Home / Romance / Mommy Hates My Daddy CEO / CHAPTER 98—Problemang Halik

Share

CHAPTER 98—Problemang Halik

Author: sweetjelly
last update publish date: 2026-09-02 00:02:01

ZYLA SANDRA SARCOVA

Buong gabi akong dilat.

Hindi na kasi ako makatulog matapos kong marinig ang bulungan nina Ma’am Diana at Zailyn. At si Zadrick, talagang wala siyang pakialam.

Ang himbing ng tulog niya. Humihilik pa siya.

Ang aga rin niyang bumangon. Ramdam kong tumayo siya, pero nagtulog-tulugan ako.

Pero alerto akong nakikiramdam sa bawat kilos niya.

Mula nang pumasok siya sa banyo hanggang sa bumalik siya sa silid. Lahat ng galaw niya ay pinakiramdaman ko.

Maging ang amoy niya, nasinghot
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Nan
Nako!nagagalit na si ma'am Diana ,bakit kasi hinalikan ni Zadrick sa harap pa talaga sa lahat ,at sa lapag ng kainan pa
goodnovel comment avatar
Nikki Angela G Escol
Damihan mo naman po yung update...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 131—Another Success

    ZYLA SANDRA SARCOVANagising akong mag-isa sa kwarto namin ni Zadrick na may nakabit na suero sa kamay.Napahawak ako sa noo ko nang maalala ko ang muntikan kong pagkahulog at talagang nawalan pa ng malay dahil sa takot ko kay Ma’am Diana.“Ano ba ang nangyayari sa akin?”Maaaring upset lang si Ma’am Diana sa akin, pero hindi siya masamang tao na gagawa sa akin ng masama.Maski ako, nagugulat sa sarili ko.Hindi naman ako ganito noon. Nagsimula nga kaming maayos ang relasyon sa isa’t isa.Oo, madalas akong kabado kapag nakakaharap siya noon dahil nga kay Zailyn, pero hindi ako ganito katakot na umabot sa puntong mawalan ako ng malay.Feeling ko may mali sa utak ko. Hindi ko makontrol ang sarili kong matakot sa kanya.Napalingon ako sa pinto nang may narinig akong mga boses.Parang boses nina Ma’am Diana, Sir Mavrick, at Zadrick… pero may iba pa.Babaeng hindi ko kilala ang boses.Ayon, nagtambol na naman ang puso ko.Kasi kahit ilang araw pa lang akong nag-stay dito sa mansyon, kilala

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 130—Nanlalabong Paningin

    ZYLA SANDRA SARCOVADahil okay na naman si Zadrick, hindi na sumakit ang ulo niya at na-discharge na agad siya.Pero hindi pa rin siya nagre-report sa headquarters dahil hindi pa masyadong magaling ang braso niya.Kahit nandito lang siya sa bahay, nagtatrabaho pa rin naman siya.Ngayon nga ay nasa study siya dahil may virtual meeting.“Mommy…”Napalingon ako kay Zailyn. Kanina pa siya nangungulit.Paulit-ulit niyang tinatanong kung anong oras matatapos ang meeting ng daddy niya.Paulit-ulit din ang sagot ko.“Hindi ko alam, baby. Depende kung ano ang pinagme-meetingan nila.”Humalukipkip si Zailyn. Tumulis ang nguso at umupo sa tabi ko, na parang ginagawa ko naman ang gusto niyang abalahin.Sumilip siya sa sketch ko. Sumulyap din ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya.“Is Mommy’s drawing pretty?”Tumango-tango siya at ngumiti nang hindi inaalis ang mga mata sa sketch ko.Dahil hindi nga natuloy ang pag-alis namin, dito ko na lang ginagawa ang mga design ko para sa next collection.V

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 129—Mission Accomplished

    ZYLA SANDRA SARCOVA“Zadrick…”Sinubukan kong pukawin si Zadrick, pero hindi na siya gumalaw.Napalingon naman ako sa doktor. Parang maiiyak na naman ako.“What’s happening? Why isn’t he moving?”“Don’t worry. He’s fine,” sagot ng doktor. “We gave him a pain reliever to help him sleep.”Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kasi kung ano na ang nangyayari sa kanya.Maya-maya ay nagpaalam na ang doktor at ang mga nurse.Naiwan kaming tatlo sa loob ng kuwarto.Nakatitig lang kami ni Zailyn sa daddy niya.“Halika, baby…” Giniya ko si Zailyn sa tabi ng kama ni Zadrick at umupo kami sa upuan na katabi nito.Ni minsan ay hindi namin inalis ang tingin kay Zadrick. Binabantayan ko ang paghinga niya kung maayos ba at hindi ba siya nahihirapan.Napatingin lang ako kay Zailyn nang humikab siya.“Are you sleepy, sweetheart?”“Yes, Mommy…” Kinarga ko siya sa couch at inihiga ko siya roon.“Matulog ka na, baby… Ako na muna ang magbabantay sa daddy mo.”Hinaplos-haplos ko ang dibdib niya hanggang sa t

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 128 — We’re Not Leaving

    ZYLA SANDRA SARCOVA“Zy—”“Daddy!”Hindi na natapos ni Zadrick ang sasabihin nang biglang bumukas ang p***o at umalingawngaw ang maliit na boses ni Zailyn.Patakbo siyang lumapit sa hospital bed ni Zadrick.“Daddy!”Kaagad ko siyang sinalubong at kinarga. Ipinaupo ko siya sa tabi ng daddy niya.“What happened, Daddy?” Tumingala siya sa noo ni Daddy niya. Maluha-luha ang mga mata. “Does your forehead hurt?”Humawak din siya sa braso ni Zadrick at marahang hinaplos iyon habang nakatingin pa rin sa mukha ng daddy niya.Hinaplos naman ni Zadrick ang pisngi ni Zailyn.“It hurt earlier, but now that you and Mommy are here, it doesn't hurt anymore.”“Really?”Pumatak ang isang butil ng luha sa pisngi niya na kaagad kong pinahid.Napatingin naman siya sa akin.“Mommy…”Mga mata niya, parang may biglang naalala.“Yes, baby…”“Are you and Daddy okay now?”Ngumiti si Zadrick at agad niya akong hinapit sa baywang.“Yes. Mommy and I are okay now.”Bago pa ako makapagsalita, mabilis niya akong hinal

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 127—Nakakahilong Rebelasyon

    ZYLA SANDRA SARCOVAGusto ko nang sumubsob sa dibdib niya, pero hindi naman ako makagalaw.Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Nakatitig lang ako sa kaniya habang paulit-ulit na pinupunasan ang luha kong ayaw tumigil sa pagpatak.Naawa ako sa hitsura niya, eh. Bukod sa sugat niya sa noo at sa pinsala sa braso, may mga maliliit na sugat at pasa pa sa mukha niya.Nang maglakas-loob akong humakbang, bigla namang dumating sina Alex at Milo.“Boss Zadrick, kumusta po?” kaagad na tanong ni Milo habang sinusuri nito ang mga sugat niya.Habang si Alex naman ay lumapit sa akin at ginabayan ako palapit kay Zadrick, na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.“Heto, buhay pa… pero ang sakit—”Kaagad kong hinawakan ang kamay niya.“Ano ang masakit? Saan ang masakit?” Kung saan-saan na dumako ang kamay ko.Hinawakan naman niya ang kamay ko habang seryoso pa rin ang tingin niya sa akin.Then dahan-dahan niyang inilapat ang palad ko sa tapat ng dibdib niya.“This hurts.”Napakunot ang noo ko.“I have

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 126 — The Accident

    ZYLA SANDRA SARCOVA“Coming?”Bago ko pa matapos ang tanong ko, biglang tumunog ang smartwatch ni Zailyn.Kaagad na nawala ang ngiti sa labi niya. Napalitan iyon ng balisang ekspresyon habang nakatingin pa rin sa smartwatch niya. Bahagya pa siyang napakunot ng noo bago tumingin sa akin, saka kina Ma’am Diana at Sir Mavrick.“Daddy is in trouble.”Kaagad na napatingin sa kaniya sina Ma’am Diana at Sir Mavrick. Napatayo na rin sila.“What happened, Apo?” tanong ni Ma’am Diana.“I don’t know. The call got disconnected. I heard a loud crash before it ended.”Kaagad na inilabas ni Sir Mavrick ang phone niya.Paulit-ulit niyang tinawagan si Zadrick, pero walang sumasagot. Ilang segundo siyang naghintay sa bawat tawag bago muling pindutin ang call button.Habang nakatingin ako sa kaniya, parang biglang sumikip ang dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko na makontrol. Parang hindi ko na mahabol.Anong nangyayari?Napaano si Zadrick?Hindi ko na alam kung sino ang titingnan. Si Zaily

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status