Share

Chapter 7

Author: Roseblue
last update Last Updated: 2025-02-28 14:56:06

Ramdam ni Elara ang panlalamig ng paligid. Hindi lang dahil sa modernong disenyo ng bahay kundi pati na rin sa presensiya ni Marco. Tahimik ang kanilang mga galaw ngunit ang pakiramdam ni Elara ay mabigat.

"Come with," malamig na utosbni Marco habang tinutungo ang hagdan patungo sa ikalawang palapag.

Tahimik lamang na sumunod si Elara sa kaniya. Hawak-hawak nito ang kanyang bag na para bang kinukuhanan ng lakas kasabay ng kaniyang paglakad. Sa bawat hakbang nito sa hagdan, pakiramdam niya ay isa siyang bilanggo na papasok sa isang hawla na hindi na niya kailanman matatakasan.

Nakarating sila sa isang kwarto sa dulo ng pasilyo. Binuksan ni Marco ang isa sa mga pintoan at sinenyasan siyang pumasok. Malawak ang silid, halos kasing laki na ng buong condo unit niya. Minimalist ang disenyo ngunit ramdam pa rin ang pagiging elegante nito—kay king-size din na kama. Isang malaking bintana naman sa isang bahagi ang makikita na mayroong magandang view ng city lights, at isang private bathroom.

"Simula ngayon, ito na ang magiging kwarto mo," walang emosyong sambit naman ni Marco. "Walang ibang papasok sa kwartong ito kundi ikaw at ako lang. Ayoko na kung sino-sino na lang ang lalabas at papasok sa bahay ko na hindi ko naman kilala."

Napakunot ang noo ni Elara. Nag-alangan ito dahil sa sinabi ni Marco. "Hindi tayo matutulog sa iisang kwarto?" Pilit nitong tinatago ang bahagyang pag-asa sa kaniyang tinig.

If she want, its my pleasure to sleep with her under the same bed though...

Saad ni Marco sa kaniyang isip. Pilit din naman nitong pinipigilan ang pag-ngisi ngunit alam niyang hindi niya kaya dahilan upang sadyain na lang ito.

"Don't tell me you want us to sleep under the same bed?" nakangising tanong nito na mau panunukso sa boses. "Hindi lang naman dahil pinatira kita rito ay gagamitin na lang kita sa kama sa araw-araw. Nirerespeto pa rin naman kita, Elara. Huwag mo nga lang kalimutan ang deal natin.

Bakit parang natuwa ako sa sinabi niya? Bakit parang kinilig ako...

Hindi nakapagsalita si Elara. Nagtaka ito kung bakit nakaramdam siya ng kaunting tuwa dahil sa mga sinabi ni Marco. Hindi niya lubos maisip na may ganoong ugali rin pala si Marco.

Bago pa tuluyang lumabas si Marco ay nag-iwan pa muna ito ng isang huling habilin. "Try to know me, Elara. Alamin mo kung ano ang mga ayaw ko at iyon ang huwag na huwag mong gagawin sa pamamahay ko."

Pagkalabas ni Marco, hindi alam ni Elara kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Naupo siya sa gilid ng kama at napayakap sa unan.

Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko ay natuwa pa ako sa sinabi niya? Bakit parang concern sa akin si Marco?

Hindi niya maintindihan ang naglalarong mga tanong sa kaniyang isipan. Alam niyang may mga rules si Marco pagdating sa bahay niya.

Napahinga siya ng malalim. Alam niyang kailangan niyang gawin ito at hindi lang dahil sa pera kaya niya hinahabol-habol na mapakulong si Nathaniel—may buhay na nakasalalay sa pakikipaglaban niyang ito. Para sa nanay niya kaya gusto niyang makuha ang pera.

Kinabukasan ay maaga siyang bumaba. Naisipan niyang magluto dahil nakaramdam siya ng pagkagutom. Maaga pa kasi kaya wala siyang nakitang mga kasambahay. Marunong din namang magluto si Elara kaya ginawa na lang niya.

"So early, huh?" Husky na tinig ang kaniyang narinig mula sa likuran nito.

Bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang makita si Marco na walang damit. Tanging ang shorts lang nito ang kaniyang suot. Kitang-kita ni Elara ang makisig na katawan ng binata. Hindi ito masyadong maputi ngunit malalaki ang kaniyang muscle at lalaking lalaki ang pangangatawan.

Napalunok na lang ito habang pilit na nilalabanan na mapako ang paningin sa katawan ni Marco.

"Go...good morning," utal-utal nitong pagbati.

Kinuha ni Elara ang tubig at inilagay sa niluluto na hindi naman niya dapat ilagay. Hindi na nito malaman ang ginagawa dahil pilit lang nilalabanan ang pagkaka-tameme niya sa binata.

"Chill, Elara."

Mahinang napatawa si Marco sa naging kilos ng babae. Marahan itong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa bewang sabay bigay ng maliliit na halik sa kaniyang leeg.

Nanigas si Elara sa kaniyang kinatatayuan. Hindi ito makagalaw dahil sa ginawa ng binata na hindi niya inaasahan. Naramdaman niya na parang may kung anong kumikiliti sa kaniyang tyan.

Kinikilig ba ako? Its been awhile since the last time I felt this way...

Hindi makapagsalita si Elara. Para siyang tanga na tinuturo-turo lang ang mga gusto niyang ialok kay Marco.

Napasinghap si Elara at mabilis na naitulok papalayo ang sarili kay Marco. Marahan niyang binitawan ang hawak na sandok habang pinapakalma ang sarili.

"A...ang kapal naman ng mukha mo," utal-utal na pabulong niyang sinabi habang tinatago ang hiya sa tinig.

Napatawa muli si Marco, tila ba na-eenjoy ang reaksyon ni Elara. Tumayo ito sa gilid ng kusina at pinagmamasdan ang dalagang nagluluto.

"So, anong niluluto mo?" tanong nito, may halong panunukso pa rin sa boses.

"Hindi ko alam," wala sa sarili niyang saad.

Hindi na namalayan ni Elara na kunh anu-ano na pala ang naihalo niya sa kawali. Nang mapansin ito, nabuhayan siya at napangiwi. Napakamot siya sa noo habang pinagmamasdan ang sunog na bahagi ng kanyang niluluto.

"Good job," natatawang sabi ni Marco at tinusok ang laman ng kawali. "Mukhang first and last mo nang luto sa bahay na ito, ah."

"Nakakainis ka! Kasalanan mo ito, bakit kasi naghubas ka," pabulong niyang sinambit ang huling mga salita.

"What?" nakangising tanong naman ng binata nagkukunwaring hindi narinig ang sinabi ni Elara.

"Wala umalis ka na. Magluluto na lang ako ng bago," sagot naman nito at niligpit ang mga nagkalat na pinaglutuan niya.

Hindi na nagsalita pa si Marco at umalis na. Nang maramdaman ni Elara na wala na si Marco sa kaniyang likuran ay agad nitong tinakpan ang bibig at maliit na napatili. Namumula ito dahil sa kilig na nararamdaman.

Grabe ang gwapo niya. Sobrang yummy ng katawan nakakakilig...

Inamin na rin nito sa sarili na natutuwa siya sa binata. Tuluyan na niyang tinanggap na kinikilig ito sa ginawa at sinabi ni Marco sa kaniya.

Bumalik si Elara sa pagluluto at hindi nagtagal ay muling bumaba si Marco. Nakabihis na ito at naka-formal attire na para sa trabaho.

"Get dressed later," biglang saad ni Marco habang kumakain. "We're going somewhere. Mag-ayos ka, ha."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 147

    Tahimik na sinundan ni JP si Marco. Hindi niya inisip na lapitan kaagad ang kuya niya. Nanatili siyang nakatayo sa likod ng isang puno na kung saan tanaw-tanaw niya ito.Walang kahit na anong emosyon ang mukhang pinagmamasdan niya si Marco. Tahimik lamang siyang nakasandal sa puno, pilit pinipigil ang sariling hindi malunod sa bigat ng sitwasyon. Ang dibdib niya mabigat, pero hindi niya alam kung bakit mas masakit ito kaysa sa inaasahan niya.May kung ano sa kaniyang kalooban ang nasasaktan at para bang nararamdaman niya ang parehong sakit na bumabalot sa kuya niya. Nakikita niya ang bawat paghinga ni Marco mabigat, mabilis, at minsan ay putol-putol. Nakikita niya ang pagkunot ng noo nito, ang pamumula ng mata, ang panginginig ng daliri habang sinasabayan ng luha ang pag-agos ng alak sa bote.Hindi niya kayang lapitan. Hindi niya kayang magsalita. Alam niyang kahit anong sasabihin niya ay hindi makakapuno sa malaking butas na binuksan ng kasinungalingan at maling akala. Pero hindi rin

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 146

    Ginawa nga ni Marco ang kaniyang sinabi. Dala ng pera at kapangyarihan,agad niyang napasunod at nakapag-utos ng sa kaniyang mga empleyado. Mabilisang pumunta naman ang mga tinawagan niyang event and trend coordinator na pumunta sa resort. Naisipan nilang mag-expand ng place para magawa ang ibang mga plano. Gumawa ng panibagong pakulo ang team coordinator at designer na kinuha ni Marco. Hindi agad iyong matatapos. Kinailangan pa nilang maghintay ng ilang mga araw. Sa paglipas ng mga araw ay hindi nga nagkamali ang desisyon ni Marco na mag-invest ng malaking pera para sa resort. Naging sikat itong muli. Malaki ang perang kinita ng resort at muling nabalik ang lahat ng pera na ginastos ni Marco sa loob ng dalawang araw at gabi lamang. Simula nang sinimulan ang paggawa ng resort ay araw-araw ring pabalik-balik si Marco roon hanggang sa kumita na ito muli ng malaki. Hindi na rin nila napag-usapan ang tungkol kay Elara dahil kahit papano ay nabuhos ang lahat ng atensyon ni Marco sa pa

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 145

    Sa tuwing umaayon ang tadhana sa pabor ni Elara ay siya namang kasawian na dulot nito sa buhay ni Marco. Kahit na anong pagsisisi at paghingi ng tawad ang gawin niya ay mukhang hindi na talaga siya kayang patawarin ng babaeng mahal niya. Malaki man ang pagnanais niyang gawin ang lahat ng mga hindi niya nagawa kay Elara noon ngunit labis siyang pinagkakaitan ng tadhana. Kung kailan malapit na niya itong makita agad naman itong umalis nang walang paalam. Gusto niyang gampanan ang kaniyang tungulin bilang asawa nito hindi lamang dahil iyon ang titulo niya sa kaniya kundi dahil sa labis na pagmamahal niya sa babaeng nakapagpabago sa kaniya. Hindi lamang iyon ang kaniyang nais na magawa, nais din niyang maging ama sa mga anak niya. Seryosong nagmamaneho ng kotse si Marco patungo sa Concepcion. Nagbabaka-sakali ito na makita si Elara roon dahil maaaring nakauwi na siya sa kung nasaan man sila. Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na siya dahil sa pananabik. May kung ano sa kaniyang pa

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 144

    Halo-halong emosyon ang tumapos sa gabi ni Elara. Parang naging isang emosyonal na araw ang pinagdaanan niya ngunit nagtapos din ito ng masaya dahil sa mga anak niya. Kinabukasan, hindi masyadong maaga siyang gumayak dahil ang mga chief na ang nagluto para sa restaurant. Ang trabaho na lamang niya ay tikman kung tama ba ang pagkakaluto nila sa recipe niya. Si Andrea na rin ang naging abala sa pagmo-monitor ng customers habang si Tyler naman ay tumutulong din sa pagma-manage. Tuluyan na ring nakaalis si Mrs. Jacklyn kaya si Tyler na ang bagong business partner ni Elara. Magkasabay na gumayak si Elara at Andrea dahil sabay na rin silang papasok. Una munang inayusan ni Elara ang kambal bago siya tuluyang gumayak. Nang matapos sila, agad na rin silang pumunta sa estasyon ng bus dahil medyo malayo-layo ang bahay nila sa restaurant. Wala si Tyler dahil may kaso siyang pinapatakbo.Habang nasa bus sila ay pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa dalawang batang nakakakuha ng atensyon. Si A

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 143

    Nanlaki ang mga mata ni Elara nang marinig ang sinabi ni JP.Napalunok ito at hindi kaagad nakabawi sa gulat dahil hindi inaasahan ang balitang isinaad sa kaniya. Alam ni Elara na tumutulong si Marco sa resort dahil minsang siya rin ang nakaayos sa naging problema nito noon ngunit sa ngayong nananahimik na siya, saka naman ito muling nagparamdam sa kaniya. "A...ano? Bakit? Paano?" "Pasensya kana, ate, kasi kahapon pumunta siya rito para magtanong kung nasaan ka nalaman kasi namin na parati din pala talaga siyang nagbabakasakali na makita ka niya ulit dito," kwento ng bakla mula sa kabilang linya. "Sinabi rin ni Nanay Esther sa kaniya ang pinapasabi mo saka hindi sinasadyang naisiwalatko kay Kuya Marco ang problema ng resort natin. Pasensya na ulit, ate." Hindi nakasagot kaagad si Elara. Parang nawala ang lahat ng dugo sa kaniyang katawan dahil sa panlalamig nang malaman ang ginawa ng taong higit na kaniyang kinakamuhian. "Heloo, ate, nandyan ka paba?" tanong nito mula sa kabilang l

  • Mr. Lopez's Sex Slave   Chapter 142

    Maaga man nakatulog si Elara ngunit hindi iyon ang tulog nan ais niya. Nagising siya na puyat na puyat, mas malala pa ito keysa sa da lawing araw na halos dalawang oras lang ang tulog niya dahil siya ang nagluluto ng mga ulam sa restaurant niya. Medyo sumasakit ang ulo ni Elara kaya naman naisipan niyang bumaba para magluto ng breakfast dahil naiisip niya na baka nagugutom lang siya. Nang makababa ay nagluto ito ng sausage dahil hindi pwede ang mga hatdog na nakasanayan niya sa Pilipinas dito sa Amerika. “Anyari sa’yo,bes, bakit ang laki naman niyang dinadala mo?” tanong ni Andrea na kakababa lang.Ngumuso si Elara sa kaniya. “Wala ito. Hindi lang talaga ako nakatulog kagabi.” “Eh, bakit? Mas maaga nga tayong natulog saka hindi ka rin naman gumising na ng maaga ngayon dahil sila ate na at chief ang nagluto diba?” takang tanong nito sa kaibigan. “May problema ka ba?” Pilit ang ngiting ibinigay sa kaniya ni Elara ngunit ang ngiting iyon ay hindi ang tunay na saya. Lungkot, ang saril

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status