로그인Pagkauwi ko, dumiiretso agad ako sa banyo para mag shower, umaasang mahuhugasan ng malamig na tubig ang gulo sa isip ko. Pero kahit anong gawin ko, bumabalik pa rin ang alaala ng nangyari kanina. Papaano na ako nito makakapag-focus sa misyon ko kung sa Golden University na rin siya magtuturo? Argh!"
Sumulyap ako sa alarm clock na nasa tabi ng kama ko 1:00 PM. Ito na ang hudyat. Oras na para kumilos. Habang ang ibang estudyante sa dorm ay mahimbing nang natutulog. Mabilis akong lumapit sa cabinet ko at kinuha ang aking tactical gear. Isang all-black na outfit na sapat para lumitaw ang pagiging maliksi ko pero sapat din para lamunin ako ng dilim. Isinuot ko ang aking maskara at muling sinuri ang gamit ko. Kailangan kong mahanap ang underground na may vault na yon. Ilang gabi ko na itong sinusuyod, pero tila ba sadyang mapaglaro ang Golden University. Napakalawak ng lugar at masyadong maraming pasikot sikot. Hanggang ngayon, nananatili pa ring misteryo kung nasaan ang eksaktong lokasyon ng pakay ko. "Nasaan ka ba talaga?" bulong ko habang isinusukbit ang gamit ko. Pagdating ko sa bakod ng Golden University, tumigil muna ako sa ilalim ng isang matandang puno para pakiramdaman ang paligid. Ang katahimikan ng campus sa ganitong oras ay nakakabingi, malayo sa ingay ng mga estudyante tuwing umaga. Tanging ang mahinang paghuni ng mga kuliglig lang ang naririnig ko. Inilabas ko ang aking tablet mula sa secret pocket ng suot kong jacket. "Show me the blueprints," mahina kong utos. Muling nag load ang 3D layout ng school building sa screen, pero gaya ng dati, may isang section sa bandang West Wing na blanko ang "Dead Zone." Ayon sa impormasyong nakalap ko, hindi basta-basta nawawala ang data sa system maliban na lang kung sadyang binura ito o hinarangan ng isang high level jammer. Mabilis akong kumilos, parang anino na dumaan sa likod ng Science Lab para iwasan ang dalawang security guard na nagroronda malapit sa main gate. Alam ko ang schedule nila. May limang minutong window bago sila bumalik sa pwesto nila. Dahan-dahan kong kinapa ang likod ng malaking painting, umaasang may mararamdamang click o kahit man lang maliit na siwang. Pero sa bawat segundong lumilipas, mas lalong lumalamig ang pakiramdam ko hindi dahil sa aircon ng hallway, kundi dahil sa katotohanang wala akong mahanap. "Wala... paano naging wala?" bulong ko, ang boses ko ay bahagyang nanginginig sa inis. Muli kong tiningnan ang thermal scanner sa tablet ko. Ang kaninang pulang tuldok na nagflash ay tuluyan nang naglaho. Isang glitch. Isang walang kwentang false alarm. Napasandal ako sa malamig na pader at napahilot sa sintido ko. Ang bigat sa dibdib ko ay halos hindi ko kayang dalhin. Ilang linggo ko itong pinaghandaan. Ilang gabi akong hindi natulog para lang i analyze ang security patterns ng school na ito. Akala ko, ito na 'yon. Akala ko, mahahanap ko na. Pero heto ako, nakatayo sa madilim na hallway, disappointed at walang napala. "Nakakapagod din palang maging anino," sabi ko sa sarili ko habang tinititigan ang dulo ng pasilyo na tila ba tinatawanan ako sa katahimikan nito. Tumingin ako sa relo ko. Mag aalas kuwatro na ng madaling araw. Malapit nang magpalit ang shift ng mga guards at magsisimula na ring magising ang mga maagang estudyante. Kung magtatagal pa ako rito, hindi lang disappointment ang kakaharapin ko kundi kulungan. Padabog kong isinukbit ang bag ko at tahimik na tinahak ang daan pabalik sa bintana. Ang bawat hakbang ko ay mabigat, dala-dala ang frustration na hindi ko mailabas. Habang bumababa ako sa drainage pipe. "Bwisit," I whispered under my breath, checking my watch. 4:15 AM. I only had a few minutes before the perimeter lights flickered on for the morning shift. I pulled up my hoodie and started walking with a purpose, trying to look like just another student pulling an all nighter or someone heading to an early gym session. This isn't over," I muttered as I reached the gate. I tapped my fake ID sa scanner and waited for that nerve wracking beep. Hindi pwedeng akong magkamali, my boss just give me 10 months to do this. Pumunta sa sasakyan ko nanakatago, threw my bag in the passenger seat, and drove off Next time, I won't just look for the underground. I’ll make sure the underground finds me. Pagkapasok ko sa apartment, hindi ko na nagawang magbukas ng ilaw. I let my bag thud onto the floor. I checked the time on my phone: 5:41 AM. I still have 2 hours. Bahala na malate hindi naman grades yung goal ko. I closed my eyes, letting the darkness take over. I needed to disappear for a few hours. Eksaktong 7:00 AM nang magmulat ako ng mata. Dalawang oras lang na tulog, pero sapat na ‘yon para kumalma ang sistema ko. Kahit alam kong male-late na ako sa first period, wala akong pakialam. Hindi naman grades ang habol kundi ang impormasyong nakatago sa university. Bumangon ako at agad na dumeretso sa shower. Hinayaan kong dumanas ang malamig na tubig sa likod ko habang mabilis na binubuo ang plano para sa araw na ito. Kagabi was a failure, but today is a new opportunity. Pagkalabas ng banyo, humarap ako sa salamin para sa pinakaimportanteng parte ng umaga ko ang pagpapapangit. Pagkatapos sinuot ang makapal at nerdy na salamin, at tinali ang buhok sa isang magulong bun. I looked dull, exhausted, and completely unremarkable exactly how a ghost should look. Isinuot ko ang school uniform at kinuha ang bag na puno ng libro (at ilang gadgets na nakatago sa lining). "Mission first, lectures later," bulong ko sa sarili ko bago lumabas ng apartment. Pagbaba ko ng building, sinalubong agad ako ng ingay ng siyudad. The usual morning rush. Naglakad ako nang nakayuko, making sure my posture was slightly slumped. If you want to be invisible, you have to look like someone not worth glancing at twice. Sumakay ako ng jeep at pumuwesto sa dulo, malapit sa estribo. Habit na ito easy exit just in case things go south. Habang umaandar ang sasakyan, nag vi.LESLIE POVHindi ko alam kung kailan eksaktong nagsimula ang lahat ng ito. Siguro noong binilhan niya ako ng napkin nang hindi nagrereklamo. Siguro noong nagdala siya ng cake sa kwarto ko. O baka noong mga pagkakataong tahimik lang siyang nandiyan kapag kailangan ko ng kasama. Hindi ko alam. Ang alam ko lang, habang tumatagal ay mas lalo akong nahihirapang itanggi ang nararamdaman ko.Nakaupo ako sa library ngunit wala ni isang salita sa librong hawak ko ang pumapasok sa isip ko. Ilang beses ko nang binasa ang parehong paragraph pero parang wala akong naiintindihan. Sa halip, mukha ni Drake ang paulit-ulit na lumilitaw sa utak ko. Nakakainis. Sobrang nakakainis."You're doing it again."Napakurap ako nang marinig ang boses ni William. Umupo siya sa tapat ko habang may hawak na dalawang canned coffee. Inilapag niya ang isa sa harapan ko bago ngumisi. At base sa ngiting iyon, alam kong aasarin na naman niya ako."What now?"Tanong ko habang nakasimangot."That face.""What face?""The P
WILLIAM POVTahimik akong nakasandal sa may corridor habang pinapanood sina Laria at Drake na magkasamang naglalakad palayo. Maraming estudyante ang dumadaan sa paligid ko pero parang wala akong naririnig. Nakafocus lang ang mga mata ko sa dalawang taong nasa dulo ng hallway. At habang pinagmamasdan sila, mas lalo kong napapatunayan ang isang bagay na matagal ko nang alam. Unti-unti nang nahuhulog si Laria kay Drake.Napabuntong-hininga ako at bahagyang napangiti. Nakakatawa dahil ako pa yata ang unang nakapansin nito. Hindi si Drake. Hindi si Laria. Kundi ako. Siguro dahil matagal ko na siyang kilala.Limang taon.Limang taon na kaming magkasama sa Pure Organization. Limang taon na rin kaming magkaibigan. Kaya alam ko kung paano siya ngumiti kapag masaya siya at kung paano siya ngumiti kapag nagpapanggap lang.Alam ko rin kung paano siya tumingin sa mga tao.At ang tingin niya kay Drake ay hindi na ordinaryo.Dati, kapag may lalaking lumalapit kay Laria, wala siyang pakialam. Kahit gw
LESLIE POVNapabuntong-hininga ako habang nakatitig sa chocolate cake na nasa loob ng paper bag. Hindi ko alam kung bakit pero mas lalo lang akong naguguluhan sa bawat mabait na ginagawa ni Drake. Ito rin ba ang parehong lalaking halos araw-araw akong inaasar sa classroom? Ito rin ba ang parehong professor na parang walang pakialam sa kahit sino? Dahil sa mga sandaling tulad nito, parang ibang tao ang nakikita ko sa kanya. At iyon ang dahilan kung bakit mas lalo akong nahihirapang iwasan siya.Kumuha ako ng maliit na kutsara at dahan-dahang kumuha ng isang subo. Agad na kumalat ang matamis na lasa sa bibig ko. Karaniwan ay sasaya na agad ako kapag may desserts sa harapan ko. Pero ngayon, iba ang dahilan kung bakit may ngiti sa labi ko. At nang mapagtanto ko iyon ay agad kong pinisil ang sarili kong pisngi."Nope."Umiling ako nang mabilis. Hindi ito maganda. Hindi talaga maganda. Isa akong spy na may misyon, hindi isang babaeng kinikilig dahil binilhan siya ng cake. Kailangan kong ayu
LESLIE POVHindi ko alam kung ano ang mas nakakainis ang katotohanang wala pa rin akong progress sa paghahanap ng vault o ang katotohanang simula noong gabing iyon ay hindi na mawala sa isip ko ang ngiti ni Drake. Tatlong araw na ang lumipas mula nang sabay kaming maglakad sa ilalim ng iisang payong. Tatlong araw na rin mula nang makita ko siyang ngumiti nang totoo. At sa loob ng tatlong araw na iyon, pakiramdam ko ay may mali sa akin. Dahil sa tuwing naaalala ko ang eksenang iyon, bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko.Nakaupo ako sa loob ng classroom habang nakatingin sa notebook ko. Kunwari ay nagsusulat ako ng notes, pero ang totoo ay wala akong naiintindihan sa lecture. Ang laman ng isip ko ay hindi ang lesson. Kundi si Drake. Hindi ko alam kung bakit parang paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang bawat maliit na bagay na ginawa niya nitong mga nakaraang araw."Okay, that's it," mahina kong bulong sa sarili ko. May problema na talaga ako. Hindi normal na ganito kadalas kong i
LESLIE POVTahimik akong naglalakad sa hallway ng Golden University habang yakap ang ilang libro na kakahiram ko lang mula sa library. Karaniwan ay maingay ang paligid dahil sa dami ng estudyante, ngunit ngayon ay parang wala akong naririnig. Masyado akong abala sa sarili kong iniisip. At gaya ng nakakainis na nakasanayan ko na, si Prof Drake na naman ang laman ng isip ko.Ilang linggo na rin mula nang magsimula ang Foundation Week. Dahil doon ay mas naging abala ang buong campus. Mas maraming events. Mas maraming tao. At mas maraming pagkakataon para mawala ako nang hindi napapansin. Pero kahit ganoon, wala pa rin akong progress sa paghahanap ng vault. Pakiramdam ko ay paikot-ikot lang ako sa parehong lugar habang ang oras ay patuloy na tumatakbo.Napabuntong-hininga ako habang pababa ng hagdan. Sa tuwing pakiramdam ko ay malapit na ako sa sagot, may kung anong humaharang sa akin. Minsan ay security. Minsan ay maling impormasyon. At kadalasan... ang lalaking naka-maskara. Para siyang
LESLIE POVNanatiling nakatayo si Prof Drake sa may pintuan habang ako naman ay nakaupo sa kama. Ilang segundo kaming walang imik habang hawak ko ang tasa ng tsaa. Hindi ko alam kung bakit pa siya narito kung tsaa lang naman ang sadya niya. At mukhang hindi rin niya alam kung bakit hindi pa siya umaalis."Why are you still here?"Napatingin siya sa akin."I live here."Agad akong napairap."You know what I mean."Bahagya siyang tumingin sa TV na nakabukas sa gilid ng kwarto. Sakto namang umiiyak ang bida habang hinahabol ang lalaking mahal niya sa gitna ng ulan. Napakunot-noo si Prof Drake habang pinagmamasdan iyon."Why is she crying?"Napakurap ako."What?""The girl."Tinuturo niya ang TV."Why is she crying?"I stared at him for a few seconds. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nang-aasar lang. Ngunit base sa mukha niya, mukhang seryoso talaga siya. At iyon ang mas nakakatawa."Because her boyfriend left her."Tumango siya nang mabagal."That's stupid."Agad akong napasimangot.
May nag vibrate sa aking Cellphone "Status?" Isang maikling text mula sa isang unknown number. I didn't need to check the sender to know who it was. My handler was getting impatient. "On my way," reply ko bago tuluyang i-delete ang thread. Pagdating sa gate ng academy, dumaan ako sa security sca
Laria pov: When I woke up the next morning, sinalubong agad ako ng matinding sakit ng ulo. Pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang isang mabigat na braso na nakapulupot sa bewang ko. Dahan-dahang nag sink in sa akin ang nangyari kagabi, what have I done? I looked down
WARNING: This chapter contains suggestive themes and intense romantic situations. Reader discretion is advised. Intended for mature audiences only 🔞 When I woke up I could still feel the burning sensation crawling deep under my skin. Hindi ito simpleng init lang it was a hungry, demanding heat n
Warning⚠️: This chapter contains scenes involving alcohol consumption and suggestive themes. Reader discretion is advised for minor readers. "Sugar, honey, sexy baby When we touch, it turns to gold Sensitive and delicate, kinda like a..." Habang pinapatugtog iyon ng DJ, dahan-dahang napuno







