LOGIN“Damn it! Wala pa rin kayong idea kung nasaan na ang asawa ko?” galit na tanong ni Dylan sa kanyang assistant na si Meynard.
“I’m really sorry, Sir. Pero lahat ay tinignan na namin. Walang Juliette Lucero na lumabas ng bansa o nagbiyahe papunta sa ibang bayan o probinsya through air.” Nakayuko si Meynard, alam niya na lalong hindi magugustuhan ng amo ang kanyang sagot.
“Ano ‘yon, naglaho na lang siyang parang bula?” galit na tanong pa rin ni Dylan ngunit ngayon ay mas kalmado na siyang tignan. “Wala siyang ibang mapupuntahan, kahit sa orphanage ay hindi na rin siya bumalik. Wala akong kahit na anong property na binili para sa kanya at mas lalong wala siyang pera na natanggap mula sa akin. Saan siya pwedeng magpunta ng hindi gumagamit ng pera?” mahina niyang sabi.
Sasagot na sana ang assistant ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Dylan at pumasok si Nicole.
“Anong nangyari dito? Bakit ang daming kalat?” tanong ng babae habang nililibot ang tingin sa paligid. Ang mga papel na kanina lang ay nasa lamesa ni Dylan ay marahas niyang binato kanina dahil sa galit.
“What are you doing here?” walang emosyon na tanong ni Dylan. Nagtangkang lumapit si Nicole sa lalaki ngunit inawat siya nito. “Stay where you are. Don’t come closer.”
“Ano ba ang ginagawa mo? Bakit ba panay parin ang pahanap mo sa babaeng nang-iwan sayo?” mahinahong tanong ni Nicole. Iniisip niya na kung ipapaalala niya sa lalaki ang inakala nitong ginawa ni Juliette ay mabubuhay ang galit sa puso ni Dylan. Ngunit hindi ganon ang nangyari.
“Hinahanap ko siya dahil asawa ko siya. Kung wala kang matinong sasabihin ay makakaalis ka na.”
Pumalatak si Nicole at ngumiti ng ubod tamis bago nagsalita. “Hindi mo na kailangan pang magpanggap. Alam na ni Juliette na hindi mo pinaregister ang kasal niyo.”
Isang masamang tingin ang pinukol ni Dylan kay Nicole. “Sinong may sabi sayo na hindi ko pinaregister ang kasal namin?”
“Si Juliette, hindi ba at sinabi niyang–”
“Yun ang akala niya,” putol ni Dylan sa anumang sasabihin ni Nicole. “But our marriage is binding and legal. You can check it if you want.”
Natilihan ang babae. Hindi niya akalain na kasal talaga ang dalawa. Naniwala siya sa sinabi ni Juliette bago umalis.
Ngunit bigla naisip ni Nicole na walang alam si Juliette tungkol doon. Kaya naman sinubukan niya ang damdamin ni Dylan.
“Hindi alam ni Juliette yon, paano kung umalis siya dahil sa may iba na siyang sinamahan na lalaki?” Nanlisik ang mga mata ni Dylan dahil sa sinabing iyon ni Nicole.
“Get out!” sigaw niya. Napapitlag si Nicole at mabilis na umalis ng opisina. Napapikit naman si Meynard na nakikinig lang dahil may idea na siya sa gustong ipagawa ngayon sa kanya ng amo. “Find out kung sino-sino ang mga nakasalamuha ng asawa ko the last few months. Wala kang papalagpasin.”
“Yes, Sir.” Agad na lumabas ng opisina si Meynard matapos niyang damputin ang mga nakakalat na papel at ipatong iyon sa table habang naiwan na nag-iisip si Dylan. Alam niya na nasaktan si Juliette. Hindi lang siya, kung hindi pati na ng kanilang anak. Napasandal siya at pumikit tsaka inalala kung paano ba nagsimulang magulo ang kahit papaano ay tahimik sana nilang pagsasama noon.
Nasa ikawalong buwan na ang pagbubuntis ni Juliette. Masaya at excited si Dylan sa araw ng naka-schedule na CS ng asawa na laging nasa bahay lang.
Kahit na CEO si Dylan ng Moon Network ay hindi naman naging dahilan iyon upang mawalan siya ng oras kay Juliette.
Sa isang coffee shop, habang umiinom ng kape kasama ang kaibigan na si Leonard, ay naulinigan niya ang pag-uusap ng dalawang lalaki.
“Hindi man lang tayo binalatuhan ng babaeng ‘yon. Matapos siyang magpanggap na niligtas niya mula sa atin ang matandang babae na nanay ng may-ari ng T.V. network.”
Nanlamig ang buong batok ni Dylan sa narinig at agad na pumasok sa isipan niya si Juliette pati na ang insidente ng pagliligtas nito sa kanyang ina na naging dahilan upang ipakasal sila.
Mabilis siyang tumayo upang komprontahin ang dalawang lalaki ngunit mabilis na nakaalis ang mga ito.
“Hey, Dylan, what’s wrong?” tanong ni Leonard. Nagtaka sa kanyang inakto.
“Narinig mo ba ang sinabi ng dalawang lalaking ‘yon?” tanong niya sa kaibigan.
“Yes. So what about it?” tanong ni Leonard. “Hindi ba at iyon naman na din ang inakala mo kaya pinigilan mo ang pagrehistro ng kasal niyo ni Juliette?”
Natigilan si Dylan dahil totoo ang sinasabi ng kanyang kaibigan. Sa simula pa lang ay wala na siyang tiwala kay Juliette. Ngunit sa kanilang pagsasama, naramdaman niya ang sincerity ng kanyang asawa kaya tuluyan na iyong nawala sa kanyang isip.
Ngunit simula ng marinig niya ang dalawang lalaking iyon ay naging malamig na rin ang pakikitungo niya sa kanyang asawa.
At ngayon, wala na si Juliette sa buhay niya. Sa buhay nilang mag-aama at mag-iisang linggo na niyang hinahanap ito ngunit wala pa ring resulta.
Huminga ng malalim si Dylan at nagsimula ng magtrabaho. Ngunit bago niya madampot ang mga dokumentong pinatong ni Meynard sa table niya ay tumunog ang kanyang cellphone.
“Mom,” sabi niya.
“Ano ba ang ginagawa mo? Hindi mo ba alam na may sakit ang kambal?” sabi ni Donya Gabriela mula sa kabilang linya.
“Okay po, pauwi na ako.” Tumayo si Dylan at kinuha ang susi ng sasakyan.
“Nandito na kami sa hospital, dito ka na dumiretso.”
“Okay, Mom.” Pagkasabi non ay pinutol na ni Dylan ang tawag at lumabas na ng kanyang opisina.
Pagdating sa hospital ay sinalubong si Dylan ng kanyang ina. “Kanina pa umiiyak ang kambal at hinahanap ang Mommy nila. Wala pa rin bang balita?” Bakas sa mukha ng ginang ang pag-aalala. “Kung bakit kasi hindi mo magawang pakisamahan ng maayos si Juliette. Ang bait-bait niya.”
Hindi nakaimik si Dylan. Hindi niya masabi sa kanyang ina ang nalaman tungkol sa inaakala niyang panloloko ni Juliette dito dahil ayaw niyang masaktan ito.
“Ako na ang bahala sa kanila, Mom.” Pumasok na si Dylan sa loob ngunit sumunod ang kanyang ina.
“Daddy!” sabay na sabi ng kambal ng makita siya.
“Nasan na si Mommy? Gusto kong makita si Mommy..” sabi ni Joaquin. Napabuntong hininga si Dylan, hindi malaman ang isasagot sa anak. Gusto niyang singhalan ang mga ito at ipaalala kung paano nilang sinabi sa harapan ng kanilang ina na si Nicole na ang gusto nilang maging Mommy. Ngunit hindi niya magawa dahil alam niyang mga bata pa ang mga ito.
Hindi totoo na hindi niya pinagsasabihan ang kambal sa tuwing nagiging bastos ang mga ito kay Juliette. Pero dahil sa tuwing sila lamang mag-aama ang magkakaharap niya ginagawa iyon ay hindi rin alam ng asawa niya yon.
“I’m still looking for her.”
“Kasalanan namin kung bakit umalis si Mommy. Naging bad kami sa kanya kaya hindi na niya kami mahal…” sabi ni Joaquim bago sabay na umiyak ang kambal.
“No, it’s not your fault. ‘Wag kayong mag-alala dahil babalik din si Mommy nyo, okay? Alam nyo naman na sobrang mahal niya kayo, right?” pang-aalo ni Dylan sa mga anak. “Magbehave na kayo para pagbalik ni Mommy nyo ay hindi na sumama ang kanyang loob. Okay ba ‘yon?”
Tumigil sa pag-iyak ang kambal at tumango na lamang. Umaasang totoo ang sinasabi ng kanilang ama.
Si Dylan naman ay napatingin sa kanyang ina na hindi na rin gumawang umimik. Hindi niya kayang saktan ang damdamin ng mga apo kahit na nga gusto niyang sabihin sa mga ito na wag na silang umasa sa pagbabalik ng kanilang ina.
Napayapa ang kambal at napag-alaman ni Dylan na sa labis na pagkamiss kay Juliette at pag-iisip na kasalanan ng kambal ang pag-alis ng kanilang ina kaya nagkasakit ang mga ito. Naawa siya sa mga anak at nagdesisyon na mas paigtingin pa ang paghahanap sa asawa.
Tulog na ang kambal habang kakaalis lang ni Donya Gabriela ng tumunog ang cellphone ni Dylan. Pagtingin niya ay pangalan ng kanyang assistant ang nakita niya kaya agad niya iyong sinagot.
“Sir, nakuhanan sa CCTV si Ma’am Juliette sa isang banko na nagwithdraw.”
Nabuhayan ng loob si Dylan dahil sa narinig. Naisip niya na gagawin niya ang lahat upang maibalik ang asawa sa buhay nilang mag-aama.
Huminga nang malalim si Dylan bago muling nagsalita, parang pinipilit buuin ang sarili bago iharap sa kanya ang totoo.“May problema talaga sa kumpanya noon,” sabi niya, mabagal at maingat. “At nagpunta ako sa restaurant para personal na puntahan ang artist. Kung gusto mo, pwede mong i-check. Two years ago, kinuwento na niya ang buong nangyari. Nasa social media na lahat, every detail.”Nanatili ang tingin ni Juliette sa kanya, hindi kumukurap. Pinipilit niyang basahin ang mukha ni Dylan, kung may bahid man lang ng kasinungalingan. At sa isang iglap, naisip niyang… baka nga mali ang narinig niya noon. Baka hindi lahat ng akala niya ay totoo.“What about the other anniversaries?” tanong niya, pinipilit gawing steady ang boses kahit kumikirot ang puso niya.“I admit,” sagot ni Dylan, walang pag-iwas, “talagang hindi ako umuuwi noon. Pero wala akong ibang pinupuntahan. Kumpanya lang.” Nanigas ang panga niya, parang mabigat din iyon para sa kanya. “Alam kong hindi iyon sapat. Alam kong hi
“Paano ang kambal?” tanong ni Dylan, halatang may pinipigilang panginginig sa boses. “They really missed you. Hinahanap-hanap ka nila. At matapos ka nilang makita ulit ay hindi na sila natahimik pa. Paulit-ulit nilang sinasabi na gusto ka nilang makasama.”Napalunok si Juliette. May kung anong kumirot sa dibdib niya, isang kirot na pilit niyang hindi pinapansin mula nang umalis siya. Naiintindihan niya si Dylan dahil ganoon din ang nararamdaman niya para sa kambal. Araw-araw. Bawat gabi. At dahil doon, may biglang ideyang sumulpot sa isip niya, isang desisyong matagal na niyang itinataboy.Pero bago pa man siya makahanap ng tamang salita, nagsalita na ulit si Dylan.“Mga bata lang sila,” he continued,
Nanatiling tahimik si Dylan matapos magsalita ni Juliette. Para siyang sinakal ng katahimikan—mabigat, nakakabingi. Pilit niyang inangat ang tingin mula sa mesa bago nagsalita, paos, mababa, parang may kinakalaban sa loob.“Is it because of him?” tanong ni Dylan makalipas ang ilang saglit.Kumunot ang noo ni Juliette. “What?” napapailing na sagot niya, halatang hindi inaasahan ang direksiyon ng usapan.“Is it because of Santamena kaya gusto mo ng divorce?” ulit ni Dylan, mas matalim, mas mabigat ang boses ngayon. Kita sa mga mata niya ang halong selos, takot, at pagsisisi—pero nakabalot iyon sa galit na ayaw niyang ipakitang nasasaktan siya.Hindi makapaniwala si Juliette. Saglit siyang napatitig kay Dylan bago tuluyang natawa—hindi dahil natutuwa, kundi dahil sa sobrang absurd ng akusasyon. Isang mapait, maikling tawa na parang sampal sa ego ni Dylan.“What’s so funny?” dagdag pa ni Dylan. Hindi gumagalaw ang mukha niya, pero halatang hindi niya nagustuhan ang reaksyon ni Juliette. Ku
“Nandito na tayo.” Nilingon nin Juliette ang nagsalitang si Andrew na nakatingin na rin pala sa kanya. Huminga siya ng malalim at tsaka tumango bago hinawakan ang door handle ng sasakyan para lumabas. “Are you sure kaya mong magi-isa?”Muling tumingin si Juliette sa lalaki at ngumiti. “Anong akala mo sa akin?”“Init ulo agad, nagtatanong lang?” taas ang kilay na tugonn ni Andrew dahilan upang matawa si Juliette at kahit papaano ay narelax ng konti.“You can leave, kaya ko na rin umuwing mag-isa.” Nagtitigan ang dalawa at marahang tumango si Andrew bilang tugon. Alam niya na iyon talaga ang gusto ng kaibigan.Tuluyan ng bumaba si Juliette at naglakad papasok sa building habang nakatanaw sa kanya si Andrew. “Hay naku, Juliette. Sana lang ay makapagdesisyon ka ng tama para maging tuluyan ka ng maging masaya,” hindi naiwasan na sabihin ng lalaki habang patuloy lang niyang hinatid ng tingin ang kaibigan.Si Andrew Santamena ay kuya ni Camila. Malaki ang utang na loob niya kay Don Horacio, a
Napaisip si Juliette sa mga salitang iniwan ni Andrew na baka pareho pa rin silang nasasaktan ni Dylan sa parehong dahilan.Matagal siyang nakatulala, nakatitig sa kawalan, habang unti-unting bumabalik sa kanya ang mga alaala.Hindi madali para sa kanya na talikuran ang kambal na anak na ngayon ay nasa poder ni Dylan. Ngunit sa tuwing maaalala niya ang mga salitang binitiwan ng mga ito, ang malamig na tingin, at ang paglayo ng mga yakap na dati ay sa kanya lamang nakalaan, unti-unti niyang nararamdaman kung paano natatabunan ng sakit ang puso ng isang inang sabik sa sariling mga anak.Isang iglap, lumitaw sa kanyang balintataw ang mukha ni Gener, ang batang walang ibang alam kundi umunawa. Na kahit hindi sa kanya nagmula ay pinadama naman sa kanya kung paano mahalin ng tunay na anak.Kasunod noon, ang kambal na sina Jamima at Janina na palaging nakayakap sa kanya, sabay-sabay na tumatawag ng “Mommy!” habang nagtatawanan.Ni minsan, hindi niya narinig sa kanila ang salitang “ayaw.” Lagi
“What’s this?” malamig pero matalim ang tanong ni Dylan, habang dahan-dahang ibinababa ang dokumentong kanina lang ay hawak niya. Ngunit nang masipat ang heading ng papel, mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nanigas ang panga, at unti-unting naningkit ang mga mata.“Pinadala po ng abogado ni Mr. Santamena, Sir,” mahinang sabi ni Meynard, halos hindi na makatingin. Alam niyang hindi magugustuhan ng amo ang laman ng dokumento.Mabigat ang katahimikang sumunod. Tanging ang mahinang ugong ng aircon ang maririnig.Dahan-dahang iniangat ni Dylan ang tingin, diretso sa assistant niya at sa isang iglap, umapoy ang galit sa mga mata niya.“Pinadala ng abogado ni Santamena?” paulit niyang sabi, halos pabulong pero puno ng poot. “So, humingi pa talaga siya ng tulong sa lalaking ‘yon? Para makipaghiwalay sa akin?”Isang iglap lang ay tumilapon ang mga papel sa hangin nang itapon niya iyon sa mesa. Nagkalat ang mga dokumento sa sahig, at isa-isang bumagsak sa paligid ni Meynard.“Te







