Natahimik si Elara. Nakatitig lang ito sa mga papeles na nagkalat sa sahig. Magulo ito na tila ba sumasabay din sa emosyong nararamdaman niya. Hindi pa niya natatapos ang isang problema niya at heto, may bago na namang nabuo.
Napabuntomg-hininga si Andrea habang hawak ang isang dokumento. "Elara, huwag na nating hintayin na ipalabas ng banko na hindi ka nagbayad. Huwag na nating paabutin sa puntong sila na mismo ang kukuha ng sasakyan mo. Mas lalo ka lang mababaon sa utang kung hindi mo pa mababayaran ang banko dahil lalaki lang nang lalaki ang interes mo." Napakuyom ng mga kamao si Elara. Lahat ng paghihirap na dinadanas niya ngayon ay dahil kay Nathaniel. Dahil sa kaniya, nawala ang magandang pangalan nito sa larangan ng modeling at showbiz. Napilitan siyang mangutang para lang mabayaran ang mga abogado na kinuha niya. Dahil kay Nathaniel napilitan siyang pumasok sa isang kasunduan kay Marco. Ang dating sikat na modelo na tinitingala ng lahat ay heto na ngayon, isang hamak na lamang na tao na hinahabol ng mga pinagkaka-utangan niya at magiging sex slave ni Marco Lopez. "Hindi ko pwedeng ibenta ang sasakyan," mahinang tugon niya. "Iyon na lang ang natitirang repleka ng pinagtrabahuhan ko." Nanlumo si Andrea, hindi na alam kung ano pa ba ang pwede nilang maibenta para kumita ng pera. "Kung gano'n ano na ang balak ko? Wala tayong ibang pagkukuhanan ng pera, Elara. Si Marco, napapayag mo ba siyang tulungan tayo?" Napakagat ng labi si Elara. Alam niya na tama ang kaibigan niya. Lubog na siya sa utang at wala na siyang iba pang pagpipilian. "Oo, pumayag na si Marco." Kwenento nito ang lahat kay Andrea. Sinabi niya kung papano niya napapayag ang abogado. Kitang-kita sa mukha ni Andrea na hindi ito makapaniwala sa napag-usapan ni Marco at Elara. "Gulo itong aabutin mo, Elara," nanghihinang saad ni Andrea. "Ano ba namang kamalasan itong dumating sa buhay mo." Natinag silang dalawa nang biglang tumunog ang cellphone ni Elara. Kumunot ang noo nito dahil hindi naka-phone book ang pangalan ng caller. Nag-aalinlangan pa itong sagutin. "Elara," panimulang bungad na saad ng boses lalaki sa kabilang linya. Napatingin siya kay Andrea bago marahang sagutin ang lalaki. "Ye...yes, Elara Ramirez speaking who's this?" tanong nito sa kabilang linya. "Elara," bulong ng lalaking nasa kabilang linya. "Mukhang may iniisip kang malalim. Good news ba o bad news?" "Marco. I heared a news about your debt in bank." Hindi siya kaagad nakasagot. Nagulat ito kung paano nalaman ni Marco ang mga iyon. "Ano naman ngayon saiyo?" Matapang niya itong sinagot. Hindi na niya alam kung paano mag-react dahil frustrated na ito sa mga nangyayari. "Magkita tayo bukas. I'll text you the address." Pinatay na ni Marco ang tawag. Nanlamig ang buong katawan ni Elara. Hindi na niya maintindihan kung ano ba o saan ang dapat niyang unahin. Parang bulkan na siyang sasabog sa mga emosyong nararamdaman niya. Guston na lang niyang maglaho na parang bula upang matakasan ang mga problemang hinaharap niya. "Ano daw ang sabi?" tanong ni Andrea, kuryoso sa ekspresyon ng mukha ni Elara. "Nalaman ni Marco na hinahabol ako ng banko dahil sa utang ko. Gusto niya na magkita raw kami bukas," sagot nito, napasabunot na lang sa buhok dahil sa gulong-gulo na. "Hindi ko na alam, Drae. Wala akong ideya kung bakit ganito ang dinaranas ko ngayon. Kung iisipin naman ay wala akong nagawang malaking pagkakamali para maranasan ko ang ganitong mga bagay." Hindi na napigilan ni Elara ang sarili. Tumulo ang mga luha nito dahil sa sakit na nararamdaman. Ramdam na ramdam niya ang bigat sa kaniyang dibdib. Mas masakit at mas malala pa ito kesa noong nakita ng mga tao ang pribadong bidyo na ipinalabas ni Nathaniel. Pakiramdam ni Elara ay sobrang liit ng mundo at pinipiga siya ng dahan-dahan hanggang sa sumabog ito. "Malalampasan mo rin ang lahat ng ito, Elara," saad ng kaibigan at mahinang hinihimas ang likuran nito. Iniyak ni Elara ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kung hindi niya ito mailalabas ay mas lalo pang bibigat ang kaniyang dibdib. Umiyak lang nang umiyak si Elara hanggang sa hindi nito namalayang nakatulog na pala siya. Paggising niya ay nakita niya si Andrea na nagluluto. Nilapitan niya ito. "Salamat sa lahat ng tulong mo, Drae," saad nito sa mahinang tuno. "Hindi ko alam kung kakayanin ko bang malampasan ito nang mag-isa lang." "Para saan ba at naging magkaibigan tayo? Noong panahon na kailangan ko ng kaibigan ay nariyan ka rin, Elara. Ikaw ang dahilan kung bakit naipagamot ko ang nanay ko," saad naman ni Andrea. Napayakap sila sa isa't-isa. Kahit papaano ay nakaramdam ng ginhawa si Elara. Nakatulugan na ni Elara at Andrea ang paghahanap ng posibkemg bibili ng sasakyan nito. Naisipan kasi nilang i-message ang mga kakilala nila ngunit kahit isa ay walang nagbigay ng interes. Kinabukasan ay tanghali na nang magising si Elara. Hindi pa rin nito matanggap ang kaniyang sitwasyon. Malalim ang iniisip habang gumagayak dahil magkikita sila ngayon ni Marco. Pagdating niya sa mamahaling café kung saan sila magkikita ay naroon na si Marco. Kalmado ito habang nagbabasa sa kaniyang folder at may kape sa kaniyang gilid. "You're late," malamig na saad ni Marco, ang paningin ay nasa folder parin. "Pasensya ka na," sagot lang nito. Hindi sumagot si Marco, sa halip ay inilabas nito ang isang sobre at itinulak sa direksyon ni Elara. Kumunot ang noo nitong binuksan kung ano ang laman noon. Nagulat si Elara nang makita ang notice ng banko kung saan nabayaran na niya ang natitira niyang utang. "Anong ibig sabihin nito?" Nanginginig ang kamay nitong may hawak sa papel. Ramdam ni Elara ang panggigilid ng mga luha niya. "Fully paid na ang utang mo sa banko," walang emosyon na sagot ni Marco. "Wala ka nang kailangang problemahin tungkol sa sasakyan mo." Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Elara. Nakaramdam ito ng matinding ginhawa. Humanga ito sa ginawa ni Marco. Labis itong natuwa, hindi na niya naisip pa kung may kapalit ba ang ginawa ng abogado para sa kaniya o ano. "Bakit mo ito ginawa?" Nagtaas ng kilay si Marco, tila nag-eenjoy sa reaksyon niya. "You agreed to my first condition, right? Ngayon, may isa pa akong kondisyon." Nagtaas ng kilay si Marco. "You agreed to my first condition, right? Ngayon ito ang unang hakbang ko para hindi magduda ang mga tao na bigla na lang nilang malaman na nagsasama tayo. You still owe me one." "Ano naman iyon?" Ngumiti si Marco at nag-abot ng isang basong kape sa kanya. "Simple lang. If you really want my help, you need to move in with me. Mula ngayon, titira ka sa bahay ko." Ngumiti si Marco at inabot ang isang basong kape sa kaniya. "Simple lang. This is not the final condition but I want you to move in with me. Simula ngayon ay saakin ka na titira." Nanlaki ang mga mata ni Elara. Hindi pa man ito nakapagsalita ay muli nang nagsalita si Marco. Marco smirked. "You're mine now, Elara. And I always make sure to take good care of what’s mine.""Nay, Ate Elara, kanina pa po kayo gising?" tanong ni Thea na kagigising lang at nadatnan ang dalawang nag-uusap. Napalingon sina Elara at Nanay Esther sa kaniya. Hindi na nag-alangan pang tawagin ito upang palapitin sa kanila. "Ano 'yang hawak mo, Ate?" tanong ni Thea muli nang makita ang sobre. "Sulat nais kong ibigay ni Nanay Esther kay Marco," sagot ni Elara habang nakatingin sa sulat. "Ito ang paraan na naisip ko upang tuluyan na niya akong tigipan at kalimutan." "Maaari bang mabasa, Ate?" Tumango lamang si Elara saka humugot ng malalim na hininga. Tahimik lang si Nanay Esther habang hinihintay ang reaksyon ni Thea. Ayaw nitong magsalita muna. "Ba...bakit ganito po ang sulat?" utal-utal na tanong ni Thea. "Katulad nga ng sinabi ko iyan na lang ang paraan na nakita ko para kalimutan ako ni Marco," muling saad ni Elara. Hinawakan ni Nanay Esther ang kamay ni Elara. "Anak, sa totoo lang hindi ko gusto itong nais mong gawin. Sa tingin ko ay sobra ito." "Tama si Nanay Esther,
Habang payapang natutulog si Elara ay nagising ito dahil sa iyak ni Marlo. Agad siyang bumangon upang kuhanin ang anak at tingnan kung ano ba ang problema. Kinuha nito si Marlo sa crib saka hinele. "Good morning, Baby Marlo. You wake up so early," nakangiting saad nito sa malambing na paraan. "You are so suplado, Anak. What do you want? You want milk?" Nakangiting nagtimpla ito ng gatas habang karga pa si Marlo. Ayaw nitong iwanan muna saglit sa crib dahil baka magising din si Erlo kaya kahit mahirap ay tiniis na lang niya. "Tahan na, Baby ko, ito na po ang milk mo." Nang makainom naman ng gatas ay natahimik na rin si Marlo. Habang tinititigan siya ni Elara ay biglang pumasok sa kaniyang isipan si Marco. Kamukhang-kamukha talaga nito si Marco. Ang pagiging masungit ng kaniyang anak ay namana talaga nito sa kaniyang ama. Bumalik si Elara sa kama saka doon muna inilapag si Marlo. Umupo ito sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang munting supladong mukha ni Marco na papikit-pikit
Gumuhit ang gulat sa mga mukha nila nang marinig ang sinabi na iyon ni Elara. Bawat isa sa kanila ay hindi inaasahan na iyon ang sasabihin ni Elara. "Ano ang sinasabi mo, Ate?" nagtatakang tanong ni JP. Maging siya ay hindi alam ang plano ni Elara. Wala rin kasi itong nabanggit sa kaniya. "Kinausap kasi ako ni Ma'am Paulina regarding sa opportunity doon sa states. They offered me to open a Filipino restaurant there and I saw that as a big achievement and beginning. Sabi naman nila na tutulungan nila ako sa mga costs and expenses basta magiging co-owners ko sila," pagpapaliwanag ni Elara. Nang marinig ang paliwanag ni Elara ay natahimik ang lahat. Wala ni isa man sa kanila ang nangahas na magsalita dahil kapwa nilang iniisip ang sinabi nito. Parang nanghina ang mga ito at marami ang tanong na namuo sa mga isipan ngunit hindi mailahad. Ang kaninang masayang pakiramdam ay napalitan ng lungkot at pagkabigla. A g mga ngiti na nakaguhit sa kanilang mga labi ay unti-unting nawala at big
Matinding kamustahan ang naganap sa pagitan nilang lahat. Ang bawat isa ay sabik na makasama at makakwentuhan ang isa't-isa. Kapwa isa sa kanila ay mayroong kwentong nais na ibahagi tungkol sa mga nakaraang linggo ng kanilang buhay. Napuno ng tawa at hagikhik ang munting bahay nina JP at Elara. Ramdam na ramdam sa kanila ang labis na saya nang muli silang magkasama. Samantala hinayaan nilang maglaro sina Arlo. Marlo, af Istra sa loob ng parang crib na puno ng maraming mga bola. "Ang ganda talaga ng baby mo, Thea," nakangiting saad ni Elara habang pinagmamasdan si Istra. "Wala ngang nakuha si Baby Istra sa features ni Thea, Ate, eh. Lahat nakuha sa tatay," sabat naman ni Rose. Natawa naman si Thea sa sinabi nito. "Mahal ko, eh." Nagulat si Elara at JP nang marinig ang salitang iyon kay Thea. Hindi nila inasahan na gano'n ang magiging sagot niya. "Alam niyo kasi, mga anak. Nagkabalikan na iyang si Thea at ang daddy ng baby niya," paglilinaw naman ni Nanaya Esther na siyang ikinagu
Nanlaki ang mga mata ni Elara. Parang paulit-ulit na nag-echo sa kaniyang tenga ang sinabi ng mga ito sa kaniya. "Are you serious?" buong galak na tanong nito, ang boses niya ay puno ng tuwa. Nakangiting tumango naman ang isa sa mga babae. "Yes. We tasted your food from Sir Ramon's resto bar and its very delicious. I know eating kaldereta made by different chiefs is the same. Ano ba naman ang kakaiba sa isanv kaldereta, hindi ba? Pero ang luto mo? It has a signature. That food of yours have a after taste that will make you addicted." Nagkatinginan sina Elara at JP, parehong hindi makapaniwala sa suwerte na dumating sa kanila. Halos mapaluha si Elara sa saya habang pinapakinggan ang paliwanag ng dalawang babae."Kung papayag ka, gusto naming simulan agad next month," dagdag pa ng isa. "Magiging regular supplier ka ng hot meals sa hotel restaurant namin. Siyempre, may kontrata at monthly payment. Hindi lang iyon, we will also shoulder ang transportation para hindi ka na mahirapan sa
Buo parati ang araw ni Elara dahil sa dalawang anak na nagbibigay sa kaniya ng motibasyon at kasiyahan. Ngunit sa likod ng mga magagandang memorya na mayroon siya kasama ang dalawang anak ay gano'n na lang din ang hirap para sa kaniya. Hindi maiwasan ni Elara ang mahirapan sa sitwasyon niya ngayon. Nahihiya na itong mag-utos nang mag-utos kay JP dahil alam niya na hindi ito katulong, napapagod din ito at may mga ibang pinagkaka-abalahan. Kahit mahirap ay hindi ipinapakita iyon ni Elara kay JP at pilit na nilalabanan. "Ate, bakit gising kapa?" tanong ng bakla nang maalimpungatan mula sa mahimbing na pagkakatulog. Madaling araw na, natapos na ni Elara na lutuin ang mga paninda nilang ulam at matutulog na sana ito nang biglang umiyak ang isa sa kambal kaya wala itong nagawa kung hindi ang magtimpla ng gatas. Nilingon nito si JP habang hinehele si Marlo. "Sakto kasing nagising naman itong si Marlo at umiiyak kaya kinuha ko na baka kasi kapag hindi ko pa pinatahan ay magising niya ang