공유

Chapter 3 THE REGRET

작가: Lyka
last update 게시일: 2026-04-24 16:35:34

Laria pov:

When I woke up the next morning, sinalubong agad ako ng matinding sakit ng ulo. Pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang isang mabigat na braso na nakapulupot sa bewang ko. Dahan-dahang nag sink in sa akin ang nangyari kagabi,

what have I done? I looked down at the sheets and reality hit me like a truck. I just gave my virginity to a complete stranger.

lumingon ako sa katabi nakin para tingnan ang lalaking katabi ko. He looked so calm while sleeping, malayo sa "dangerous look" na nakita ko sa mga mata niya kagabi. Ang gulo ng buhok niya at kahit tulog, bakas pa rin sa mukha niya ang kagwapuhan.

He was breathtakingly handsome, yes. Pero sa bawat segundong tinititigan ko siya, mas lalong bumibigat ang dibdib ko. Hindi ko siya kilala. At sa oras na magising siya, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Dali-dali kong tinanggal ang braso niya sa akin, as careful as possible para hindi siya magising. My hands were shaking. Halos magkandahaba ang leeg ko sa paghahanap ng mga damit ko na nakakalat sa sahig.

"Nasaan na ba 'yun..." I whispered to myself, hiningal sa kaba.

Nang mahanap ko ang damit ko, mabilis akong nagbihis kahit masakit pa ang sa baba ko. Hindi

ko na inisip kung maayos ba ang buhok ko o kung mukha ba akong galing sa gyera. Ang mahalaga lang sa akin ay makalayo rito.

I grabbed my bag, took one last look at the man on the bed, and bolted out of the room.

Halos tumakbo ako sa hallway ng condo. I wanted to erase everything. Pagdating ko sa elevator, paulit-ulit kong pinindot ang button, feeling like every second I stayed there was a second closer to him catching me.

Paglabas ko ng building, doon lang ako nakahinga nang malalim.

One Week Later

Isang linggo na ang nakalipas, pero pakiramdam ko ay kahapon lang nangyari ang lahat. I can't focus on my mission. Bumuntong hininga ako at agad kinuha ang makeup nakin. Kinuha ko ang brown toned foundation I started to put in my whole face and neck. Imbes na itago ang mga dark circles sa mata, mas lalo pa nakin nilagyan ng purplish shadow ang ilalim nito para magmukhang puyat na puyat. at agad nilagyan ng fake pimples.

Gumamit din Ako ng stipple sponge para magmukhang may mga broken capillaries at pekas sa pisngi at ilong. Sunod kung kinuha ang silicone putty. Dahan-dahan nakin binago ang hugis ng aking ilong ginawa kung pango at medyo tabingi ang tulay nito.

Gamit ang dental wax, nilagyan ko nito ang mantsa ang aking mapuputing ngipin para magmukhang madilaw at sira-sira. Ang aking dating maayos na kilay ay dinikitan nakin ng glue at kinuskos paitaas, ginawa nakin makapal at sabog na halos magdugtong na sa gitna.

Binuhusan nakin ng luma at malagkit na hair oil ang buhok nakin hanggang sa magmukha akong hindi naligo ng isang buwan. Magulo nakin itinali ang buhok sa isang lopsided na pusod, at sadyang nagpalabas ng mga baby hair na tila pugad ng ibon. Lastly I put some eyeglasses.

Wala na si Laria. Ang nasa harap niya ngayon ay isang madungis, invisible, at pangit.

Golden University

Dalawang buwan ko nang tinitiis ang pagiging personal maid ni Gabriella Monteverde dito sa Golden University. Simula pa lang ng unang araw ko, nang makita niya ang itsura ko, parang nakahanap siya ng laruang hindi napapagod.

"Leslie! What took you so long?"

Halos magkandahaba ang leeg ko sa pagtakbo bitbit ang limang paper bags ng mamahaling kape at ang makapal na research paper na ako ang gumawa para sa kanya. Huminto ako sa harap ng tambayan nila sa garden ang pwestong walang pwedeng umupo kundi ang grupo lang niya.

"H-heto na po, Gabriella. Pasensya na, mahaba ang pila sa cafeteria," hingal na hingal kong sabi habang nakayuko. Inayos ko ang salamin ko na muntik nang mahulog dahil sa pawis.

Kinuha niya ang kape nang hindi man lang tumitingin sa akin. "Late is late, Leslie. Isang beses pa na paghintayin mo ako, isasawsaw ko 'yang mukha mo sa putik"

Tumawa ang mga alipores niya. "Look at her, Gabriella. Ang dungis na nga, lalo pang pumapangit 'pag pinapawisan. Are you sure tao 'yan? Baka naman basahan na tinubuan ng paa?"

"Whatever!" Gabriella smirked, sabay hagis sa akin ng isang designer bag na puno ng mabibigat na libro. "Dalin mo 'yan sa locker ko. After that, go to the gym. Linisin mo ang sapatos ko, may practice kami mamaya."

"Pero Gabriella... may quiz kami sa Physics sa susunod na period," mahina kong sagot.

Tumayo si Gabriella at lumapit sa akin. Dinuro niya ang dibdib ko gamit ang kanyang mahabang kuko na kulay matingkad na pula. "Do I look like I care about your quiz? you’re just a invisible piece of trash. Now, move!"

Bitbit ang mabigat na bag, tumalikod ako at naglakad palayo. Rinig ko pa ang hagikhikan nila sa likuran ko.

Wait, Clowny!" sigaw ni Gabriella bago pa ako tuluyang makalayo.

Napatigil ako at dahan-dahang humarap sa kanya. "B-bakit po?"

"I changed my mind. I'm hungry," sabi niya habang nakatingin sa kanyang kuko. "Gusto ko ng pasta mula sa kabilang building. But I want it hot. At ayoko ng plastic fork, gusto ko 'yung metal. Make it happen in five minutes."

Hindi na ako nag salita pa agad akong umalis, lihim akong nagngitngit. Pero kailangan kong lunukin ang pride ko. Bawat utos niya, bawat lait niya, ay tinatala ko sa isip ko be patience Laria, paalala ko sa sarili ko.

"Leslie Madrigal!" alah si Prof Sandro na yata iyon shit, dali-dali akong tumakbo papunta sa room. pagkarating ko, hinihingal akong sumigaw, "I'm here, prof!"

"Why are you late?" he questioned in a cold, low tone.

Teka. Parang hindi boses ni Prof Sandro yun? Bahagya akong napaangat ng tingin at doon ay literal na tumigil ang mundo ko. Ang lalaking nakatayo sa harap ng klase, suot ang kanyang salamin at seryosong mukha, ay ang mismong lalaking... nakasama ko noong gabing iyon.

Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang isa-isang lumalabas ang mga kaklase ko. Naiwan kaming dalawa sa loob ng silid. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang mahinang tunog ng aircon at ang pag-ayos niya ng mga gamit sa table.

Dahan-dahan akong lumapit, bitbit ang kaba na halos ikahimatay ko na. Heto na. Siguradong sesermonan niya ako o kaya naman ay tatanungin niya kung bakit ako tumakas nung umagang yun.

"Pro-prof..." tawag ko sa kanya, halos pabulong.

Tumigil siya sa pag-aayos at tumingin sa akin. Blangko. Walang emosyon. Walang kahit anong bahid ng pagkilala sa mga mata niya.

"Ms. Madrigal," simula niya habang binubuklat ang attendance sheet. "I don't tolerate latecomers in my class. This is your first warning. Since it's my l first day, I'll let it slide. But next time, I expect you to be here five minutes before the bell rings. Is that clear?"

Napatitig ako sa kanya. "Yun lang po?"

Kumunot ang noo niya, tila nagtataka sa reaksyon ko. "Is there something else? Or are you expecting a more severe punishment?"

"Hindi po... I mean, wala na po ba kayong ibang... naaalala? O gustong sabihin?" halos mapatigil ang hininga ko habang hinihintay ang sagot niya.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, isang mabilis pero mapanuring tingin na nagpataas ng balahibo ko. Pagkatapos, bumalik ang tingin niya sa laptop niya.

"Wala na. You may go."

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student   Chapter 15 "BREAKFAST HIDDEN FIGHT"

    Matapos ang insidenteng iyon sa banyo, ramdam ko ang tensyon na parang kuryenteng dumadaloy sa hangin. Mabilis akong naglakad patungo sa closet ko para magbihis, pero rinig ko pa rin ang bawat hakbang ni Drake sa loob ng kwarto ko. Bakit ba hindi pa siya lumalabas? "You're not going to school looking like that, are you?" tanong niya. Tumingin ako sa salamin. Ang buhok ko, gulo-gulo pa rin, at ang suot ko ay basang-basa. "Of course not! Magshoshower Ako duhh!!." sagot ko habang kinukuha ang uniform ko. "At ikaw, Prof, labas na. I need some privacy." Tumalikod siya, pero bago siya tuluyang lumabas ng sliding door, huminto siya sandali. "Don't even think about meeting Montevista today. Kung makikita kitang may kasama ka ulit, hindi na lang pepper spray ang kakaharapin mo." Possessive talaga. Padabog kong isinara ang pinto ng closet. Pagbaba ko sa dining area makalipas ang ilang minuto, agad kong naramdaman ang mabigat na presensya ng pamilya Ryu. Nakaupo na silang lahat sa mahabang

  • Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student   Chapter 14 THE AWKWARDNESS

    Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang ingay galing sa bathroom Noong una, akala ko ay nananaginip lang ako, pero habang tumatagal, nagiging malinaw ang ingay. Galing iyon sa loob ng bathroom ko. Agad akong napaupo sa kama. Wait, sino ang nandoon? Si Drake? Impossible. Alam kong may sarili siyang malaki at marangyang bathroom sa kabilang kwarto. At sa pagkakakilala ko sa kaniya, sobrang taas ng pride niya para pumasok sa personal space ng iba nang walang pasabi. Pero sino ang mangangahas na pumasok sa loob ng Kwarta ko. Mabilis kong binuksan ang drawer sa tabi ng kama ko at kinuha ang pepper spray na laging handa para sa self-defense. "Akala ko ba you're skilled in martial arts, bakit may pepper spray." Author said "Akala ko rin ba gusto ka niya?" Leslie respond back to the topic wag nyo na pansinin si Author Wala kasing love life kaya ganyan. Isinuot ko ang makapal kong eyeglasses ang disguise ko bilang si Leslie at dahan-dahang naglakad patungo sa pinto

  • Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student   Chapter 13 CONTINUATION

    Nang magangat ako ng tingin, parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko. Si Drake. Nakatayo siya sa dulo ng aisle, hawak ang isang makapal na libro. He wasn't reading. Nakatitig lang siya sa amin malamig, matalim, at halatang kanina pa kami pinapanood. His eyes were fixed on William hand na malapit sa braso ko dahil sa pagtatawanan namin. "The library is a place for research, Ms. Madrigal." Drake said. His voice was low but it echoed like tunog Ng kidlat sa tahimik na library. "Not a place for... socializing." Dahan-dahan siyang naglakad palapit. Every step he took, nararamdaman ko yung bigat ng presensya niya. He stopped right beside me, taking up all the space. "P-prof. Nag aaral lang po kami." pautal kong sabi, trying to fix my glasses. "Is that so?" Tumingin siya kay William. "Mr. Montevista, right? I didn't know na sa unang araw mo rito, ang priority mo ay makipag kwentuhan." "Nagpapatulong lang po siya sa lesson, Prof," singit ni William, chill lang ang boses pero may ha

  • Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student   Chapter 12 DENIAL JEALOUSY

    "I'm not jealous I'm mad." he said, his voice dropping deeper. becoming husky. "I don't care if you're the most beautiful woman or the plainest girl in this school as long as you're wearing my ring, you don't smile at other men. You don't laugh with them. And you definitely don't let them touch you." "He didn't touch me." I whispered, my breath hitching as he moved even closer. "He was close enough." Drake muttered, his gaze dropping to my lips for a split second before snapping back to my eyes. "Stay away from him, Leslie. This is not a request. It’s a command. If I see you with him again, I will make sure his transfer to this university becomes a very short stay." He straightened up, fixing his necktie as if walang nangyari "Now, get out. Go to your next class. And don't let me catch you with that Montevista again." I didn't say a word. I grabbed my bag and hurried out of the room. My mind was spinning. Drake Ryu, you are a confusing man. He hates me, yet he can't stand see

  • Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student   Chapter 11 I'M NOT JEALOUS

    Let's go, baka malate ka pa sa class ng 'hubby' mo." biro niya habang sinasabayan ako sa paglalakad. Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa classroom. Hindi ko mapigilang mapangiti at mahina ring tumawa dahil sa mga hirit ni William tungkol sa kung gaano kapangit ang pangit na persona nak kin. Sa paningin ng iba, isa lang kaming nerd at isang gwapong transfer student na nagkakasunduan. Ngunit pagdating namin sa pintuan ng classroom, biglang tumigil ang paglalakad. Nakatayo sa bukana ng pinto si Professor Drake. Ang kaniyang mga braso ay naka cross sa kaniyang dibdib, at ang kaniyang mukha ay parang madilim na ulap bago ang bagyo. Ang kaniyang matatalas na titig ay nakapako sa mga kamay ni William na malapit sa balikat ko habang tumatawa kami Ms. Madrigal, you're late again" malamig na boses ni Drake ang bumasag sa tawanan namin. "I didn't know that the hallway has become a comedy bar for you." Napatigil ako at agad na yumuko. "S-sorry po, Prof." Hinarap ni Drake ang lalak

  • Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student   Chapter 10 PAY BACK TIME

    "What are you planning?" He question with angry expression. Malamig ang boses ni Drake habang bumabyahi kami sa madilim na kalsada pabalik sa apartment ko. Ang higpit ng hawak niya sa manibela, bakas ang tensyong hindi niya mailabas sa harap ng kaniyang lolo kanina. "Anong balak ko? Ako pa ang tinatanong mo, Drake?" hinarap ko siya, tinanggal ko ang makapal na salamin na kanina pa nakakangalay sa ilong ko. "Ang lolo mo ang nag decide na patirahin ako sa mansyon. It was his decision, not mine." "But you said yes!" Bigla niyang itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada at hinarap ako. Ang mga mata niya ay puno ng pagdududa. "You could have made an excuse. Hindi mo kilala si lolo Leslie. He doesn't invite people to stay because he likes them. He does it to control them. At sa sandaling tumapak ka sa mansyong yan, hindi ka na makakalabas nang buhay kapag nalaman niyang niloloko natin siya." " Natawa ako nang bahagyaisang mapait na tawa. "Niloloko natin? O baka takot ka lang na mab

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status