Masuk"Ano?" Hindi makapaniwala si Elara mula sa narinig niya kay Marco. "Bakit pa kailangan kong tumira sa bahay mo?"
Kumunot ang noo ni Marco. "That's what I want, Elara. Remember, our goal is to make people believe that we are a real couple. Besides, its my conditions afterall." Parang hindi kayang i-proseso ng utak ni Elara ang mga nangyayari. Pakiramdam nito ay nananaginip lang siya. "Wala na bang ibang paraan? Sex slave mo lang naman ako saka maipapakita naman natin sa mga tao na nagmamahalan tayo kahit fake lang nang hindi ako tumitira sa bahay mo, ah?" sunod-sunod na tanong ni Elara. "As I've said, its my conditions, Elara. Wala ka nang magagawa. Take it or leave it," sagot naman ni Marco. Ibinalik ng binata ang kaniyang paningin sa binabasa habang pinapakiramdaman ang galaw ni Elara. Tahimik na napaisip si Elara. Hindi nito alam kung ano ba ang magandang maging desisyon. May takot ito na baka kung ano ang gawin ni Marco sa kaniya ngunit naiisip din nito na madumi nga rin pala ang kasunduan nila. "So?" muling tanong ni Marco, may halong inis sa boses nito na para bang sinasabi kay Elara na ayaw nito ang pinaghihintay. "Fine." Wala nang iba pang nagawa ni Elara. Maliit na bagay lamang ang titira siya sa bahay ni Marco kesa sa magiging resulta ng pagpayag nito para maayos na ang pangangailangan niyang maipakulong si Nathaniel. "Good," saad ni Marco na napalitan ng pagka-proud ang boses. "Mag-impake ka na mamaya ipapasundo na lang kita sa driver ko 7pm sharp." Umalis na rin kaagad si Elara sa coffee shop saka dumiretso pauwi. Dahil sa hindi naman masyadong busy ang daanan ay nakarating din kaagad ito sa kaniyang destinasyon. Mabilis lang itong naka-uwi. "Drae," pagtawag niya sa kaibigan na nadatnang katatapos lang maligo. Nang makita siya ni Andrea ay kaagad siya nitong nilapitan. "Oh, kamusta naman ang pag-uusap niyo? By the way nakahanap na nga pala ako ng buyer ng sasakyan mo, Ela." Inabot ni Elara ang sulat ng banko na ibinigay ni Marco kanina sa kaniya. "Hindi na natin kailangan pang ibenta ang sasakyan." Nanlaki ang mga mata ni Andrea nang makita ang nakasulat. Hindi rin ito makapaniwala katulad na lang sa naging reaksyon ni Elara kanina. "Wow! Ano na naman ang kapalit nito?" direktang tanong kaagad niya. Isinalaysay ni Elara ang lahat ng napagkasunduan nila ni Marco. Napailing na lang si Andrea matapos marinig ang kwento ni Elara. "Hindi ako makapaniwala. So, titita ka na nga talaga sa bahay niya?" Napabuntong-hininga si Elara. Marahan itong napatango. "Wala naman kasi akong choice, Drae. Isa itong paraan para makuha ko ang hustisyang inaasam-asam ko. Saka iniisip ko na lang na pagtatanaw ko ito ng utang na loob dahil sa pagbayad niya rin ng utang ko sa banko." Muling natahimik si Andrea. Ramdam din niya ang bigat ng sitwasyon ng kaibigan at ang pagiging desidido nito sa kaniyang desisyon. Hindi lang ito basta utang na kailangang bayaraan, mas malaki at mahirap ang naging kapalit nito. "Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, Ela?" may pag-aalalang tanong ni Andrea. "Oo. Kailangan kong gawin ito," mahinang sagot ni Elara. "Para saan ba at matatapos ko rin naman ang lahat nang ito. Kapag natapos na ay balik tahimik na ulit ang buhay ko." "Basta, huwag mong kakalimutan na tawagan ako kapag naroon ka na o kamusta ang nangyayari saiyo sa bahay ni Marco, ha," paalala naman ng kaibigan niya at hinimas-himas pa ang likuran niya. "Tungkol nga pala dito sa condo ko, Drae, ikaw na muna ang bahala rito. Iiwan ko rin ang sasakyan ko saiyo," sabi ni Elara. Nangilid ang luha ni Andrea nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Nag-uumapaw ang pasasalamat na nararamdaman nito dahil sa mga sinambit na plano ni Elara. Nagpasalamat ito sa kaniya. Hindi matatawaran ang saya na naramdaman ni Andrea. Mabilis na dumaan ang mga oras. Lumalim na ang gabi. Kasabay ng pagbagsak ng ulan, naghanda si Elara ng kaniyang gamit. Ilang bag lang ang dinala na—ang mga importanteng gamit niya lang ang inilagay. Nag-uusap pa sila ni Andrea binibilinan ang isa't-isa. Pilit niyang nilalabanan ang kabang bumabalot sa kaniya. Simula ngayon, iba na ang magiging buhay niya. "Mag-iingat ka doon, Ela," sabi ni Andrea habang nakatayo sa pintuan ng kwarto niya. Bahagyang ngumiti ito, pilit na tinatago ang takot at pangamba. "Oo, Drae. Mag-iingat ka rin dito. Ikaw na ang bahala kung anong gagawin mo dito pwede mo ring dalhin ang mga kapatid mo at dito na patirahin hanggang nasa poder ako ni Marco." Nagyakapan silang dalawa. Kahit hindi sabihin, alam nilang pareho na magiging mahirap ito para kay Elara. Eksaktong alas-siyete ng gabi, isang itim na SUV ang huminto sa harapan ng building kung saan ang condo unit ni Elara. Agad na bumaba ang driver at maayos na kinuha ang mga gamit nito. Bago siya tuluyang sumakay, muli niyang nilingon si Andrea. "Salamat sa lahat, Drae. Mag-iingat ka, ha." "Ingatan mo rin ang sarili mo, Ela," sagot naman ng kaibigan. Kaagad na pumasok si Elara sa sasakyan. Nang makapasok na ito ay kaagad ding umandar ang sasakyan saka na sila tuluyang umalis. Pagdating niya sa bahat ni Marco, agad siyang sinalubong ng malamig na ambiance ng lugar. Malawak ang bahay, moderno ang mga disento, bawat sulod ay nagpapakita ng yaman at ng kapangyarihan. Alam na alam mo na isang lalaki ang nakatira sa bahay. Huminga siya ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Bago pa man siya makapasok sa loob ay sinalubong na siya ni Marco. Imbes na pagbati ang unang sinabi nito ay sinalubong siya ng mapanuring tingin. "Welcome home, Elara." Napalunok ito. Alam niyang hindi pa nagsisimula ang lahat. Hindi niya alam kung ano ba ang magiging plano ni Marco sa kaniya. Ginawaran kaagad siya ng mapusok na halik saka niyaya sa loob. Ito na ang araw na hinihintay ni Marco, hindi nga lang niya inaasahan na mas mapapa-aga. Alam na ni Marco na mapupunta ang relasyon ni Elara sa pagkasira ngunit hindi nito plinano na mismong si Elara pa ang lalapit sa kaniya. Hindi naman dahil sex slave ang dahilan ni Marco kaya niya pinatira sa bahay niya si Elara. Malalim ang dahilan nito.Tahimik na sinundan ni JP si Marco. Hindi niya inisip na lapitan kaagad ang kuya niya. Nanatili siyang nakatayo sa likod ng isang puno na kung saan tanaw-tanaw niya ito.Walang kahit na anong emosyon ang mukhang pinagmamasdan niya si Marco. Tahimik lamang siyang nakasandal sa puno, pilit pinipigil ang sariling hindi malunod sa bigat ng sitwasyon. Ang dibdib niya mabigat, pero hindi niya alam kung bakit mas masakit ito kaysa sa inaasahan niya.May kung ano sa kaniyang kalooban ang nasasaktan at para bang nararamdaman niya ang parehong sakit na bumabalot sa kuya niya. Nakikita niya ang bawat paghinga ni Marco mabigat, mabilis, at minsan ay putol-putol. Nakikita niya ang pagkunot ng noo nito, ang pamumula ng mata, ang panginginig ng daliri habang sinasabayan ng luha ang pag-agos ng alak sa bote.Hindi niya kayang lapitan. Hindi niya kayang magsalita. Alam niyang kahit anong sasabihin niya ay hindi makakapuno sa malaking butas na binuksan ng kasinungalingan at maling akala. Pero hindi rin
Ginawa nga ni Marco ang kaniyang sinabi. Dala ng pera at kapangyarihan,agad niyang napasunod at nakapag-utos ng sa kaniyang mga empleyado. Mabilisang pumunta naman ang mga tinawagan niyang event and trend coordinator na pumunta sa resort. Naisipan nilang mag-expand ng place para magawa ang ibang mga plano. Gumawa ng panibagong pakulo ang team coordinator at designer na kinuha ni Marco. Hindi agad iyong matatapos. Kinailangan pa nilang maghintay ng ilang mga araw. Sa paglipas ng mga araw ay hindi nga nagkamali ang desisyon ni Marco na mag-invest ng malaking pera para sa resort. Naging sikat itong muli. Malaki ang perang kinita ng resort at muling nabalik ang lahat ng pera na ginastos ni Marco sa loob ng dalawang araw at gabi lamang. Simula nang sinimulan ang paggawa ng resort ay araw-araw ring pabalik-balik si Marco roon hanggang sa kumita na ito muli ng malaki. Hindi na rin nila napag-usapan ang tungkol kay Elara dahil kahit papano ay nabuhos ang lahat ng atensyon ni Marco sa pa
Sa tuwing umaayon ang tadhana sa pabor ni Elara ay siya namang kasawian na dulot nito sa buhay ni Marco. Kahit na anong pagsisisi at paghingi ng tawad ang gawin niya ay mukhang hindi na talaga siya kayang patawarin ng babaeng mahal niya. Malaki man ang pagnanais niyang gawin ang lahat ng mga hindi niya nagawa kay Elara noon ngunit labis siyang pinagkakaitan ng tadhana. Kung kailan malapit na niya itong makita agad naman itong umalis nang walang paalam. Gusto niyang gampanan ang kaniyang tungulin bilang asawa nito hindi lamang dahil iyon ang titulo niya sa kaniya kundi dahil sa labis na pagmamahal niya sa babaeng nakapagpabago sa kaniya. Hindi lamang iyon ang kaniyang nais na magawa, nais din niyang maging ama sa mga anak niya. Seryosong nagmamaneho ng kotse si Marco patungo sa Concepcion. Nagbabaka-sakali ito na makita si Elara roon dahil maaaring nakauwi na siya sa kung nasaan man sila. Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na siya dahil sa pananabik. May kung ano sa kaniyang pa
Halo-halong emosyon ang tumapos sa gabi ni Elara. Parang naging isang emosyonal na araw ang pinagdaanan niya ngunit nagtapos din ito ng masaya dahil sa mga anak niya. Kinabukasan, hindi masyadong maaga siyang gumayak dahil ang mga chief na ang nagluto para sa restaurant. Ang trabaho na lamang niya ay tikman kung tama ba ang pagkakaluto nila sa recipe niya. Si Andrea na rin ang naging abala sa pagmo-monitor ng customers habang si Tyler naman ay tumutulong din sa pagma-manage. Tuluyan na ring nakaalis si Mrs. Jacklyn kaya si Tyler na ang bagong business partner ni Elara. Magkasabay na gumayak si Elara at Andrea dahil sabay na rin silang papasok. Una munang inayusan ni Elara ang kambal bago siya tuluyang gumayak. Nang matapos sila, agad na rin silang pumunta sa estasyon ng bus dahil medyo malayo-layo ang bahay nila sa restaurant. Wala si Tyler dahil may kaso siyang pinapatakbo.Habang nasa bus sila ay pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa dalawang batang nakakakuha ng atensyon. Si A
Nanlaki ang mga mata ni Elara nang marinig ang sinabi ni JP.Napalunok ito at hindi kaagad nakabawi sa gulat dahil hindi inaasahan ang balitang isinaad sa kaniya. Alam ni Elara na tumutulong si Marco sa resort dahil minsang siya rin ang nakaayos sa naging problema nito noon ngunit sa ngayong nananahimik na siya, saka naman ito muling nagparamdam sa kaniya. "A...ano? Bakit? Paano?" "Pasensya kana, ate, kasi kahapon pumunta siya rito para magtanong kung nasaan ka nalaman kasi namin na parati din pala talaga siyang nagbabakasakali na makita ka niya ulit dito," kwento ng bakla mula sa kabilang linya. "Sinabi rin ni Nanay Esther sa kaniya ang pinapasabi mo saka hindi sinasadyang naisiwalatko kay Kuya Marco ang problema ng resort natin. Pasensya na ulit, ate." Hindi nakasagot kaagad si Elara. Parang nawala ang lahat ng dugo sa kaniyang katawan dahil sa panlalamig nang malaman ang ginawa ng taong higit na kaniyang kinakamuhian. "Heloo, ate, nandyan ka paba?" tanong nito mula sa kabilang l
Maaga man nakatulog si Elara ngunit hindi iyon ang tulog nan ais niya. Nagising siya na puyat na puyat, mas malala pa ito keysa sa da lawing araw na halos dalawang oras lang ang tulog niya dahil siya ang nagluluto ng mga ulam sa restaurant niya. Medyo sumasakit ang ulo ni Elara kaya naman naisipan niyang bumaba para magluto ng breakfast dahil naiisip niya na baka nagugutom lang siya. Nang makababa ay nagluto ito ng sausage dahil hindi pwede ang mga hatdog na nakasanayan niya sa Pilipinas dito sa Amerika. “Anyari sa’yo,bes, bakit ang laki naman niyang dinadala mo?” tanong ni Andrea na kakababa lang.Ngumuso si Elara sa kaniya. “Wala ito. Hindi lang talaga ako nakatulog kagabi.” “Eh, bakit? Mas maaga nga tayong natulog saka hindi ka rin naman gumising na ng maaga ngayon dahil sila ate na at chief ang nagluto diba?” takang tanong nito sa kaibigan. “May problema ka ba?” Pilit ang ngiting ibinigay sa kaniya ni Elara ngunit ang ngiting iyon ay hindi ang tunay na saya. Lungkot, ang saril







