Home / Romance / Mr. CEO, Marry My Mommy / Chapter 5: Missing

Share

Chapter 5: Missing

Author: Mrsdane06
last update Last Updated: 2023-03-13 09:59:15

Guia POV

“Miss Cordero, since you are new to our company, I want you to present your marketing plan right now.” Halos hindi kumurap ang boss namin na nakatingin sa akin. May mga tumukhim na mga kasamahan ko at ang iba ay nakatingin sa sahig, halata ang takot nila sa boss namin na napakapormal. Kinakabahan man, sinenyasan ko si Riza na ibigay ang kopya ng mga printed na marketing plan na hinanda ko na ahead sa mga department heads. Ako na ang nagbigay kay Sir ‘JJ’ as they call him ng kopya na nasa akin lalo at kulang ang nagawang kopya ni Riza. Apologetic niya akong tiningnan.

Tumayo ako. Binutones ko ang aking blazer. Tumikhim ako at pumunta sa harapan kung saan mayroon white board at marker. Kahit kinakabahan ay nag-umpisa na akong magsalita.

“First of all, I would like to introduce myself. I am Guia Cordero, a former Junior Marketing of Mayers and Briggs, Ads Limited, based in Sydney Australia. As you see in the second page of my Marketing plan, I crafted it according to the client’s demand and what the current market situation is. I believe that giving tailored marketing strategies involving all factors gives our clients the edge over its competitors.” 

Marami pa akong sinabi at pawang pagtango lang ang nakikita kong response sa mga department heads. Ang boss naman namin ay wagas makatingin pero pinigil ko ang sarili na bigyan iyon ng malisya. Panaka-naka siyang napapalunok kahit malakas naman ang buga ng aircon.

“Impressive. I hope you can carry out all your marketing plans, Miss Cordero.” Pumalakpak pa si Sir JJ bago tumayo. “Meeting adjourned. Miss Cordero I want to talk to you in private in my office. Cecil, you take Miss Cordero with you.” Tumayo na si Sir JJ at naunang lumabas sa conference room.

“Miss Cordero, hindi ka ba kinabahan?” tanong ng isang binabae na bigotilyo. “Aw, Rica nga pala from accounting department” Nilahad niya ang kanyang kamay at tinanggap ko iyon. “Grabe ka girl! First time namin dumalo ng meeting na hindi naninigaw si Sir JJ. Anong  agimat ba ang gamit mo?”

“Ricardo, mind your mouth.” Tumaas ang kilay ni Cecil, ang Executive Secretary ni Sir JJ. “Miss Cordero, please follow me.” Nauna na itong naglakad at nakasunod lang ako. Kinakabahan man, pinilit ko ang sarili ko na kumalma. Ano naman kaya ang sadya ng boss ko? Bigla ko tuloy pinagsisihan ang pagtanggap ng trabaho sa kumpanyang ito.

“This way,  Miss Cordero.” Binuksan ni Cecil ang pinto ng opisina ni Sir JJ. Pumasok ako doon at marahang naglakad sa malawak niyang opisina. Maganda ang interior nito na pinaghalong black at midnight blue ang  dominant colors. Grey naman ang kulay ng carpetted na sahig. Tumikhim ako kaya napalingon siya. Nagtama ang aming mga mata. Para akong nahi hipnotismo sa kulay grey niyang mata.

“Are you done scrutinizing me?” aniya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha. Gusto ko na lang bumuka ang lupa at lamunin ako nito dahil sa sobrang kahihiyan. Napalatak siya at tumayo na. “You were brilliant in the conference room. You know your job so well. I’m impressed, well what can I say? Welcome to JJL Ads.” Inabot pa ni Sir JJ ang kanyang kamay. 

Lumapit ako sa kanya at tinanggap ang kanyang nakalahad na kamay. Hindi ko napaghandaan ang paghila niya sa akin. Na out of balance ako at muntikan nang napasubsob sa sahig kung hindi niya nasalo. “Be careful, you might fall for me. I don't know why you feel familiar. One way or another I’ll find out why.” Tinitigan niya ako at may nais siyang malaman mula sa akin pero hindi ko alam kung ano yun.

Inayos ko ang sarili ko. Kumawala ako sa kanyang mga bisig. Tumikhim ako bago nagsalita. “Hindi ko po alam kung anong gusto ninyong puntuhin. First time ko po kayong nakita today para sabihin ninyo sa akin na may lihim ako,” magalang kong saad.

“Wala nga ba, Miss Cordero? Are you hundred percent sure na wala kang tinatago sa akin?” tanong ni Sir JJ.

“Wala nga po akong lihim. Nakalagay po lahat sa CV ko ang detalye ng aking buhay, professional man o academic,” pormal kong sagot. Naiilang na ako sa uri ng titig ni Sir JJ. Tama nga naman ang sabi ni Ricardo na nakakatakot si Sir JJ.

“You can go now.” 

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang pinaalis na ako sa kanyang pribadong opisina. Hinimas ko ang aking dibdib na kanina pa naghuhuramentado sa lakas ng tibok ng aking puso. Nagtataka ako sa sinasabi niyang lihim na tinatago ko sa kanya. Pinipiga ko pa rin ang utak ko kung saan at kailan ko siya nakita. Ang pagiging pamilyar niya kasi ay nagbibigay kaba sa akin.

Napailing ako at bumalik na sa aking opisina. Kailangan kong matapos ang kahit isang marketing proposal para sa isang ad ng isang luxury jewelry brand.

Nakalatag na ang file na kailangan ko sa unang project nahahawakan ko. Napangiti ako lalo at napaka-attentive ni Riza. Kaagad kong sinimulan ang trabaho ko.

Maghapon kaming babad ni Riza sa trabaho. Hindi na ako bumaba sa cafeteria para mag-lunch. Inutusan ko na lang si Riza na bumili ng makakin namin. Kaya, alas tres pa lang ng hapon ay natapos ko na ang unang marketing proposal ko para sa unang project na hahawakan ko.

Nag-inat ako at tumayo na. Tumunog ang aking cellphone. Binuksan ko iyon at nabasa ang text ni Aling Nelia. Ganito ang nakasaad: 

  “Ma’am Guia, nawawala po ang kambal. Iniwan ko lang sila sa kanilang kwarto para maglinis ng  kubeta sa unang palapag. Pagbalik ko ay wala na sila. Sorry po, Ma’am.”

Manhid ang buo kong katawan nang mabasa ang text message na yun. Nasaan na ang kambal? Ano na naman kaya ang kalokohan ang ginawa ni Gio at Vivienne?

“Riza, mag-undertime ako. Ikaw na bahala kay Mrs Manalo,” nanginginig ang boses ko.

“Bakit Ma’am Guia? May nangyari po ba?” tanong niya.

“Nawawala ang kambal.” Hindi ko na napigilan ang maluha. Hindi ko kakayanin kung mapahamak ang mga anak ko.

"A-Ano? Paano po nangyari yun?" Kahit si Riza ay bakas ang pag-aalala sa mukha para sa kambal.

"Saglit lang na iniwan ni Aling Nelia para maglinis ng CR sa baba. Pagbalik niya ay nawawala na ang dalawa. Wala sa kwarto ang kambal."

Nagmamadali akong lumabas ng opisina. Nanginginig na ako sa takot sa pag-iisip sa posibilidad kung nasaan ang mga anak ko. Uso pa naman ang pandurukot ng mga bata na ginagawang donor ng mga internal organs sa black market. Iniisip ko pa lang na nagugutom o may nananakit sa mga anak ay gusto ko ng mabaliw sa takot. Pumasok ako sa elevator at bumaba na sa lobby. Pinunasan ko ang aking luha at baka magtaka ang mga katrabaho ko.

“My mommy works here. She is beautiful with long hair and  has a sexy body.” Ang matinis na boses na iyon na pamilyar sa akin ang bumungad sa akin. Boses iyon ni Vivienne. Sigurado akong boses talaga yun ng anak ko. Teka, anong ginagawa niya rito? Bakit nandito siya? Sino ang kasama niya?

Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses. Halos takbuhin ko na ang papuntang lounging area kung saan nagmula ang boses ng anak ko. Namilog ang mata ko nang makita ang apat na lalaking nakapalibot sa lounge area ng lobby. Kapag naroon ang apat at sigurado na naroon din si Sir JJ.

Lumapit ako sa kanila. Napaawang ang labi ko nang makita na nakakandong ang kambal sa boss ko! 

Umangat ang tingin ni Sir JJ sa akin. "See? I am right. May tinatago ka sa akin."

“Mr. CEO, marry my mommy,” ani Gio ka Sir JJ. Nakahawak pa siya sa braso ni Sir JJ. “Mommy, I found daddy!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Adora miano
hahaha kayasa,maka sana all
goodnovel comment avatar
Anna Valderama
ahahahahaha...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   Epilogue

    Epilogue Nanganak si Guia ng isang malusog na batang lalaki at Jonas Frederic Larsen ang pangalan ng sanggol. Hango ang pangalan mula sa mga yumaong abuelo na sina Jonas at Federico. Walang pagsidlan ang tuwa ni Jacob lalo at tulad ng kambal, siya pa rin ang kamukha ng bagong silang na anak. "Malay mo, Guia sa susunod na anak natin kamukha mo na," natatawang saad ni Jacob habang kalong ang anak. Kaagad namang umasim ang mukha ni Guia sa sinabi ni Jacob. Hindi sa ayaw na niyang pagbigyan ang asawa sa hiling nito na dagdagan ang anak nila pero natatawa na lang siya sa mukha ni Jacob habang nanganganak siya. "Talaga ba? Kapapanganak ko lang tapos ngayon hihirit ka ng bagong anak? Shame on you, John Jacob Larsen! Nakakatawa kaya ang mukha mo sa delivery room." Imbes na mainis natatawa na lang si Guia sa sinabi niya lalo at ni-record pala ni Dylan ang panganganak niya . At doon nga sa recording ay kitang kita kung paano halos mawalan ng malay si Jacob dahil sa sob

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   Chapter 91

    Guia POV "Jacob, what's the meaning of these?" Minuwestra ko ang kamay ko paturo sa naka set up ng wedding venue. Para namang eksena sa pelikula kung lumapit sa akin si Jacob. Literal na pakiramdam kong tumigil ang ikot ng mundo. Gusto ko lang naman sanang kumain ng steak at ano itong may sorpresa pang nalalaman? Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Jacob. "Just stay put, Guia. Hindi ka pa pwede ma-stress. Yes, your guess is as right as it is. Ikakasal tayo ngayon. I can't wait to spend my life with you. Ayoko ng palampasin ang pagkakataon na ito. We both have peace with our past and our family issues are almost solved. Wala ng makakapigil pa sa tuluyan mong maging isang Mrs. John Jacob Larsen." Napantastikuhan ako sa sinabi ni Jacob. Why does he sound so unromantic and yet his action speaks otherwise? Lalo pang lumapit ang violinist sa amin at doon ko lang napansin na napapalibutan na pala kami ng mga tao. Hindi ko sila namalayan kanina dahil abala akong ip

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   MCMMM90

    MGuia POV "Mommy, is your dad dying?" tanong ni Vivienne. At dahil sa sinabi ng anak ko, pumatak ang aking luha. Hindi ko mapigil ang sarili na tingnan si Tita Jo na impit ang pag-iyak. Sinenyasan ko siya na dalhin ang mga anak ko sa labas. Tumango siya at niyakag ang kambal na lumabas. "Let's give your mom and your grandpa some privacy," saad pa ni Tita Jo. Tumalima naman ang mga anak ko. Pero, hindi ako iniwan ni Jacob. Tiningnan ko siya at saka tiningnan ang kamay ni papa na hawak niya pa rin. "Gusto kong h-humingi nang patawad sa lahat ng pagkukulang ko sa 'yo, anak." Mahina at pautal na bumigkas si papa. Lalong sumakit ang lalamunan ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin pero puno ng mga swero at tubo ang kanyang katawan. Hirap din ako na yumuko lalo at mabigat na rin ang aking maumbok na tiyan. Ramdam ko ang paghaplos ni Jacob sa aking braso at minuwestra niya ako na ilapit ang aking tainga kay papa. "Gusto mong yumuko para marinig mo pa lalo ang

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   chapter 89

    Guia POV Matapos ang komprontasyon sa living room at pagpapalayas ni Jacob kay papa, hindi na ito nagtangka pang bumalik pa. Nabalitaan ko na lang na naubos na pala ng mag-ina niya ang kanyang pera. Masyadong tinutukan ng mga ito ang pagkuha ng abogado para maabswelto lang si Melinda. But, there is nothing they can do about it. Masyadong malakas ang ebidensya laban sa kanya. Tadtad ng CCTV ang buong resort kaya talagang madidiin siya. "You can give the case a rest, Jacob," suggestion ko pa sa kanya. Isang malalim na paghinga ang narinig ko mula kay Jacob. Nasa library kami habang busy siya na tapusin ang mga gabundok na papeles na kailangan niyan pirmahan. "You are asking me as i wasted Jacques effort to save me, Guia." Hindi man lang nag-aksaya ng panahon si Jacob na tungnan ako. Nahihimigan ko ang lungkot sa boses ni Jacob. Is it regret? Regret that after all they've been through, Jacques chose to save him when in fact he could have let Jacob die. Nagsisis

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   Chapter88

    Guia "Ano kayo 'yon, tita?" tanong ko pa. Nanlalamig na ang aking kamay at iniisip pa lang na baka mapahamak ang kambal ay tila gusto kong mabaliw. "Kumalma ka nga, Guia. Isipin mo na buntis ka. Magtiwala ka naman kay Jacob," sita pa ni tita sa akin. Hinuli niya ang kamay ko at kaagad na umasim ang kanyang mukha. "Malalampasan din natin ang lahat ng ito. Ikakasal ka kay Jacob bago ka manganak." Tumayo ako at nagpumilit na lumabas ng silid. "Kita mo itong buntis na ito. Ang kulit mo talaga! Mananagot ako kay Jacob 'pag may nangyaring masama sa 'yo!" yamot na saad pa ni Tita Josephine habang hinihila ako pabalik. Nakahawak na ako sa seradura ng pinto pero malakas si tita. "Puputi yata lahat ng buhok sa katawan ko sa tigas ng ulo mo!" asik na niya sa akin. "Hindi ninyo ako maintindihan eh!" naiinis ko na ring sagot. Papadyak akong humakbang pabalik sa upuan. Tumulis ang nguso ko sabay halukipkip. Hmp! "Hindi naman ako takot na hindi matuloy ang kasal nga

  • Mr. CEO, Marry My Mommy   chapter 87

    Jacob Mabuti na lang talaga at naisipan kong i-check si Guia sa dressing room. kinulong ko na talaga si Alberta. Nagtataka ako lalo at hindi pamilyar sa akin ang kasama niyang assistant. Tama nga ang sinabi ni Randy sa akin. Pupuslit ang kapatid ni Guia para manggulo. "Bossing, kinulong na namin si Alberta at papunta na rito ang kakilala kong pulis," pagbibigay alam sa akin ni Michael. "Hindi pa ba dumarating si Randy?" tanong ko. Kanina pa dumating sina Guia at hindi ko mahagilap ang tauhan ko. Nang tingnan ko si Michael, may gumuhit na pag-aalala sa kanyang mukha. "Bossing, nasalisihan tayo. Nasa mansyon pa si Randy at kakagising lang. May 'di kilalang tao ang tinambangan siya sa garahe at nagpanggap na siya," mahinang usal ni Michael habang binabasa ang isang text message mula sa kanyang cellphone na hawak. Dumagundong kaagad ang kaba sa aking dibdib. Sino ang pangahas na nagpanggap na si Randy? Hinamig ko ang sarili ko at kaagad na pinindot ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status