa gabi.

Minabuti kong ilagay na muna sa fridge ang mga napitas ko para makain ko kinabukasan.

I checked my phone first for any missed calls or messages from my sister but still nothing but it didn't bother me dahil for sure tatawag din ito pero umaasa akong makatawag na ito sa malaot madali para matapos na ang sitwasyon na ito, isang linggo lang kasi ang hiniling ko sa bangko na pinagtatrabahuan ko.

"Please Ate Mel magparamdam ka na." iyon ang huling namutawi sa mga labi ko bago ako tuluyang tinalo ng antok.

Katulad ng nakaraang araw ay maaga akong nagising kinabukasan ngunit bago maghanda ng kakainin namin ng bisita ko ay minabuti ko na munang maligo, may maliit kasing paliguan sa bandang likuran ng bahay kaya doon ako dumiretso, gamit ang tubig sa balon ay madalian akong naligo para naman maihanda ko ang almusal namin, medyo panatag akong maglakad ng nakatapis lang ng tuwalya dahil sigurado akong walang tao sa lugar na ito, tagong tago kasi ang lugar na ito dahil sa kabilang bahagi nagdecide manirahan ng mga tagarito.

"Hey wench!" ang unang narinig ko ng umagang iyon which means that my visitor is already awake.

Nagdalawang isip muna ako kung tatapusin ko na muna ang pagluluto ko at pupuntahan ko ba ito agad ngunit mas nanaig ang puntahan ito para malaman kung ano ang kailangan nito.

"Anong kailangan po ninyo?" I asked and then bow down katulad ng mga nakikita ko sa mga movies.

"I need a bath." bigla akong natigilan sa narinig mula rito.

"Ka...kailangan mo ng maligo?" hindi ko mapigilang hindi magstammer, bigla kasing nagcreate ng images sa isip ko ang bagay na iyon.

"Yes, if you haven't notice yet, I'm wearing the same clothes since the day you abducted me." he said with so much sarcasm on his voice.

Well to be honest kahit ilang araw na itong hindi naliligo ay hindi halata dahil mukha pa din siyang amoy mabango pero siyempre iba pa din kung hindi ka na kumportable at isa pa sa mga nakalimutan ko hindi pa din ito nagbabanyo alam niyo na number one, pero as long na hindi pa ito kinakailangan ang bagay na iyon ay ligtas ako at baka mangyari ay kailangan kong tanggalin ang posas nito which means na papalayain ko na ito.

"Oh ano tutunganga ka na lang ba diyan o papakawalan mo ako dito para makapaligo na ako?" tanong nito still have that sarcasm in his voice.

Imbes na sagutin ito ay naisipan kong lumabas ng kuwartoi at dumiretso sa likod bahay para sumalok ng tubig at matapos nga noon ay naghanap ako ng bimpo na magagamit nito.

"Ano to?" ang naguguluhang tanong ni Jayden ng dalhin ko dito ang isang timba ng tubig at bimpo na nakuha ko sa mga nakatagong gamit nila Tita, at mabuti na lang at may mga naiwang damit ang pinsan kong si Romeo at kung tama ako ay kasukat ito ni Jayden.

"Sorry hindi kasi kita puwedeng pakawalan mahirap na kaya naman binigay ko sayo ang next best thing which is magbanyos." paliwanag ko dito.

"This won't do Andrea.... o Andrea nga ba ang pangalan mo?" seryoso nitong tanong.

"My...... for the meantime it will do." ang nasabi ko na lang dito muntik ko nang masabi ang tunay kong pangalan dito, mabuti nang hindi nito alam ang pangalan ko.

Matapos nga noon ay bumalik na ako sa kusina at pinagpatuloy ko ang pagluluto mahigit thirty minutes din siguro ang nakalipas kaya naman sigurado akong tapos na ito sa pagbabanyos kaya naman wala akong pag-aalinlangan na pumasok sa kuwarto nito ngunit natigilan ako ng makita ko ang hubad nitong katawan, tama nga ang naramdaman ko ng una kaming nagkita banat nga sa gym ang katawan nito parang wala man lang itong taba sa katawan at ang dahilan kung bakit wala itong suot na pangtaas ay dahil nahihirapan itong isuot iyon ng dahil sa posas.

Pakiramdam ko biglang uminit sa kuwartong iyon at walang kinalaman ang panahon sa nararamdaman ko.

"How should I wear this shirt in my condition." frustration is writter all over his face at isang idea ang pumasok sa akin.

Hinagis ko sa kanya ang isang posas at inutusan itong isuot iyon sa kanang kamay nito at saka ko naman tinanggal ang isa pang posas para masuot nito ng maayos ang tshirt na dinala ko dito.

"May sakit ka ba?" asik nito sa akin marahil sa biglang pamumula ng mukha ko, hindi ko na sinagot ang tanong na iyon at nilapit ko na lang ang tray na naglalaman ng pagkain nito at katulad ng hiling nito ay pinaghandaan ko siya ulit ng danggit dahil mukhang nagustuhan niya talaga ang pagkain na iyon.

"So nasan na ba ang ate mo para naman malaman na natin ang totoo?" bigla nitong tanong nang namagitan ang katahimikan habang kumakain kami ng almusal.

I decided to tell the truth since pakiramdam ko naman walang magiging masamang mangyari kung sabihin ko ang totoo.

Isang malalim na buntung hininga muna ang ginawa ko bago nagsimulang magsalita.

"She's been missing for more than a week now simula nang sabihin niya sa akin ang nangyari at kahit ang mga kaibigan niya ay hindi alam kung saan ito nagpunta." malungkot kong sinabi dito.

"So you mean to say, I'm stuck here hanggang hindi mo nakikita ang kapatid mo?" hindi makapaniwala nitong tanong.

Minabuti kong huwag na munang sagutin ang bagay na iyon well hindi ko naamn siya puwedeng idetain dito dahil kakailanganin ko din na bumalik sa Manila dahil may naghihintay sa aking trabaho.

Hindi na din ito umiimik pa pero kitang kita ko sa mukha nito na may malalim itong iniisip, kung ano iyon ay ayoko nang alamin baka nag-iisip na ito kung paano ako pagbabayarin nito.

Mabilis na lumipas ang mga oras ng mga araw na iyon hanggang dumating ang gabi at para naisipan kong ishare dito ang kinuha kong mga aratelis, at kita ko na naman sa mukha nito na hindi ito tiwala sa pinapakain ko dito.

I picked two at kinain ito sa harap nito at saka lang ito nagkalakas ng loob na kumuha ang base sa sunod sunod nitong kuha ay masasabi kong nahuli na naman ng simple kong panglasa ang gusto nito.

I retired that night with a smile on my face dahil kahit paano ay naeenjoy ko ang company ni Jayden which should not be the case dahil may kasalanan ito sa Ate ko, dapat kaaway ang tingin ko dito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status