Kinabukasan, ginising si Elara ng amoy ng nilulutong itlog at sinangag. Bahagya siyang napakunot-noo, hindi dahil sa amoy, kundi sa pagka-gulat—hindi siya ang unang nagising.Paglabas niya ng kwarto, bumungad sa kanya si Marco sa kusina, nakasuot ng apron, at mukhang abalang-abala.“Good morning, Mommy!” bati ni Marco, habang sinasandok ang sinangag. “Breakfast for my queen and our little blueberry!”Napangiti si Elara at napailing. “Ang aga mo ah. Ano’ng nakain mo?”“Responsibilidad,” sagot ni Marco, sabay kindat. “Gusto ko lang simulan ang araw natin nang maayos. Marami tayong gagawin.”“Gaya ng?” tanong ni Elara habang naupo sa mesa.“Una, pupunta tayo sa hardware. Bibilhin na natin ‘yung pintura para sa baby room.”“Excited ka, ah?”“Hindi mo alam kung gaano,” tugon ni Marco. “Gusto kong ‘pag dumating si baby, ready lahat. Kahit ‘yung maliit na bagay. Kasi dati, puro ako salita. Ngayon, gusto kong ipakita sa’yo sa gawa.”Napangiti si Elara, pero may luha na namuo sa gilid ng kanya
Kinabukasan, maaga pa lang ay magkasama nang nagpunta sa clinic sina Marco at Elara. Tahimik ang biyahe nila, pero hindi ito malamig bagkus, puno ng anticipasyon. Hawak ni Marco ang kamay ni Elara sa buong oras, pinipisil-pisil na parang sinasabi. "I'm here."Habang nasa byahe, parehong mabilis ang tibok ng puso ng mag-asawa. Kapwa silang kinakabahan sa magiging resulta ng check up nila. Pagdating sa clinic, mainit silang sinalubong ng nurse. "First check-up po?" tanong nito habang nakangiti.Tumango si Elara, habang si Marco ay halos hindi mapakali sa likod niya. Inilabas ng nurse ang form at ipinapuno kay Elara, pero si Marco ang unang kumuha ng ballpen."I'll fill it out," sabi niya, seryoso ang mukha, pero may ngiting tagos sa puso.Pagpasok nila sa ultrasound room, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Elara. Ramdam niya ang tensyon, pero kasabay nito ang kakaibang saya. Hinawakan muli ni Marco ang kamay niya."You ready?" tanong niya.Tumango si Elara. "Are you?"Marco chuckl
Habang yakap-yakap pa rin ni Marco si Elara, ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso nito. Mainit ang hininga niya sa may leeg ng babae, at tila ba sa bawat segundo, lalong lumalalim ang emosyon sa kanyang mga mata.“Elara,” marahang bulong ni Marco, bahagyang kumakalas upang masilayan ang mukha niya. "Is it true? I’m going to be a dad?”Tumango si Elara, napapaluha pero may ngiting hindi maipinta. “Oo, Marco. Magiging tatay ka. May baby na tayo.”Biglang humigpit ang yakap ni Marco. Hindi siya makapagsalita sa sobrang tuwa—parang sasabog ang puso niya sa dami ng emosyong nararamdaman. Sa wakas, ang matagal niyang pinapangarap ay natupad: isang pamilya kasama si Elara.Hindi nagtagal ay lumapit na rin ang kanilang mga pamilya. Si Mommy ni Marco, na kanina pa pinipigil ang luha, ay agad na lumapit at hinawakan ang mga kamay ni Elara.“Anak,” sabi niya, habang lumuluhang nakangiti, “ito na yata ang pinakamasayang balita sa buong buhay namin. Salamat, salamat sa regalong ito.”Lumapit
Kinabukasan, maaga silang nagising. Nagluto muna si Elara ng umagahan at tinulungan naman siya ni Andrea. Wala naman kasi kahit isa sa mga pinsan ni Marco ang marunong magluto.Pagkatapos nilang mag-umagahan, kaagad na rin silang kumilos upang maghanda. Napagplanuhan kasi nilang maaga pang mag-set-up sa resort dahil uuwi si Marco ng 1 PM.Ikinarga na ng mga pinsang lalaki ni Marco ang lahat ng mga disenyo na ginawa nila sa raptor. Naghiwalay rin ng sasakyan ang mga babae at lalaki.Habang nasa biyahe, nag-contact na si Chloe sa catering. Isa-isa na ring minessage ni Elara ang kanyang pamilya, habang sa panig naman ng pamilya ni Marco ay inutusan niya muna si Lucas.Pagdating sa resort, agad nilang ininspeksyon ang lugar. Maganda ang panahon—maaliwalas at preskong hangin mula sa dagat ang sumalubong sa kanila. Nagkatinginan sina Elara at Chloe, kapwa sabik pero may halong kaba. Gusto nilang maging maayos ang lahat para sa pregnancy announcement surprise.Nagsimula na sila sa paglalagay
Napag-isipan ni Elara na hindi na muna sabihin sa araw na 'yon ang surpresa niya kay Marco. Hindi kasi matatapos sa ilang oras lang ang mga design sa gagawin niyang plano. Naisipan niyang itext na lang ang asawa para maiba ang plano nilang dalawa. 'Hero, pwede bang bukas na lang tayo pumunta sa beach? Marami pa kasi akong inaasikaso dito sa company. Mamaya mo na lang ako sunduin mga 8 PM.' Inaya na rin ni Chloe si Elara sa kalapit na mall ng coffee shop para makapamili na ng nga materyales na gagamitin nila sa plano. 'Sure, Love. Take a good care of yourself, okay? I love you.' Napangiti naman si Elara sa natanggap na mensahe mula sa kaniyang asawa. Kahit na kasal na sila ay hindi pa rin talaga nawala ang sweetness nito sa kaniya. "Hm, you're smilling widely," nakangiting pang-aasar ni Chloe. "Ewan ko ba. Kahit kasi kasal na kami ay para parin kaming magkasintahan," nakangiting kwento nito, kinikilig dahil sa mga ipinapakita sa kaniya ni Marco sa kaniya. "Kung paano niya ako tr
Kinabukasan, maagang inasikaso ni Elara si Marco. Tahimik lang siyang gumising, maingat na bumangon para hindi ito magising. Pagkababa niya ng hagdan ay dumiretso siya sa kusina at sinimulang magluto ng simpleng English breakfast, scrambled eggs, bacon, toast, at konting salad sa gilid. Habang inaayos niya ang pagkain sa mesa, biglang sumulpot si Marco mula sa likod at agad siyang niyakap sa baywang."Hi, Love!" masiglang bati ni Marco saka siya hinalikan sa labi. "Good morning.""Good morning, Hero," sagot ni Elara, sabay ngiti. "Kumain ka na, nagluto ako para sa’yo."Napangiti si Marco, kitang-kita ang tuwa sa mukha nito. “You’re so sweet, Mylove. Inspired na naman ang araw ko nito dahil sa’yo.”Pinagmasdan ni Elara ang asawa habang nauupo ito sa hapag. May kung anong init sa puso niya habang tinitingnan ang bawat kilos ni Marco—ang paraan ng pagnguya, ang pag-abot sa kape, ang simpleng ngiti sa tuwing titingin sa kanya.Pero sa likod ng lahat ng iyon, may bumibigat sa loob niya. M
Makalipas ang ilang buwan mas lalong lumalim ang pagmamahalan nina Marco at Elara. Pagkatapos ng mapapait na pinagdaanan nila ay mas lalo pang tumibay ang kanilang relasyon. "Drae," pagtawag ni Elara kay Andrea na kakaupo lang. Nasa fast food restaurant silang magkaibigan dahil napagpasiyahan nilang gumala. Simula nang mangyari ang insidenteng nalaman ni Elara ang tungkol sa buhay niya, ito na lang ulit sila nagkaroon ng oras para makapag-usap ng malalim sa isa't-isa. Naging abala rin kasi si Elara sa preparasyon ng kasal nila noon ni Marco. "Kamusta naman ang beshy ko," masiglang tanong ni Andrea nang may ngiti sa labi. "Alam mo, Girl, blooming ka." Napangiti naman si Elara, ang tingin sa kaibigan ay para bang nagdududa sa sinasabi. "Nangbobola ka na naman." "Hindi rin," natatawang sabi ni Andrea. "Bakit mo nga pala naisipang makipagkita saakin sa kagitnaan ng photoshoot mo?" "Kasi, Drae, parang may kakaiba akong nararamdaman," sagot ni Elara. Napabuntong-hininga ito. "Parang
Sa kabila ng ulan, sa gitna ng mga luha at pighati, isang unti-unting liwanag ang sumisilip sa puso ni Elara. Hindi pa man tuluyang naghihilom ang sugat, nagsisimula nang mabuo ang daan patungo sa kapayapaan.Pagkatapos ng libing, tahimik ang biyahe pauwi. Walang nagsasalita. Ang tanging naririnig ay ang pagpatak ng ulan sa bubong ng sasakyan at ang mahinang paghikbi ni Elara na pilit niyang pinipigil. Hawak-hawak pa rin niya ang sulat ni Ethan lukot na sa kahahawak, basa na ng ulan at luha, ngunit hindi niya ito mabitawan."Everything will be okay, Love," saad ni Marco at hinalikan si Elara sa pisngi. "Malalampasan din natin ang pagsubok na ito. Let's just think that Ethan is now resting in the paradise." Malungkot na ngiti lamang ang ibinigay ni Elara kay Marco. Niyakap nito ang kasintahan. "Salamat sa lahat-lahat ng mga effort mo saakin, Hero. You are a blessing to me." "I love you so much, Love." Hinalikan ni Elara si Marco sa labi. "Mahal na mahal kita, Hero " Ilang linggo na
Ilang araw ang lumipas. Maulan noong araw ng libing ni Ethan. Tila pati ang langit ay nakikidalamhati. Lahat ng tao sa paligid ay tahimik, tanging paghikbi ng mga naiwan at pagpatak ng ulan ang maririnig.Dumagsa ang mga kaibigan at kamag-anak, ngunit si Elara ang pinakanakapukaw ng pansin, suot ang itim na bestida, nakatayo sa tabi ng puting kabaong ni Ethan, tangan pa rin ang sulat sa isang kamay, habang pinagmamasdan ang batang ngayo’y nasa loob na ng kahon.“Salamat sa lahat, Ethan,” mahina niyang sambit habang inilalapag ang isang laruan na paborito ng bata sa ibabaw ng kabaong. “Hindi kita ituturing na kahihiyan. Ikaw ang isa sa mga pinakamagagandang biyayang dumaan sa buhay ko.”Pagkatapos ng misa, lumapit si Marco at tahimik na inalalayan si Elara patungo sa sasakyan. Hawak niya ang payong para sa dalawa, ngunit tila hindi napapansin ni Elara ang ulan. Wala siyang ibang iniisip kundi ang mga huling alaala ni Ethan, ang bawat ngiti, bawat yakap, at ang huling sulat.Pagdating s