เข้าสู่ระบบSHANTALL AGUILAR POV
Buong hapon pagkatapos ng engkwentro kay Anastasia Lopez, nanatili akong nakatutok sa aking computer screen. Mas pinili kong lunurin ang sarili ko sa paggawa ng mga liquidation reports, pag-aayos ng mga corporate schedules, at pagsagot sa mga email. Mas gusto ko pang mapagod ang utak ko sa trabaho kaysa bigyan ito ng oras na isipin ang mga sinabi ni Anastasia. “Ginagamit ka lang niya para sa panandaliang aliw. He only feels lust for trash like you.” Kahit anong pilit kong burahin ang mga salitang ’yan, parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa pandinig ko. At ang mas masakit? Alam kong may katotohanan ang bawat salita niya. Bakit naman ako mamahalin ng isang Kalix Luiz Herrera? Siya na nasa rurok ng tagumpay, mayaman, makapangyarihan, at kayang makuha ang kahit sinong babae sa mundo. Habang ako? Isang takas na anak, walang kahit ano, at may bitbit na madilim na nakaraan. Pasado alas-sais na ng gabi nang mapansin kong nag-iisa na lang ako sa labas ng opisina niya. Nagsiuwian na ang mga empleyado sa iba't ibang departamento. Inayos ko ang aking mga gamit at tumayo para kumatok sa opisina ni Kalix para magpaalam. Bago pa man dapo ang mga kamay ko sa mahogany door, bigla itong bumukas. Iniluwa nito si Kalix na nakasuot na ng kanyang coat. Ang kanyang mga mata ay agad na dumapo sa akin, seryoso, masungit, pero may bakas ng pagod. "Are you done?" malamig niyang tanong. "Opo, Sir. Tapos ko na po lahat ng pina-verify niyo para sa board meeting bukas," pormal kong sagot, pilit na iniiwas ang tingin sa kanya. Hindi ko magawang kalimutan ang nangyari kagabi sa kusina ng penthouse niya. Ang init ng kanyang labi sa leeg ko ay tila ba nakatatak pa rin sa balat ko. Kumunot ang noo niya nang marinig ang tawag ko sa kanya. "I thought I told you to drop the 'Sir' when we are not in a professional meeting, Shantall." "Nasa opisina pa po tayo, Sir Kalix. Mas mabuti pong ganito para walang makarinig na iba," mahina kong depensa habang naglalakad patungo sa elevator. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago humakbang papalapit sa akin. Naramdaman ko agad ang pamilyar niyang presensya—dominant, mabango, at nakakapanghina. "Kung ang iniisip mo ay ang mga sinabi ni Anastasia kanina, nakalimutan mo na ba ang ginawa ko? I kicked her out. She means nothing to me, and she has no right to talk to you like that." Huminto ako sa tapat ng elevator at lumingon sa kanya. "Hindi naman po tungkol sa kanya ito, Sir. Tama naman po siya sa isang bagay, eh. PA niyo lang ako. At ang pananatili ko sa penthouse niyo... alam naman nating dalawa kung ano lang ang dahilan." "At ano ang dahilan na 'yon, Shantall?" humakbang siya nang mas malapit, ang boses ay bumaba, naging raspy at puno ng panganib. Ang kanyang stubborness ay muling lumitaw. Ayaw niya ng tinatanggihan o kinokontra siya. "Dahil... dahil gusto niyo lang po ako," diretsa kong sagot, bagamat nanginginig ang boses ko. "Gusto niyo ang katawan ko. Lust lang po ang nararamdaman niyo sa akin, Sir Kalix. At natatakot ako na kapag nakuha niyo na ang gusto niyo, itatapon niyo rin ako gaya ng sabi niya. Paano naman ang kalayaan ko? Ang tahimik na buhay na hinahanap ko?" Natigilan si Kalix. Ang kanyang panga ay humigpit nang napakagusto, at nakita ko ang mabilis na pagtaas-baba ng kanyang dibdib sa ilalim ng suit niya. Tinitigan niya ako gamit ang kanyang mga mata na tila ba may malaking giyera na nagaganap sa loob ng utak niya. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang isang emosyon sa kanya na hindi ko pa nakikita kailanman hindi galit, hindi pagnanasa, kundi isang matinding pagpipigil na tila ba nasasaktan siya sa mga sinabi ko. Bago pa siya makapagsalita, tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito. Agad akong pumasok sa loob. Sumunod siya nang walang kibo, at ang buong byahe pababa hanggang sa parking lot ay binalot ng nakakabinging katahimikan. Pagdating sa penthouse, dire-diretso akong naglakad patungo sa aking kwarto. Wala akong balak na maulit ang nangyari kagabi. Pero bago ko pa man mahawakan ang doorknob ng pinto ko, narinig ko ang kanyang boses mula sa sala. "Tristan called my legal team earlier," seryoso at malamig niyang pahayag. Napatigil ako sa paghakbang at dahan-dahang lumingon sa kanya. Nakatayo siya malapit sa bar counter, tinatanggal ang kanyang necktie habang nakatitig sa akin. "Ano pong sabi ni Attorney Tristan?" "He is planning to file a temporary restraining order against your parents," sagot ni Kalix, ang kanyang boses ay biglang naging masungit nang mabanggit ang pangalan ng abogado. Lumitaw na naman ang matinding selos sa kanyang mukha. "He wants to take your case, Shantall. Sinasabi niya na tutulungan ka niyang makalaya sa legal na paraan mula sa pamilya mo." Naramdaman ko ang biglang pag-asa sa dibdib ko. Isang TRO? Ibig sabihin, kapag nagtagumpay si Tristan, hindi na ako pwedeng lapitan o guluhin ng mga magulang ko kailanman. "Talaga po? Magagawa po ba 'yun ni Attorney Tristan?" Isang sarkastikong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Kalix, pero ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa galit. "Bakit parang tuwang-tuwa ka? Do you trust him that much? Isang linggo mo pa lang siyang nakikilala, Shantall, pero kung umasta ka, parang siya na ang tagapagligtas mo!" "Sir Kalix, abogado siya, at ang tanging hiling ko lang naman ay ang lumayo sa mga magulang ko! Kung matutulungan niya ako sa legal na paraan, bakit hindi ko tatanggapin?" medyo tumaas na rin ang boses ko. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit siya tuwing pinag-uusapan si Tristan. "Dahil ako ang magpapakulong sa kanila!" sigaw niya, ang boses ay umalingawngaw sa buong lawak ng penthouse. Marahas siyang humakbang papalapit sa akin, ang kanyang aura ay naging napakabangis. "I don't need Tristan to save you! Gagamitin ko ang lahat ng pera ko, ang lahat ng koneksyon ko, para siguraduhing hindi na makakatapak ang mga magulang mo sa Maynila! Akong bahala sa kanila, Shantall! Hindi mo kailangan ang tulong ng ibang lalaki!" "Bakit ba galit na galit kayo?!" naiiyak kong tanong, tuluyan nang pumatak ang mga luha ko sa sobrang frustration. "Bakit kailangang sa inyo lang galing ang tulong? Boss ko lang kayo, Sir Kalix! Wala kayong karapatan na diktahan kung sino ang pwedeng tumulong sa akin!" Sa isang mabilis na galaw, hinawakan ni Kalix ang magkabilang balikat ko at mariin akong isinandal sa pader ng hallway. Napasinghap ako sa gulat. Ang kanyang mukha ay pulandit sa galit, ang kanyang panga ay nanginginig, at ang kanyang mga mata ay punong-puno ng isang mapusok at makasalanang obsesyon. "Dahil nagseselos ako, damn it!" pag-amin niya, ang boses ay paos at gumaralgal. "Nababaliw ako sa tuwing iniisip ko na may ibang lalaki na tumutulong sa'yo, na may ibang lalaki na nginingitian mo! I am a selfish, stubborn bastard, Shantall! At ayaw kong nakikita na umaasa ka sa iba bukod sa akin!" Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Nagseselos siya? Ang isang bilyonaryong katulad niya ay nagseselos sa isang simpleng abogado para sa akin? "Sabi mo... sabi mo kanina lust lang ang nararamdaman ko sa'yo," patuloy niya, mas naging mababa ang boses, pero mas masakit ang bawat salita. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang noo para idikit sa noo ko. Ramdam ko ang kanyang mabilis na paghinga, ang init ng kanyang balat. "Nung una, oo. Gustong-gusto kong angkinin ang katawan mo. I was consumed by my dark desires every time I looked at you. Pero ngayon... nakikita kong umiiyak ka dahil sa takot, nakikita kong nahihirapan ka... nasasaktan din ako, Shantall." Ang kanyang malalaking kamay ay lumipat mula sa balikat ko patungo sa aking mga pisngi, marahan nitong pinunasan ang aking mga luha gamit ang kanyang mga hinlalaki. Ang hawak niya ngayon ay hindi na marahas, kundi puno ng isang emosyon na hindi ko inaasahang makikita sa isang malamig na tao tulap niya. "Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin, pero unti-unti mo akong binabago," bulong niya malapit sa labi ko. Ang kanyang mga mata ay nakatitig sa akin nang may matinding katapatan na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "I am unexpectedly falling in love with you, Shantall. At ang katotohanang 'yon ang pinakamalaking parusa sa akin, dahil alam kong natatakot ka sa akin." Napatitig ako sa kanya, tuluyang nawalan ng salita. Ang puso ko ay parang gustong sumabog sa halo-halong emosyon. Mahal ako ng bilyonaryong ito? Ang kanyang sinful obsession ay hindi lang pala purong pagnanasa... kundi isang malalim at mapanganib na pag-ibig na unti-unti nang nagpapabago sa buong pagkatao niya. Ngunit sa kabila ng kanyang pag-amin, isang malaking pader pa rin ang nakatayo sa pagitan naming dalawa ang takot ko sa aking nakaraan, at ang katotohanan na ang kanyang paraan ng pagmamahal ay maaari pa ring maging hawla na kukuha sa kalayaang matagal ko nang pinapangarap.SHANTALL AGUILAR POV Matagal kaming nanatili sa ganoong posisyon sa loob ng boardroom. Ang aking mukha ay nakasubsob pa rin sa leeg ni Kalix, at ang bawat hikbi ko ay unt-unting napapalitan ng malalalim na buntong hininga. Ramdam na ramdam ko ang mahigpit, halos posesibong yakap niya. Para bang kapag niluwagan niya ang hawak niya sa akin, bigla akong maglalaho na parang bula. Ang bango niya ang halo ng mamahaling panlalaking pabango, mint, at ang natitirang amoy ng whiskey na ininom niya kagabi ay nagsilbing gamot sa nanginginig kong sistema. Unti-unting kumalma ang nagwawala kong puso. Sa unang pagkakataon mula nung tumakas ako sa probinsya, naramdaman ko na tapos na. Wala na ang mga magulang ko na laging nakabantay sa bawat sulok, handa akong ibenta sa kung sinong mayaman para lang sa bisyo nila. "Are you okay now, Shantall?" mahinang bulong ni Kalix malapit sa tenga ko. Ang boses niya ay wala nang bakas ng galit o pagsusungit ito ay mahinahon na, tila ba natatakot siyang mabasa
SHANTALL AGUILAR POV Nanginginig ang buong katawan ko habang naglalakad kami ni Kalix sa hallway patungo sa main boardroom. Ang lamig ng aircon ng kumpanya ay tila ba dumiin sa aking balat, pero ang hawak ni Kalix sa aking kanang kamay ay napakahigpit at napakainit. It was a firm, grounding grip. Hindi niya ako binitiwan mula nung lumabas kami ng opisina niya, at sa bawat empleyadong nadadaanan namin na nakatingin sa aming magkahawak kamay, wala siyang pakialam. His face was a mask of pure, unadulterated power isang corporate shark na handang pumatay ng sinumang haharang sa daan niya."K-Kalix... ang kamay ko," mahina kong bulong habang papalapit kami sa malaking double doors ng boardroom. "Nakatingin ang lahat.""Let them look," tipid at masungit niyang sagot, hindi man lang bumabagal ang hakbang. "I don't give a damn about their opinion, Shantall. Sabi ko sa'yo, you are under my protection. Hinding-hindi ko bibitiwan ang kamay mo sa harap ng mga taong nanakit sa'yo."Napasulyap ako
SHANTALL AGUILAR POV Ang malamig na ibabaw ng glass desk ni Kalix ay direktang sumalungat sa naglalagablab na init ng kanyang katawan. Nakakulong ako sa pagitan ng kanyang matitigas na braso, ang aking palda ay bahagyang nakaangat, at ang bawat mabilis na paghinga niya ay tumatama sa aking mukha. My mind was in absolute chaos. Alam ko na dapat akong lumaban, na dapat ko siyang itulak palayo dahil nasa loob kami ng opisina ng kumpanya. Ngunit ang paraan ng paghawak niya sa akin marahas na may kasamang matinding pag-iingat, possesive, at tila ba sumasamba sa bawat pulgada ng aking pagkatao ay unti-unting nagnanakaw sa natitira kong lakas ng loob. "K-Kalix... pakiusap, ibaba mo ako," mahina kong bulong, ang mga kamay ko ay nakatampal pa rin sa kanyang malapad na dibdib. Nararamdaman ko ang mabilis at malakas na tibok ng kanyang puso. dynamic at napakabangis ng kanyang presensya. "No," tipid at stubborn na sagot niya. Mas lalo niyang inilapit ang kanyang katawan sa akin, sapat na para
SHANTALL AGUILAR POV Naging bingi ako sa paligid pagkatapos ng gabing ’yon. Ang mga salita ni Kalix ay parang isang malakas na bagyo na sumira sa lahat ng pader na maingat kong itinayo sa paligid ng puso ko. He is falling in love with me. Paulit-ulit na umaalingawngaw ang boses niya sa utak ko habang nakatitig ako sa kawalan dito sa PA desk ko kinaumagahan. Hindi ko alam kung paano siya haharapin ngayon. Isang bilyonaryo, isang dominant at cold hearted CEO, umamin na mahal niya ako. Pero paano? Isang linggo pa lang kaming magkasama sa penthouse niya. Ang alam ko lang, nilalamon siya ng lust at pagnanasa sa akin nung una. Is it possible for a man like him to change so quickly? O bahagi lang ito ng kanyang matinding kapangyarihan para tuluyan akong mapasuko sa kanyang mga bisig? "Talla? Are you okay? Kanina ka pa nakatitig sa kawalan," isang pamilyar at malambot na boses ang pumutol sa malalim kong pag-iisip. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Attorney Tristan Villaflor na naka
SHANTALL AGUILAR POV Buong hapon pagkatapos ng engkwentro kay Anastasia Lopez, nanatili akong nakatutok sa aking computer screen. Mas pinili kong lunurin ang sarili ko sa paggawa ng mga liquidation reports, pag-aayos ng mga corporate schedules, at pagsagot sa mga email. Mas gusto ko pang mapagod ang utak ko sa trabaho kaysa bigyan ito ng oras na isipin ang mga sinabi ni Anastasia. “Ginagamit ka lang niya para sa panandaliang aliw. He only feels lust for trash like you.” Kahit anong pilit kong burahin ang mga salitang ’yan, parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa pandinig ko. At ang mas masakit? Alam kong may katotohanan ang bawat salita niya. Bakit naman ako mamahalin ng isang Kalix Luiz Herrera? Siya na nasa rurok ng tagumpay, mayaman, makapangyarihan, at kayang makuha ang kahit sinong babae sa mundo. Habang ako? Isang takas na anak, walang kahit ano, at may bitbit na madilim na nakaraan. Pasado alas-sais na ng gabi nang mapansin kong nag-iisa na lang ako sa labas ng o
KALIX LUIZ HERRERA POV Da*n it. I slammed my glass of whiskey down on the mahogany desk, not caring kung tumapon ang amber liquid sa mga mamahaling contracts na nakakalat sa harap ko. I rubbed my temples, breathing heavily habang nakatitig sa malaking glass window ng opisina ko. The Makati skyline was glittering in the dark, pero walang anumang magandang tanawin ang makakapag-alis ng madidilim na isipin na tumatakbo sa utak ko ngayon. For twenty-nine years, my life was perfectly calculated. Business, power, status, at kontrol 'yan lang ang mahalaga sa akin. Lumaki ako sa isang pamilya kung saan itinuro sa akin na huwag magtiwala kahit kanino, maging sa sarili mong dugo. In the corporate world, you are either the predator or the prey. I chose to be the shark. I never let anyone get under my skin. Ang mga babae sa buhay ko? They were just temporary distractions convenient, transactional, at madaling palitan. Until she walked into my office three weeks ago. Shantall Aguilar.
SHANTALL AGUILAR POV Ang init ng labi ni Kalix sa aking leeg ay parang kuryenteng gumapang sa bawat ugat ko. Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga tuhod ko, at kung hindi ko nayakap ang kanyang leeg, baka tuluyan na akong bumagsak sa sahig. My mind was screaming at me to push him away. Boss m
SHANTALL AGUILAR POV Pagbalik namin sa Herrera Corporate Tower mula sa tanghalian kasama si Attorney Tristan Villaflor, ramdam na ramdam ko pa rin ang kakaiba at mabigat na tensyon sa loob ng sasakyan. Ni hindi man lang ako tiningnan ni Kalix hanggang sa makarating kami sa top floor, pero ang bawa
SHANTALL AGUILAR POV Ang unang linggo ko bilang personal assistant ni Sir Kalix Luiz Herrera ay masasabi kong isang walang katapusang pagsasanay sa pasensya at tibay ng sikmura. Araw-araw, bago pa sumikat ang araw, nandoon na ako sa tapat ng opisina niya. At araw-araw din, sasalubungin niya ako ng
SHANTALL AGUILAR POV Nanginginig ang mga kamay ko habang inaayos ang suot kong black pencil skirt at simpleng white blouse. Humarap ako sa malaking salamin ng restroom dito sa top floor ng Herrera Enterprises. I looked at my reflection. Bakas pa rin sa ilalim ng makapal na foundation ang bahagyang







