“Ugh! Ka pagod!” Himutok ni Jean bitbit ang isang tray na puno ng plato, inilagay niya iyon sa lababo at bumalik ulit sa labas para magligpit. Si Ate Grace ang taga separate, ako ang taga hugas ng mga kutsara si Rose ang taga punas at ilagay sa electric utensils sterilizer. Subrang busy namin ngayon. Ika-dalawang gabi na ng midnight sale at may pakulo ang department store kaya walang tigil rin ang mga kumakain dito sa food court.“Thank you. Makakain na rin sa wakas.” Nagpalakpak pa ng kamay si Aljon at sinalubong nila ni Sony si Valerie, sumimangot naman ang dalaga, panigurado tinutukso na naman nila ito.“Ano ang gusto niyong hapunan?” tanong niya pero sa akin nakatingin. Tumaas ang sulok ng labi ko at pinagpatuloy ang paghugas ng mga kutsara dahil sumigaw si Jean sa labas na wala na raw kutsara doon.“Pwede mag request ng letson, Miss?” Binatukan ni Miss Toneth si Rey na kakapasok lang.“Mahiya ka naman. Nilibri na nga tayo mag request ka pa,” saad nito at inambahan pa. Napakamo
Kahit anong paglayo ang gawin ko sa kanya, kung sa iisang lugar lang kami, wala ring patutunguhan. Siya ang magdesisyon kung kailan niya ako makita, kailan niya ako pupuntahan, kailan at saan niya ako lalandiiin. Hindi siya mapipigilan kahit naka ilang sabi na ako sa kanya na tumigil na siya sa ginagawa niya dahil ayaw kung may ibang tao na maka alam. Ayaw ko mawalan ng trabaho.Akala ko, pagkatapos na malaman ni Valerie ang tungkol sa amin titigilan na niya ako, pero malala pa pala dahil naging malaya siya na maging malapit pa sa akin pagkatapos ng gabing iyon. Na appreciate ko lahat ng ginagawa niya, ang pag-alala niya sa akin, sa kalusugan ko, sa sarili ko at nakikita ko ang sinseredad doon pero hindi tama. Maling-mali lalo na at may karelasyon siya. Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng ‘Gusto Kita’ na sinabi niya. Gusto bilang ano? Kaibigan? Kalandian? Karelasyon? Hindi ko alam kung alin riyan ang tinutukoy niya. Kasi ako, gusto ko muna siyang makilala. Hindi namin kilala ang
Hindi umalis si Valerie sa tabi ko. Panay parin ang paghagod niya sa likod ko at wala ring tigil ang pagpatak ng luha ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Ako lang din naman ang nagpapahirap sa sarili ko tapos ngayon iiyak. Pinunasan ko ang mga luha ko bago humarap kay Valerie.“May kilala ka bang nag sa-salvage? Ipa-salvage ko boss mo,” sumisinghot na saad ko."Ako sana. . . kaso baka ako ang una niyang makatay kapag ginawa ko yun,” patagilid siyang sumandal sa pader, nakaharap sa akin. “Intindihin mo na lang, “aniya. “Baliw yun. Nawawala sa sarili kapag ikaw ang kasama.”Sumimangot ako. BaLiw nga siya. Sino ba ang matinong tao na handang i-risk ang sitwasyon para lang sa isang mababang babae? Hindi niya iniingat ang image niya as a CEO, as a young successful business man, a rich. . . syempre gwapo at hot din. Napabuga ako ng hangin. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para tuluyan na niya akong layuan. Kahit anong iwas ko, kahit anong pagtago ko sa kanya. . . kung sa iisan
Pakiramdam ko pinagkaisahan ako. Gusto ko siyang makilala noon at magpasalamat dahil ang laki ng tip na binibigay niya sa akin at malaking tulong iyon sa amin ni nanay, pero hindi ko maiwasang magalit sa kanya ngayon. May alam pala siya sa buhay ko. Hindi ko akalain na ang taong gusto kung pasalamatan ay iisa pala sila ng taong naikama ko.Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nilang kasunduan ni Madam Jinky noon. Past na iyon pero ginugulo niya ang isip ko. Ayaw ko na iyon isipin pa dahil kahit anong sisi ko kay Ethan hindi parin maikaila na isa akong naging bayarang babae.“I..”“Huwag mo muna akong kausapin, Ethan,” saad ko at tinalikuran siya. Pumasok ako sa diswashing area, sinalubong ako ng nagtatakang tingin ni Valerie nang makita niya ako. Wala sa sarili na umupo ako sa malamig na semento. Hinila ko ang upuan. Humalumbaba ako. Ginawa kong unan ang magkabila kong braso at tinago ang mukha ko doon. Hinayaan kong tumulo ang luha ko. Umiiyak na naman ako sa hindi matukoy na dah
“Malaking pera ang utang ko sayo kaya hindi ako lalayo,” iyon nalang ang taging nasabi ko dahil nalulunod ako sa mga titig niya. Saglit siyang natigilan at nangunot ang noo. Kumikibot ang kanyang mapulang labi bagaman hindi niya maisatinig ang kanyang nais sabihin. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang paghugas ng mga plato. Bakit kailangan niyang magmakaawa? Hindi ko naman siya pagtataguan. Ang akin lang dumistansya siya sa akin dahil ayaw ko ng issue. Alam ko rin na medyo nakakahalata na ang mga kasama ko pero hindi lang sila nag komento. “Nakaharap dito ang CCTV.”Doon lang siya natinag. Ako naman ang natigilan nang kuhain niya ang mga plato na tapos ko ng sabunan at binanlawan iyon. Umawang ang labi ko. May saltik yata siya sa utak. “A-Ako na. Ano ka ba!?”“Nakaharap dito ang CCTV,” pang gagaya niya nang akma kong agawin sa kanya ang plato na hawak niya. “Bilisan mo mag sabon. Ang bagal mo.”Napasinghap ako ng malakas. Aba’t feeling close ang gago! Nagpapa-empress, akala
Ang tanga ko… Ang laki kong tanga at nagpadala na naman ako sa bugso ng damdamin ko. Gumaganti ako sa halik niya, pinapalunod ang puso sa sandaling saya. I have Zaylon now. Sa kanya lang dapat umiikot ang mundo ko, sa kanya lang sana ako pero ano itong katangahan na ginagawa ko sa buhay ko?Nagmulat ako ng mata. Nakapikit ang mga mata niya, hinahalikan ako ng mapusok. . . Halik na may pananabik at ayaw iyon tigilan. Gusto kong itanong kung sino ang iniisip niya habang nakapikit ang mata na hinahalikan ako. Kung ako ba o ang girlfirend niya. Hindi ako naniniwala na wala siyang girlfriend, siguro ganito siya sa akin dahil wala ang tunay na pagmamay-ari niya. Nang maramdaman ko ang paglakbay ng palad niya sa likod ko, buong lakas ko siyang tinulak. Hindi ko siya hinayaan na makapagsalita, tumalikod ako at mabilis na lumabas sa office niya. Nagtataka na sinalubong ako ng tingin ni Valerie ngunit hindi ko siya pinansin at malaki ang hakbang na nilisan ang lugar.Patakbo akong umakyat
Hindi ako nag iinarte. Hindi ako nagpapakipot kay Ethan. Sadyang hindi lang talaga kami pwede sa isa’t isa. Siguro kung yaman niya ang habol ko, ako na mismo ang lumandi sa kanya. Ako na ang gagawa ng way para maging malapit kami sa isa’t isa, pero hindi kasi iyon ang habol ko. I mean..wala akong habol sa kanya maliban nalang sa pera na gusto kong bayaran.Wala naman siyang sinabi sa akin noon na bayaran ko iyon. Tulong niya raw iyon kay nanay. Ako lang talag itong mapilit sa sarili na babayaran ko siya pagdating ng panahon na mag cross ang landas naming dalawa. Pero napa aga ang pagkita namin..ay mali..hindi napa aga ang pagkita naming muli, sadyang hindi ko pa talaga na buo ang pera na binigay niya sa akin noon kaya hanggang ngayon hindi ko parin iyon maibabalik sa kanya.Gusto ko ng matapos ‘to. Ang ugnayan naming dalawa. Ang pangako ko sa sarili ko na isauli ko ang pera niya. Ayaw ko na siyang makita. Balak kong mag resign kapag nasauli ko na sa kanya ang pera
Biglang nag iba ang atmosphere dahil sa sagot ng anak ko. Hindi ako makatingin ng diritso sa tatlong tao na nasa harapan ko. Sinuklian ko ng keming ngiti si nanay ng lingunin niya ako. Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at awa sa kanyang apo. Masakit. Kasi ganyan rin ako noon kapag tinatanong nila ako tungkol sa tatay ko. Ang palagi kong sagot;wala akong tatay. Kinain ko lang rin ang mga sinabi ko noon na hindi ko hahayaan na magaya sa akin ang anak ko, pero ano ngayon ang kalagayan niya, inulit ko lang sa kanya na lumaki siya na hindi nakilala ang ama.Lumaki siya na matalinong bata. Siguro nang magka isip niya naintindihan na niya kaagad kung bakit hindi namin kasama ang tatay niya. Ni minsan hindi siya nag tanong sa akin kung sino ang tatay niya, kung ano ang pangalan niya, kung bakit hindi namin siya kasama, kung bakit ang pamilya niya hindi katulad ng ibang mga bata na mayroong tatay.Hindi rin naman ako manhid para hindi makita at maramdaman na gusto niyang malaman ang tung