MasukPagkatapos maipaliwanag ni Black kay Charlene ang lahat, pati na rin ang totoong dahilan kung bakit kailangan siya ni Kerill, napagpasyahan niyang pumayag. Paulit ulit niyang sinabi sa sarili na gagawin niya ito hindi para kay Kerill, kundi para sa mga bata.
Alam niya kung gaano kasakit ang lumaki sa isang pamilyang hindi buo. Iniwan rin sila ng kanyang ama noong bata pa siya, at hanggang ngayon ay dala pa rin niya ang bigat ng kawalan na iyon. Kaya nang malaman niya ang ginawa ng tunay na ina ng mga anak ni Kerill, hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa mga bata. May kapalit ang lahat. Tatanggapin niya ang pera kapalit ng pagpapanggap bilang asawa ni Kerill at pansamantalang ina ng mga bata. Para sa kanya, napakalaking halaga ng isang milyon, lalo na sa kalagayan niya ngayon na wala siyang matitirhan, walang trabaho, at halos wala nang pera. Maingat niyang binasa ang kontratang inabot ni Kerill. Hindi niya minadali. Inisa isa niya ang bawat detalye, tiniyak na walang kondisyon na labag sa kanya. Nang makitang malinaw at walang kahina hinala, tahimik niyang kinuha ang ballpen at pinirmahan ang papel. Inilapag niya ang kontrata sa mesa sa harap ng lalaking seryoso pa rin ang mukha. "Ibigay mo lahat ng gamit mo kay Edgar. Uuwi ka ngayon mismo sa mansion," malamig na utos ni Kerill habang inaayos ang kanyang necktie. Pagkatapos ay tumayo siya at naunang maglakad palabas. Napabuntong hininga si Charlene at bumaling sa lalaking nakatayo sa tabi niya. "Ikaw ba si Edgar?" tanong niya. "Opo, maam. Akin na po ang mga gamit ninyo," sagot ng bodyguard na parang robot kung magsalita. Ibinigay ni Charlene ang iilan niyang gamit at sumunod kay Edgar papunta sa sasakyan. Nandoon na si Kerill, may kausap sa telepono, hindi man lang siya nilingon. Pagpasok ni Charlene sa sasakyan, hindi niya maitago ang pagkamangha. Ito ang unang beses na nakasakay siya sa ganitong klaseng sasakyan. Tahimik, malamig, at sobrang komportable. "Let's go," utos ni Kerill. Umandar ang sasakyan. Hindi nagtagal ang biyahe at maya maya ay nakarating na sila sa bahay ni Kerill. Halos malaglag ang panga ni Charlene nang pumasok sila sa napakalaking gate. Ang hardin pa lamang ay sobrang lawak, may dalawang fountain sa gitna at napapalibutan ng puting rosas. Kumalat ang mabangong amoy ng mga bulaklak na agad nagbigay ng kakaibang ginhawa sa kanya. "Bahay niya ito?" bulong niya sa sarili. Sa laki at ganda nito, mas mukhang palasyo kaysa bahay. Para bang mga hari at reyna ang nakatira roon. "Welcome po sa mansion ng mga Wang, Maam Charlene," sabi ni Edgar. Ngumiti si Charlene at muling nilibot ng tingin ang paligid. "Sobrang ganda," bulong niya. Huminto ang sasakyan sa harap ng malaking pintuang kahoy. Pagbukas nito ay may mga tauhan agad na bumati kay Kerill. "Good afternoon, Mr. Wang," sabay sabay nilang sabi. "Let's go inside," utos ni Kerill habang sinulyapan si Charlene. Sumunod ang dalaga, hindi pa rin maalis ang paghanga sa bawat sulok ng mansion. Pagpasok pa lamang ay lalo siyang namangha. Mula sa sahig hanggang kisame, lahat ay mukhang mamahalin at elegante. Maya maya ay may lumapit na matandang babae. "Good afternoon, Mr. Wang. Bumalik na pala kayo," magalang nitong sabi. "Nasaan ang mga bata?" tanong ni Kerill. "Nasa school pa po, sir. Bandang alas singko pa po ang uwi nila," sagot ng matanda. Tumango si Kerill at naglakad paalis. Wala namang nagawa si Charlene kundi sumunod. Umakyat sila sa ikalawang palapag at lumiko sa isang mahabang hallway na puno ng pinto. "Manang Dores, dalhin mo na si Charlene sa kwarto niya. Ayusin mo na rin ang mga gamit niya," sabi ni Kerill bago tuluyang lumiko. "Kung may kailangan ka, nasa study room lang ako." Naiwan si Charlene kasama ang matandang babae. "Hello, Maam Charlene. Dolores po, pero Manang Dores na lang," nakangiting pakilala nito. "Ikaw po pala ang bagong babaeng dinala ni sir dito." Kumunot ang noo ni Charlene. "Po? Ano pong ibig ninyong sabihin?" "Sa ibang oras ko na lang ipapaliwanag. Halika po," sagot ni Manang Dores. Huminto sila sa isang pintuang kulay puti. Pagbukas nito ay agad namangha si Charlene. Maluwag ang kwarto, puro puti ang kulay, mula sa kurtina hanggang kama at mga unan. Inayos ni Manang Dores ang mga gamit ni Charlene bago ibigay ang susi. "Kanina po, ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong ni Charlene habang umuupo sa kama. Lumapit si Manang Dores at ngumiti nang mapakla. "Napakaganda mong bata, hija. Sana ikaw na talaga ang hinahanap ng mga alaga ko. Pagod na rin si Kerill sa paghahanap ng babaeng tatanggapin ng mga bata. Malapit na kasing kunin ni Monica ang mga bata." Natigilan si Charlene. "Mabait ka namang tingnan. Sana huwag mong susukuan ang mga alaga ko. Sana tumagal ka," dagdag ng matanda. Naiwan si Charlene sa kwarto, paulit ulit sa isip ang mga salitang iyon. "Ganon ba talaga sila kahirap alagaan?" tanong niya sa sarili. Ngunit pinilit niyang maging positibo. Lumaki siyang sanay sa mga bata. Siya palagi ang iniiwan ng kanyang tiyahin para magbantay sa mga pinsan niya. Naniniwala siyang kakayanin niya ito. Dahil sa sobrang pagod, hindi niya namalayang nakatulog na siya, hindi na nahintay pa ang pagdating ng mga batang babago sa takbo ng buhay niya.Charlene's POVIsang linggo.Isang linggo na ang lumipas, at masasabi kong oo, masaya ako. Masaya ako sa lahat ng ipinapakita niya sa akin, sa lahat ng effort niya para sa akin.Katulad ngayon, niyaya niya ako, kasama ang mga bata, mag-beach. Tatlong araw daw kami doon. Sobrang saya ko at hindi ko halos maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya. 'Yong saya na nakakatakot. 'Yong saya na alam kong may kapalit."Tita Charlene?"Bumalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Lily. Lumapit ito at umupo sa lap ko. "May kailangan ka ba?" mahinahong tanong ko. Umiling naman ito."Here... I made this for you. It's a gift to say sorry for everything," sabi niya at ipinakita ang laman ng maliit niyang palad.Natigilan ako at ganoon kabilis na nangilid ang luha ko nang makitang bracelet iyon. Hindi lang basta-bastang bracelet, kundi hand-made. Kulay puti iyon at may iba't ibang shapes ang beads."Ang ganda," sabi ko. "Let me po." Kinuha niya ang kamay ko at dahan-dahang isinuot doon ang
A/N: WARNING! Something is cumming...Charlene's POVHindi ako kumikibo habang naka-upo sa malamig na upuan dito sa tabi ng swimming pool. Tulog na lahat ng tao dito at alam kong kami na lang ni Kerill ang gising pa.Hindi ako mapakali habang nakatanaw sa kanya na lumalangoy. Hindi ko nga alam kung bakit nya ako pinapunta dito. Pagkatapos ng ginawa nya kanina sa harapan ng pres ay mas lalo na itong naging clingy at laging nakangiti kapag nagkakasalubong kami."Join me." Bumalik ako sa realidad nang magsalita ito. Umahon na pala ito at tumabi sa akin. Kahit na medyo madilim ay kitang-kita ko pa rin anim na buklod sa tyan nito.Ang sarap--este nakaka-distract. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya. Baka kung saan pa ako tumingin. "Look at me, Charlene," sabi nya pero mabilis akong umiling. Hindi ko kaya lalo pa at mas gumawapo ito sa paningin ko."Hey...look at me.""Ano bang kailangan mo? Babalik na ako sa taas," sabi ko at napalunok. "I need...you."Napapikit ako sa sinabi nya. Nakak
Charlene's POVLahat ng katanungan sa isipan ko ay nasagot nang pumunta si Black sa mansion. Panay ang hingi nito ng sorry sa akin dahil sa mga fan girls ng love team nila ni Vionet. Alam kong sikat na sikat ang love team nilang dalawa kaya gano’n na lang ang galit nila sa akin nang inakala nilang girlfriend ako ni Black.Naiiyak na lang ako habang binabasa ang mga bash tweets sa social media tungkol sa akin. May kumalat kasing picture namin ni Black na magkasama, at may nagsabing secret girlfriend daw niya ako."Panget naman.""Mas bagay pa rin talaga sila ni Vionet.""My Blanet heart can't handle this!""Seryoso? 'Yan girlfriend ni Black? Eh mas maganda pa aso namin diyan eh, hahaha.""Hiwalayan mo na si Black, girl. Kung ayaw mong sugurin ka namin kung saang impyerno ka man nakatira.""You don't deserve Black! Ugly!!""Eww!""Mamatay ka na! Panget!""Mang-aagaw!"Bumalik ako sa realidad nang may umagaw ng cellphone sa kamay ko. "Stop reading those comments!" inis na sabi ni Kerill
Charlene’s POVLunes na naman.Kakatapos ko lang ihatid sina Wency at Wyl sa school. Tahimik ang umaga pero magulo ang isip ko. Habang pauwi na sana kami, may nahagilap ang mga mata ko sa gilid ng kalsada. Isang pamilyar na likod. Matangkad, naka-hoodie, mabilis maglakad.Pinahinto ko agad ang sasakyan.“Teka lang, Saviel. Sandali lang ako,” sabi ko bago bumaba.Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang lakad na iyon.Si Lander.Sinabi ko kay Saviel na hintayin na lang ako dahil isasabay ko siya pabalik sa mansion. Pero ang bilis niyang maglakad. Ilang beses akong napalingon dahil halos mawala na siya sa paningin ko.“Lander!” tawag ko pero hindi niya ako narinig.Bigla siyang nawala sa paningin ko. Parang bula.Pero paglingon ko sa likuran, nandoon siya.May nilapitan siyang lalaki.Napahinto ako.Gwapo. Matangkad. Chinito. Naka–senior high school uniform na kapareho ng kina Ericka.Akala ko kakamustahin lang. Pero nagulat ako nang bigla niya itong hinalikan sa labi.Sa labi.Naniga
Third Person's POVUmaga na kaya nagluto si Charlene ng almusal para sa lahat. Nakangiti ito habang nagluluto kaya hindi mapigilan ng mga kasambahay na tuksuhin siya.“Oy… Parang may nangyari kagabi ah.”“Naku, si Ma’am in love na.”“Ma’am, anong ginawa ni Sir at ganyan ka-ganda ang ngiti niyo ngayong araw?”Lumingon si Charlene sa kanila. “Ano bang sinasabi niyo? Masaya lang ako kasi maganda ang panahon,” sagot naman ni Charlene na halatang hindi pinaniwalaan ng mga katulong.Pagkatapos niyang magluto ay napansin nitong hindi pa bumababa si Kerill para kumain. Napatingin ito sa orasan sa dingding at kumunot ang noo dahil sa mga oras na ito ay dapat nagtitimpla na si Kerill ng kape. Pero ngayon ay wala pa siya.“Baka na-late lang ng gising, Ma’am,” nakangiting sabi pa ng maid na dumaan sa harapan niya. Pero hindi ito mapakali kaya naisipan niyang umakyat sa kwarto ni Kerill.Kumatok ito pero walang sumagot o nagbukas ng pinto kaya nagtaka siya. “Papasok ako,” sabi nito at pinihit ang
Charlene’s POVNo’ng sinabi niyang magluluto siya ay ginawa niya talaga nang makauwi kami. Nagulat ako dahil marunong pala itong magluto at skilled pa sa paggamit ng kutsilyo—parang professional chef.“Kailan ka natutong magluto?” Hindi ko maiwasang magtanong habang naghihiwa ito ng karne.“Not when, but why. Because I have to. I grew up with just my maids, pero hindi ko gusto ang mga luto nila. My mom was not here, so I learned it all by myself to survive,” sagot niya.Sandali akong natahimik.Hanggang ngayon, napapatanong pa rin ako kung ano ang dahilan kung bakit wala ang mommy ni Kerill dito. Anong nangyari? Namatay ba? May asawa nang iba?“She has her own family now,” bigla niyang sagot, na para bang nababasa ang isipan ko.Napatingin ako sa pintuan at nagulat dahil nakatingin sa amin ang mga maids, abot-langit ang mga ngiti habang pinapanood kami.“Yes?” tanong ko sa kanila.Napahagikhik sila.“Wala, Ma’am Charlene. Sige lang, huwag n’yo kaming pansinin. Kunwari wala kami dito,”



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



