LOGINSOLARA’S POV:Kinabukasan ay nagising ako mula sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko. Paulit-ulit, tila ba nagmamadaling ito na abutin ko kahit nasa gitna pa ako ng pahinga. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko nang abutin ko iyon sa bedside table atsaka sinagot nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.“Señorita… ayaw po umalis ng lalaki sa gate.” maingat na saad ng isa sa mga security team namin.Para akong biglang natauhan.Napabangon ako agad, hindi alintana ang bahagyang pagkahilo, saka mabilis na lumapit sa bintana. Bahagya kong inusog ang kurtina para sumilip at doon ko siya nakita.Nakatayo sa labas ng gate si Draven.Hawak niya ang bakal na gate, tila ba iyon na lang ang natitirang koneksyon niya papunta sa loob. Papunta sa anak niya. Medyo magulo ang buhok, hindi na maayos ang pananamit, at ang tindig niyang dati ay puno ng awtoridad… ngayon ay tila ba naging mahina ito.Parang isang lalaking naubusan ng lakas.Tila ito pinagsakluban ng langit at lupa.Hind
SOLARA’S POV:Napangisi ako. “Lasing ka na,” natatawa kong saad. “Yan ang napapala ng mang-aagaw ng drinks.”Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Namumungay ang mata. Namumula ang pisngi at tenga.Pero matalim pa rin ang tingin sa akin.“You think this is funny?” paos niyang tanong sa akin. Parang groggy na itong magsalita.Tumaas ang kilay ko. “A little.”Bahagya siyang natawa ngunit walang laman.“Unbelievable,” bulong niya sa sarili. Kahit na naiinis ako sa kanya ay hindi ko pa rin ito magawang iwanan dito at hayaang pagpyestahan ng mga kababaihan. I care for him…Really Solara?Napapailing ako habang humihingi ng tulong sa mga tauhan niya. Hindi ko na kaya ang bigat ni Draven, literal at emosyonal. Agad namang lumapit ang mga ito, halatang sanay na sa ganitong sitwasyon.“Ma’am, kami na po ang bahala kay sir Draven.” magalang nilang saad.“Careful,” paalala ko, kahit halatang sila ang mas may alam sa pag-aalaga sa amo nilang lasing.Magkatuwang namin siyang inalalayan hanggang
SOLARA'S POV:Naisipan naming mag-bonfire nang gabing ‘yon.Tahimik ang paligid, maging ang alon ay marahang humahalik sa dalampasigan habang ang apoy sa harap namin ay sumasayaw sa hangin. Nagsisilbing liwanag at init sa pagitan naming dalawa. Nakaupo kami sa buhanginan at magkatabi pero tila may sariling mundo.Sa mga ganitong sandali, dapat payapa.Pero hindi.Dahil nang tumayo si Draven ay agad kong napansin ang pagbabago sa kanya.Nanigas ang ekspresyon niya. Na parang may nakita siyang hindi niya inaasahan o mas tamang sabihing ayaw niyang makita.Napatigil ako, napakunot ang noo. “What’s wrong?” tanong ko.Ngunit hindi siya sumagot.Nakatitig lang siya sa di kalayuan na para bang may malalim na iniisip. Nang maalala niya ito ay tila ba muling nabuhay ang matagal na niyang kinikimkim na inis.Dahan-dahan akong napalingon sa direksyon na tinititigan niya.Isang bangka ang kararating pa lamang.At mula roon ay bumaba ang isang babae.Kumpiyansa ang bawat hakbang. Diretso ang tindi
SOLARA’S POV: “Kuhanan mo kami ng litrato,” utos niya sa isa niyang tauhan, kalmado pero may awtoridad ang boses.“Copy, sir,” mabilis na tugon nito saka tinanggap ang cellphone na iniabot ni Draven.Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.Bigla akong hinila ni Draexis sa kamay, sabay hatak din sa kamay ng ama niya. Sa isang iglap ay napagitnaan ako ng dalawa. Tila ba para kaming isang pamilyang masaya at buo. Pero ang totoo ay hindi.“Ready… one, two, three!”Ilang beses kaming kinuhanan ng litrato. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa camera ba, sa anak ko, o sa lalaking katabi ko na tila ba ang dali-daling gampanan ang papel na dapat lang niyang tuparin. Dahil dugo’t laman niya ito.Matapos iyon ay ibinalik ng tauhan ang cellphone kay Draven.“Dad, let me see!” excited na saad ni Draexis na halos tumalon sa tuwa.Hindi man lang nagdalawang-isip si Draven at agad itong iniabot sa kanya. “Go ahead and check our family picture.”Family.Ngunit alam kong malabo na matupad ito.
SOLARA'S POV:“Stop pestering me,” malamig kong sagot, pilit pinipigilan ang masigawan siya.Hindi ko siya bibigyan ng kasiyahan na makita akong naiinis sa kanya.Umupo siya sa tabi ko sa may buhanginan ng tahimik lang, na para bang hindi niya ako ginulat sa pagdating niya.“Pestering?” bahagya siyang natawa, walang laman. “Do I really look like a pest to you?”Bago pa ako makasagot ay naramdaman ko ang braso niya sa baywang ko. Hinila niya ako palapit sa kanya.Napahawak ako sa matipunong dibdib niya para lang hindi kami magkadikit ng sobra.“Ah oo nga pala,” sarkastiko kong sagot. “Hindi ka peste… mas bagay sa’yo ang halimaw.”“The hell?” bulalas niya, tumingin sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.Tila ba napigtas ko na ang kakaunting pasensya na mayro'n ito. Kaya bigla niya akong hinila at sa isang iglap ay nasa kandungan na niya ako.Nanlaki ang mata ko. “What are you doing?!”Napatingin ako sa paligid. Tama nga ako, pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.“Pwede
Chapter 32:SOLARA’S POV:“Let’s have breakfast here in our room. I’ve already ordered something for us to eat.” saad nito.Nagtatakang tumingin ako sa kanya.Tila nabasa nito ang nasa isipan ko.“What? I know we’re tired from the trip, so let’s just eat here in the room first, then head straight to rest.” paliwanag nito.Himala at concerned ito. Anong nakain niya?Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Dahil sa totoo lang, hindi ko kabisado kung kailan siya nagiging totoo at kung kailan siya naglalaro lang.Tahimik akong umupo sa katapat na bahagi ng lamesa habang katabi ko si Draexis. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya na kumakain, parang walang kahit anong bigat na dala sa mundo. Samantalang ako ay ang dami nang tumatakbo sa isipan ko.“So, what’s your plan later after this?” tanong niya, casual lang habang kumakagat ng pizza.Napairap ako nang bahagya bago sumagot. “Maliligo malamang. Ano bang dahilan kung bakit tayo pumunta ng Siargao?” sarkastikong saad ko.Tumango siya, pero
SOLARA'S POV:“Mommy…” mahinang tawag ng anak ko sa akin.Habang inaayos ko ang pulang mga rosas sa flower vase na nasa mesa sa gilid ng hospital bed ni Dad.Sumasayaw ang liwanag ng umaga sa loob ng VIP hospital room na nanggaling sa bintana. Hindi ito mukhang karaniwang kwarto ng ospital. May mah
SOLARA’S POV:“Anong dapat nating pag-usapan?” naiinip kong tanong habang nakapamaywang. “Sabihin mo na lahat ngayon dahil nagmamadali ako. May lakad pa ako.”Nakasandal si Draven sa gilid ng kanyang malawak na office table, tahimik akong pinagmamasdan na para bang sinusukat ang bawat galaw ko. Ang
SOLARA'S POV:“Tayo lang dalawa dito sa office mo?” nagtatakang tanong ko habang nililibot ang tingin sa buong paligid.Ang opisina ay malaki at moderno. Pininturahan ng itim at abo, tama para sa isang katulad niyang walang kinatatakutan at malamig na personality. May malalaking bintana na tanaw an
DRAVEN’S POV:“Daddy!”Isang masiglang tinig ng batang lalaki ang biglang tumawag sa akin. Bago pa ako tuluyang makapag-react ay naramdaman ko na ang maliliit nitong braso na mabilis na yumakap sa aking baywang.Napakunot ang noo ko. Hindi ko kilala ang batang ito.Dahan-dahan ko siyang inalis sa p







