''hindi ako papayag !'' galit na tono ni Lumina .Nakarating sa kanya na may isang babaeng iniuwi ni Theo at ito ay kanyang nobya .Lalong uminit ang ulo ni Lumina kay Theo .Kahit saang anggulo niya tignan hindi niya gusto ang pamilya ng mga Fortillen na madugtong sa kanila . ''kaya pala hindi mo gusto ang anak ko dahil sa babaeng iyan '' saad ng kanyang isip .Ilang beses na niyang ginawa para mapapayag si Theo pero tumanggi ito . Biglang may mga pumasok na anim na lalaki kasama ang assistant ni Theo .Nagtataka siya kung bakit narito ang mga ito . '''ano ginagawa niyo dito at sinong nagsabi na pwede kayong pumasok ?" galit nyang saad sa mga lalaking basta basta nalang pumasok sa kanilang bahay . Hindi napigilan ng mga nakabantay sa labas dahil mas marami ang mga ito kumpara sa bantay nila sa labas . ''ako !'' matapang na sagot ni Theo habang papasok . Nagtataka siya kay Theo bakit kailangan pa niyang magdala ng maraming tauhan sa pagpunta sa kanilang bahay . ''ano ginag
''ang mga bata tita ?" tanong ni Diane sa ina ni Theo naroon siya sa bahay nila para dalawin ang mga bata at ibigay ang mga pasalubong niya sa kanila galing ibang bansa . ''naroon sa swimming pool abala ang mag aama naiinitan daw kasi sila '' tumango lang siya . '' diba iha kaibigan mo si Cashandra Torero?" tanong ni Tommy sa kanya . Tumango naman siya at napapaisip kung bakit niya iyon natanong . '' She is now Theo's girlfriend. '' 'what paano nangyari ?" gulat niyang tanong .Ang akala niya si Keinan ang boyfriend nito hindi pa naman matagal na narito sa bansa si Cash at wala naman itong binabanggit tungkol sa kanila . ''hindi mo alam kaibigan mo siya iha '' nagtatakang tanong rin ni Melissa . ''hindi po tita at saka baka hindi pa niya magawang sabhini .Kilala ko kasi ang kaibigan ko na iyon malihim '' pero ang totoo nanggagalaiti siyang malaman ang totoo kung bakit magsinungaling si Cashandra at wala man lang itong kwento o sign na nagkikita sila ni Theo . Dahil hindi nam
''talagang ineenjoy mo ang pagiging anak nila tita Lumina ah ?" hindi pinahalata ni Thania ang pagkagulat .Kilala niya ang boses ng lalaki kaya dahan dahan siyang humarap .Nagtataka siya kung paano nito nalaman ang kanyang kwarto .Siya lang ngayon ang tao sa bahay nila dahil umalis ang kanyang mga magulang para sa business trip sa ibang bansa ng ilang araw . ''so what ito talaga ang buhay ko ..'' akma sana siyang lalabas ng biglang hinila si Nich .Isang mapusok na halik ang pinatikim niya sa dalaga hanggang sa bumigay at tumugon si Thania .Namiss niya rin ang binata . Wala ng pasabi sabi at nag isa isahang laglagan na ang kanilang mga damit sa sahig . Pagkatapos nila sa mainit na love making ay nakasandal si Thania sa dibdib ni Nich .Kapwa silang walang saplot kaya ang kamay ni Nich ay abala sa paglalaro sa isa nitong dibdib. ''paano pala nangyari na ikaw ang anak nilang nawawala ?" tanong ni Nich sa kanya . ''hindi ko rin alam .Magtatanong na sana ako sa kinagisnan kon
''sabi sa akin ng tita Melissa mo si Cashandra daw ang nobyo ngayon ni Theo .Kagagaling ko lang kanina doon at kinewento niya si Cash sa akin '' hindi nagustuhan ni Gil ang nalaman niya .Para sa kanya isang hangal si Cash para makipagrelasyon na nga sa pinsan pa ni Nich. "ano ?" kunot noong tanong ni Nich sa kanyang ina . "Cash and Theo are in relationships na ngayon" halos madurog ang paint brush na hawak ni Nich .Hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman . "Nich saan ka pupunta!" hindi na sumagot pa ang kanyang anak .Nakita niyang dumeretso ito sa kanyang kwarto .Ilang minuto lang ay nakapagbihis na ito . Hindi na nagawa pang magpaalam si Nich sa kanyang ina dahil nagmamadali itong lumabas patungo sa bahay ni Cashandra . "papasukin mo ako!" galit niyang saad sa security guard .Hindi siya nito pinapapasok at dinahilan nalang na wala si Cashandra sa loob . "wala nga po talaga si ma'am Cash sir !" hindi naniniwala si Nich na wala ito .Nakita niya lang kanina na nakasili
''How did you find mommy? Is this true daddy ?'' saad ni Xavi . Halos walang kurap kurap ang triplets habang nakatitig sa kasama ng kanilang ama .Ngiting tipid ang ginawa ni Cashandra at umupo sa para pumantay sa tatlong naggwagwapuhan na mga bata .Mata palang kuhang kuha nila sa kanilang ama .Muli na naman niya naalala ang kanyang anak .Sa tingin niya kasing laki na sana niya ang tatlong bata na nasa kanyang harapan .Hindi siya makapaniwala na nagkaroon nga talaga ng anak sina Theo at Faye . Nagmadaling niyakap ng Triplets si Cashandra.Masaya sila dahil nahanap na ng ama nila ang tunay nilang ina .Wala namang imik si Theo hindi niya gustong sabihin ang totoo sa mga bata na hindi si Cashandra ang tunay nilang ina dahil sa nakikita niyang reaksyon ng mga bata pagkakita kay Cashandra. ''mommy ang tagal namin hinintay na nahanap kana namin '' pinunasan ni Cashandra ang mga luhan ni Xeruis. Laking pagtataka ni Theo dahil ngayon lang umiyak ang anak niyang napakaseryoso .Muling niyak
'' talagang ang tigas ng ulo mo Cashandra ''laking gulat ni Cash dahil sa pambubulyaw ni Zyruis sa kanya . Wala siyang kasama sa baba ngayon dahil may pinuntahan ang ina ni Theo at ang mga bata naman ay abala sa tutor sa kabilang bahay na siyang nagiging paaralan nila .Hindi niya inaasahan ang biglang pagsugod ni Zyruis sa bahay nila Theo . Akala niya nasa business trip ito dahil iyon ang sinabi ni Theo sa kanya nakaraang araw . ''grabeng pambubulyaw iyang Zyruis may nagawa ba akong mali at ganyan mo ako kausapin ?" magkasalubong ang makakapal nitong kilay habang nakatingin sa kanya . ''ano ba pinakain sayo ni Theo at pumayag kang tumira dito sa kanilang bahay .Hindi kaba nahihiya .Wala pang isang taon ang asawa niya o ni man lang dalawang buwan Cash '' ''wala naman masama ang relasyon namin mahal namin ang isat isa .Hindi ko naman pwedeng tanggihan ang gusto niyang mangyari ang maging ina ng mga triplets '' lalong nanlumo si Zyruis sa narinig . Pakiramdam niya balang araw ma
'' hindi ko alam na allergy pala si Gabe sa hipon at si Xavi sa mani .Si Xeruis naman ay ng manok ang daming pagkakaiba ang mga anak mo Theo ang swerte ni Faye at nagkaroon kayo ng anak tulad nila '' nasa swimming pool sila ngayon at pinapanood ang mga bata habang tinuturuan ng mga swim instructor. Hindi pa siya handang sabihin kay Theo ang naganap kahapon sa kanila ni Zyruis ayaw niyang mag away ang dalawa dahil sa kanya . ''oo ang dami nilang pagkakaiba .Hindi namin silang totoong anak .Ampon lang namin sila at naiintindihan naman nila iyon .Pero hindi nararamdaman ng puso ko na hindi sila galing sa akin .Nanaig ang lukso ng dugo na para bang galing sila sa akin '' ''bakit saan ba galing ang mga bata ?" tanong nito . Mas marami pa pala siyang malalaman na katotohanan tungkol sa buhay ni Theo nagtataka siya kung bakit hindi niya anak ang mga bata gayong kahawig naman niya ang mga ito .May kahawig din ang kanyang yumaong asawa . Kung para sa kanya parang hindi siya naniniwala na
'' andito pala ang mistress ni Theo noon .Nandito kaba sa hospital para magkunwaring kaawa awa ha ?'' isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Cashandra nagtataka siya kung ano ang kasalanan niya sa ginang . ''nakita niyong masama ang pakiramdam ng kaibigan ko .'' pagtatanggol ni Diane .Nakalimutan niyang tiyahin niya pala ang sumugod . ''isa kapa Diane kinukunsinti mo ang tulad niya hindi ka man lang nahiya kinakampihan mo ang tulad ng babaeng iyan '' biglang naawa si Diane sa kaibigan niya dahil sa pamumula ng pisngi nito .Bakat ang palad ng tiyahin niya sa mukha ni Cashandra. Tumingin siya sa pintuan dahil wala parin si Theo lumabas lang ito para kausapin ang tawag ng ina nito mula sa cellphone . '' halika ka dito '' dahil sa sobrang galit ni Lumina wala siyang paki alam kung nasa hospital siya .Hinila niya ang buhok ni Cashandra at kinaladkad ito sa labas papunta sa elevator. ''Tama na po '' wala naman nagawa si Diane dahil pinigilan siya ng dalawang lalaki .Hindi n
''maligayang pagdating anak '' yumakap si Aika sa kanyang ina bago sa tiyahin nitong naroon para magbakasyon . Masaya niyang pinakilala ang mga kasama niya lalo na ang boyfriend nitong si Rico . ''saang galing pamilya ka iho ?" tanong ng ina nito kay Xeruis mas naging interesado pa ito sa kaibigan ng boyfriend ng kanyang anak kaya nakaramdam ng pagtatampo si Rico sa ina ng kanyang nobya . ''a sa Torero family po '' alam niyang hindi kilala sa lahat ang apelyedo ng kanyang ina noong hindi pa nito nakilala ang mga tunay nitong pamilya kaya tuwing nasa ibang lugar siya noong college sila Torero ang kanyang gamit na apelyedo at ito din ang alam ng nobya ni Rico kaya ito lagi ang ginagamit niya sa lahat para hindi makilala ang tunay niyang pagkatao . ''mama siya lang naman ang assistant ng boyfriend ko . Nagtatrabaho kasi sa Fortillen company si Rico at executive derector siya doon at syempre kasama niya si Xeruis dahil nga assistant niya '' tumango tango lang ang ina ni Aika at hind
''nakakatuwa naman may nagdonate ng six hundred thousand sa school .Grabe dalawang buwan na alawans ng mga studyante ang mga ito '' si Cashandra ang taga pamahala sa paaralan na iyon at may mga studyanteng umaasa sa kanila dahil higit dalawang daan ang kanilang pinapaaral sa kanilang skwelahan at higit pa sa lahat mga guro silang sinasahuran .Limang kurso lamang ang available sa school na kayang pinatayo at lahat ng iyon ay mga demanding gusto niyang makapagtapos ang mga ito na walang inaalala na gastusin . Tulad niya ang isa sa tumutulong sa paaralan ang isa sa mga triplets na si Xeruis ito ang humahanap ng funds para mga studyante na naroon .Kaya naman nila tustusan pero kung patuloy na ganun pwedeng hindi magtagal ang paaralan at sayang ang mga ibang aspiring professional. ''honey ngayon pala ang bakasyon ni Xeruis sa panggasinan diba ?" ''ay oo nga pala naka impake na kaya ang anak natin '' nagkibit balikat lang si Theo .Tumayo si Cashandra para puntahan ang kanyang anak na
''sino tinitignan mo ?" tanong ni Rico kay Xeruis na kanina pa nakatingin sa babaeng nasa tapat ng kanyang paintings .Hindi naman niya aasahan na mananalo siya dahil may mga mas maganda ang gawa .Hindi tulad niya na isang tao lang ang lumapit sa gawa niya at tumagal itong nakatayo sa harapan ng paintings na animo ayaw na niya itong mawala . ''okey pumunta na dito sa harapan ang mga pintor na sasali dito '' pag announced ng Mc na nasa harapan na . Magsisimula nang i announced kung sino ang tatlong papalad na mapabilang ang paintings nila sa museum at makakatanggap ng ganting pala sa first place na one hundred thousand. Para kay Xeruis kung mananalo man siya kahit saan sa tatlong place na babanggitin ilalagay niya sa scholar fee ng mga taong yagit ang pera .Buwan buwan siyang nagbibigay doon pero para sa kanya isang malaking achievement na ang makuha niya ang ibibigay doon sa kanyang napalunan . Inutusan niya si Rico para pumunta sa harapan .Hindi naman magtataka ang mga judge da
'' Xeruis iho saan ka galing at sobrang gabi kana ?" hindi pinahalata ni Xeruis na nakainom siya ng alak .Hindi rin naman maamoy sa kanya dahil iba na ang kanyang suot na damit .Dahil ang kanyang damit ay kinuha ng babaeng kanyang nakaniig kanina .Ang tanging naalala niya lang ay napunit niya ang ibang laylayan ng dress ng babae kaya siguro kinuha nito ang kanyang damit para isuot . ''naghanap ng mapapangasawa dad '' natawa si Theo sa sagot nito .'' hindi nahahanap sa tabi tabi ang babaeng gusto mong mapangasawa Xeruis dapat yung mahal mo '' naalala na naman niya ang babaeng nakaniig kanina .Kahit anong hanap nito sa bar hindi nya makita . '' soon dad may ipapakilala din ako '' tinapik niya ito sa balikat .Proud na proud siyang makitang nagpupursigido ang anak niya sa hamon nito. Hindi naman niya problema ang ''good iho .Sige na at kailangan ng matulog .Ikaw rin '' tumango lang siya at pinanood ang kanyang ama na papunta sa taas pero bago pa ito nakaapak sa ikalimang baitang
Muling tsinek ni Desserie ang mga gamit na kailangan niyang dalhin para sa kanyang pag alis . Personal na bagay lang ang pwede niyang dahil para umalis na siya sa kanilang bahay na matagal na palang nainsanla ng yumaong niyang ama . Titira siya ngayon sa kanyang tiyahin at laking pasalamat niya dahil mabait ito pero may asawang kano . '' Desserie are you really not going to trip ?" tanong ng kano na asawa ng kanyang tiyahin . ''kaya ng Dessie bakit hindi ka pupunta sayang naman makapag unwind kana sana kasi nga matagal kang nag alaga sa kapatid ko at saka mag isa ka lang dito sa bahay '' nilingon niya at ningitian ang mag asawang sobrang bait ng mga ito sa kanya .Wala silang anak pero blessings daw ang kanyang pagdating dahil parang nagkaroon na sila ng anak gaya niya . ''naku tita huwag kayong mag aalala sa akin kaya ko ang sarili ko at saka one week lang naman kayong mawawala .Tiwala lang po kayo sa akin ayos lang ako '' ''buo naman tiwala namin sayo Dessie ang mga tao lang
Xeruise POV '' pwede ba Gabe huwag kang maingay '' pagsuway nito sa kapatid niiyang walang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw .Nainis siya sa sobra nitong maligalig habang kumakanta .Para sa kanya feeling rockstar ang kapatid niya dahil feel na feel nitong kumanta na parang siya lang ang tao sa paligid . ''huwag ka nga Xeruis kung gusto mo hindi maingay doon sa pool .Magmuni muna ka doon '' inirapan lang niya si Gabe .Kaya ang ginawa ni Xeruis pumunta sa kwarto at nagkulong . Kaarawan nila ngayon at magbebente singko na sila .HIndi na sila naghanda at nagpapaparty dahil wala namang ang isa sa mga triplets . w5ala ang kapatid nilang si Xavi nasa ibang bansa parin at kasama ng lola niya .Kakamatay lang ng lolo nila nakaraang taon at pumunta silang lahat pero napansin niya medyo malayo parin ang loob ng kanilang ina sa totoo nitong pamilya .Noong bata sila alam na niya ang problema ng kanilang pamilya at lahat ng iyon pinag aralan niya kung paano ayusin o hayaan nalang .Pero dahil w
Pagkarating nila sa mansion ay agad niya itong inutusan umupo dahil bawal sa asawa niya ang nakatayo ng matagal dahil buntis ito. ''hmm ano ba nangyayari sayo at basta basta mo nalang ako iuwi '' inis nitong saad . '' bakit ka aalis kasama ang anak ko .Walang aalis Diane kasal tayo at may anak na .''tila walang paligoy ligoy nitong salita . ''pero Amber kasunduan lang mero sa atin at tama na siguro ang mga nagawa mo sa akin .Hindi naman kita pagkakaitan ng karapatan sa magiging anak natin '' ''no !!! Diane mahal kita at mahal mo ako .May anak tayo at mag asawa tayo .Walang kasunduan ito ay totoo na lahat kaya please huwag ka namang ganyan .Kung kailangan pakasalan kita ng ilang beses gagawin ko iyon huwag mo lang akong iwan .I dont care about the past kung ano man ang hindi ko maalala .The present is most important honey kayo ng anak ko '' naluluhang nakikinig si Diane sa mga mabubulaklak na salita na lumalabas kay Amber . ''totoo ba lahat ng mga iyan ?" tanong nito sabay puna
''Diane!! honey where are you'' pagtawag ni Amber sa asawa niya .Natapos ang lahat at guilty ang pinatong kay Kit sa mga nagawa nitong kasalanan .Isang buwan na din ang nakaraan at na grant na din ang divorce ng byenan nito kay Kit kaya hiwalay na ang mga ito. ''sir hinahanap niyo po ba si ma'am Diane ?" tanong ng katulong sa kanya . ''yeah where is she ?" tanong nito .Pumunta na siya sa kwarto nila ngunit wala . ''umalis si ma'am Diane dala ang iba niyang gamit sir ..'' parang nabingi siya sa narinig kaya pinaulit niya ulit kung tama ba ang pagkakadinig niya . "umalis po si ma'am Diane sir.May iniwan siyang sulat sa kwarto niyo!" hindi niya nakita ang sulat na iyon sa kwarto nila.Pero wala na siyang pakialam doon basta malaman niya lang kung saan ito pumunta . ''wait totoo ba iyang pinagsasabi mo manang '' tumango ang katulong at agad siyang lumabas para habulin ito .Pero ayon sa driver naihatid na niya sa airport si Diane . Nainis siya dahil sa biglang pag alis nito ano
'' mister and misis Laurio doon muna po kayo at mamaya ang turn niyo ''nilayo muna ng dalawang babae ang mag asawang Laurio .Naiwan sa gitna ang dalawa at kunwaring may ipapalaro ang Mc kila Kit at Dona . ''ang larong ito ay magsusuot kayo ng piring . Kailangan hulaan niyo sir kung nasaan banda ang tunay niyong asawa '' kahit hindi nagustuhan ni Kit ang palaro wala siyang nagawa hindi naman pwedeng magwala siya at magalit dahil ikakasira iyon ng kanyang pangalan . Lumapit ang isang lalaki at nilagyan ng piring ang mata ni Kit .Habang si Dona naman ay agad binulungan ni Amber na sumama kay Diane . Dahil alam ni Cashandra ang plano umalis silang palihim sa venue kung at isinama ang mga magulang ng Amber . Pagkaalis nila lumapit ang mga pulis sa kinaroroonan ni Kit na nakapiring parin .Nagsasalita ang mga Mc na parang naaliw sa laro .''sige sir kapain mo '' pag angat palang ng dalawang kamay ni Kit ay agad siyang pinasuotan ng posas .''damn anong ibig sabihin nito ?" gulat niyang ta