''ano ginagawa niyo dito ?" takang tanong ni Magnus sa mga tauhan nila .Nasa labas ng bodega ang mga ito at parang may binabantayan. Hindi naman nakasagot ang dalawa dahil sa biglaang pagdating ng isa nilang amo .Bilin sa kanila na dapat wala muna malaman si Magnus hanggat hindi pa umaamin ang lalaki .Pero hindi nila inaasahan ang pagdating nito . ''si ma'am nalang po ang tanungin niyo sir '' medyo takot na sagot ng lalaki . Kunot noo siyang tumingin sa lalaking sumagot sa kanya pakiramdam niya may tinatago ang mga ito .Kaya agad niyang binuksan ang bodega gamit ang sarili niyang susi at walang nagawa ang dalawang lalaki kundi hayaan lang itong pumasok . Napangangang napaatras si Magnus pagkakita sa loob ng bodega . ''ano ibig sabihin nito ?" malakas niyang salita na siya namang pumasok agad ang mga lalaki . Nagulat siya ng makita niya ang lalaking nakatali sa upuan .Bugbog sarado ito at mukhang pinahirapan .Dahil sa ingay nagising si Fred at kitang kita niya ang mukha ni Magnu
Isang malaking pagkakamali ang pagpunta nila Cash sa bahay nila Lumina .Nagulat sila sa nadatnan nilang senaryo . Napamulagat siya ng tumingin sa kanya ang lalaking may tali sa likod . Akala niya nagkasala lang ito sa kanila kaya pinaparusahan pero ang kinagulat niya ng makita na kilala niya ito . ''papa ?'' mahinang sambit ni Cashandra . Nagmadali itong tumungo sa sala kung saan naroon ang mag asawang gulat din sa pagdating nila . ''ano ginawa niyo sa papa ko '' naluluha niyang tanong .Kahit may edad na ang ama n kilala parin niya ito dahil ito ang kauna unahan niyang naalala noong nagkamalay siya galing sa pagkidnap sa kanya ni Thania . ''ano ginagawa mo dito anak ?" gulat na tanong ni Fred . Bigla siyang natakot sa kaligtasan ni Cashandra.Hindi ito ang gusto niyang mangyari bakit narito ang anak niya .Ang daming katanungan sa kanyang isip na hindi masagot . ''kayo ang dapat kong tanungin ano ang ginagawa niyo dito diba po patay na kayo ?" naluhang umiling si Fred dahil naala
''sige patayin mo ako diba dyan ka naman magaling .Kaya kayo siguro kinarma kay Thania dahil deserve niyo iyon .Ano ang ginawa mo sa akin .Gusto niyong ipagahasa ako sa mga tauhan niyo .Pero thankful parin ako dahil hindi natuloy ang pambaboy nila sa akin. Magkaparehas kayo ni Thania dahil parehas kayong mag isip demonyo '' kahit naluluha pilit kinalma ni Cash ang sarili .Hindi natatakot patayin siya ni Lumina .Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang pumunta ngayon sa kanilang bahay para tanungin kung gaano ba siya kasing samang kabit para gawin nila iyon sa kanya .Pasalamat ito dahil hindi pa siya nagsasampa ng kaso laban sa kanya .Kitang kita sa mukha ng asawa nito ang pagkagulat dahil sa mga sinabi niya . "what have you done Lumina?" gulat na tanong ni Magnus .Kung hindi pa nagsalita ang bagong nobya ni Theo wala siyang kaalam alam sa pinaggagawa nito .Hindi niya lubos maisip na kaya nitong manakit. "kabit siya Magnus ang dapat sa mga kabit kinukulong o pinapatay .Huwag mong
'' talagang ang tapang mong babae ka '' sigaw ni Lumina habang nakatutok parin ang baril sa amang Fred at Cashandra. Kaya nitong ibuwis ang buhay niya sa kriminal niyang ama .Medyo natakot si Fred na baka sa katigasan ng ulo ng kanyang anak mailigtas lang siya .Tama na ang pagkakatong ito para malaman ng lahat . ''kaya mo bang patayin ang tunay mong anak '' seryosong tumingin si Fred kay Lumina . Kailangan na niyang sabihin ang totoo dahil balak na rin niyang sumuko sa mga pulis .Tinignan niya ang batang kinidnap nila noon na siyang nobyo pala ni Cashandra . ''ano ibig mong sabihin ?" nababaliw niyang tanong .Tumatawa siya dahil binibilog lang ng lalaki ang kanilang ulo para lang mauto na naman sila .Tulad ng anak nitong magaling . ''huwag mo kaming paglaruan dahil kahit kailan hindi ko iyan anak '' lalo pa niyang tinutok ang baril sa ulo ni Cash .Masyado na siyang binalot ng galit dahil sa nagawa nito kay Faye . Humarap si Cash sa ama nitong nakatingin sa kanya .''papa ano
Dumating na ang resulta ng DNA at ini abot ng babae ang resulta sa mag asawang Vargas . Samantala sina Theo at Cash ay nanatiling nakaupo lang .Wala din imik ang mga magulang ni Theo .Lahat sila tahimik at kinakabahan sa resulta ng DNA . Laking gulat ni Lumina sa nababasa niyang resulta halos hindi man lang niya malunok ang sarili laway sa pagkabigla. Nanatiling nakatingin lang si Cash sa ginang pinapanalangin sana hindi sila ang totoong magulang niya . Kinuha ni Magnus ang papel dahil hindi na makapagsalita si Lumina at nanatili itong tulala. " totoo ngang ikaw ang anak namin " matutuwa na sana si Magnus ng biglang naalala niya ang naganap kanina .Sa isang araw ang daming naganap . ''hindi ito maari '' tanging bulalas lang ni Lumina nang biglang napatingin kay Cashandra bigla niyang nakita sa Faye sa mukha nito at pinakatitigan niya ng maayos .Talagang may hawig ng bunso nitong anak . Ang dami niyang kasalanan dahil isa siya sa dahilan kung bakit napahamak ito noon at s
"kamusta na ang papa ko dok ?" nakaramdam siya ng awa sa papa Fred niya dahil puro pasa ang nasa mukha at katawan .Tulog parin ito at malungkot ang mukha."swerte nalang niya kung magtatagal pa ng ilang araw ang papa mo he has a stomach cancer at napabayaan lalo't nakita ko sa katawan niya na kulang siya kinakain at lakas para sana maagapan ang sakit nito. Mukhang walang gamutan at inabuso ang katawan sa alak " muling tumulo ang kanyang mga luha .Parang ulan na ayaw ng tumila ang luhang kanyang pinapakawalan ."papa ang daya niyo naman . how many years akong nangarap makasama kayo pero papa ngayong bumalik kayo saka niyo naman ako iiwan " Naramdaman ni Fred na may umiiyak sa kanyang tabi at parang naririnig niya ang boses nito Cashandra. Unti unti niyang minulat ang mata at nakita niyang nakayuko ito habang humagulgol. Kahit masakit ang mga braso pinilit niyang abutin ang ulo ng anak at haplusin . "huwag kang umiyak anak dahil hindi pa naman ako patay at kung mamatay man ako huw
"kayo na ang bahala sa anak ko Gil .Siguro ito ang tamang gagawin ko ang lumayo muna dahil iyon ang hiling ni Cash sa amin ." nasa airport sila ngayon para pumunta sa ibang bansa . Kailangan ni Lumina at Magnus lumayo para mabawasan ang sama ng loob ni Cashandra sa kanila . " sige at sana huwag kayo mawalan ng pag asa na hindi kayo mapapatawad ni Cash . Siguro hindi madaling kalimutan ang nagawa mo sa kanya at kahit sino naman " naiyak na naman si Lumina maling mali ang nagawa niyang kasalanan dahil muntik ng ikinamatay ni Cash ang galit niya dito.Ang dami palang sakripisyong nagawa ni Cash para kay Faye pero naging bulag siya dahil sa galit at kay Thania na ang alam niya ito ang tunay nilang anak . "pakisabi sa anak ko mahal na mahal namin siya at ayos lang na hindi kami ang kasama niya maglakad sa altar ang importante napunta siya sa lalaking mahal siya ." siguro kung hindi nawala ito baka pinaki alaman din nila ang gusto nitong maasawa .Ngayon lang nila naisip na puro pera pala
Pigil ang mga luha ni Cashandra habang pabukas ang pintuan ng simbahan .Ito ang pangarap niyang kasal sa batang lalaki na nangako sa kanya noon at walang iba kundi ang lalaking naghihintay sa kanya sa harapan ng altar . Hindi niya gustong umiyak dahil ayaw niyang maging mugto ang kanyang mata pag binuksan na ni Theo ang kanyang belo .Gusto niya ang unang makakita sa kanyang luhang papatak ay si Theo. Nauna na rin ang triplets papunta sa harapan at ang kasama niya ngayon ay ang kanyang ama na si Fred .Hindi rin umuwi ang kanyang mga tunay na magulang dahil ayaw niyang makita muna ang mga ito lalo na ang kanyang ina .Masama man magtanim ng galit pero para sa kanya darating ang panahon para mag heal ang sugat na dinulot nito sa kanya . Ngayon gusto niyang bumawi sa kanyang ama dahil baka ilang sandali kunin na siya sa itaas . ''ang mga bilin ko anak huwag mo masyadong patagalin ang hindi patawarin ang mga magulang mo dahil sa akin naman talaga ikaw dapat magalit .Kung hindi kita kinu
''nakakatuwa naman may nagdonate ng six hundred thousand sa school .Grabe dalawang buwan na alawans ng mga studyante ang mga ito '' si Cashandra ang taga pamahala sa paaralan na iyon at may mga studyanteng umaasa sa kanila dahil higit dalawang daan ang kanilang pinapaaral sa kanilang skwelahan at higit pa sa lahat mga guro silang sinasahuran .Limang kurso lamang ang available sa school na kayang pinatayo at lahat ng iyon ay mga demanding gusto niyang makapagtapos ang mga ito na walang inaalala na gastusin . Tulad niya ang isa sa tumutulong sa paaralan ang isa sa mga triplets na si Xeruis ito ang humahanap ng funds para mga studyante na naroon .Kaya naman nila tustusan pero kung patuloy na ganun pwedeng hindi magtagal ang paaralan at sayang ang mga ibang aspiring professional. ''honey ngayon pala ang bakasyon ni Xeruis sa panggasinan diba ?" ''ay oo nga pala naka impake na kaya ang anak natin '' nagkibit balikat lang si Theo .Tumayo si Cashandra para puntahan ang kanyang anak na
''sino tinitignan mo ?" tanong ni Rico kay Xeruis na kanina pa nakatingin sa babaeng nasa tapat ng kanyang paintings .Hindi naman niya aasahan na mananalo siya dahil may mga mas maganda ang gawa .Hindi tulad niya na isang tao lang ang lumapit sa gawa niya at tumagal itong nakatayo sa harapan ng paintings na animo ayaw na niya itong mawala . ''okey pumunta na dito sa harapan ang mga pintor na sasali dito '' pag announced ng Mc na nasa harapan na . Magsisimula nang i announced kung sino ang tatlong papalad na mapabilang ang paintings nila sa museum at makakatanggap ng ganting pala sa first place na one hundred thousand. Para kay Xeruis kung mananalo man siya kahit saan sa tatlong place na babanggitin ilalagay niya sa scholar fee ng mga taong yagit ang pera .Buwan buwan siyang nagbibigay doon pero para sa kanya isang malaking achievement na ang makuha niya ang ibibigay doon sa kanyang napalunan . Inutusan niya si Rico para pumunta sa harapan .Hindi naman magtataka ang mga judge da
'' Xeruis iho saan ka galing at sobrang gabi kana ?" hindi pinahalata ni Xeruis na nakainom siya ng alak .Hindi rin naman maamoy sa kanya dahil iba na ang kanyang suot na damit .Dahil ang kanyang damit ay kinuha ng babaeng kanyang nakaniig kanina .Ang tanging naalala niya lang ay napunit niya ang ibang laylayan ng dress ng babae kaya siguro kinuha nito ang kanyang damit para isuot . ''naghanap ng mapapangasawa dad '' natawa si Theo sa sagot nito .'' hindi nahahanap sa tabi tabi ang babaeng gusto mong mapangasawa Xeruis dapat yung mahal mo '' naalala na naman niya ang babaeng nakaniig kanina .Kahit anong hanap nito sa bar hindi nya makita . '' soon dad may ipapakilala din ako '' tinapik niya ito sa balikat .Proud na proud siyang makitang nagpupursigido ang anak niya sa hamon nito. Hindi naman niya problema ang ''good iho .Sige na at kailangan ng matulog .Ikaw rin '' tumango lang siya at pinanood ang kanyang ama na papunta sa taas pero bago pa ito nakaapak sa ikalimang baitang
Muling tsinek ni Desserie ang mga gamit na kailangan niyang dalhin para sa kanyang pag alis . Personal na bagay lang ang pwede niyang dahil para umalis na siya sa kanilang bahay na matagal na palang nainsanla ng yumaong niyang ama . Titira siya ngayon sa kanyang tiyahin at laking pasalamat niya dahil mabait ito pero may asawang kano . '' Desserie are you really not going to trip ?" tanong ng kano na asawa ng kanyang tiyahin . ''kaya ng Dessie bakit hindi ka pupunta sayang naman makapag unwind kana sana kasi nga matagal kang nag alaga sa kapatid ko at saka mag isa ka lang dito sa bahay '' nilingon niya at ningitian ang mag asawang sobrang bait ng mga ito sa kanya .Wala silang anak pero blessings daw ang kanyang pagdating dahil parang nagkaroon na sila ng anak gaya niya . ''naku tita huwag kayong mag aalala sa akin kaya ko ang sarili ko at saka one week lang naman kayong mawawala .Tiwala lang po kayo sa akin ayos lang ako '' ''buo naman tiwala namin sayo Dessie ang mga tao lang
Xeruise POV '' pwede ba Gabe huwag kang maingay '' pagsuway nito sa kapatid niiyang walang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw .Nainis siya sa sobra nitong maligalig habang kumakanta .Para sa kanya feeling rockstar ang kapatid niya dahil feel na feel nitong kumanta na parang siya lang ang tao sa paligid . ''huwag ka nga Xeruis kung gusto mo hindi maingay doon sa pool .Magmuni muna ka doon '' inirapan lang niya si Gabe .Kaya ang ginawa ni Xeruis pumunta sa kwarto at nagkulong . Kaarawan nila ngayon at magbebente singko na sila .HIndi na sila naghanda at nagpapaparty dahil wala namang ang isa sa mga triplets . w5ala ang kapatid nilang si Xavi nasa ibang bansa parin at kasama ng lola niya .Kakamatay lang ng lolo nila nakaraang taon at pumunta silang lahat pero napansin niya medyo malayo parin ang loob ng kanilang ina sa totoo nitong pamilya .Noong bata sila alam na niya ang problema ng kanilang pamilya at lahat ng iyon pinag aralan niya kung paano ayusin o hayaan nalang .Pero dahil w
Pagkarating nila sa mansion ay agad niya itong inutusan umupo dahil bawal sa asawa niya ang nakatayo ng matagal dahil buntis ito. ''hmm ano ba nangyayari sayo at basta basta mo nalang ako iuwi '' inis nitong saad . '' bakit ka aalis kasama ang anak ko .Walang aalis Diane kasal tayo at may anak na .''tila walang paligoy ligoy nitong salita . ''pero Amber kasunduan lang mero sa atin at tama na siguro ang mga nagawa mo sa akin .Hindi naman kita pagkakaitan ng karapatan sa magiging anak natin '' ''no !!! Diane mahal kita at mahal mo ako .May anak tayo at mag asawa tayo .Walang kasunduan ito ay totoo na lahat kaya please huwag ka namang ganyan .Kung kailangan pakasalan kita ng ilang beses gagawin ko iyon huwag mo lang akong iwan .I dont care about the past kung ano man ang hindi ko maalala .The present is most important honey kayo ng anak ko '' naluluhang nakikinig si Diane sa mga mabubulaklak na salita na lumalabas kay Amber . ''totoo ba lahat ng mga iyan ?" tanong nito sabay puna
''Diane!! honey where are you'' pagtawag ni Amber sa asawa niya .Natapos ang lahat at guilty ang pinatong kay Kit sa mga nagawa nitong kasalanan .Isang buwan na din ang nakaraan at na grant na din ang divorce ng byenan nito kay Kit kaya hiwalay na ang mga ito. ''sir hinahanap niyo po ba si ma'am Diane ?" tanong ng katulong sa kanya . ''yeah where is she ?" tanong nito .Pumunta na siya sa kwarto nila ngunit wala . ''umalis si ma'am Diane dala ang iba niyang gamit sir ..'' parang nabingi siya sa narinig kaya pinaulit niya ulit kung tama ba ang pagkakadinig niya . "umalis po si ma'am Diane sir.May iniwan siyang sulat sa kwarto niyo!" hindi niya nakita ang sulat na iyon sa kwarto nila.Pero wala na siyang pakialam doon basta malaman niya lang kung saan ito pumunta . ''wait totoo ba iyang pinagsasabi mo manang '' tumango ang katulong at agad siyang lumabas para habulin ito .Pero ayon sa driver naihatid na niya sa airport si Diane . Nainis siya dahil sa biglang pag alis nito ano
'' mister and misis Laurio doon muna po kayo at mamaya ang turn niyo ''nilayo muna ng dalawang babae ang mag asawang Laurio .Naiwan sa gitna ang dalawa at kunwaring may ipapalaro ang Mc kila Kit at Dona . ''ang larong ito ay magsusuot kayo ng piring . Kailangan hulaan niyo sir kung nasaan banda ang tunay niyong asawa '' kahit hindi nagustuhan ni Kit ang palaro wala siyang nagawa hindi naman pwedeng magwala siya at magalit dahil ikakasira iyon ng kanyang pangalan . Lumapit ang isang lalaki at nilagyan ng piring ang mata ni Kit .Habang si Dona naman ay agad binulungan ni Amber na sumama kay Diane . Dahil alam ni Cashandra ang plano umalis silang palihim sa venue kung at isinama ang mga magulang ng Amber . Pagkaalis nila lumapit ang mga pulis sa kinaroroonan ni Kit na nakapiring parin .Nagsasalita ang mga Mc na parang naaliw sa laro .''sige sir kapain mo '' pag angat palang ng dalawang kamay ni Kit ay agad siyang pinasuotan ng posas .''damn anong ibig sabihin nito ?" gulat niyang ta
''nakahanda naba lahat ?" tanong ni Kit sa mga inutusan nitong magpanggap na waiter sa reveal party . ''oo sir at nakahanda na lahat '' sagot ng lalaki sa kanya . ''good sige at asahan ko bukas na matatapos na iyan '' pinatay na niya ang tawag saka binulsa ang cellphone. ''bakit ang tagal mo '' sigaw nito kay Dona na kanina pa niya hinihintay mag bihis . ''Pasensya kana hinanap ko pa kasi ang iba kong pasa sa katawan para takpan ng make up '' ''mabuti kung ganun tara na at kanina pa naghihintay ang helicopter na magsusundo sa atin ''tumango lang siya at sumunod na rin sumakay ng kotse papunta sa open field kung saan naroon ang helicopter na pinadala ng kanyang manugang . ''huwag mong ipahalata ang lungkot sa mukha mo Dona nakakabanas .Baka mapansin ng anak mo iyan makahalata. Huwag mong subukan magsumbong sa kahit kanino . Naiintindihan mo ba ?" takot na takot siyang tumango kahit naman kokontra pa siya wala din silbi .Ayaw niyang madamay ang anak niya kaya sasarilihin nalang