 LOGIN
LOGINSa Hacienda Romano, si Juliette ay nasa lanai at nag-aalmusal kaharap si Don Horacio, ang kanyang lolo. Isang matandang chairman ng Banco de Romano o mas kilala hindi lang sa bansa kung hindi pati na rin sa iba't-ibang kontinente bilang BDR, isang commercial bank.
“Kumain ka ng kumain, apo.” Nginitian ni Juliette ang matanda. Isang linggo na simula ng sumama siya dito matapos umalis sa bahay ni Dylan.
“Maraming salamat. Nasaan na po si Gener?”
“Tulog pa, masyado yatang napagod sa paglalaro niyo kagabi kaya tinanghali na ng gising. Simula ng dumating ka ay parang nabuhayan na ang batang ‘yon,” tugon ng matanda.
Napag-alaman ni Juliette na si Gener ay anak ng kanyang kakambal na si Julie-Ann na namatay sa isang car accident kasama ang asawa nito bago mag-isang taon ang bata.
Nalungkot siya sa nangyari, naisip niya na sana, magkasama na sila ngayong magkapatid.
Mula din kay Don Horacio, nalaman din ni Juliette na lumayas ang kanyang ina na si Jenny sa kanilang tahanan dahil hindi gusto ng matandang Don ang lalaking minamahal nito na nagngangalang Alberto dahil sa mahirap lamang ito.
Matapos ngang mabuntis si Jenny ay nangibang bansa si Alberto ngunit ng umalis ay hindi na rin ito nagparamdam pa.
Inakala ni Jenny na binalewala na siya ni Alberto at napabayaan ang sarili habang siya ay nagdadalang tao. Iyon din ang naging dahilan kaya naging mahina ang kalusugan ni Julie-Ann.
Hindi na nagtangka pang bumalik ni Jenny kay Don Horacio sa pag-aakala na hindi siya matatanggap ng ama.
Nang makapanganak ay mas lalo pang nanghina ang katawan ni Jenny. Naisip niya na hindi niya kayang alagaan pa ang kambal kaya naman dinala niya sa ampunan si Juliette sa pag-asang magkakaroon pa ito ng maayos na buhay.
Si Julie-Ann, dahil sa pagiging mahina ng katawan ay naisip ni Jenny na maiiwan sa kanya at sakali ay bawian sila ng buhay na magkasama.
Ngunit bago mangyari yon ay natagpuan sila ni Don Horacio na matagal na rin palang hinahanap ang anak.
Bago namatay si Jenny ay naibilin nito sa ama si Julie-Ann at nabanggit na nasa ampunan ang isa pang anak na si Juliette. Sa kasamaang palad, hindi na nito nabanggit ang pangalan ng ampunan.
“Sinuyod ko ang mga ampunan sa lugar kung saan ko sila natagpuan para hanapin ka,” sabi ng matandang Don kay Juliette ng ikwento niya rito ang pangyayari, ikalawang araw na pag-stay niya sa hacienda.
“At hindi nyo ako nakita,” tugon ni Juliette. Tumango ang matanda bago tumugon.
“Ampunan sa ibang bayan ka pala noya dinala,” mahinang tugon ng matanda.
At ngayon nga, kahit papaano ay nakakangiti na si Juliette. Sa pamamagitan ni Gener na anak ni Julie-Ann, nakakalimutan niya ang sakit na dulot ni Dylan at ng kambal kahit pansamantala lang.
“Ayaw mo bang mag-aral, apo?” Natigilan si Juliette sa narinig. Sa totoo lang, gusto niya iyon. “Kung gusto mo ay sabihin mo lang. I will make it happen. Mas maganda siguro kung sa ibang bansa ka na magkolehiyo. Mas mainam na malayo ka upang kahit papaano ay makalimot din.”
“Paano po si Gener?” tanong ni Juliette.
“Kung gusto mo siyang isama ay okay lang sa akin. Ipapasama ko sayo si Camila, ang anak ng isa sa pinagkakatiwalaan ko dito sa hacienda pati na ang kanyang ina.”
“Paano ka?” nag-aalalang tanong ni Juliette. Kita niya na matanda na ang kanyang lolo. Hanggat maaari, mas gusto niya na magkasama sila.
“Wala kang dapat na alalahanin, malakas pa ang lolo mong ito. Pagbalik mo ay nandito pa rin ako,” may halong biro na tugon ni Don Horacio.
Pinag-isipan mabuti ni Juliette ang sinabi ng kanyang Lolo.
Ilang araw siyang nagmuni-muni bago nagdesisyon.
“Ano apo, nakapagdesisyon ka na ba?” tanong ni Don Horacio ng ipatawag niya sa kanyang study room si Juliette. Gusto niya na makaalis agad si Juliette. Ayaw na niyang patagalin pa lalo at inaasahan na rin niya ang apo na siyang mamahala ng kanilang negosyo.
“Sige po, Lolo. Isasama ko sina Gener, Camila at si Mama Beth.”
Ngumiti si Don Horacio. Pagkatapos niyang malaman ang nangyari sa buhay may asawa ni Juliette ay nasisiguro niya na mas gugustuhin na ng apo na i-improve ang sarili.
“Kung ganon, ihahanda ko na ang lahat. Maaaring sa isang linggo ay makaalis ka na. Juliette Romano na ang gagamitin mong pangalan kagaya na lang ng nasa birth certificate mo.”
“Pero paano po ang mga credentials ko? Ibig bang sabihin ay kailangan kong magsimula ulit?” tanong ni Juliette.
“Hindi na. Ang abogado na ang siyang bahalang umayos ng lahat ng iyon. Ang kailangan mo lang gawin ay ang maghanda para sa iyong pag-alis.”
“Sige po, Lolo.” Sinamahan pa ni Juliette ng tango ang kanyang sinabi. Pagkatapos nilang mag-usap ay lumabas na siya ng study room ng matanda at dumiretso sa kanyang silid. Doon ay muli niyang naisip ang kanyang mag-aama.
Naalala niya kung paano niyang nakilala ang kanyang Lolo Horacio.
***
Nagmamadaling nagpunta si Juliette sa hospital ng makatanggap siya ng tawag mula sa school na pinapasukan ng kambal at sinasabing nasaktan diumano ang mga ito ng makipag-away sa kanilang kamag-aral.
Hindi siya makapaniwala na masusuong sa ganong sitwasyon ang mga anak na palagi niyang tinuturuan na maging mapagpasensya at umiwas sa kahit na anong gulo.
Gamit ang impormasyon na binigay ng teacher ng kambal ay diretso siya sa emergency area na para sa pedia. Nakita naman niya agad ang mga ito na kasama si Dylan pati na si Nicole. Natigilan siya ng marinig ang sinabi ng kambal sa kanilang ama.
“Sinasabi nila na mahina ang Mommy namin. Na wala daw silbi,” humihikbing sabi ni Joaquin. Naantig ang puso ni Juliette dahil inisip niya na napaaway ang mga ito ng dahil sa pagtatanggol sa kanya.
“Tita Nicole, pumunta ka nga sa school namin at ng malaman nila na isang sikat na artista ang Mommy namin.” Nasaktan si Juliette dahil sa narinig na iyon mula sa bibig ni Joaquim. Hindi niya akalain na mas gugustuhin ng kanyang mga anak na iharap ang ibang tao bilang kanilang ina kaysa ang ipakilala siya ng mga ito.
Nagbaling ng tingin si Juliette kay Dylan, hinintay na sawayin or sitahin man lang ang kanilang mga anak. Ngunit hindi iyon nangyari.
“Nicole, pagpasensyahan mo na lang ang kambal. Pero kung may panahon ka, mapagbigyan lamang sila at para matigil na ang mga kamag-aral nila sa panunukso sa kanila ay baka pwede kang sumaglit doon.”
Napahawak sa kanyang dibdib si Juliette habang tumutulo ang kanyang luha. At iyon ang tagpong nakita ni Nicole dahilan upang ngumisi ito sa kanya at tsaka tumugon kay Dylan na walang kamalay-malay sa presensya niya.
“Alam mo naman na para sa mga bata ay handa akong gawin ang kahit na ano. Basta ikaliligaya nila.” Para kay Juliette ay parang napakalambing ng pagkakasabing iyon ni Nicole lalo at sinabayan pa niya ng paghawak sa braso ni Dylan.
“Yehey!!” masayang sigaw naman ng kambal.
Doon na tuluyang umalis si Juliette. Hindi na niya kayang matagalan na makita ang tagpong nasaksihan. Hindi na rin niya narinig pa ang sinabi ni Dylan.
Sa pagmamadali ni Juliette ay hindi niya napansin ang matandang kasalubong na walang iba kung hindi si Don Horacio na nagpacheck-up lang dahil sa pananakit ng tuhod. Nagkabanggaan sila at ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ng matanda ng makita siya.
“Julie-Ann,” sabi ni Don Horacio.
“P-Pasensya na ho, pero hindi ho Julie-Ann ang pangalan ko.” Aalis na sana si Juliette pagkasabi non ngunit pinigilan siya ng matanda.
“Kung ganon, ikaw ba si Juliette?” tanong ni Don Horacio.
“P-Paanong–” Hindi malaman ni Juliette ang sasabihin dahil unang beses na may nakaalam agad ng kanyang pangalan. “P-Paano nyo pong nalaman ang pangalan ko?”
Dahil sa tinuran niya ay bigla na lamang siyang niyakap ni Don Horacio na hindi na napigilan ang pagtulo ng luha. Takang-taka man sa inakto ng matanda ay hindi rin siya maitulak ni Juliette dahil sa kakaibang damdamin na lumukob sa kanya.
Niyaya siya ni Don Horacio sa kanyang condo upang ipaliwanag ang lahat. Ganon na lamang ang saya ni Juliette ng malamang may pamilya pa pala siya.
“Sumama ka na sa akin sa Hacienda Romano, apo.”
“May pamilya na po ako,” tugon ni Juliette.
“Ngunit sa tingin ko ay hindi ka naman masaya…” mahinang sabi ni Don Horacio. Bilang Lolo ay dama niya ang bigat ng dibdib ni Juliette. Kahit hindi sabihin ng apo ay alam niya na masasaktan ito. “Sabihin mo sa akin ang problema, apo. Baka makatulong ako.”
Alanganin man, sinabi na rin ni Juliette ang lahat. Kung paano siya napakasal kay Dylan Lucero pati na ang kung paano ang naging trato nito sa kanya.
“Kung ganon, pag-isipan mong mabuti. Dalawang linggo pa akong mamalagi dito sa Manila. Kung sakaling magbago ang isip mo, alam mo kung saan ako matatagpuan.” Tinignan ni Juliette ang kanyang Lolo. Matagal dahil tila gusto na niyang sumama dito ngunit iniisip niya ang kanyang mga anak. Naisip ni Juliette na bigyan pa ng pagkakataon ang mga ito.
Ngunit sa araw nga mismo ng ika-limang kaarawan ay muli siyang sinaktan ng mga taong mahal niya.
***
Ngayon, nasa piling na siya ng kanyang tunay na pamilya. Pinunasan ni Juliette ang mga luhang umaagos na sa kanyang pisngi.
“Last na ‘to. Hindi na ako iiyak pa ng dahil sa kanila,” sabi ni Juliette sa sarili na puno ng conviction. Desidido na siyang kalimutan ang pamilyang nambalewala sa kanya.
“Mula ngayon, si Gener na lang ang anak ko at wala ng iba.”

“Look,” sabi ni Camila sabay lapag ng folder sa lamesa. Tinignan naman iyon ni Juliette at nagtatakang binuklat. Nasa isang bakanteng silid sila na ginawa niyang mini office sa condo na tinutuluyan nilang mag-iina .“What about this?” tanong niya. “Your ex-husband wants to have a meeting with you.”“I can see that,” tugon ni Juliette na may kasama pang pagkibit ng balikat.“So, anong plano mo?” tanong pa ni Camila.“Bakit gusto niya akong makausap?”“Obviously para sa isang project. Hindi naman niya alam na ikaw ang big boss namin eh.” Inikutan ni Juliette ng mata ang kaibigan.“Kung ganon kahit hindi ko siya harapin ay okay lang.”“Anong ibig mong sabihin dyan?”“Cams, kakarating lang natin at kailangan kong ayusin ang school ng mga bata. Yung kambal ay okay lang dahil 4 years old pa lang naman sila, pero si Gener kailangan na niya agad para hindi siya mapag-iwanan sa klase.”Sa hinaba-haba ng sinabi ni Juliette ay alam na ni Camila ang ibig mangyari ng kaibigan.“Ibig bang sabihin a
“I'm excited to see Lola,” nakangiting sabi ni Joaquin sa kanyang ama. Nasa airport sila upang sunduin si Donya Gabriela na galing sa ibang bansa para bisitahin ang nag-iisang kapatid.“Yeah, she had been away for a month,” dagdag ni Joaquim.“Ang akala ko ay aabangan mo si Camila kaya ka nagpunta dito,” sabi naman ni Nicole na agad na sumama ng makitang paalis ng kumpanya ang mag-aama.Normally ay hindi hinahayaan ni Dylan na magpunta ang kambal sa kumpanya. Kaya naisip ni Nicole na may lakad ang mga ito kaya hindi na siya nagsayang ng pagkakataon.“Kaya ka ba sumama ay inakala mong ai Camila ang sadya namin dito?” tanong ni Dylan sa babae na alanganing ngumiti bago tumugon. “Y-Yes. Naisip ko, baka kailanganin mo ng–”“Kasama ko ang mga anak ko. Alam mo na hindi ako nagtatrabaho whenever they're with me.” Walang kahit na anong emosyon si Dylan ng tumugon. Ayaw niya kasing isama talaga si Nicole ngunit nagpilit. At dahil kahit papaano ay malapit ang kambal sa kanya, hindi na kumibo pa
“Sir, nakarating po sa amin ang balita na ang StoryBank ay may opisina na dito sa Pilipinas.” Nag-angat ng tingin si Dylan at nakita ang kanyang assistant na nakatayo na sa harap ng kanyang table, hawak ang cellphone na tila may tinitignan doon.“Sigurado ka?” tanong niya na tinugon ni Meynard ng marahan na tango. Napaisip si Dylan na mukhang ang pagkakataon na mismo ang nagsasabi na ituloy niya ang project na matagal na niyang pinaplano. “May exact location na ba kung saan?” tanong pa niya.“Ayon sa source natin, sa Romano Building nakarehistro ang kanilang opisina. Two weeks ago pa po ito kaya malamang na maging operational na sila.”“Anong dahilan ng pagkakaroon nila ng physical office dito?” takang tanong pa ni Dylan. Hindi sa mahalaga sa kanya ang tungkol sa bagay na yon. Matagal na kasi niyang gustong isapelikula ang mga story na eksklusibong nasa app nila.“Walang malinaw na dahilan. Pero maaaring dahil gusto din nila na magproduce ng pelikula mula sa app. According to our sour
Five years later“Mommy! Mommy!” Napalingon si Juliette mula sa pakikipagkwentuhan sa kaibigan at kasosyo sa negosyo na si Camila dahil sa narinig na sigaw ng anak na isa sa kambal. “Mommy! Jamima and Kuya Gener are chasing me!” tili pa ng bata na sinamahan ng malakas na pagtawa.Natawa narin naman si Camila habang pinapanood ang mga batang sige ang pagtakbo. Hanggang sa makarating si Janina sa kanyang ina at agad na kumandong dito.“Mommy, give Janina back to us…” reklamo ni Gener habang hinihingal pa.“Ano ba ang nilalaro niyo? Takbuhan kayo ng takbuhan, paano kung madapa kayo?” tugon ni Juliette. Bakas ang pag-aalala at protectiveness para sa kambal at kay Gener na tuluyan na niyang inampon at inaring kanya.“Hayaan mo na. Mga bata yan, natural ang paglalaro ang gustong gawin.” Tumingin si Juliette kay Camila habang naniningkit ang mga mata. “Come on, mababait na bata ang mga anak mo. Hindi nila hahayaan na magkasakitan sila. Lalo na at over protective din ang Kuya nila.”Tinignan
Sa Hacienda Romano, si Juliette ay nasa lanai at nag-aalmusal kaharap si Don Horacio, ang kanyang lolo. Isang matandang chairman ng Banco de Romano o mas kilala hindi lang sa bansa kung hindi pati na rin sa iba't-ibang kontinente bilang BDR, isang commercial bank.“Kumain ka ng kumain, apo.” Nginitian ni Juliette ang matanda. Isang linggo na simula ng sumama siya dito matapos umalis sa bahay ni Dylan.“Maraming salamat. Nasaan na po si Gener?”“Tulog pa, masyado yatang napagod sa paglalaro niyo kagabi kaya tinanghali na ng gising. Simula ng dumating ka ay parang nabuhayan na ang batang ‘yon,” tugon ng matanda.Napag-alaman ni Juliette na si Gener ay anak ng kanyang kakambal na si Julie-Ann na namatay sa isang car accident kasama ang asawa nito bago mag-isang taon ang bata.Nalungkot siya sa nangyari, naisip niya na sana, magkasama na sila ngayong magkapatid.Mula din kay Don Horacio, nalaman din ni Juliette na lumayas ang kanyang ina na si Jenny sa kanilang tahanan dahil hindi gusto n
“Damn it! Wala pa rin kayong idea kung nasaan na ang asawa ko?” galit na tanong ni Dylan sa kanyang assistant na si Meynard.“I’m really sorry, Sir. Pero lahat ay tinignan na namin. Walang Juliette Lucero na lumabas ng bansa o nagbiyahe papunta sa ibang bayan o probinsya through air.” Nakayuko si Meynard, alam niya na lalong hindi magugustuhan ng amo ang kanyang sagot.“Ano ‘yon, naglaho na lang siyang parang bula?” galit na tanong pa rin ni Dylan ngunit ngayon ay mas kalmado na siyang tignan. “Wala siyang ibang mapupuntahan, kahit sa orphanage ay hindi na rin siya bumalik. Wala akong kahit na anong property na binili para sa kanya at mas lalong wala siyang pera na natanggap mula sa akin. Saan siya pwedeng magpunta ng hindi gumagamit ng pera?” mahina niyang sabi.Sasagot na sana ang assistant ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Dylan at pumasok si Nicole.“Anong nangyari dito? Bakit ang daming kalat?” tanong ng babae habang nililibot ang tingin sa paligid. Ang mga papel na kani






![My Ex's Uncle Is My Husband[FILIPINO]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

