“Matagal ng may galit sa pamilya ninyo sina Lando at Marie,” pagpapatuloy ni Bernard sa kabilang linya. “Their families were once living in Puerto del Cielo. At dahil sa papa mo nawalan sila ng bahay at lupa.” “What do mean?” kunot-noong tanong ni Sebastian dito. Hindi niya magawang sundan ang sinasabi nito. “Tito Federico bought their properties para mas mapalawak pa ang inyong lupain. Nang mabili niya iyon, walang nagawa ang pamilya nina Lando at Marie kundi lumipat sa karatig-bayan at doon nagsimulang muli. But things didn’t worked out for them. Hindi naging maayos ang pamumuhay nila. Nagpatong-patong ang mga utang nila sa kung kani-kaninong tao. Pinatay ang ama ni Lando dahil doon. Samantalang ang ina naman ni Marie ay namatay sa stroke at wala silang maipagpagamot dito. At isinisising lahat iyon nina Lando at Marie sa papa mo,” Salaysay ni Bernard. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig mula sa kaibigan. Why of all people, ang papa niya pa ang nagiging dahilan ng lahat ng kagu
“Candice, anak… Candice…” ang mahinang tawag ni Virginia sa anak sa labas ng pintuan ng silid nito. Ilang araw ng nakauwi doon si Candice at ‘ni minsan ay hindi pa ito lumalabas ng kanilang bahay. Nag-aalala na siya para sa kalagayan ng anak. Hindi ito nagkakakain at nangangayayat na ito ng husto. Sa tuwing sasapit naman ang gabi ay lagi niya itong naririnig na umiiyak. Hindi niya makuhang tanungin ang anak kung ano ba talagang nangyayari dito, maging ang lalaking naghatid dito na nagpakilalang kapatid ni Sebastian ay wala ring alam sa nangyari. Nababahala na siya ng husto dito. “Candelaria… Candice, anak, buksan mo naman ito… kausapin mo ako,” ang hirap na hirap na sabi niya. Pero walang tugon doon, ni kaluskos ay wala siyang naririnig. Napabuntong-hininga na lang si Virginia. Laylay ang mga balikat na bumaba siya ng hagdanan. Samantalang, si Candice ay nakatitig lang sa kawalan. Naririnig niya ang pagtawag ng ina pero wala siyang lakas para sagutin ito. Sa nakalipas na mga ar
Soft kisses at marahang dampi ng mga daliri sa kanyang katawan ang gumising kay Candice. She knew for sure it wasn’t Bella. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata and looked at the culprit. Matamis na mga ngiti nito ang sumalubong sa kanya. “Good morning,” malambing na wika ni Sebastian and gave her a quick kiss on her lips. “Morning…” ang namamaos na sabi niya, then looked outside the glass door. Babago pa lang sumisikat ang araw sa silangan. “What time is it?” tanong niya ng muling sulyapan ito. Hindi ito sumagot. Abala ito sa ginagawa nito sa katawan niya. He’s running his fingers smoothly on her shoulder blade na nagpanindig ng kanyang mga balahibo sa katawan. At ng hindi na ito nakatiis, isang mabilis na halik ang iginawad nito doon na nasundan pa… at nasundan pa ulit...“Sebastian…” ang nakikiliting saway niya dito. At ang hudyo, wala yatang balak tumigil! “I’m so addicted with your smell, Sweetheart…” anito in between kisses then looked at her. “Sorry, but I cannot stop
“Good morning,” ang nakangiting bati ni Sebastian pagbaba nito sa hapag-kainan. Mabilis nitong nilapitan ang nagtatakang ina at hinalikan ito sa noo, pagkatapos ay si Bella. Isang matamis na sulyap naman ang iginawad nito kay Candice, which almost made her choked. “Good morning din, hijo. Mukhang maganda ang gising mo, ah.” Puna ni Donya Consuelo dito. “Maganda talaga, Mama.” Sagot nito at isa pa uling sulyap ang ibinigay sa kanya. Namumula ang mukhang napayuko na lang siya sa pagkain. “Oh… I see…” ang tatango-tango sabi pa ni Donya Consuelo. Makahulugang tumingin ito kay Candice at ngumiti, kahit hindi iyon nakikita ng dalaga. “Oo nga pala, hijo. Tumawag si Antonio, naayos na daw niya ang problema sa kompanya. Have you talked to him yesterday? Bakit sa akin pa siya tumawag at hindi na lang sa ‘yo?” tanong nito habang matamang pinagmamasdan ang anak. Napatingin si Candice kay Sebastian. Abala na ito sa pagkain nito. “Yes, Mama. Pinagsabihan ko lang naman siya,” anito. Napaili
Hindi alam ni Candice kung gaano sila katagal sa lugar na iyon. Basta ang alam niya Sebastian was treating her like a queen. Maingat siyang inalalayan nitong makababa ng kabayo. She said a simple thank you na ginantihan naman nito ng isang napakatamis na ngiti na muntikan ng ikalaglag ng puso niya. Hinayaan lang nitong malayang makapangain ng damo ang kabayo nito bago muling bumalik sa tabi niya and enclosed her on his arms. Hindi naman siya nagprotesta sa ginawa nitong iyon, because she liked being this closed to him. It feels like heaven.They both quitely treasured that moment. Hindi niya makuhang basagin ang katahimikan nila at tanungin si Sebastian kung anong nararamdaman nito para sa kanya, dahil natatakot siya sa maaring isagot nito. But, she knew by now that she was already falling for him. His kisses confirmed it for her. At kontento na siyang ganito sila. They looked at the beautiful scenery in front of them. Ang araw na malapit na ring lumubog sa kanluran ay nagsasabog
Tahimik ang dalawa habang nanananghalian. Mas ma-eenjoy sana iyon ni Candice kung walang nangyari kanina at kung hindi mainit ang ulo ni Sebastian, pero pakiwari niya’y hindi na maaalis pa ang mga kunot sa noo nito. Para tuloy siyang lumulunok ng tinik habang kasalo ito. “Hindi ba masarap ang pagkain at halos hindi ka naman kumakain?” puna ni Sebastian sa kanya. Nakatingin ito sa plato niyang hindi naman niya halos nagagalaw ang laman. Nagulat naman si Candice sa tanong na iyon nito. Mabilis siyang umiling. “No. The food is good.” Totoo ang sinabi niyang iyon. May sinaing na tulingan, kamatis, gulay na mustasa, at ang napakatamis at sariwang-sariwang hinog na mangga. Lahat iyon ay paborito niya. “You should eat a lot para hindi ka naman nagmumukhang payat,” anito at nilagyan ng isang hiwang hinog na mangga ang plato niya. Natigilan naman siya sa tinuran nito. Totoo ba ang narinig niyang tinawag siya nitong payat? Wala sa loob na tiningnan niya ang mga braso at binti, pagkuwa’y