MoonRiver’s Broken Luna

MoonRiver’s Broken Luna

last updateLast Updated : 2025-11-11
By:  HRLMOngoing
Language: English
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
16Chapters
591views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

In the depths of the MoonRiver Forest, where wolves rule beneath the pale light of the goddess, one name strikes fear into every heart—Alpha Draven, the Beast of the Silver Vale. Ruthless. Beautiful. Cursed. His power is unmatched, his heart forever frozen. When the Moon Goddess binds him to Lillieth, a fragile and bullied omega from the lowest ranks of the pack, the bond feels like a cruel joke. The pack laughs. Draven rages. And Lillieth’s life becomes a waking nightmare. She is mocked, beaten, and shunned—her wolf silent, her hope fading. Every day is another test of how much she can endure before she breaks. Yet beneath her suffering, something ancient stirs—a forgotten Luna’s bloodline, a power older than the moon itself. When blood is spilled and secrets rise, Lillieth will discover that even a broken Luna can burn kingdoms to the ground… and that sometimes the monster destined to destroy you is the only one who can set you free.

View More

Chapter 1

Chapter One — The Beast of MoonRiver

Dumating si Lucilia sa Shangrila hotel, kung saan kasalukuyang ginaganap ang birthday celebration ng anak niyang kambal.

 

Basang-basa si Lucilia dahil bumuhos ang malakas na ulan habang naglalakad sila papunta sa venue. Nakasuot ng raincoat ang anak niyang si Lilo at binalot naman niya ng plastic ang dalang cake para hindi ito mabasa. Samantalang siya ay sumuong nalang sa ulan.

 

Nagulat pa ang lahat ng buksan niya ang pintuan ng hotel. Lahat nagsitinginan sa kanya at nagbulong-bulungan.

 

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ng isang babae.

 

"Mukha siyang basang sisiw." Natatawang saad naman ng isa.

 

"Ano bang ginagawa niya rito?" Tanong rin ng isa.

 

Gustong ipamukha ni Lucilia na birthday lang naman ng mga anak niya kaya siya narito pero hindi niya nalang ito pinansin.

 

Bakit parang gulat na gulat sila eh ako naman ang ina ng mga birthday celebrant? Tanong ni Lucilia sa isip niya.

 

Nabaling lang ang attention ni Lucilia sa harap ng magsalita ang asawa.

 

"Anong wish mo, anak?" Tanong ni Nolan kay Leland.

 

"I want tita Lilah to be my mother!" Masiglang saad ng bata.

 

Parang tinurok ng maraming karayom ang puso ni Lucilia sa narinig mula sa anak. 

 

Natawa naman si Lilah na nasa tabi lang ng anak niya. 

 

"Ano ka ba naman hindi pwedi iyan kasi may mommy ka naman eh." Natatawang saad ni Lilah.

 

"Then dad would divorce mom para ikaw na maging mommy ko." 

 

"Bakit mo naman gustong magkaroon ng bagong mommy?" Tanong pa ni Lilah.

 

"Because daddy likes you."

 

"Saka napaka controlling ni mommy kaya ayaw ko na sa kanya." Nakangusong saad ni Leland.

 

Noon pa man ay ramdam ni Lucilia na hindi siya gusto ng anak. Pero pinagtitiisan niya nalang ito dahil bata pa. Umaasa siya na magbabago ito habang lumalaki.

 

At sa seven years na pagsasama nila ng asawa ay hindi niya naramdaman na mahal siya nito.

 

Simula nung iluwal niya ang kambal ay natulog na sila sa magkahiwalay na kwarto.

 

Alam ng lahat na childhood sweetheart sina Nolan at Lilah. At marahil nga ay mahal pa ni Nolan ang babae. 

 

"I like you to be my mom because daddy likes you. And that's my birthday wish." Saad pa ni Leland.

 

Napangiti naman si Lilah na parang na touched sa sinabi ng bata saka ito niyakap at hinalikan sa noo.

 

Nanigas si Lucilia sa kinatatayuan. Simula pagkabata ay ayaw na ayaw ni Leland ng physical contact especially sa kanya pero ngayon nakikita niya ang anak na kayakap ang babaeng ninanais nitong maging kanyang ina.

 

Durog na durog ang puso ni Lucilia sa nakikita. Namumuo na rin ang luha sa mga mata niya.

 

"Mommy." Tawag sa kanya ni Lilo. Pinilit niyang ngumiti saka hinarap ang anak.

 

"Anong birthday wish mo, anak?" Nakangiting tanong ni Lucilia.

 

"I only want you, mommy." Saad ni Lilo.

 

"How about your daddy and Leland?" Umiling lang si Lilo saka niyakap si Lucilia.

 

"Don't cry na mommy, hayaan mo po pagsasabihan ko si Leland na huwag ng lumapit kay tita Lilah." Saad pa nito. Napangiti nalang ng lihim si Lucilia.

 

Pero nakapag desisyon na siya. Pagod na siyang maging invisible sa buhay ng asawa at anak niya. Kaya gusto na niya itong tapusin ngayon din.

 

Hinawakan niya ang kamay ni Lilo saka sila naglakad palapit kina Nolan, Leland, at Lilah.

 

"Lucil." Gulat na saad ni Lilah.

 

"What happened? Bakit basang-basa ka?" Tanong nito pero hindi siya pinasin ni Lucilia.

 

Tinanggal nito ang supot ng cake saka ito inilagay sa mesa at hiniwa.

Nag bake siya ng cake na may desinyong mukha ng kambal. 

 

Siya palagi ang gumagawa ng cake ng kambal kasi may allergy si Leland sa gatas at dairy. 

 

Ibinigay niya ang hiniwa na cake kay Leland.

 

"Ayaw ko niyan." Saad ni Leland saka itinapon sa sahig ang cake.

 

"Itong cake ni tita Lilah ang gusto ko." Saad pa nito saka kinain ang cake na dala ni Lilah.

 

"Allergic ka sa gatas, Leland." Suway ni Lucilia.

 

"Allergic siya sa dairy kasi hindi mo naman siya pinakakain nun. Kung palagi mo siyang pinakakain nun edi mawawala na yung allergies niya." Saad ni Lilah.

 

"Tita Lila is right." Saad ni Leland habang kumakain ng cake.

 

Nasaktan si Lucilia sa ginawa ng anak. Hindi niya akalaing ipapahiya siya ng sarili niyang anak.

 

Anak na iniluwal, inalagaan, at minahal niya ng limang taon ay ngayon pinagtutulakan na siya palayo.

 

Pinunasan niya ang luha niya saka nagsalita.

 

"Wish granted. Simula ngayon hindi mo na ako mommy." Saad ni Lucilia. Napatingin naman sa kanya si Leland.

 

"Lucil!" Saway ni Nolan. "Papatulan mo ang sinasabi ng bata?"

 

"Mag divorce na tayo. Magkita nalang tayo sa Regional Trial Court bukas ng alas tres ng hapon." Saad ni Lucilia saka hinila si Lilo palabas ng hotel.

 

"Lucil!" Tawag ni Lilah.

 

"Hayaan mo siya." Saad ni Nolan.

 

"Kailangan mo siyang pigilan at suyuin." 

 

"Suyuin? Nagpapatawa ka ba, Lilah? Huwag kang mag alala pag uwi namin nakabantay lang yun sa may pintuan. Siya ang manunuyo at mag mamakaawa sa akin at hindi ako." Saad ni Nolan saka uminom ng wine at nakipag usap na sa mga kaibigan.

 

Pagkatapos ng party ay nakatulog si Leland sa couch habang nagliligpit yung mga tao sa paligid. 

 

Nagising nalang ito dahil sobrang nangangati na ito. 

 

"Daddy!" Iyak ni Leland.

 

Napalingon naman si Nolan na busyng nakikipag usap. Nilapitan niya ang anak at nakitang kamot ng kamot ito sa buong katawan.

 

"What happened?" Tanong ni Nolan.

 

"Ang kati po." Naiiyak na saad ni Leland at medyo nahihirapan na ring huminga.

 

Tiningnan ni Nolan ang leeg ng anak at may mga rashes na nga ito.

 

"It's your allergies." 

 

"Kasalanan ito ni mommy kung sana pinapainom at pinapakain niya ako ng dairy eh hindi ako magkaka allergies." Uniiyak na saad ni Leland.

 

Kinarga ni Nolan ang anak saka nag drive pauwi.

 

Ine-expect niya na sasalubungin sila ni Lucilia sa pintuan nila pero hindi ito nangyari.

 

Ang sumalubong sa kanila ay si manang Esther, ang kasambahay nila.

 

"Nasaan ang asawa ko?" Tanong ni Nolan.

 

"Wala po dito si madam at young lady, sir. Umuwi po sa tahanan ng mga magulang niya." Saad ni manang Esther.

 

"What?!" Gulat na tanong ni Nolan.

 

Hindi siya makapaniwala na umalis talaga si Lucilia at iniwan sila.

 

Sinubukan niyang tawagan ang asawa pero hindi nito sinagot ang tawag niya.

 

"I can't believe her. May allergies na ang anak niya pero wala lang siyang pake?!" Galit na saad ni Nolan sa sarili.

 

"Manang Esher, get Leland's medicine!" Utos nito.

 

"Naku sir hindi ko po alam kung nasaan." 

 

Nakatanggap naman ng matalim na titig si Manang Esther mula kay Nolan.

 

"Anong hindi mo alam?" Galit na saad nito.

 

"Si madam naman po kasi ang nag aasikaso ng mga medisina ng kabal." Paliwanag ni Manang Esther. Nasapo nalang ni Nolan noo niya sa inis.

 

 

 

 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

No Comments
16 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status