LOGINLESLIE POV Pagkarating namin sa mansyon ay agad akong bumaba ng sasakyan nang hindi na naghihintay ng kahit anong sasabihin ni Drake. Nakakapagod ang buong araw at ang tanging gusto ko na lang ay magpahinga. Mula sa cafeteria hanggang sa biyahe pauwi, pakiramdam ko ay mas lalong gumulo ang isip ko. Lalo na dahil sa kakaibang asal ni Drake. Tahimik akong naglakad papasok habang naririnig ang mahinang tunog ng sapatos ni Drake sa likuran ko. Hindi ko siya nilingon. Wala rin naman akong balak kausapin siya. Sa totoo lang, kailangan ko muna ng katahimikan bago ako tuluyang mabaliw sa lalaking iyon. Pagpasok namin sa loob ay agad kaming sinalubong ng mga staff. "Welcome home, Young Master." "Welcome home, Miss Leslie." Ngumiti ako nang bahagya bilang pagbati. Kahit papaano ay nasanay na rin akong makita sila araw-araw. Nakakailang pa rin minsan dahil hindi ako sanay na may mga taong nag-aasikaso sa akin, pero mas mababait sila kaysa sa inaasahan ko. "Miss Leslie." Napalingo
AUTHOR POV: Makalipas ang ilang minuto ay natapos ding kumuha ng pagkain sina Leslie at William. Bitbit ang kani-kanilang tray, nagsimula silang maghanap ng bakanteng mesa sa buong cafeteria. Ngunit habang naglalakad sila sa iba't ibang bahagi ng lugar, mas lalo lamang sumimangot si Leslie. Kahit saan siya tumingin ay puro puno. May mga estudyante pang nakatayo habang kumakain dahil wala nang maupuan. "Don't tell me..." bulong ni Leslie habang sinusuri ang paligid. Napalingon si William at agad ding napabuntong-hininga. Mukhang pareho nilang napansin ang problema. Wala na talagang bakanteng mesa sa cafeteria. Puno ang bawat sulok at tila mas dumami pa ang tao habang lumilipas ang mga minuto. "Wala na naman?" tanong ni William. "Wala." sagot ni Leslie. "Great." "Napakagandang university experience." sarkastikong sabi ni Leslie. Nagpatuloy pa rin silang maghanap kahit alam nilang maliit na ang posibilidad na may mahanap pa silang bakanteng puwesto. Habang naglalakad ay di
Leslie POV: "Especially you." Pagkatapos sabihin iyon ni Drake, muli niyang ibinalik ang tingin sa kalsada na parang wala lang siyang sinabing bagay na kayang guluhin ang isip ko buong araw. Samantalang ako naman ay nakaupo lang sa passenger seat habang pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nagiging seryoso siya, parang mas delikado siya kaysa kapag galit. Mas madali pa ngang kausapin ang suplado at masungit na Drake kaysa sa Drake na tahimik na nakatingin lang sa akin. Napairap ako at ibinaling ang tingin sa bintana. "Gwapo sana kaso pangit ang ugali." mahina kong bulong sa sarili ko. "What did you just say?" Halos mapaigtad ako sa kinauupuan ko nang magsalita siya. Hindi man lang siya lumingon pero halatang-halatang narinig niya ang sinabi ko. Mabilis kong inayos ang salamin ko at kunwaring wala akong ginawang masama. "Wala." inosente kong sagot habang nakatingin sa labas. Nakita ko ang bahagyang paggalaw ng panga ni
Matapos ang insidenteng iyon sa banyo, ramdam ko ang tensyon na parang kuryenteng dumadaloy sa hangin. Mabilis akong naglakad patungo sa closet ko para magbihis, pero rinig ko pa rin ang bawat hakbang ni Drake sa loob ng kwarto ko. Bakit ba hindi pa siya lumalabas? "You're not going to school looking like that, are you?" tanong niya. Tumingin ako sa salamin. Ang buhok ko, gulo-gulo pa rin, at ang suot ko ay basang-basa. "Of course not! Magshoshower Ako duhh!!." sagot ko habang kinukuha ang uniform ko. "At ikaw, Prof, labas na. I need some privacy." Tumalikod siya, pero bago siya tuluyang lumabas ng sliding door, huminto siya sandali. "Don't even think about meeting Montevista today. Kung makikita kitang may kasama ka ulit, hindi na lang pepper spray ang kakaharapin mo." Possessive talaga. Padabog kong isinara ang pinto ng closet. Pagbaba ko sa dining area makalipas ang ilang minuto, agad kong naramdaman ang mabigat na presensya ng pamilya Ryu. Nakaupo na silang lahat sa mahabang
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang ingay galing sa bathroom Noong una, akala ko ay nananaginip lang ako, pero habang tumatagal, nagiging malinaw ang ingay. Galing iyon sa loob ng bathroom ko. Agad akong napaupo sa kama. Wait, sino ang nandoon? Si Drake? Impossible. Alam kong may sarili siyang malaki at marangyang bathroom sa kabilang kwarto. At sa pagkakakilala ko sa kaniya, sobrang taas ng pride niya para pumasok sa personal space ng iba nang walang pasabi. Pero sino ang mangangahas na pumasok sa loob ng Kwarta ko. Mabilis kong binuksan ang drawer sa tabi ng kama ko at kinuha ang pepper spray na laging handa para sa self-defense. "Akala ko ba you're skilled in martial arts, bakit may pepper spray." Author said "Akala ko rin ba gusto ka niya?" Leslie respond back to the topic wag nyo na pansinin si Author Wala kasing love life kaya ganyan. Isinuot ko ang makapal kong eyeglasses ang disguise ko bilang si Leslie at dahan-dahang naglakad patungo sa pinto
Nang magangat ako ng tingin, parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko. Si Drake. Nakatayo siya sa dulo ng aisle, hawak ang isang makapal na libro. He wasn't reading. Nakatitig lang siya sa amin malamig, matalim, at halatang kanina pa kami pinapanood. His eyes were fixed on William hand na malapit sa braso ko dahil sa pagtatawanan namin. "The library is a place for research, Ms. Madrigal." Drake said. His voice was low but it echoed like tunog Ng kidlat sa tahimik na library. "Not a place for... socializing." Dahan-dahan siyang naglakad palapit. Every step he took, nararamdaman ko yung bigat ng presensya niya. He stopped right beside me, taking up all the space. "P-prof. Nag aaral lang po kami." pautal kong sabi, trying to fix my glasses. "Is that so?" Tumingin siya kay William. "Mr. Montevista, right? I didn't know na sa unang araw mo rito, ang priority mo ay makipag kwentuhan." "Nagpapatulong lang po siya sa lesson, Prof," singit ni William, chill lang ang boses pero may ha







