LOGIN
CHAPTER 1
“Susko! Mababaliw yata ako sa batang iyon!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Danica Shane o Dashi nang makapasok sa loob ng sariling Cabin.
Isinama siya ng kanyang boss—si Vioxx Almeradez—sa kasal ng pinsan nito. Kasalukuyan silang nasa 5-day cruise ship na maglilibot sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Tuwang-tuwa siya dahil makakapagbakasyon sana kung hindi lang dosenang kahihiyan ang ibinibigay sa kanya ng batang alaga niya.
Noong isang linggo pa siyang tinatawag na ‘mommy’. Tuloy ay napapataas kilay ang mga sosyalerang nakakarinig. Ang mas nakakasakit pa ng ulo ay ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil sa ‘hudyo’ niyang amo.
Bigla na lang siyang h inalikan noong isang linggo. Pero kinabukasan ay balik-lamig ito na parang hindi nilamukos ang labi niya. Kahapon din ay lasing, h inalikan na naman siya ngunit kanina ay aktong robot sa paligid niya.
Pero ano nga bang karapatan niyang mag-assume na may gusto ito sa kanya kung langit at lupa ang pagitan nila?
Kung may pagpiplian lang ay lalayas siya.
“Dashi, gaga ka kasi!” pagalit niya sa sarili at isinubsob ang mukha sa unan. Doon nagsisigaw kasabay ng pag-alala kung paano nga ba siya napunta sa sitwasyon na iyon…
[2 MONTHS EARLIER]
“Tiyang, ikaw na pong bahala kay Tatay. Iyong gamot niya, huwag niyong papalipasin. Pangako po, magpapadala ako ng sapat,” suminghot-singhot si Danica Shane, hindi alintana na tirik na tirik ang araw at kanina pa siya naglalakad.
“Makakasiguro ka, Dashi. Mag-ingat ka rin diyan.”
Eksakto naman na nagpaalam ang kausap sa kabilang linya nang makarating siya sa harap ng dambuhalang gate.
Lumuwas siya ng Maynila mula probinsya ng Camarines Norte para mag-review sa Liecensure Examination for Teacher at mamasukan na rin sa pamilya ng dating amo niya ng Tiyahin na sa Maynila na nakatira.
Ang mga Almeradez ang may-ari ng Hacienda Constancia sa Camarines Sur kung saan sila dati nakatira ng tatay niya. Ngunit, simula nang magising siya sa mahabang pagkaka-comatose ay umalis din sila sa bayang iyon dahil sa personal na dahilan at lumipat sa Camarines Norte.
“Diretso lang, Ineng. Naradyuhan ko na si Sabel. Mag-ingat ka ng mabuti.”
Napakunot-noo siya sa huling sinabi ng gwardiya. Wala naman siyang nakikitang aso na mananakmal sa kanya…
Walang ‘Sabel’ na sumalubong sa kanya sa mismong mansyon kaya kumatok siya sa front door. Nang wala pa rin ay kusa na niyang binuksan para lamang mapasigaw nang bumuhos ang nagye-yelo pa yatang tubig sa mismong tuktok ng ulo niya.
Literal siyang nanigas. Bumaliktad yata ang mundo, nanlalabo ang paningin bago tuwid na tuwid ang katawan na natumba.
Nakita niya pa ang batang humagikgik sa gilid bago siya tuluyan nawalan ng malay.
“IKAW ba si San Pedro?” bangag na tanong ni Dashi nang magmulat.
“The f uck?!”
Tila alarm clock na nagpagising sa kanya ang magaspang nitong boses. Napabalikwas siya nang mapagtantong hindi ito ang hihiraman niya sana sa langit ng manok para panabong ng tatay niya.
Gusto niyang mapaantada dahil nasa harapan niya si Vioxx Almeradez. Ang lalaking usap-usapan sa Hacienda Constancia na nuknukan ng sama ng ugali!
“Nasaan ako? Sino ka?” Pasapo-sapu pa siya sa dibd ib para makalusot sa kasungitan nito.
Subalit, mas lalo lamang nagsalubong ang kilay nito. “Drop the act. You passed out, not hit your head.”
Napalabi siya at hiyang-hiya na tinakpan ang mukha.
“O nakalimutan mo na ako?”
“Hindi po. Naalala kita,” nangingiwi niyang agap. Mukha nito ang una niyang nakita nang magising siya sa pagkaka-coma tatlong taon na ang nakalilipas. Tinanong niya pa nga kung sino ito ngunit hindi siya sinagot. Bagkus ay natigagal at parang wala sa sariling lumabas ng hospital room niya.
“Good,” tipid nitong sabi bago may tinawag. “Shaun, come here.”
Saka pa lamang niya napansin ang batang nakaupo sa sofang naroroon. Masungit ang tabas ng mukha at talagang nakahulukipkip pa.
Anak ng puting manok! Ito iyong may hawak ng lubid ng baldeng bumuhos sa kanya kanina.
“Apologize to her,” striktong utos ni Vioxx.
Sa halip na sundin ay mas lalo itong nagsusungit. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin bagkus ay nagsisipa. “No! Not my fault she’s stupid!”
“Shaun Almeradez!” dagundong ni Vioxx. Maging siya ay napatalon sa gulat.
Humaba ang nguso ng bata. Mukhang iiyak ngunit ma-pride. “Sorry.”
Napasintido ang ama. Alam na labas iyon sa ilong.
“A-Ano pong nangyari sa akin,” tanong niya dahil parang sasabog ito at mapapalo ang bata.
“You had a cold shock response. Ang tagal mo sa initan. The ice water shocked your nerves. Reason why you fainted.”
“Ah,” Nagpalinga-linga siya para hanapin ang bag na dala. Nandoon ang resume niya.
“Ikaw ang pamangkin ni Manang Rudy, di ba?” tanong nito na parang nabasa ang utak niya.
“Opo!”
“You’re not a licensed teacher yet. Pero gusto mong mag-apply bilang tutor ng anak ko?”
“Ayoko ng teacher!” sigaw ng bata kaya sabay silang napalingon ni Vioxx.
Nasalubong niya ang kulay asul nitong mga mata. Para siyang kinuryente sa hindi malamang dahilan.
“It’s not for you to decide. Go outside. Teacher Danica and I need to talk!” striktong sagot ni Vioxx. Galit na tumayo ang bata, matalim ang tingin sa kanya. Bigla itong nagpapadyak roon bago nagtatakbo papunta sa pinto. Hindi pa tuluyang nakalalabas ay may pahabol pa.
“I will make your life miserable!”
Kumurap-kurap siya dala ng gulat. Bata ba talaga ‘yon?!
“Shaun is a difficult kid.”
“Mukha nga po,” komento niya at napakamut-kamot sa ulo.
“You don’t want this job anymore, then?”
“Gusto pa rin po,” mabilis niyang bawi. Hindi pwedeng hindi siya magtrabaho sa bahay nito. Paano na lang ang gamutan ng Tatay niya?
“Pero kaka-graduate mo pa lang. Wala ka pang experience.”
“Ang gulo mo naman, Boss.”
Tumaas ang dalawang kilay nito kaya napatakip siya ng bibig.
Nag-piece sign siya rito. “Latin Honor naman po ako. Saka alam niyo po ba noong nag-internship ako…”
Vioxx raised his hand. Clearly not interested!
Nakaramdam naman siya ng kaunting hiya.
“I can get Professors and Geniuses from a prestigious university if I need the smartest one. Ang kailangan ko ay may toneladang pasensya para sa anak ko. Meron ka ba niyon, Ms. Coralde?”
“Meron po.”
Natahimik ito at tinitigan siya. Na-conscious tuloy si Dashi. Bakit kasi pakiramdam niya ay kakaiba ang hatid ng titig nito sa kanya? Iyong tipong tila may pilit na binabasa na kung ano sa kanya. Ang mga mata ay bagaman malamig ay parang may gustong sabihin.
“You’ll be under probation for two weeks. Kapag nakuha mo ang loob ni Shaun, dadagdagan ko ang sahod mo. For now, you will not stay here.” Sinabi nito sa kanya ang mga schedule ng bata dahil home school. “Ipapahatid kita sa driver sa tutuluyan mo.”
“B-Bakit po doon?” tanong niya bago pa mapigilan ang bibig.
Kumunot ang noo ni Vioxx na parang nagdududa.
“Ang ibig ko pong sabihin, bakit doon pa kasi magco-commute pa po ako papunta rito. Wala na po akong pera. Hehe.”
Kumusot ang ilong ng amo niya na para bang sinasabi nito na di-diskarte pa siya, binigyan na ng trabaho.
“I’ll give you allowance. Pero ibabawas ko sa sahod mo.”
Wala siyang nagawa kundi pumayag.
Nakasunod siya kay Kuya Koya na parang si The Rock habang bitbit nito ang bag niya. Kusang bumagal ang hakbang niya nang makita si Shaun na tamad na nakahiga sa sofa at nanood sa telibisyon.
“What are you looking at?” masungit nitong tanong nang lumingon sa kanya.
“Wala. Pogi mo kasing Beybi.”
Tumaas ang sulok ng labi nito nang bumaba ang tingin sa gamit niya.
“You’re leaving? Daddy fired you? Good! Don’t comeback or I’ll bite you!” Ipinakita pa sa kanya ang maliliit na ngipin na may bungi naman.
“Babalik ako in three days! Tingnan natin tapang mo,” patol niya na ikinagulat nito. Malakas loob niya dahil wala sa paligid ang amo.
“Don’t come back forever, Ugly Lady!”
“Hindi ‘yan mangyayari. See you when I see yah, Bungi!”
Bumulanghit ng tawa si Kuya Koya. Parehas silang takbo palabas dahil nagsimulang ngumiwi si Shaun na parang maiiyak. Sa kotse ay tawa pa rin ng tawa ang driver. Siya lang daw ang matapang nakakasagot ng ganon sa bata, unang araw pa lang.
“Lahat ng naging tutor, ang babait kaya madaling mapaiyak,” anito pa.
“Talaga, The Rock—ay, Kuya Koya pala.” Tumawa lang ang driver at saka ibinida na idol daw nito si Dwayne Johnson. Kaya pala ang laki din ng katawan nito at mukhang wrestler.
Kinapa niya sa bulsa ang cellphone. Nawala ang ngiti niya nang makita kung sino ang nag-text.
‘Nakapasok ka na ba? Update mo ako kung nahanap mo na.’
‘Probation pa ako. Sa ibang lugar ako pinatuloy,’ reply niya. ‘Balik ako in 3 days. Iyong downpayment, nailagay mo na ba sa bangko ko?’
‘Huwag mong kalilimutan ang usapan natin’ sagot nito.
CHAPTER 29 “CONGRATULATIONS!” Pumutok ang party popper nang binuksan niya ang front door ng mansion. Isa siya sa mga top notcher nang nakaraang board exam. Maluha-luha ang tatay niya nang sabihin niya rito ang balita. Parang lumakas nga bigla at gusto ng lumipad papuntang siyudad. Wala pa siyang pinagsasabihan ngunit naghahanda na siya ng mga papel niya papuntang London. “Wow! Thank you, Baby Shaun.” Malambing na h inalikan niya sa pisngi ang bata nang ibinigay sa kanya ang magandang bouquet ng bulaklak. “Love you, Mommy.” Vioxx handed her a bouquet too. Wala na siyang hiya nang tumingkayad at h inalikan ito sa pisngi kahit nasa harap nila ang mga kasambahay. Pumulupot naman ang kamay nito sa baywang niya. Hindi na naalis iyon kahit nagkainan na para sa selebrasyon. These past months were peaceful. Hula niya ay hindi sinabi ni Asher sa kapatid nito ang nalaman tungkol sa kanya. Hindi na ri
CHAPTER 28 Agad siyang tumakbo patungo rito nang ibinuka ang mga bisig. “Shaun and I miss you,” malambing nitong bulong. “Halos araw-araw naman tayong magka-usap sa phone.” Kunyari siyang ngumuso kahit ang totoo ay miss na miss niya naman ang mag-ama. “It’s different, Babe,” he whine like Shaun that made her laugh. Hinaplos niya ang likod ng ulo nito na umani ng nahihirapang ungol. Tumingkayad siya para patakan ito ng h alik sa pisngi. “I missed you too and Shaun.” Namula ang tainga nito kaya nanunukso siyang napangisi. Inalalayan siya ni Vioxx paakyat sa chopper. Binalikan niya ito ng tingin nang makitang walang piloto roon. “I’ll fly the chopper,” wika nito na parang nabasa ang iniisip niya. “Marunong ka?” “Babe, your boyfriend knows a lot of things.” “Yabang.” He chuckled when Dashi rolled her eyes playfully at him. Isa pang haplos sa kany
CHAPTER 27 “Bakit mo tinatanong ang bayarin namin?” “Vioxx told me to settle the bill. Fortunately, the Governor already paid it all,” puno ng sarkasmo ang boses nito nang binanggit ang salitang ‘governor’. “My brother is so much willing to throw money and extend his hands to your family.” “M-Mabait naman talaga si Vioxx.” Tila nangungutya si Asher nang tumawa ito. “He’s not pure hearted, Danica Shane. So am I.” Wala siyang maisagot. Ramdam niya na may laman ang mga sinasabi nito. Napaatras siya nang nang-iintimidang humakbang ito. Mapanganib ang kislap sa mga mata ni Asher. Wala na ang bakas ng pagkapilyo nito na parang ang gaan-gaan lang ng lahat. “Hindi ko alam kung ano ang kailangan mo kay Vioxx pero sinasabi ko sa ‘yo, Miss Coralde, hindi ko palalagpasin ang kung sino man mananakit sa pamilya ko.” Nanuyo ang lalamunan ni Dashi. “Betray him or the family, I’ll give it back to you ten i
CHAPTER 26 Namutla siya. Gustong bumaliktad ang sikmura nang maalalang inignora niya kagabi si Dashi. “No…” “I wanna go to Mommy.” Ibinaba niya si Shaun sa kama. Nasa baywang ang magkabilang kamay habang balisang nagpalakad-lakad sa harap nito. “No. She can’t do that,” kumbinsi niya sa sarili sabay iling.Nabitin tuloy ang luha ni Shaun. Litong sinusundan siya nito ng tingin. “Your mom can’t do that to us.” “You’re mean to her!” sermon nito sabay padyak ng paa sa ere. Bumalik sa utak niya ang sakit na dumaan sa mukha nito nang paalisin niya kagabi. “Sh!t! Sh!t!” Para siyang masisiraan ng ulo. Nanginginig pa ang kanyang mga daliri nang nag-dial ng numero. “Blue, get me all the footage in the city… no, track Danica Shane. You know what, I’ll find her around the city!” “Calm down, Man,” sagot ng kaibigan sa kabilang linya. “I can’t. She left us. Or maybe she’s in dange
CHAPTER 25 Iyon na yata ang pinakamabagal na dalawang oras na naranasan niya. Bawat segundong lumilipas ay padagdag ng padagdag ang nerbyos niya. Sabay silang napatayo ni Tiyang Rudy nang lumabas ang doktor. “Successful ang operation ng pasyente. Pero kailangan pa rin natin siyang obserbahan,” wika ng doktor sa lenggwaheng Bikolano. “Salamat, Doc.” Halos halikan niya ang kamay nito. Subalit, bahagyang nawala ang pagkakangiti niya nang sabihin nitong baka abutin ng halos isang buwan ang pananatili ng ama sa ospital. Nagpaalala rin ang doktor na bayaran na nila ang ‘doctor’s fee’ sa cashier ng ospital. “Pinayagan po tayo na walang downpayment?” tanong niya sa Tiyahin nang maalala iyon. Sa pinakamalaking pribadong ospital dinala ang tatay niya. Pagkakatanda niya ay malaki ang hinihingi bago ipasok ang pasyente sa ER. Naglumikot ang mata ng tiyahin niya. “Saan po kayo kumuha ng pera?” “M-May n
CHAPTER 24“Cindy,” banggit ni Vioxx sa pangalan ng babae at tumango. “I never thought I could see you here. So not you doing grocery.” Bumaba ang tingin nito kay Shaun at saka maarteng suminghap. “Is this your son?” “He’s my dad. Who are you?” “Kamukha mo at pareho rin masungit,” tumatawang komento ni Cindy. “Hi, Cutie. I’m your Daddy’s friend…at least.” May laman ang huli nitong sinabi kaya bahagyang kumunot ang noo niya. “My name is Shaun and this is my Mommy,” simangot pa rin ang bata nang hinawakan ang kanyang kamay. Saka pa lamang siya binigyan ng atensyon ni Cindy. Kung peke ang pagkagulat nito o hindi, ay wala siyang ideya. “I-I thought a maid.” “Shut your mouth, Cindy,” mabagsik na banta ni Vioxx. “Why so grumpy? I’m sorry okay?” Humigpit ang hawak nito kay Gaston bago pekeng-peke siyang nginitian. “I was just joking. Of course, I know Danica Shane.” “Kilala mo ako?” na







