ANMELDENCHAPTER 2
Sa halip na reply-an ay in-off ni Dashi ang cellphone at tumulala sa labas. Nalubog ang pamilya niya sa utang kay Gaston nang ma-ospital ang tatay niya. Dahil walang pambayad at kailangan niya ng pera para sa dialysis ay pumayag siya sa inuutos nito. May ipinapahanap sa kanya sa bahay ni Vioxx Almeradez. Dokumento o kahit anong impormasyon tungkol sa Chimera.
Espesyal na droga raw iyon na nagkakahalaga ng milyones ang isang gramo.
Gulat pa si Dashi dahil kilalang kagalang-galang ang pamilyang Almeradez. Ngunit, naisip niya rin na baka si Vioxx lang ang may kinalaman sa illegal na mga gawain. Hindi nakakagulat kung ganon nga dahil ‘rebelde’ raw ito ng pamilyang Almeradez.
“Nandito na tayo, Miss Coralde.”
“Dashi na lang, Kuya. Salamat—wow!” Nganga siya nang makita ang high-end condominium sa harapan. “Baka ikaltas ito ni Boss V sa sahod ko. Wala ng matitira sa akin.”
“Hindi nangangaltas si Sir. Kapag may ginawang mali, tanggal agad.”
“Kakatakot talaga siya,” komento niya.
“Ganon talaga si Sir. Pero mabait naman ‘yon.”
“Si Shaun po, nasaan ang nanay niya?” pakiki-tsismis niya habang nasa loob ng elevator.
“Walang nakakaalam sa bahay kung sino. Basta no’ng inilipat ako nina Sir Nexus kay Sir Vioxx ay may anak na siya. Bakit mo pala naitanong?”
“Nagtataka lang ako sa ugali niya, Manong. Kasi kung may nanay iyon na magdidisiplina, malamang hindi ganon ugali no’n.”
“Sa totoo lang, kahit abot-langit ang pilyo ng batang iyon, ay nakakaawa rin. Masyado kasing abala si Sir Vioxx sa trabaho. Sa tingin ko nga, hindi alam ni Sir Vioxx kung pano ang tamang pag-disiplina. Syempre, hindi naman namin maturuan kasi empleyado lang naman kami.”
Tama nga na may halong lungkot ang mata ni Shaun nang palabasin ito ni Vioxx kanina.
Alam niya dahil may subject siya tungkol sa Children’s Behavior no’ng college siya. Pati na rin noong internship niya sa elementary school.
“Ipinapaabot pala ni Sir. Iyan daw muna ang allowance mo.”
“Nagbibiro lang naman ako,” nangingiwi niyang sabi sabay kuha ng atm card sa kamay ni The Rock.
“Basta. Pumunta ka na lang sa mansyon sa sinabing eskedyul ni Sir. Huwag kang ma-late. Ayaw na ayaw ni Sir ng ganon.”
“Areglado!” Nag-salute pa siya kaya natatawa nang lumabas ng pinto.
Nang sumarado ang pinto ay takbo siya sa sofa at parang batang nagtatalon doon. “Ang lambot! Ang sosyal!”
Walang-wala ang condo unit niya ngayon sa bahay nila sa probinsya. Kalawangin na ang bubong kaya kapag umuulan ay parang may waterfalls din sa loob.
Nawala ang ngiti niya. Biglang nakonsensya…ang ganda ng bahay niya ngayon pero ang Tatay niya ay ang pangit ng tirahan. Mas lalo siyang nakonsensya nang mapagmasdan ang hawak na atm card.
Ibinibigay sa kanya ng amo ang mga bagay na kailanman ay hindi pa niya naranasan. Tapos ang ipapalit niya ay ang traydurin ito.
Itinago na lang ni Dashi ang atm card. Hindi na niya dadagdagan ang kasalan niya.
Kaya kinabukasan, pagkatapos dalawang oras na pagre-review ay naglakad-lakad siya sa labas para maghanap ng part-time jobs. Nasa BGC ang condominuim building kaya apapalibutan ng mga naglalakihang kompanya, malls at kung anu-ano pa.
Una niyang pinuntahan ang pinakamalapit na hotel. Nabasa niya kanina sa internet na hiring doon ng dishwasher. Dire-diretso siya sa reception area para magtanong kung saan magsusubmit ng resume. Nagtatakang pinagmasdan siya ng receptionist bago namimilog ang mata.
“Hello po, Miss Dannie. I’ll immediately send someone to double-clean your usual room. Apologies for not recognizing you.” Parang mababali ang likod nito nang nag-bow.
“Hindi ako si Dannie, Miss.”
“Hala! Sorry po. Kamukha niyo kasi siya. Akala ko hindi lang siya nakapag-ayos.” Tinitigan ulit siya nito ng halos isang minuto bago binawi ang sinabi. “May pagkakaiba naman po pala kapag tinitigan ng matagal.”
Lihim siyang napangiwi.
Kilala niya si Dannie o Daniela dahil kapatid niya sa ina. Nanay niya na hindi na siya binalikan! Madalas din si Dannie sa Hacienda Constancia kaya kahit hindi sila magkasamang lumaki ay kilala niya. Maldita!
Mayaman kasi ang pamilya ng Mommy niya no’n. Dahil ang kanyang ama ay walang maipagmamalaki, ay hindi siya tanggap ng pamilya.
“Saan pwedeng magpasa ng resume? Apply sana ako ng trabaho.”
“Sa HR, Miss. Akyat ka lang sa third floor. Paiwan na lang ng ID.”
Ibinigay niya naman at pumirma ng ilang papel. Ang higpit talaga ng seguridad! Bigla siyang napatakip sa mukha gamit ang folder na hawak nang bumukas ang elevator. Lumabas roon si ‘Vioxx’ kaya mas lalo siyang nagtago.
Dahil nakatakip sa mukha ay hindi niya namalayan na nagsara na pala ulit ang elevator. Akala niya ay nakaalis na ang lalaki kaya bigla na lang siyang napasigaw nang mukha nito ang nabungaran niya nang sumilip siya.
“Boss hehe!” Lagot na talaga!
“Why are you hiding?” amuse na tanong nito.
“Hindi po. May binabasa lang ako.” Teka, bakit may emosyon ito ngayon? Saka amusement ba ang nakikita niya sa mga mata nito. Saka parang badboy ang dating. Hindi straight, righteous, and domineering in a black suit CEO. Isa pa, parang hawig lang si Vioxx at—
“I’m Asher,” tawa nito at inilahad ang palad sa kanya. “You are?”
“Hala! Ikaw po iyong kambal ni Boss V?” Naririnig niya na ang pangalan nito noon pa ngunit iyon ang unang beses na nakita niya ng personal.
“Walang iba.”
“Dashi po.” Malaki ang ngiting tinanggap niya ang kamay nito.
“Ash,” tawag ng baritonong boses sa likuran niya.
Wala na siyang takas kaya kita ang gilagid na nginitian niya na lang si Vioxx. Tiningnan lang siya ng walang emosyon nitong mga mata. Nang tumabi ito kay Sir Asher ay bumalik ang pagkamangha niya.
Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Medyo magkahawig talaga pero hindi magkamukha katulad ng mga identical twins. Mas tumatagal ang mata niya kay Asher dahil hindi ‘patay’ ang kulay nito. Parang mas nag-eenjoy sa buhay. Hindi katulad ni Boss V na parang palaging galit sa mundo.
“What are you still doing here?!” Salubong ang kilay ni Vioxx.
“I think she’s applying.”
Itinago niya sa likuran ang mga requirements na tiningnan ni Asher. “Hindi po. Naligaw lang.”
“Hindi ba’t binigyan kita ng allowance? Sobra pa iyon,” sita ni Vioxx.
“Nagbibiro lang naman po kasi ako.” Wala siyang nagawa kundi umamin. “Hindi naman sa akin iyon kaya kailangan ko ng trabaho.”
“Find a job somewhere else. Not here!”
“We have vacant,” si Asher.
“Wala tayong bakante!.”
Ngumisi si Asher. “Ako ang humahawak ngayon ng hotel na ito. I know there’s a vacant at restaurants. No, at Admin—”
“Hindi siya magtatrabaho rito! All her attention should be on my son!”
“MWF lang naman po ako as tutor niya,” singit niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Vioxx.
“See? You can go back to tower now, Brother. Ako na ang bahala kay Dashi.” Hinawakan siya ni Asher sa braso para igiya subalit agad iyon nawala nang marahas na inalis ni Vioxx.
“You want something, Brother?” parang nang-aasar pa.
“Stay the f uck out!” gigil naman si Vioxx. Tumaas ang sulok ng labi ni Asher at muling hinawakan siya. Literal na itinulak ito ni Sir Vioxx ang kakambal nito. Akmang gaganti si Asher nang may striktong boses ang nagpatigil sa dalawa.
“Boys!”
Hindi man lang gumalaw si Vioxx—nanatiling masama ang tingin sa kapatid.
“You two are adults for brawling, for Pete’s sake!” striktong wika ng ama ng mga ito na si Nexus Almeradez.
“I’m cool, Dad. Don’t know the problem of my twin.”
“Shut it, Asher!” Kapagkuwan ay tumingin sa kanya si Nexus. Para siyang nanliliit dahil hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang kinikilala kung sino siya.
“H-Hello po, Sir Nix.” Yumuko siya. Ang laki ng pasasalamat niya sa ‘Foundation’ nito dahil iyon ang sumagot sa lahat ng gastusin nang ma-comatose siya.
“You’re Danica Shane Coralde.”
“O-Opo. Ako po iyong pasyente na na-comatose three years ago.”
“Naalala kita.”
“Maraming salamat po, Sir. Sobra-sobra pong tulong iyon.”
“Galing iyon sa Almeradez’ Foundation, hindi sa akin.”
Gusto niya sanang sabihin na pera pa rin nito kaya lang ay binalingan nito ng tingin si Vioxx.
“Vioxx,” Sir Nix’s voice was low and stricter. “Hindi ba’t sinabi kong lumayo ka? Na huwag kang lalampas sa linya?”
“Hindi ko nakakalimutan,” malamig na sagot ni Vioxx. Sinulyapan siya at saka umalis.
Wala sa loob na nasapo niya ang dibd ib. Bakit parang nasaktan siya sa sakit na dumaan sa mata nito?
CHAPTER 95 GALIT din sa kanya si Shaun. Malamang!, galit talaga ito dahil ipinahamak niya. Minahal siya nito at itinuring na ina pero pangta-traydor lang ang isinukli niya. Inasahan naman na ni Dashi na hindi na siya papansin ni Shaun pero, ang sakit pala na maranasan. Mabilis siyang tumalikod nang makitang papalabas si Vioxx sa classroom ni Sir Levi. Pasimple siyang nagpunas ng luha nang may kumublit sa kanya. Lumundag ang puso niya sa pag-aakalang si Vioxx. Ngunit, hindi pala bagkus ay batang babae na maganda. “Hi, are you in my class?” “Opo. My name is Celine Cristo,” malakas ang boses na pakilala nito na may kasama pang pagkumpas ng kamay. “What’s your name po, Teacher?” Malambing na ngumiti siya. Ito ang first honor noong nakaraang academic year sa buong Grade 2. “Hi, Celine. I’m Teacher Dashi, nice too meet you. Pasok na tayo sa loob?” “Okay po,” tango nito at saka humawak sa kanya kamay. Bago pa sila makapa
CHAPTER 94 “PASOK NA, MA!” pilit ng anak nitong lalaki sa Ginang na nagmamatigas sa may pinto ng sasakyan. “Mag-isip isip ka, Danica Shane! Dapat lumaki ka ng hindi hikahos kung hindi lang dahil riyan kay Argo. Napakamakasarili. Hindi man lang inisip na hindi mo gusto na lumaking isang kahig, isang tuka. At talagang inatang pa sa ‘yo ang lahat ng responsibilidad na iahon siya sa hirap.” Isinara na ni Danica Shane ang gate para hindi na makapasok ang mga ito. Paglingon niya sa likuran ay natulos sa kinatatayuan ang dalawang matanda. “Tara na po sa loob,” yaya niya sa mga ito. Si Tiya Rudy na hindi makatingin sa kanya ay kumilos para pumasok. Pero ang tatay niya ay nanatiling nakatayo roon at yukong-yuko. Hinawakan ito ni Dashi sa braso at sinilip. Nabaghan siya ng husto ng makitang nangingig ang mga labi nito at nanunubig ang luha sa mga mata. “Tatay, huwag ka ng umiyak. Wala naman po akong pakialam sa mga pinagsasabi ni Tita Merlyn.”
CHAPTER 93 “Itikom mo ang bibig mong iyan!” Nandidilat ang mata ni Tiya Rudy sabay lingon sa bahay para tingnan kung narinig niya ba. Hindi siya nito nakita dahil nakasilip sila ni Ate Nita sa may kusina. “Totoo naman!” “Umalis na kayo. Alis!” “Hindi kami aalis hangga’t hindi pumayag si Danica Shane na hanapan niya ng trabaho sa abroad ang anak ko.” “Ngek!” bulalas ni Ate Nita sa tabi niya habang napairap naman siya ng matindi. “Ayun! Kaya pala nagkakandarapa ka pumunta rito kahit sobrang aga pa, dahil hihingi ka ng pabor. Ang kapal naman ng mukha mo yata, Merlyn!” “Anong masama sa sinabi ni Mama?” sabat ng lalaking mukhang trentahin na pero bonjing pa rin. “Pamilya naman tayo. Ang damot naman yata ni Danica Shane kung hindi niya ako hahanapan ng trabaho sa London.” “Magsilayas kayo kung ayaw niyo talagang—” “Hindi kami aalis dito!” malakas na sabi ni Tita Merlyn at sinubukang i
CHAPTER 92 May malakas na bumusina sa highway kaya natauhan si Danica Shane sa sandaling pagkakatulala sa kinatatayuan. Nagmamadaling lumabas siya compound ng NICC Hospital. May nag-alok agad ng tricycle pero tumanggi siya at dumiretso agad sa sidewalk ng highway. Hindi pa man siya nakakalayo, napansin na ni Dashi ang kulay itim na kotse na lumabas sa malaking gate ng NICC hospital. Dahil nakababa ng bahagya ang bintana niyon ay kita niya na si Vioxx ang nagmamaneho. Nakasuot man ito ng sunglasses ay ramdam ni Danica Shane na nakita siya nito lalo pa’t parang pagong sa bagal ang takbo dahil maraming naglalakihang sasakyan sa highway. Nag-iwas na siya ng tingin at tuloy-tuloy na naglakad nang nakalampas iyon sa kanya. Napuno yata ng alikabok ang mukha niya nang makarating siya sa compound ng Robinson Mall. Naginhawaan lang nang makapasok sa loob dahil sa malamig na aircon. “Dashi, dito!” Nakita niya ang tatay niya na kumakaway sa isa sa
CHAPTER 91[DASHI] PAGKATAPOS ng mahabang panahon, sa wakas ay nakabalik din siya sa Camarines Sur. Ang dami niyang masasayang alaala roon kahit noong magising siya mula sa pagkaka-comatose ay pinili nila ng Tatay niya na lumipat sa Camarines Norte. Dahil van ang sinasakyan nila pauwi, sa halip na tren, ay nagstop over sila sa motorist motel para matulog. Kinaumagahan ay byahe ulit sila at saka nagstop over sa Naga City para makadaan siya sa NICC Hospital. Kailangan niya kasing kumuha ng appointment para sa ilang medical test niya na requirements Northshire Academy. Habang nagbabayad sa cashier ay may biglang tumawag sa kanya. “Dashi! Dashi, ikaw nga!” Nalingunan niya ang nurse na nasa mid 30s na yata. Malaki ang ngiti nitong nilapitan siya. “Hello po.” “Ako ito si Nurse Josephine.Isa ako sa mga nurse mo noong comatose ka. Teka, oo nga naman hindi mo ako matatandaan kasi tulog na tulog ka no’n. Tapos tatlong araw pa lang simu
CHAPTER 90[SHAUN] NABABAGOT na nakatingin si Shaun sa mga kasama na nagke-kwentuhan habang nasa arcade sila ng Mall. “You’re wrong, Dos. Mas masarap ang Matcha Latte kaysa iced coffee. At saka bakit umiinom ka na ng kape, teenager pa lang tayo,” wika ni Ate Marih na kausap ang Kuya Dos niya. “Alam ba ni Tita Kaye?” Nang hindi sumagot ang Kuya Dos niya ay muling nagsalita si Ate Marih. “Hindi niya alam? Kayo ni Reirey ay umiinom na ng coffee? Para lang iyon sa adults.” “Kailangan ko ng kape kasi nag-aaral ako sa gabi,” sabi naman ni Ate Reirey. Mas nag-ingay pa ang tatlo na hindi niya naman maintindihan kung ano ang pinag-aawayan. Napagod siya maglaro ng mortal combat kanina kaya umupo muna siya sa mesang nandoon pero sana naglaro na lang pala siya. Lumingon siya kina Tita Kaye at sa pinsan niyang si Khai. Mas lalong napasimangot si Shaun nang makitang binubuhat ni Tita Kaye si Khai para ma-shoot ang b
CHAPTER 3 UMAWANG ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa liko
CHAPTER 1 “Susko! Mababaliw yata ako sa batang iyon!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Danica Shane o Dashi nang makapasok sa loob ng sariling Cabin. Isinama siya ng kanyang boss—si Vioxx Almeradez—sa kasal ng pinsan nito. Kasalukuyan silang nasa 5-day cruise ship na maglilibot
CHAPTER 6 Nataranta na rin ang mga kasama. Pinaghahanap na ang bata sa buong bahay. Walang nahagip na footage dahil nagblack out din ang CCTV nang mawalan ng kuryente. “Lumabas siya!” May footage na nakuha ang CCTV sa may gate solar-powered iyon.
CHAPTER 5 “Nabanggit sa akin ni Mommy ang tungkol sa Nanay mo. Nai-kwento sa kanya ni Manang Rudy.” Gusto niyang mapausal ng pasasalamat. Kompirmd nga na hindi talaga siya pinuntahan kagabi. “Ngayon na po ba ako magsisimula?” pag-iiba niya ng usapan. “Yes. I’ll







