LOGINGoodnighty...
ZAILYNHindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang unang magsasalita.Nagtitigan lang sila, eh. At ako, parang natuyo ang lalamunan.Hindi naman sila mukhang magrarambulan…Pero…Awkward.Nakatayo si Khieran sa harap namin, hawak ang bouquet ng mga bulaklak. Samantalang si Nicolo naman ay nasa tabi ko, tahimik na nakatingin sa kaniya.Gusto ko na nga lang silang iwanan. Bahala silang magtitigan.Then, biglang ngumiti si Khieran.“Good morning, Zailyn.”Inilipat niya sa akin ang tingin at iniabot ang hawak na bouquet.“These are for you.”Saglit kong tiningnan ang mga white tulips bago ko iyon tinanggap.“Thank you, Khieran. They're beautiful.”“I'm glad you like them.”Ngumiti siya, pero napansin kong saglit na bumalik ang tingin niya kay Nicolo.Bago pa ako makapagsalita ulit, narinig ko ang pagbukas ng p***o ng sasakyan.“Let's go, Zai.”Napalingon ako kay Nicolo.Nakabukas na ang passenger door ng kotse niya. Mukhang gusto na niya akong ilayo kay Khieran.“I'll see you at the lab
ZAILYNMuntik nang magdikit ang mga labi namin.Pero sa huling sandali, may naalala ako.Hindi pa kami.Hindi pa nga niya ako girlfriend, at heto ako, hinahayaan siyang halikan ako.Pinihit ko ang ulo ko kaya sa pisngi ko tumama ang halik niya. Agad akong bumangon.“Matutulog na ako,” mabilis kong sabi bago tuluyang tumalikod.Hindi na ako lumingon habang nagmamadaling pumasok sa kuwarto. Muntik pa akong mapasubsob sa pagmamadali.Hindi sumagot si Nicolo, pero narinig ko ang mahina niyang tawa.Parang tuwang-tuwa pa siya sa naging reaksiyon ko!“Oh, God, Zailyn! Ano na naman ‘yon…”Napahawak ako sa dibdib ko pagkapasok sa kuwarto. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso ko. Isang halik lang naman sa pisngi, pero parang kung ano na ang nangyari sa akin.Pabagsak akong humiga sa kama. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumitig sa mga butiki sa kisame.“Matulog ka na, Zailyn, kung ayaw mong magmukhang zombie bukas.”Pero…Mangkukulam yata 'yon si Nicolo. Kasi mukh
ZAILYN“Monette?”Napakapa ako sa dibdib ko…“Ikaw lang pala! Akala ko kung sinong sira-ulo na ang nakapasok sa unit ko—”Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong hindi pala siya nag-iisa.Nasa loob din si Nicolo.Nakatayo ito malapit sa sofa, seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o nag-aalala. O baka pareho.Napatingin ako kay Monette, saka muling bumaling kay Nicolo.“Ano ang ginagawa n’yo rito?”Hindi na ako nagtaka kung paano sila nakapasok dahil alam ni Monette ang PIN ng unit ko.“Because I've been trying to reach you for hours,” sagot ni Nicolo bago pa makapagsalita si Monette.Bahagyang umawang ang labi ko. Bakit ba siya sobrang bothered? Alam naman niya kung saan ako nagtatrabaho. At saka, hindi nga niya ako sinundo, tapos ngayon, galit siya?Gusto kong isagot sa kaniya iyon, pero pinandidilatan ako ni Monette. Parang pinagbabawalan niya akong sumagot muna.“Kanina pa kita tinatawagan, Zailyn. You weren't answering. Pumunta ako sa laboratoryo, p
ZAILYNIlang beses kong sinubukang ibalik ang atensiyon ko sa ginagawa ko, pero hindi ko maiwasang mapatingin sa pintuan ng office ni Prof. Tobias.Nandoon pa rin si Uncle Rover.Pagdating namin sa laboratoryo kanina, halatang nagulat si Prof. Tobias nang makita siya. Hindi raw kasi ito nagpaalam na bibisita. Pero sinabi ni Uncle Rover sa akin na may usapan sila.Hindi ko alam kung tungkol pa ba talaga sa research ang pinag-uusapan nila.Ayokong mag-isip ng kung ano-ano tungkol kay Uncle Rover, pero may kung anong bumabagabag sa akin.Magkakilala sila ni Nicolo. Iyon ang sigurado.Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang may kung anong hindi sinasabi sa akin.“Zailyn.”Napalingon ako kay Khieran.Nakatayo siya sa tabi ng worktable, nakatingin sa mga dokumentong hawak ko. Bahagyang nakakunot ang noo niya.“Are you even looking at the results?” tanong niya.Napatingin ako sa papel. “I am.”“Then why are your calculations all over the place? You’ve been staring at the same fig
ZAILYN Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyang makilala ang may-ari ng kotse. “Uncle Rover?” Bahagya siyang ngumiti sa akin bago ibinalik ang tingin kay Clark. Samantala, mabilis na tumayo si Clark at itinuro ako. “Sir, siya ang may kasalanan! Tinulak niya ako, kaya nasira ang kotse mo!” Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Uncle Rover. Sa halip na ako ang harapin, si Clark ang pinakatitigan niya. “Hindi tayo magtuturuan dito. Alamin muna natin kung ano talaga ang nangyari.” Napatingin siya sa paligid, para bang may hinahanap. Nang mapansin niya ang CCTV camera sa gilid ng establisimyento, itinuro niya iyon. “May CCTV roon. At may dashcam din ang sasakyan ko.” Pagkatapos ay inilabas niya ang cellphone niya. “Let's settle this properly. Tatawag tayo ng pulis para malinaw ang lahat.” Biglang namutla si Clark. Halata rin ang pamumuo ng pawis sa noo niya. “Sir, hindi naman po kailangang umabot sa gano'n. Kung hindi niya ako itinulak, hindi naman masisira ang kotse ninyo.” Na
ZAILYNNapatingin ako kay Nicolo nang ihinto niya ang kotse sa tapat ng apartment ko."Good night. Drive safely."Sa halip na sumagot, agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng p***o."Thank you...""You're welcome."Ngumiti siya, pero hindi pa rin umaalis sa harap ko.Bahagyang umangat ang mga kilay ko. Naisip kong baka may sasabihin pa siya. Pero wala. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin."May sasabihin ka?"Tumikhim siya at napakamot sa batok."Good night, Zailyn."Akala ko may ibubulong siya, pero mabilis niyang idinikit ang labi sa pisngi ko."Sweet dreams, Zai."Bago pa ako makapagreklamo, nakabalik na siya sa driver's seat."Nicolo!"Tumawa lang siya at kumaway sa akin bago paandarin ang kotse.Napahawak na lang ako sa pisngi ko habang pinapanood ang kotse niyang papalayo.Grabe talaga ang lalaking iyon! Namimihasa na.Pumasok ako sa unit, nagbihis at humiga na. Pero kahit anong gawin ko, ayaw pumikit ng mga mata ko.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang ginawa niya.







