LOGINSHANTALL AGUILAR POV
Pagbalik namin sa Herrera Corporate Tower mula sa tanghalian kasama si Attorney Tristan Villaflor, ramdam na ramdam ko pa rin ang kakaiba at mabigat na tensyon sa loob ng sasakyan. Ni hindi man lang ako tiningnan ni Kalix hanggang sa makarating kami sa top floor, pero ang bawat hakbang niya patungo sa opisina niya ay napakabigat, isang malinaw na senyales na galit na naman siya. Agad akong naupo sa aking desk, pilit na ibinubuhos ang atensyon sa computer screen. Ngunit bago ko pa man ma-type ang unang letra ng gagawin kong memo, bumukas ang pinto ng opisina niya. "Shantall. In my office. Now," malamig na utos niya bago marahas na isinarado muli ang pinto. Napalunok ako ng laway. Heto na naman po tayo. Huminga ako nang malalim, kinuha ang aking notepad, at dahan-dahang pumasok sa loob ng malawak niyang opisina. Naabutan ko siyang nakatayo sa harap ng malaking glass window, nakatalikod sa akin, habang ang magkabilang kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon. Tinanggal na niya ang kanyang suit jacket, at ang puting long-sleeve shirt niya ay bahagyang nakatupi hanggang siko, na nagpapakita ng matitigas at maskuladong braso. "Isarado mo ang pinto," sabi niya nang hindi lumingon. Isinarado ko ang double mahogany doors, at ang tunog ng pag-click ng lock ay tila ba naging hudyat ng pagkulong sa akin sa isang hawla. "Ano po 'yun, Sir Kalix? May kailangan po ba kayong ipabago sa schedule?" Dahan-dahan siyang lumingon. Ang kanyang mukha ay seryoso, madilim, at ang mga mata niya ay may kakaibang ningas na tila ba nanggagalaiti sa galit o sa kung anong emosyon na hindi ko mawari. Naglakad siya papalapit sa akin nang dahan-dahan, parang isang tigreng dahan-dahang lumalapit sa kanyang biktima. "Anong meron sa inyo ni Tristan?" diretsang tanong niya, ang boses ay mababa pero puno ng maawtoridad na tono. Namilog ang mga mata ko. "Po? W-Wala po, Sir! Kanina ko lang po siya unang nakilala sa meeting niyo. Kaibigan niyo po siya, 'di ba?" Huminto siya sa tapat ko, masyadong malapit na naman, dahilan para mapatingala ako sa kanya. "He is a consultant, not my friend. At kung makatitig siya sa'yo kanina, parang gusto ka niyang iuwi. Worse, you were smiling at him, Shantall. You didn't smile at me like that since you started working here." "S-Sir, natural lang naman po na ngumiti ako bilang paggalang. Mabait naman po si Attorney Tristan—" "Mabait?" bumasag ang boses niya sa loob ng silid, medyo tumaas ang tono kaya napaurong ako ng isang hakbang. Pero bago pa ako tuluyang makalayo, mabilis na lumipad ang kamay niya para hawakan ang baywang ko, mariin akong hinila pabalik sa pwesto ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang matigas niyang dibdib na sumalpok sa akin. "Don't call other men 'mabait' in front of me, Shantall. It pisses me off," bulong niya malapit sa mukha ko. Ang hininga niya ay mainit at amoy mint, at ang kanyang mga mata ay bumaba sa aking mga labi. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa posisyon ko. Ang hawak niya sa baywang ko ay napakahigpit, possesive, at tila ba inaangkin ang bawat pulgada ng katawan ko. This is crazy. Boss ko siya, at ako ay isang hamak na PA lang, pero ang paraan ng paghawak niya sa akin ay hindi pang-propesyonal. It was purely driven by raw, sinful lust. At ang mas nakakatakot? Ang sarili kong katawan ay tila ba nagtatraydor sa akin dahil sa halip na itulak siya, nakaramdam ako ng matinding panginginig at pananabik sa init ng kanyang katawan. "S-Sir Kalix... pakiusap, bitawan niyo po ako. Baka may pumasok," nanghihina kong pakiusap, pilit na inilalagay ang aking mga kamay sa dibdib niya para magkaroon ng distansya. Ngunit parang humawak lang ako sa pader ng semento; hindi man lang siya natinag. "No one enters this office without my permission," sagot niya, mas lalong dumiin ang hawak niya sa baywang ko. Ang isa niyang kamay ay dahan-dahang umakyat sa aking likod, marahang hinahaplos ang tela ng aking blouse, na nagpadala ng matinding kuryente sa buong gulugod ko. "Gusto kong malaman, Shantall... kung pupuntahan ka ba ng mga magulang mo dito sa Maynila, tatakbo ka ba sa abogadong 'yun?" Umiling ako nang mabilis, ang mga mata ko ay nagsisimula na namang mangilid ang luha dahil sa halo-halong emosyon takot sa pamilya ko, at ang matinding tensyon na ibinibigay sa akin ni Kalix. "Hindi po. Wala po akong ibang pupuntahan. Gusto ko lang pong magtrabaho para sa kalayaan ko." Tinitigan niya ako nang matagal, sinusuri kung nagsisinungaling ako. Nang makita niya ang katapatan sa aking mga mata, unti-unting lumambot ang kanyang ekspresyon, pero nanatili ang dilim ng pagnanasa roon. Dahan-dahan niyang binitiwan ang baywang ko, pero ang dalawang daliri niya ay humawak muli sa aking baba, pinilit akong mag-angat ng tingin. "Good. Dahil kung kailangan mo ng tulong, sa akin ka hihingi. Kung kailangan mo ng proteksyon, ako ang magbibigay sa'yo. Not Tristan, not anyone else. You are under my roof, Shantall. Ako lang ang pwedeng makialam sa buhay mo," mariing sabi niya bago tuluyang lumayo at bumalik sa kanyang mesa. "Go back to your desk. At ayusin mo ang mukha mo. Ayaw kong nakikita kang umiiyak dahil sa ibang tao." "Opo, Sir," bulong ko bago mabilis na tumakbo palabas ng opisina niya. Pagkaupo ko sa PA desk ko, napahawak ako sa aking labi na bahagyang nanginginig. Kalix Luiz Herrera is a dangerous man. He is a control freak, stubborn, and so possessive even though he doesn’t own me. Pero bakit sa tuwing hawak niya ako, sa kabila ng pagsusungit niya, nakakaramdam ako ng seguridad? Ito ba ang kapalit ng kalayaang hinahanap ko? Ang makulong sa ilalim ng kapangyarihan ng isang bilyonaryong may kakaibang obsesyon sa akin? Binalikan ko ang aking trabaho para makalimot. Lumipas ang ilang oras at sumapit ang alas singko ng hapon, ang oras ng pag-uwi. Inayos ko na ang aking mga gamit at handa nang umalis nang biglang mag-vibrate muli ang aking telepono. Sa pagkakataong ito, hindi numero kundi isang text message mula sa isang hindi kilalang number. “Talla, alam namin na nasa Makati ka. Nakita ka ng kapitbahay natin na sumakay sa mamahaling kotse. Huwag kang magpapakasasa sa yaman ng lalaki mo habang kami ay naghihirap dito! Kung ayaw mong gumawa kami ng gulo dyan sa kumpanya mo, magpadala ka ng tatlong daang libo bukas na bukas din!” Napabitaw ako sa aking cellphone, bumagsak ito sa ibabaw ng desk. Ang buong mundo ko ay tila ba gumuho. Nahanap na naman nila ako. Kahit anong tago ko, kahit anong layo ko, parang may mga mata silang nakabantay sa bawat galaw ko. Natatakot ako na baka pumunta talaga sila dito sa kumpanya at hiyain ako sa harap ng lahat, o mas malala, baka saktan nila ako muli at hilahin pabalik sa probinsya. "Anong nangyari?" Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Kalix na nakatayo sa may pinto, bitbit ang kanyang briefcase at suot muli ang kanyang suit jacket. Handa na rin siyang umuwi. Nakita niya ang pamumutla ko at ang cellphone na nabitawan ko. Bago ko pa man makuha ang telepono ko, mabilis na humakbang si Kalix at kinuha ito. Binasa niya ang text message na nakabukas pa rin sa screen. Nakita ko kung paano nagbago ang mukha niya ang kanyang panga ay nag-vibrate sa matinding galit, at ang kanyang mga mata ay naging kasing-dilim ng gabi. "Sila na naman ba 'to?" tanong niya, ang boses ay kalmado pero may kasamang kakaibang panganib. Tumango ako habang tuluyang umiyak. "S-Sir, natatakot po ako. Baka pumunta sila dito. Baka masira po ang kumpanya niyo dahil sa akin. Siguro po... siguro kailangan ko na lang pong mag-resign at lumipat sa ibang lugar—" "Resign?" mabilis na putol niya, binitiwan ang cellphone ko sa mesa at hinawakan ang magkabilang balikat ko, bahagya akong niyanig. "I told you, no one leaves this company without my permission! At lalong hindi ka aalis dahil lang sa tinatakot ka ng mga walang kwenta mong magulang!" "Pero Sir, gagawa sila ng gulo—" "Let them try," malamig na banta ni Kalix, isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. "Gusto kong makita kung paano nila susubukang pasukin ang kumpanya ko. Pero bago pa man sila makatapak dito, sisiguraduhin kong hindi na sila makakalapit sa'yo." Tinitigan ko siya, nalilito sa kanyang sinabi. "Anong... anong gagawin niyo po, Sir?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, at ang kanyang possessive na aura ay mas lalong lumakas. "Hindi ka na uuwi sa boarding house mo, Shantall. Masyadong delikado. Simula ngayong gabi, sa penthouse ko ka na titira." Namilog ang mga mata ko sa gulat. "Po?! Sa penthouse niyo po? H-Hindi po pwede, Sir! PA niyo lang po ako—" "I don't care," stubborn na sagot niya, hinila ang kamay ko para patayuin ako at kinuha ang bag ko. "I make the rules here, Shantall. At ang utos ko ngayon, sasama ka sa akin. Doon ka titira kung saan alam kong ligtas ka, at kung saan... palagi kitang nakikita." Ang huling mga salita niya ay binitawan niya nang may malalim na pagtitig sa aking mga mata. Ramdam ko ang matinding pagnanasa at ang kanyang sinful obsession na unti-unti nang lumalabas nang walang preno. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa hila niya. Habang naglalakad kami patungo sa kanyang pribadong elevator, alam ko sa sarili ko na ang pag-ganti ko sa kalayaan ay pansamantalang natigil, dahil ngayon, papasok na ako sa pinakamarangyang hawla na ginawa ng isang bilyonaryo para lang sa akin.SHANTALL AGUILAR POV Ang init ng labi ni Kalix sa aking leeg ay parang kuryenteng gumapang sa bawat ugat ko. Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga tuhod ko, at kung hindi ko nayakap ang kanyang leeg, baka tuluyan na akong bumagsak sa sahig. My mind was screaming at me to push him away. Boss mo siya, Talla! PA ka lang niya! Pero ang katawan ko ay tila ba may sariling isip. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko, nakaramdam ako ng ganito katinding pagnanasa. Isang bawal at makasalanang sensasyon na unti-unting lumalamon sa natitira kong katinuan. "K-Kalix..." ang tanging lumabas sa bibig ko ay isang mahinang ungol nang maramdaman ko ang marahan niyang pagbaba ng halik patungo sa aking collarbone. "You're so soft, Shantall... so damn sweet," bulong niya, ang boses ay paos at gumaralgal. Ang kanyang malalaking kamay na nakapatong sa pader kanina ay dahan-dahang bumaba. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng aking baywang, marahas pero may kasamang pag-iingat, bago ako mas l
SHANTALL AGUILAR POV Buong byahe patungo sa penthouse ni Kalix sa Bonifacio Global City ay hindi ako makahinga nang maluwag. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng marangyang SUV habang mabilis na dumadaloy ang mga ilaw ng syudad. Sa tabi ko, seryosong nagbabasa ng kung ano sa kanyang tablet si Kalix. Ang kanyang aura ay nanatiling malamig at dominante, pero paminsan-minsan ay nararamdaman ko ang mabilis at malalagkit niyang sulyap sa akin. Hindi ako makapaniwala na pumayag akong sumama sa kanya. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Natatakot ako sa banta ng mga magulang ko. At sa kabila ng pagiging bossy at masungit ng lalaking ito, may bahagi sa puso ko na gustong maniwala na mas ligtas ako sa poder niya. Huminto ang sasakyan sa basement ng isang exclusive at high-end condominium tower. Agad kaming sumakay sa isang private elevator na diretsong bumubukas sa mismong unit niya. Pag-click ng elevator door, bumadya sa paningin ko ang isang napakalawak at marangyang penthouse. Modern
SHANTALL AGUILAR POV Pagbalik namin sa Herrera Corporate Tower mula sa tanghalian kasama si Attorney Tristan Villaflor, ramdam na ramdam ko pa rin ang kakaiba at mabigat na tensyon sa loob ng sasakyan. Ni hindi man lang ako tiningnan ni Kalix hanggang sa makarating kami sa top floor, pero ang bawat hakbang niya patungo sa opisina niya ay napakabigat, isang malinaw na senyales na galit na naman siya. Agad akong naupo sa aking desk, pilit na ibinubuhos ang atensyon sa computer screen. Ngunit bago ko pa man ma-type ang unang letra ng gagawin kong memo, bumukas ang pinto ng opisina niya. "Shantall. In my office. Now," malamig na utos niya bago marahas na isinarado muli ang pinto. Napalunok ako ng laway. Heto na naman po tayo. Huminga ako nang malalim, kinuha ang aking notepad, at dahan-dahang pumasok sa loob ng malawak niyang opisina. Naabutan ko siyang nakatayo sa harap ng malaking glass window, nakatalikod sa akin, habang ang magkabilang kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon. Tina
SHANTALL AGUILAR POV Ang unang linggo ko bilang personal assistant ni Sir Kalix Luiz Herrera ay masasabi kong isang walang katapusang pagsasanay sa pasensya at tibay ng sikmura. Araw-araw, bago pa sumikat ang araw, nandoon na ako sa tapat ng opisina niya. At araw-araw din, sasalubungin niya ako ng kanyang walang kamatayang pagsusungit, malamig na tingin, at mga utos na halos hindi makatao sa sobrang rami. "Shantall, where is the financial report for the third quarter? I told you I needed it on my desk by eight, it's already 8:03 AM," mariin at galit na boses ni Kalix ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang sa loob ng opisina niya dala ang kanyang kape. "I-Ito na po, Sir. Kakakuha ko lang po sa accounting department, may pinabago lang po kasi silang figures kaya medyo nadelay nang konti," paliwanag ko, maingat na inilapag ang makapal na folder sa tabi ng kanyang tasa. He scoffed, taking the folder with a rough tug. "I don't care about their excuses, and I definitely don't care
SHANTALL AGUILAR POV Nanginginig ang mga kamay ko habang inaayos ang suot kong black pencil skirt at simpleng white blouse. Humarap ako sa malaking salamin ng restroom dito sa top floor ng Herrera Enterprises. I looked at my reflection. Bakas pa rin sa ilalim ng makapal na foundation ang bahagyang pasa sa may panga ko—ang huling "regalo" ng tatay ko bago ako tuluyang tumakas sa bahay tatlong linggo na ang nakakaraan. Huminga ako nang malalim. “Kaya mo ’to, Talla. Para sa kalayaan mo,” bulong ko sa sarili ko. Para sa isang taong lumaki sa impiyerno, ang makatapak sa mansyon-tulad na building na ito sa Makati ay isang milagro. My parents treated me like a paycheck, an investment, a punching bag. Ginamit nila ang bawat sentimo na kinikita ko noon para sa mga utang nila sa sugal, at nung hindi sapat, binalak pa nila akong ibenta sa isang matandang mayaman na may-ari ng talyer sa probinsya namin. That was the last straw. Tumakas ako sa gitna ng gabi, walang dala kundi ang iilang pirason







