LOGINFive years later
“Mommy! Mommy!” Napalingon si Juliette mula sa pakikipagkwentuhan sa kaibigan at kasosyo sa negosyo na si Camila dahil sa narinig na sigaw ng anak na isa sa kambal. “Mommy! Jamima and Kuya Gener are chasing me!” tili pa ng bata na sinamahan ng malakas na pagtawa.
Natawa narin naman si Camila habang pinapanood ang mga batang sige ang pagtakbo. Hanggang sa makarating si Janina sa kanyang ina at agad na kumandong dito.
“Mommy, give Janina back to us…” reklamo ni Gener habang hinihingal pa.
“Ano ba ang nilalaro niyo? Takbuhan kayo ng takbuhan, paano kung madapa kayo?” tugon ni Juliette. Bakas ang pag-aalala at protectiveness para sa kambal at kay Gener na tuluyan na niyang inampon at inaring kanya.
“Hayaan mo na. Mga bata yan, natural ang paglalaro ang gustong gawin.” Tumingin si Juliette kay Camila habang naniningkit ang mga mata. “Come on, mababait na bata ang mga anak mo. Hindi nila hahayaan na magkasakitan sila. Lalo na at over protective din ang Kuya nila.”
Tinignan ni Juliette ang tatlong bata at nakita niyang titig na titig ang mga ito sa kanya. Wala na siyang nagawa kung hindi ang magpakawala ng isang malalim na buntong hininga bago nilapag si Janina.
“Make sure na babantatan niyo ang isa't-isa, okay?” sabi ni Juliette. Doon na ngumiti ang tatlo at sabay sabay ng sumagot.
“Yes Mommy!” At pagkasabi nga non ay nagsimula na ulit habulin nina Jamima at Gener si Janina na kahit tili ng tili at nanghihingi ng saklolo ay tawa parin naman ng tawa.
“It's been five years. Wala ka pa bang balak bumalik ng Pilipinas?” Mula sa mga anak ay nagpaling ng tingin si Juliette kay Camila. Alam niya ang ibig sabihin ng kaibigan.
A month ago ay tumawag ang kanyang Lolo at hinihiling na bumalik na ng bansa dahil kailangan na siya ng BDR.
Ngunit masaya na si Juliette sa New York at nakapag-established narin ng sariling negosyo na tinatag niya 4 years ago. Ang StoryBank.
Isang writing platform at reading app kung saan pwedeng makapagbasa ang kahit na sino ng iba't-ibang story mula sa paborito nilang authors.
Ang StoryBank din ay kinikilala hindi lang sa New York kung hindi maging sa iba't-ibang panig ng mundo. Kung saan meron mahilig magbasa ay meron din StoryBank.
Sa apat na taon, naging matagumpay ang app at marami ng napasikat na authors.
Nito lang ay nag-expand ang app at nagkaroon narin ng shortfilms. Lahat ng sikat na aklat ay nagkakaroon ng film adaptation na sila din ang nagpoproduce.
“Juliette, kung hindi ka babalik, paano na ang banko? Pinaghirapan iyon ng Lolo mo,” sabi pa ni Camila.
“Paano naman ang negosyo ko dito?” tanong ni Juliette.
“Alam mo na marami tayong mapagkakatiwalaan sa opisina na pwede nating pamahalain ng StoryBank. Pero ang banko nyo, ikaw lang meron ang Lolo mo.”
Napapikit si Juliette habang nakasandal sa couch. Bigla siyang napaisip.
Limang taon na ng umalis siya ng Pilipinas. Napaghilom ba non ang sugat sa kanyang puso?
“Kailangan kong pag-isipan ng mabuti ito, Camila.” Tumango ang babae at tsaka hinawakan ang kamay ni Juliette.
Naiintindihan niya ang kaibigan. Alam niya ang sakit na dinanas nito sa pamilyang minahal niya ng lubusan. Ngunit naaawa din siya kay Don Horacio na matanda na at hindi na kayang mamahala ng isang malaking kumpanya.
Lumipas pa ang ilang araw. Habang nasa kwarto at nakikipagkwentuhan sa kanyang mga anak ay nabanggit ni Gener si Don Horacio.
“Namimiss ko na si Lolo.” Napatingin si Juliette kay Gener.
“Me too,” sabay na dagdag ng kambal na may halo pang sad face.
“Mommy, old na si Lolo. Bakit hindi nalang natin siya isama dito?” inosenteng tanong ni Jamima. Sa kambal, ito ang mas malapit lay Don Horacio. Mahilig itong makinig sa mga kwentong negosyo ng matanda.
“Gusto nyo bang makasama si Lolo nyo?” tanong Juliette
“Yes, Mommy.” Parang koro ng choir na tugon ng tatlong bata. Kita din ang saya at excitement sa mukha ng mga ito at iyon ang siyang nakapagpapayag kay Juliette para bumalik ng Pilipinas.
Kasunod na linggo ay inasikaso nila Juliette at Camila ang pagbalik nila ng Pilipinas.
Siniguro nila na magiging maayos at smooth ang takbo ng StoryBank kahit na wala sila.
Nagsimula silang mag-assign ng mga tao na siyang hahawak ng kumpanya. Mga tao na siyang magrereport sa kanya ng tungkol sa mga nangyayari.
Dahil sa desisyon ni Juliette na bumalik ng bansa ay naisipan na niyang magkaroon ng physical office ang StoryBank PH. Marami rin silang readers na mga pinoy at halos 30% ng writers nila ay pinoy din.
Lahat ng kailangang ayusin ay inayos nila, lalo na ang mga school papers ng mga bata.
After 3 weeks ay ayos na ang lahat at ready na silang bumalik sa Pilipinas.
“Hindi parin ako makapaniwala na pumayag ka,” nakangiting sabi ni Camila.
“Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mong bumili tayo ng bahay dito sa New York? Alam mo na babalik at babalik tayo ng Pilipinas?” tanong ni Juliette sa kaibigan na sinamahan pa ng pag-ikot ng mga mata.
“Ano ka ba, tumatanda na ang nanay ko at hindi kaya ang lamig dito,” natatawang tugon ni Camila. Iiling-iling na lang si Juliette.
“Kidding aside.” Tumingin si Juliette sa kaibigan at naghintay ng susunod pa nitong sasabihin. “Wala kang dahilan para magtago sa kanila. Ikaw ang nasaktan, ikaw ang niloko kaya sila dapat ang hindi makakatingin sayo ng diretso.”
Isang ngiti ang tinugon ni Juliette. Laking pasalamat niya kay Camila at sa ina nito na si Mama Beth na siyang naging sandalan niya habang nagsisimula sa New York.
Dahil sa mag-ina, pati na kay Gener at sa kanyang Lolo Horacio na hindi pumapalya ng pagtawag sa kanya ay naramdaman niya kung paano pahalagahan at mahalin.
“Ngayon, after five years. Handa na akong harapin sila, Camila. Wala ng lugar ang mga taong nanakit sa akin noon. Ang tangi lang mahalaga sa akin ay ikaw, si Mama Beth, si Lolo at ang mga bata. Isama narin natin ang mga taong naging malapit sa akin habang nandito ako sa New York.”
“That's my girl,” nakangiting tugon ni Camila.
“Ready na akong bumalik sa Pilipinas,” pinal na sabi ni Juliette.
Huminga nang malalim si Dylan bago muling nagsalita, parang pinipilit buuin ang sarili bago iharap sa kanya ang totoo.“May problema talaga sa kumpanya noon,” sabi niya, mabagal at maingat. “At nagpunta ako sa restaurant para personal na puntahan ang artist. Kung gusto mo, pwede mong i-check. Two years ago, kinuwento na niya ang buong nangyari. Nasa social media na lahat, every detail.”Nanatili ang tingin ni Juliette sa kanya, hindi kumukurap. Pinipilit niyang basahin ang mukha ni Dylan, kung may bahid man lang ng kasinungalingan. At sa isang iglap, naisip niyang… baka nga mali ang narinig niya noon. Baka hindi lahat ng akala niya ay totoo.“What about the other anniversaries?” tanong niya, pinipilit gawing steady ang boses kahit kumikirot ang puso niya.“I admit,” sagot ni Dylan, walang pag-iwas, “talagang hindi ako umuuwi noon. Pero wala akong ibang pinupuntahan. Kumpanya lang.” Nanigas ang panga niya, parang mabigat din iyon para sa kanya. “Alam kong hindi iyon sapat. Alam kong hi
“Paano ang kambal?” tanong ni Dylan, halatang may pinipigilang panginginig sa boses. “They really missed you. Hinahanap-hanap ka nila. At matapos ka nilang makita ulit ay hindi na sila natahimik pa. Paulit-ulit nilang sinasabi na gusto ka nilang makasama.”Napalunok si Juliette. May kung anong kumirot sa dibdib niya, isang kirot na pilit niyang hindi pinapansin mula nang umalis siya. Naiintindihan niya si Dylan dahil ganoon din ang nararamdaman niya para sa kambal. Araw-araw. Bawat gabi. At dahil doon, may biglang ideyang sumulpot sa isip niya, isang desisyong matagal na niyang itinataboy.Pero bago pa man siya makahanap ng tamang salita, nagsalita na ulit si Dylan.“Mga bata lang sila,” he continued,
Nanatiling tahimik si Dylan matapos magsalita ni Juliette. Para siyang sinakal ng katahimikan—mabigat, nakakabingi. Pilit niyang inangat ang tingin mula sa mesa bago nagsalita, paos, mababa, parang may kinakalaban sa loob.“Is it because of him?” tanong ni Dylan makalipas ang ilang saglit.Kumunot ang noo ni Juliette. “What?” napapailing na sagot niya, halatang hindi inaasahan ang direksiyon ng usapan.“Is it because of Santamena kaya gusto mo ng divorce?” ulit ni Dylan, mas matalim, mas mabigat ang boses ngayon. Kita sa mga mata niya ang halong selos, takot, at pagsisisi—pero nakabalot iyon sa galit na ayaw niyang ipakitang nasasaktan siya.Hindi makapaniwala si Juliette. Saglit siyang napatitig kay Dylan bago tuluyang natawa—hindi dahil natutuwa, kundi dahil sa sobrang absurd ng akusasyon. Isang mapait, maikling tawa na parang sampal sa ego ni Dylan.“What’s so funny?” dagdag pa ni Dylan. Hindi gumagalaw ang mukha niya, pero halatang hindi niya nagustuhan ang reaksyon ni Juliette. Ku
“Nandito na tayo.” Nilingon nin Juliette ang nagsalitang si Andrew na nakatingin na rin pala sa kanya. Huminga siya ng malalim at tsaka tumango bago hinawakan ang door handle ng sasakyan para lumabas. “Are you sure kaya mong magi-isa?”Muling tumingin si Juliette sa lalaki at ngumiti. “Anong akala mo sa akin?”“Init ulo agad, nagtatanong lang?” taas ang kilay na tugonn ni Andrew dahilan upang matawa si Juliette at kahit papaano ay narelax ng konti.“You can leave, kaya ko na rin umuwing mag-isa.” Nagtitigan ang dalawa at marahang tumango si Andrew bilang tugon. Alam niya na iyon talaga ang gusto ng kaibigan.Tuluyan ng bumaba si Juliette at naglakad papasok sa building habang nakatanaw sa kanya si Andrew. “Hay naku, Juliette. Sana lang ay makapagdesisyon ka ng tama para maging tuluyan ka ng maging masaya,” hindi naiwasan na sabihin ng lalaki habang patuloy lang niyang hinatid ng tingin ang kaibigan.Si Andrew Santamena ay kuya ni Camila. Malaki ang utang na loob niya kay Don Horacio, a
Napaisip si Juliette sa mga salitang iniwan ni Andrew na baka pareho pa rin silang nasasaktan ni Dylan sa parehong dahilan.Matagal siyang nakatulala, nakatitig sa kawalan, habang unti-unting bumabalik sa kanya ang mga alaala.Hindi madali para sa kanya na talikuran ang kambal na anak na ngayon ay nasa poder ni Dylan. Ngunit sa tuwing maaalala niya ang mga salitang binitiwan ng mga ito, ang malamig na tingin, at ang paglayo ng mga yakap na dati ay sa kanya lamang nakalaan, unti-unti niyang nararamdaman kung paano natatabunan ng sakit ang puso ng isang inang sabik sa sariling mga anak.Isang iglap, lumitaw sa kanyang balintataw ang mukha ni Gener, ang batang walang ibang alam kundi umunawa. Na kahit hindi sa kanya nagmula ay pinadama naman sa kanya kung paano mahalin ng tunay na anak.Kasunod noon, ang kambal na sina Jamima at Janina na palaging nakayakap sa kanya, sabay-sabay na tumatawag ng “Mommy!” habang nagtatawanan.Ni minsan, hindi niya narinig sa kanila ang salitang “ayaw.” Lagi
“What’s this?” malamig pero matalim ang tanong ni Dylan, habang dahan-dahang ibinababa ang dokumentong kanina lang ay hawak niya. Ngunit nang masipat ang heading ng papel, mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nanigas ang panga, at unti-unting naningkit ang mga mata.“Pinadala po ng abogado ni Mr. Santamena, Sir,” mahinang sabi ni Meynard, halos hindi na makatingin. Alam niyang hindi magugustuhan ng amo ang laman ng dokumento.Mabigat ang katahimikang sumunod. Tanging ang mahinang ugong ng aircon ang maririnig.Dahan-dahang iniangat ni Dylan ang tingin, diretso sa assistant niya at sa isang iglap, umapoy ang galit sa mga mata niya.“Pinadala ng abogado ni Santamena?” paulit niyang sabi, halos pabulong pero puno ng poot. “So, humingi pa talaga siya ng tulong sa lalaking ‘yon? Para makipaghiwalay sa akin?”Isang iglap lang ay tumilapon ang mga papel sa hangin nang itapon niya iyon sa mesa. Nagkalat ang mga dokumento sa sahig, at isa-isang bumagsak sa paligid ni Meynard.“Te







