author-banner
Lyka
Lyka
Author

Lykaの小説

Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

ActionGirl PowerDramaHidden IdentityProfessorBillionaireHate to LoveSecret Love
Sa likod ng nagniningning na ginto at karangyaan ng Golden University, isang mapanganib na laro ng panlilinlang ang nagaganap. Si Laria, isang elite spy, ay bihasa sa pagiging anino. Upang matagumpay na maisagawa ang kanyang misteryosong misyon, pinili niyang itago ang kanyang tunay na ganda sa likod ng isang pangit at hindi kapansin pansing anyo makapal na salamin, pekeng dungis sa mukha, at isang mahiyain na personalidad na madaling balewalain ng mapanghusgang lipunan ng unibersidad. Sa paningin ng lahat, siya ay isang hamak na iskolar na walang puwang sa mundo ng mga elitista, ngunit sa likod ng maskarang ito ay isang matalas na isipan na nagmamanman sa bawat kilos ng mga nasa paligid niya. Ngunit ang katahimikan ng kanyang pag iispya ay magugulo sa pagdating ni Professor Drake. Sa umaga, siya ang misteryoso, malamig, at nakakalunod ang presensya na guro na kinatatakutan at hinahangaan ng lahat. Ngunit sa ilalim ng kanyang mamahaling suit at matatalas na titig, si Drake ay isang mafia billionaire na may mas malalim at madugong agenda. Pumasok siya sa unibersidad hindi upang magturo, kundi upang bawiin ang isang mahalagang pag aari ng kanyang pamilya at lipulin ang mga traydor na nagtatago sa loob ng akademya. Ang bawat leksyon sa loob ng silid aralan ay tila isang interogasyon, at bawat titig niya kay Laria ay tila unti-unting nagbabaklas sa pader na itinayo ng dalaga. Habang nagtatagpo ang kanilang mga landas sa gabi bilang mga estrangherong magkalaban sa misyon, at sa araw bilang guro at estudyante, isang matinding tensyon ang mabubuo. Sa unibersidad na binuo ng mga lihim, kailangang mag ingat ni Laria dahil ang lalaking nagmamasid sa kanya mula sa unahan ng klase ay ang siya ring lalaking maaaring maging pinakamalaking hadlang sa kanyang misyon o ang tanging makakapagligtas sa kanya.
読む
Chapter: CHAPTER 18
LESLIE POV Pagkarating namin sa mansyon ay agad akong bumaba ng sasakyan nang hindi na naghihintay ng kahit anong sasabihin ni Drake. Nakakapagod ang buong araw at ang tanging gusto ko na lang ay magpahinga. Mula sa cafeteria hanggang sa biyahe pauwi, pakiramdam ko ay mas lalong gumulo ang isip ko. Lalo na dahil sa kakaibang asal ni Drake. Tahimik akong naglakad papasok habang naririnig ang mahinang tunog ng sapatos ni Drake sa likuran ko. Hindi ko siya nilingon. Wala rin naman akong balak kausapin siya. Sa totoo lang, kailangan ko muna ng katahimikan bago ako tuluyang mabaliw sa lalaking iyon. Pagpasok namin sa loob ay agad kaming sinalubong ng mga staff. "Welcome home, Young Master." "Welcome home, Miss Leslie." Ngumiti ako nang bahagya bilang pagbati. Kahit papaano ay nasanay na rin akong makita sila araw-araw. Nakakailang pa rin minsan dahil hindi ako sanay na may mga taong nag-aasikaso sa akin, pero mas mababait sila kaysa sa inaasahan ko. "Miss Leslie." Napalingo
最終更新日: 2026-06-10
Chapter: CHAPTER 17 CONTINUATION
AUTHOR POV: Makalipas ang ilang minuto ay natapos ding kumuha ng pagkain sina Leslie at William. Bitbit ang kani-kanilang tray, nagsimula silang maghanap ng bakanteng mesa sa buong cafeteria. Ngunit habang naglalakad sila sa iba't ibang bahagi ng lugar, mas lalo lamang sumimangot si Leslie. Kahit saan siya tumingin ay puro puno. May mga estudyante pang nakatayo habang kumakain dahil wala nang maupuan. "Don't tell me..." bulong ni Leslie habang sinusuri ang paligid. Napalingon si William at agad ding napabuntong-hininga. Mukhang pareho nilang napansin ang problema. Wala na talagang bakanteng mesa sa cafeteria. Puno ang bawat sulok at tila mas dumami pa ang tao habang lumilipas ang mga minuto. "Wala na naman?" tanong ni William. "Wala." sagot ni Leslie. "Great." "Napakagandang university experience." sarkastikong sabi ni Leslie. Nagpatuloy pa rin silang maghanap kahit alam nilang maliit na ang posibilidad na may mahanap pa silang bakanteng puwesto. Habang naglalakad ay di
最終更新日: 2026-06-09
Chapter: CHAPTER 16 NEW TEACHER
Leslie POV: "Especially you." Pagkatapos sabihin iyon ni Drake, muli niyang ibinalik ang tingin sa kalsada na parang wala lang siyang sinabing bagay na kayang guluhin ang isip ko buong araw. Samantalang ako naman ay nakaupo lang sa passenger seat habang pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nagiging seryoso siya, parang mas delikado siya kaysa kapag galit. Mas madali pa ngang kausapin ang suplado at masungit na Drake kaysa sa Drake na tahimik na nakatingin lang sa akin. Napairap ako at ibinaling ang tingin sa bintana. "Gwapo sana kaso pangit ang ugali." mahina kong bulong sa sarili ko. "What did you just say?" Halos mapaigtad ako sa kinauupuan ko nang magsalita siya. Hindi man lang siya lumingon pero halatang-halatang narinig niya ang sinabi ko. Mabilis kong inayos ang salamin ko at kunwaring wala akong ginawang masama. "Wala." inosente kong sagot habang nakatingin sa labas. Nakita ko ang bahagyang paggalaw ng panga ni
最終更新日: 2026-06-09
Chapter: Chapter 15 "BREAKFAST HIDDEN FIGHT"
Matapos ang insidenteng iyon sa banyo, ramdam ko ang tensyon na parang kuryenteng dumadaloy sa hangin. Mabilis akong naglakad patungo sa closet ko para magbihis, pero rinig ko pa rin ang bawat hakbang ni Drake sa loob ng kwarto ko. Bakit ba hindi pa siya lumalabas? "You're not going to school looking like that, are you?" tanong niya. Tumingin ako sa salamin. Ang buhok ko, gulo-gulo pa rin, at ang suot ko ay basang-basa. "Of course not! Magshoshower Ako duhh!!." sagot ko habang kinukuha ang uniform ko. "At ikaw, Prof, labas na. I need some privacy." Tumalikod siya, pero bago siya tuluyang lumabas ng sliding door, huminto siya sandali. "Don't even think about meeting Montevista today. Kung makikita kitang may kasama ka ulit, hindi na lang pepper spray ang kakaharapin mo." Possessive talaga. Padabog kong isinara ang pinto ng closet. Pagbaba ko sa dining area makalipas ang ilang minuto, agad kong naramdaman ang mabigat na presensya ng pamilya Ryu. Nakaupo na silang lahat sa mahabang
最終更新日: 2026-05-20
Chapter: Chapter 14 THE AWKWARDNESS
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang ingay galing sa bathroom Noong una, akala ko ay nananaginip lang ako, pero habang tumatagal, nagiging malinaw ang ingay. Galing iyon sa loob ng bathroom ko. Agad akong napaupo sa kama. Wait, sino ang nandoon? Si Drake? Impossible. Alam kong may sarili siyang malaki at marangyang bathroom sa kabilang kwarto. At sa pagkakakilala ko sa kaniya, sobrang taas ng pride niya para pumasok sa personal space ng iba nang walang pasabi. Pero sino ang mangangahas na pumasok sa loob ng Kwarta ko. Mabilis kong binuksan ang drawer sa tabi ng kama ko at kinuha ang pepper spray na laging handa para sa self-defense. "Akala ko ba you're skilled in martial arts, bakit may pepper spray." Author said "Akala ko rin ba gusto ka niya?" Leslie respond back to the topic wag nyo na pansinin si Author Wala kasing love life kaya ganyan. Isinuot ko ang makapal kong eyeglasses ang disguise ko bilang si Leslie at dahan-dahang naglakad patungo sa pinto
最終更新日: 2026-05-12
Chapter: Chapter 13 CONTINUATION
Nang magangat ako ng tingin, parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko. Si Drake. Nakatayo siya sa dulo ng aisle, hawak ang isang makapal na libro. He wasn't reading. Nakatitig lang siya sa amin malamig, matalim, at halatang kanina pa kami pinapanood. His eyes were fixed on William hand na malapit sa braso ko dahil sa pagtatawanan namin. "The library is a place for research, Ms. Madrigal." Drake said. His voice was low but it echoed like tunog Ng kidlat sa tahimik na library. "Not a place for... socializing." Dahan-dahan siyang naglakad palapit. Every step he took, nararamdaman ko yung bigat ng presensya niya. He stopped right beside me, taking up all the space. "P-prof. Nag aaral lang po kami." pautal kong sabi, trying to fix my glasses. "Is that so?" Tumingin siya kay William. "Mr. Montevista, right? I didn't know na sa unang araw mo rito, ang priority mo ay makipag kwentuhan." "Nagpapatulong lang po siya sa lesson, Prof," singit ni William, chill lang ang boses pero may ha
最終更新日: 2026-05-10
CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE

CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE

ActionComedyDark RomanceAgentRuthlessBillionaireHate to LoveContract MarriageBetrayal
Sa likod ng inosenteng mukha at mahinhin na kilos ni Diana Ross Lynch ay isang madilim na katotohanan siya ay si Ms.Goat. ang pinakamatapang na assassin ng isang lihim na organisasyon. Ngunit sa isang misyong nagkaproblema, napilitan siyang magtago sa ilalim ng isang bagong pagkakakilanlan. Ang paraan ng kanyang pagtatago? Ang maging asawa ng pinakamakapangyarihan at pinakamabangis na bilyonaryo sa bansa si Tyrone Zyrtec Glad. Para kay Tyrone, si Diana ay isang mahinang babaeng nakuha niya mula sa isang business deal. Siya ang kanyang "Unexpected Mrs." Isang pag-aari na maaari niyang kontrolin. Bilang isang ruthless billionaire, sanay si Tyrone na lahat ay sumusunod sa kanya. Hindi niya alam na ang babaeng inaakala niyang kailangang protektahan ay kaya siyang patayin sa loob lamang ng ilang segundo. Ang kanilang pagsasama ay naging isang mapanganib na laro ng pusa at daga. Habang ipinapakita ni Tyrone ang kanyang pagiging possessive at malupit, palihim namang tinatapos ni Diana ang kanyang mga misyon sa gabi. Ngunit habang tumatagal, ang pader na itinayo ni Diana ay dahan-dahang gumuguho. Ang bawat haplos ni Tyrone ay may hatid na kuryenteng hindi niya dapat nararamdaman, at ang obsesyon ng lalaki ay nagsisimulang maging totoo. Ngunit paano kung matuklasan ng isang Tyrone Zyrtec Glad na ang kanyang mahinang asawa ay ang assassin na inutusan ding pumatay sa kanya? Sa mundong puno ng kasinungalingan, ang pag-ibig ay isang lason na walang lunas. Sino ang mas nakamamatay ang bilyonaryong walang puso, o ang asawang may hawak na patalim sa likod ng kanyang mga yakap? Dito magsisimula ang totoong gulo, dahil sa oras na malaman ni Tyrone ang lihim ni Diana, sisiguraduhin niyang walang sinuman ang makakaagaw sa kanyang nakamamatay na Mrs.
読む
Chapter: Chapter 5 NEW MISSION
Dahil sa nangyariing yun, hindi na nagdalawang-isip si Tyrone. Marahil ay dala na rin ng matinding guilt, pinayagan niya si Diana na lumabas ng mansion sa loob ng isang araw para raw makalanghap ng sariwang hangin at mabisita ang kanyang ama. Ngunit paglampas pa lamang ng sasakyan sa border ng teritoryo ng mga Glad, mabilis na lumipat si Diana sa isang blind spot. Doon ay naghihintay ang isang itim na van. "Ms. Goat, Master Zero is waiting," bungad ng kaniyang kasamahan. THE HIDDEN HEADQUARTERS Sa loob ng isang abandonadong bodega na puno ng high-tech monitors, humarap si Diana kay Master Zero. Wala na ang mahinang boses; ang kaniyang tindig ay tuwid at ang kaniyang aura ay nakamamatay. "Hindi ka lang pinalabas para magpahinga, Diana," malamig na sabi ni Zero. "May bagong target. Isang Russian arms dealer ang dadalo sa maskara gala ngayong gabi sa Diamond Hotel. He holds the secondary codes to the Glad offshore accounts. We need him dead, and we need those codes." "Underst
最終更新日: 2026-05-11
Chapter: Chapter 4 CONTINUATION
Pagkalabas niya, "Diana" mahinang tawag ni Tyrone. Akmang hahawakan niya ang balikat ni Diana pero mabilis na umiwas ang babae, tila takot na takot na mahawakan muli. "Huwag... please, huwag muna." bulong ni Diana habang nakayuko. "Gusto ko lang mapagisa. Ang dumi-dumi ng pakiramdam ko." Tumigil si Tyrone. Ang kaniyang kamao ay nag igting. Bilang isang Mafia Boss, sanay siyang kumuha ng gusto niya, pero ang makitang ganito kawasak ang babaeng nasa harap niya ay nagdulot ng isang hindi pamilyar na kirot sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam kung ito ba ay awa o ang kaniyang pagiging possessive na nasasaktan dahil nasaktan niya ang kaniyang Asawa. "I'll leave you for a while," malamig ngunit may bakas ng pag-aalinlangan na sabi ni Tyrone. "Mag-ayos ka na. May mga katulong na magdadala ng pagkain mo rito. Huwag kang lalabas hangga't hindi mo kaya." Nang marinig ni Diana ang pagsara ng pinto at ang pag-click ng electronic lock, hindi siya agad gumalaw. Nanatili siyang nakayuko na
最終更新日: 2026-05-11
Chapter: Chapter 3 MY VIRGINITY!
Hindi nagtagal, naramdaman ni Diana na tila nawawala ang kanyang sarili. Ang kanyang mga tuhod ay nanghina. Agad siyang inakay ni Tyrone na kapapasok lang muli sa hall. "Diana? what happened to you?" tanong ni Tyrone, bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha nang makitang namumula ang pisngi ng asawa at mabilis ang paghinga nito. "Tyrone... mainit... hindi ko kaya." bulong ni Diana habang kumakapit sa tuxedo ni Tyrone. Ang kanyang mahinang persona ay naging totoo sa pagkakataong ito dahil sa epekto ng gamot. Walang sabi-sabing binuhat ni Tyrone si Diana sa harap ng lahat ng bisita. "The party is over for us. Excuse us." Dinala ni Tyrone si Diana sa master's bedroom at mabilis na ni-lock ang electronic door. Inihiga niya si Diana sa kama, pero bago pa siya makalayo, hinila ni Diana ang kanyang necktie. Ang gamot na inilagay ni Sallee ay umabot na sa peak nito. "Diana, stop. You're not yourself." babala ni Tyrone, ang kanyang boses ay naging paos. Kahit siya ay nahihirapan na ring pig
最終更新日: 2026-05-11
Chapter: Chapter 2 MRS. GLAD
Ang sikat ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng Glad Mansion ang gumising kay Diana. Mula sa kanyang silid sa ikalawang palapag, tanaw ang malawak na garden na punong-puno ng mga guards na may bitbit na assault rifles. Hindi ito basta mansion; isa itong kuta na nakatago sa tuktok ng bundok, malayo sa ingay ng sibilisasyon. Mabilis na nag ayos si Diana. Isinuot niya ang isang puting silk dress na mukhang simple at inosente ang perpektong disguise para sa isang mahinang asawa. Pagbaba niya sa grand staircase, ang amoy ng mamahaling kape at breakfast ang sumalubong sa kanya sa dining hall. Doon, sa dulo ng isang mahabang mahogany table, nakaupo si Tyrone. Nakasuot na ito ng kanyang black suit vest, seryosong nagbabasa ng mga papeles. "You're late by five minutes." malamig na sabi ni Tyrone nang hindi tumitingin sa kanya. "Sa mansion na ito, oras ko ang sinusunod." "S-sorry, Tyrone... hindi lang ako nakatulog nang maayos," pagpapanggap ni Diana. Humila siya ng upuan, sinisigur
最終更新日: 2026-05-11
Chapter: Chapter 1 FIRST GOAL IS TO BECOME HIS WIFE
AUTHOR POV: Sa loob ng isang madilim na warehouse sa Port Area, tanging ang patak ng ulan sa bubong at ang mabibigat na hininga ng isang lalaki ang naririnig. Ang lalaki ay nakatali sa isang bakal na upuan, duguang-duguan at halos hindi na makadilat. Sa harap niya, nakatayo si Tyrone Zyrtec Glad. Kahit madumi ang paligid, mukhang perfect pa rin ang kanyang black suit. Hawak niya ang isang luma at kupas na picture ng kanyang ina. "I’ll ask you again." malamig na sabi ni Tyrone. Ang boses niya ay parang babala ng kamatayan. "Sino ang nag utos sa inyo nung gabing iyon? Sinong pumatay sa ina ko!?" "H-hindi ko alam, Boss Tyrone! Tauhan lang kami!" pagmamakaawa nung lalaki. Hindi nagbago ang mukha ni Tyrone. Sa isang mabilis na galaw, bumaon ang hawak niyang pocket knife sa balikat ng lalaki. Isang nakakabinging sigaw ang pumuno sa bodega. "Wrong answer." bulong ni Tyrone habang pini pikit ang kutsilyo sa loob ng sugat. "15 years akong naghintay para mahanap kayo. Huwag mong uu
最終更新日: 2026-05-11
HIS FORGOTTEN VOWS

HIS FORGOTTEN VOWS

ActionComedyGirl PowerAgentBillionaireRuthlessLove after MarriageHate to LovePregnant
Matapos ma expelled si Maddie, nag apply soya para suportahan ang kanyang dalawang kapatid, bilang isang simpleng katulong sa marangyang mansyon ng pamilya Desmond, araw² niyang nilalabanan ang pangmamaliit at pang-aapi ng mga taong mas mataas ang estado sa buhay. Hindi niya inaasahang mamahalin siya ng lalaking hindi niya kailanman naisip na mapapasakanya si Kendrick Archibald Desmond, isang mayamang CEO, secret agent, at tagapagmana ng imperyo ng kanilang pamilya. Mula sa pagkakaibigan ay namulaklak ang isang pag-ibig na nagtagumpay laban sa agwat ng kanilang mundo. Ngunit ang kanilang kaligayahan ay hindi nagtagal. Isang aksidente ang bumago sa lahat. Nagising si Kendrick na walang maalala tungkol sa kanyang asawa. Nakalimutan niya ang kanilang pagmamahalan, ang kanilang mga pangako, at ang babaeng minsang naging buong mundo niya. Ang tanging naaalala niya ay ang kanyang dating kasintahang si Savanna Zoo Haul isang babaeng handang sirain ang lahat upang mabawi siya. Pinalayas, siniraan, at itinuring na sinungaling, naiwan si Maddie na mag-isang lumalaban habang dinadala ang anak nilang hindi alam ni Kendrick na umiiral. Ngunit paano kung may mga alaala na hindi kayang burahin ng amnesia? Sa tulong ng kanyang mga lutong minsang nagpabihag sa puso ni Kendrick, muli siyang nagbalik bilang personal chef nito. Habang unti-unting bumabalik ang pamilyar na pintig sa puso ng lalaki, lumalalim naman ang mga kasinungalingang bumabalot sa kanilang nakaraan. Kapag nabunyag ang katotohanan, sapat pa kaya ang pag-ibig upang maibalik ang isang lalaking nakalimot sa kanyang asawa? O huli na ang lahat para sa mga pangakong minsang isinumpa nila sa harap ng altar? Because sometimes, the heart remembers what the mind forgets.
読む
Chapter: CHAPTER 5 PICKY EATER
MADDIE'S POV "Her." Napunta sa akin ang tingin ni Rick matapos sabihin ni Mrs. Ramirez na isa ako sa naghanda ng almusal. Ngunit ang mas nakapagtaka sa akin ay hindi si Rick kundi ang mga kasambahay sa paligid. Lahat sila ay tahimik na nakatingin sa kanya na para bang may hinihintay. Maging ang mga kusinero ay tila hindi mapakali habang nakatayo malapit sa dining area. Maingat na kinuha ni Rick ang kutsara at sinubukan ang unang putahe. Walang nagsalita. Walang gumalaw. Para bang nakasalalay ang kapalaran ng buong bahay sa susunod na lalabas sa bibig niya. Habang ako naman ay nalilito kung bakit ganoon na lamang ang tensyon sa paligid. Ilang segundo siyang ngumunguya bago inilapag ang kutsara. "Too salty." Wala ni isa sa mga staff ang nagulat. "Replace it." "Yes, Sir." Parang sanay na sanay silang marinig iyon. Agad na lumapit ang isa sa mga kasambahay at kinuha ang plato sa harap niya. Wala ring nagreklamo o nagtanong kung ano ang problema. Para bang normal na par
最終更新日: 2026-06-01
Chapter: CHAPTER 4 GOOD NEWS
Naiwan akong nakatayo roon habang nakatitig sa pintuang kakalabasan lang ni Rick. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa kapal ng mukha niya. Una niya akong hinusgahan sa university at ngayon naman ay tinawag niya akong troublemaker sa harap ng mga tao. Kung hindi ko lang kailangan ang trabahong ito, matagal ko nang sinagot-sagot ang lalaking iyon. Ngunit wala akong karaoatan para pairalin ang pride nakin "Don't mind him." sabi ng babaeng nag-hire sa akin. Napalingon ako sa kanya at nakita kong bahagya siyang napabuntong-hininga. "Mr. Desmond isn't exactly the friendliest person in this house." Napataas ang isang kilay ko. Mukhang hindi lang pala ako ang nakakapansin sa ugali nito. "Ako po si Mrs. Fiona Ramirez, ang head housekeeper ng mansyon." pakilala niya. Agad naman akong tumango bilang paggalang. "Simula bukas, ikaw ang magiging isa sa mga bagong staff dito. At dahil marunong kang magluto, minsan ay tutulong ka rin sa kusina." Tahimik akong nakinig habang ipinapaliw
最終更新日: 2026-05-31
Chapter: Chapter 3 HIRING MAID
Hindi ako nakatulog buong gabi matapos ang nangyari. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salita ng dean at ang malamig na pagtanggi ni Kendrick. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng dean's office habang unti-unting nawawasak ang pangarap ko. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Ngunit higit sa lahat, natatakot akong harapin ang kinabukasan. Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa mahinang pag-uusap nina Mama at ng may ari ng inuupahan naming bahay. Napatigil ako nang marinig ko ang salitang "bayad." Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at nakita kong nakayuko si Mama habang hawak ang ilang papel. Halatang pilit niyang pinapakiusapan ang lalaki na bigyan pa kami ng kaunting palugit. At sa sandaling iyon, lalo kong naramdaman ang bigat ng responsibilidad ko bilang panganay. Pagkaalis ng lalaki, agad akong lumapit kay Mama. "Ma, anong sabi niya?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Pilit siyang
最終更新日: 2026-05-31
Chapter: CHAPTER 2 SECOND CHANCE
Nagmamadaling lumapit sa akin si Ella nang makalabas ako ng dean's office. "Maddie, sandali!" tawag niya habang hinahabol ako sa hallway. Hindi ko agad siya nilingon dahil pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kahit sino. "Ano pa bang silbi non?" mapait kong tanong. "Na-expel na ako, Ella." "Huwag kang susuko nang ganito lang." sagot niya habang hawak ang braso ko. Napailing lamang ako at napababa ng tingin sa recipe file na hawak ko. "Wala na akong magagawa," bulong ko. Ngunit hindi siya sumang-ayon at agad na umiling. "Meron pa. Kausapin mo si Kendrick Desmond" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Yung boyfriend ni Savanna?" tanong ko na para bang nababaliw siya. Agad naman siyang tumango at seryosong tumingin sa akin. "Anak siya ng may-ari ng university. Kung gugustuhin niya, kaya niyang kumbinsihin ang dean na bigyan ka ng second chance." Napakagat ako sa labi habang iniisip ang sinabi niya. "Sa tingin mo ba pakikinggan niya ako?" tanong ko. Naalala ko ang malam
最終更新日: 2026-05-31
Chapter: Chapter 1 FAMILY FIRST
"Congratulations, Miss Haul! Your dessert is truly outstanding!" Nagpalakpakan ang buong Culinary Arts Hall matapos ang presentation ni Savanna Zoo Haul. Ngunit habang nakangiti ang lahat, tila may bumara sa lalamunan ni Maddie Sykes Jones. Nakatitig siya sa malaking screen sa harap. Sa bawat ingredient. Sa bawat procedure. Sa bawat detalye. Dahil alam niyang hindi iyon recipe ni Savanna. Kanya iyon. Ang recipe na ilang buwan niyang pinagpuyatan. Ang recipe na inaasahan niyang magbibigay sa kanya ng scholarship para maipagpatuloy ang pag-aaral. At ngayon... Inaangkin iyon ng iba. "Impossible..." bulong niya. "Maddie?" nag-aalalang tawag ng kaibigan niyang si Ella. Ngunit hindi na siya nakinig. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at diretsong naglakad papunta sa harapan. Napatigil ang lahat. Pati si Savanna. "Bakit mo ninakaw ang recipe ko!." Agad na nanahimik ang buong silid. Tumaas ang isang kilay ni Savanna. "Excuse me?" "Narinig mo ako." Mariing hinawakan ni Maddie an
最終更新日: 2026-05-31
ONE NIGHT STAND WITH MY SISTER FIANCE

ONE NIGHT STAND WITH MY SISTER FIANCE

ActionDark RomanceGirl PowerHidden IdentityMafiaBillionaireSecret LoveRevengeAffair
Grace Fiona Caliz was born into wealth but lived in a nightmare. May malaki siyang peklat sa left face. She have buised by the cruelty of her stepmother and stepsister, she was a prisoner in her own home. When her father fell into a coma, the abuse turned deadly. Shot and thrown off a bridge by Hailey and her mother Teresa, Grace was left for dead. But Grace didn't die. Rescued and reborn as the stunning, flawless Sidney Galix, she returns with a cold heart and mission to take back everything that was stolen. Her first move? Infiltrating Hailey life as her personal bodyguard. Her second? Seducing Kalix Cross Desmond, the man Hailey is set to marry to save the company of Grace father. Ngunit hindi lang basta paghihiganti ang pakay nya. She’s playing a dangerous game where one wrong move could cost her everything. Habang dumadaan ang mga araw bilang bodyguard ni Hailey, unti-unting nabubura ang linya sa pagitan ng kanyang disguise at ng kanyang tunay na nararamdaman. She was supposed to be a heartless and cold Pero sa bawat titig at bawat pagkakataon na kailangan niyang lumapit kay Kalix Cross Desmond, unti unting natutunaw ang yelo sa kanyang puso. Kalix is a man who gets what he wants, and right now, his eyes are fixed on the mysterious woman guarding his fiancee. Grace knows she should stay focused on her mission. Kailangan niyang bawiin ang dangal ng kanyang ama at sirain ang mga taong kumuha nito. Pero paano kung ang lalaking dapat niyang gamitin bilang sandata ang siya ring nagiging kahinaan niya?. Sa gitna ng paghihiganti, Grace finds herself trapped in a web of her own making. Will she choose the justice she’s craved for years, or the love that threatens to burn her world down?"
読む
Chapter: CHAPTER 9 NIGHTMARE
SIDNEY POV: Madilim. Napakadilim. Tanging mga sigaw lamang ang naririnig ko sa paligid. Pakiramdam ko ay muli akong bumalik sa nakaraan—sa gabing sumira sa buong buhay ko. "Grace! Run!" Boses ni Mama. Napalingon ako at nakita ko siyang umiiyak habang pilit akong itinutulak palayo. Kasunod noon ang malakas na tunog ng nababasag na salamin at mga bagay na nagkakagulo sa paligid. CRASH! "Mama!" sigaw ko habang pilit siyang inaabot. Pero kahit gaano ko pa subukan, hindi ko siya mahawakan. Para bang may kung anong pwersang humihila sa akin palayo sa kanya. Napalingon ako sa kabilang direksyon at nakita ko si Dad na nakahandusay sa sahig. Napakaraming dugo. "Dad!" umiiyak kong sigaw habang tumatakbo papunta sa kanya. Ngunit bago ko pa siya maabot, biglang nagbago ang paligid. Napalitan ng malamig at puting silid ang lahat. Tahimik. Nakakatakot. At sa gitna ng silid ay may isang kabaong. Mabagal akong lumapit. Nang silipin ko ang nasa loob, nanlaki ang mga mata ko. Ako.
最終更新日: 2026-06-10
Chapter: CHAPTER 8 CONTINUATION
SIDNEY'S POV: Pagkapasok ko sa underground facility, agad kong iniscan ang key card ko. Isang mahinang "beep" ang narinig bago bumukas ang makapal na metal door. Five footsteps. Then suddenly, mabilis akong nilapitan ni Joshua, ang kanang kamay ni Tita Georgia. "Bakit ang tagal mong bumalik dito? Kanina pa kami nag-aalala sa'yo!" galit niyang sabi habang sinusuri ang buong katawan ko. I just rolled my eyes and simply brushed past him. "Sidney, please. Kahit minsan lang, be nice to the people who care about you," seryoso niyang sabi. Napahinto ako at mabagal na lumingon. "What? People who care about me?" napatawa ako nang mapait. "Oh, c'mon, Josh. I don't believe that anymore. It's too late for me to believe in things like that." Tumitig ako sa kanya nang malamig. "I trust no one." Bahagyang bumagsak ang balikat niya pero wala na akong pakialam. Iniwan ko siya roon at dumiretso sa opisina ni Tita Georgia. IN THE MAIN OFFICE Pagdating ko sa office ni Tita Georgia, agad kong
最終更新日: 2026-06-10
Chapter: Chapter 7 SAFE OR NOT
Author Pov: Sa loob ng dalawang linggo, tila naging target ng kamalasan si Hailey Caliz. Tatlong beses na siyang muntikang mapahamak, at sa bawat pagkakataong iyon, laging sumusulpot si Kalix Desmond para iligtas siya. Mula sa tangkang pagnanakaw sa boutique, hanggang sa muntikang pagsagasa ng motor sa kalsada laging naroon ang bisig ni Kalix para protektahan siya. "I can't always be here, Hailey." malamig na sabi ni Kalix matapos ang ikatlong insidente. "You need to hire a professional. Hindi sa lahat ng oras ay masasagip kita." "Pero Kalix, you're my fiancé! It's your job to protect me!" sagot ni Hailey, pilit na kumakapit sa braso ng lalaki. Hindi sumagot si Kalix. Ang kanyang mga mata ay nananatiling malamig, tila may ibang malalim na iniisip. Habang naglalakad si Hailey sa isang abandonadong bahagi ng parking lot, isang itim na van ang biglang humarang sa kanya. Tatlong malalaking lalaki ang bumaba at mabilis siyang hinila. "BITAWAN NIYO AKO! TULONG!" sigaw ni Haile
最終更新日: 2026-05-12
Chapter: Chapter 5 PAY BACK TIME
Author POV: Sa loob ng VIP lounge ng The Underground Bar, ang usok ng sigarilyo ay humahalo sa amoy ng mamahaling bourbon. Kalix sat back, his dark eyes fixed on the empty chair Hailey just left. Kahit pumayag na siya sa kasal, may kung anong bigat pa rin sa kanyang dibdib. Samantala, sa tapat ng malaking salamin sa restroom, Hailey was staring at her reflection. She wiped a stray, fake tear and reapplied her red lipstick. She looked perfect the perfect bride, the perfect victim. Hailey POV: I looked at my phone screen. Ang reply ni Mom ay maikli lang "Excellent. Don't let him slip away tonight. Make sure the engagement is public by tomorrow." I smirked. I know exactly how to handle Kalix. He’s a man of honor, and honor is a very easy thing to weaponize. Lumabas ako ng restroom at bumalik sa booth namin, pero bago pa ako tuluyang makalapit, nakita ko siyang nakatingin sa labas, tila malalim ang iniisip. I softened my features again. I walked slowly, making sure the clicking of m
最終更新日: 2026-05-07
Chapter: Chapter 4 THE ARRANGED MARRIAGE
"THE FALL OF THE CALIZ HEIRESS GRACE FIONA CALIZ COMMITS SUICIDE." The newspaper stated that Grace jumped off the bridge because of the guilt. Sabi sa report, hindi niya kaya ang kahihiyan na siya ang naging dahilan kung bakit nacoma ang kanyang ama na si Don Gabriel. Kalix POV: When I read the newspaper in Italy, parang huminto ang tibok ng puso ko. I stared at the newspaper, hoping it was just a sick joke. "No... Grace... hindi mo magagawa yan." I whisper. I was ready to fly back. I was ready to forgive her. Kahit anong sakit ang naramdaman ko nung makita ko siya sa kwarto na may kasamang iba, mas masakit ang malamang wala na siya. The girl who I love the most was gone. Three years passed, but the pain never left. I become mafia boss. My only goal was to find out what really happened. Dahil sa loob ko, alam kong hindi magpapakamatay si Grace. She promised me she wouldn't let them dim her light. "Kalix, anak." tawag ng aking ama. "You need to fulfill the agreement. For
最終更新日: 2026-05-07
Chapter: Chapter 3 CONTINUATION
Grace POV: Nang magising ako kinabukasan, masakit ang ulo ko. I saw a man I didn't know leaving my room. I panicked. "Who are you?!" He just laughed and ran away. Then I saw it. On my side table the promise ring I gave back to Kalix was there, but beside it was a note from Hailey: "He saw you, Grace. It's over." Doon ko narealize. Kalix came home. And he saw a lie. Nang makita ko ang promise ring sa lamesa, parang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit. My head was spinning. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi, pero ang note ni Hailey ay sapat na para gumuho ang mundo ko. He saw you, Grace. It’s over. "No... No, Kalix!" I screamed. Kahit nanghihina, tumayo ako. I didn't care if I was messy or if my head hurt. I needed to find him. I needed to tell him na set-up lang ang lahat. Na wala akong ginawang masama. Tumakbo ako palabas ng kwarto, pababa ng hagdan. Halos madapa ako, pero wala akong pakialam. "Kalix! Kalix!" sigaw ko habang binubuksan ang gate ng mansyon. Hingal
最終更新日: 2026-05-06
あなたも気に入るかもしれません
Soldier's First Love (Tagalog)
Soldier's First Love (Tagalog)
Romance · AVA NAH
378.8K ビュー
His Personal Maid
His Personal Maid
Romance · Zenshine
368.9K ビュー
My Innocent Maid
My Innocent Maid
Romance · SANTIAGO
367.3K ビュー
Running away from the Billionaire
Running away from the Billionaire
Romance · SenyoritaAnji
361.3K ビュー
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status