Share

KABANATA 222

Author: CESSYPRINCE
last update publish date: 2026-08-30 00:01:08

Luna's POV

Umakyat ako sa ikalawang palapag para kunin ang portfolio binder sa aking study room. Dali-dali kong hinalungkat ang ibabaw ng mesa hanggang sa mahanap ko ang mabilis na naisulat na draft para sa exhibition layout. Hawak ang mga papel, mabilis akong bumaba ng hagdanan para balikan sina Kael at Daddy sa sala.

Pero bago pa man ako makatapak sa huling tatlong baitang, napansin kong wala na sila sa living room. Tahimik ang buong paligid. Ang boses lang ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 224

    Luna's POVHindi ako in love sa kaniya. Imposible.Bumangon ako mula sa aking higaan at mabilis na kinuha ang notebook sa ibabaw ng aking study table. May studio session kami ni Kael pagdating ng hapon, pero mag-iisang oras na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko habang pilit na inaayos ang sarili kong isip. Hindi ako pwedeng magpadala sa sinabi niya kagabi sa ilalim ng streetlamp. Sinabi niya lang 'yun kasi gusto niya akong protektahan sa galit ni Daddy. Walang ibig sabihin 'yun.Kumuha ako ng ballpen at dahan-dahan kong isinulat ang pangalan niya sa tuktok ng pahina. I need to be logical about this. Kailangan kong ilista ang lahat ng dahilan kung bakit hindi dapat ako mahulog kay Kael Vance.Una, napakayabang niya. Sobra. Akala mo kung sinong laging magaling at laging may hawak ng tamang sagot sa lahat ng bagay.Pangalawa, napakasarkastiko ng pananalita niya. Mula noong unang araw na nagkaharap kami sa studio hanggang kagabi, wala siyang palampas na pang-aasar sa akin. Hindi siya

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 223

    Luna's POVTahimik ang buong paligid habang binabagtas namin ni Kael ang daan patungo sa gilid ng subdivision kung saan nakatambay ang mga pampublikong sasakyan. Binitawan ko na ang kaniyang kamay pero nanatili siyang naglalakad sa tabi ko, pinapanatili ang mabagal at kalmadong hakbang para hindi ako mahirapan.Sariwa pa rin ang galit sa aking dibdib mula sa pagtatalo namin ni Daddy sa patio. Nanginginig pa rin ang mga daliri ko sa matinding hiya at inis."Luna, huminto ka muna," mahinang boses ni Kael habang humahawak sa aking balikat.Napatigil ako sa paglalakad sa ilalim ng streetlamp at humarap sa kaniya. Hindi ko maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata."I'm so sorry, Kael," pabulong na hingi ko ng paumanhin habang lumalabas na naman ang init sa mga gilid ng aking mata. "Pasensya ka na sa ginawa ni Daddy. Hindi ko talaga alam na kakausapin ka niya nang ganoon. Nagagalit ako kasi alam kong wala kang ginagawang mas

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 222

    Luna's POV Umakyat ako sa ikalawang palapag para kunin ang portfolio binder sa aking study room. Dali-dali kong hinalungkat ang ibabaw ng mesa hanggang sa mahanap ko ang mabilis na naisulat na draft para sa exhibition layout. Hawak ang mga papel, mabilis akong bumaba ng hagdanan para balikan sina Kael at Daddy sa sala. Pero bago pa man ako makatapak sa huling tatlong baitang, napansin kong wala na sila sa living room. Tahimik ang buong paligid. Ang boses lang ng dalawang lalaki ang naririrnig ko mula sa glass patio door na patungo sa may garden. Dahan-dahan akong huminto sa tabi ng malaking curtain sa may hallway. Sumilip ako nang kaunti at nakita ko silang dalawa na nakatayo malapit sa mga halamaman. Nakatayo si Daddy habang nakatitig nang deretso sa mga mata ni Kael. Ibinaba niya ang kaniyang baso ng kape sa maliit na outdoor table. Ang kaniyang mukha ay wala nang kahit anong halong biro. Bumalik ang pormal at nakakatakot

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 221

    Luna's POV"Kael, pumasok ka muna sa loob. Kukunin ko lang sa study room ang portfolio binder na nakalimutan ko kahapon."Isinara ko ang pinto ng aming bahay habang ibinababa ang aking tote bag sa console table sa foyer. Biglang umulan nang napakalakas habang pabalik kami mula sa Pinto Art Museum, kaya napilitan akong papasukin muna si Kael sa bahay habang nagpapatila siya ng ambon.Inayos ni Kael ang kaniyang basang buhok habang nakatayo sa may entrada. Tinitigan niya ang mataas na kisame, ang malaking chandelier, at ang malawak na living room ng aming mansion." Sigurado ka bang okay lang na pumasok ako rito?" pabulong na tanong ni Kael habang nakatingin sa akin. " Pakiramdam ko kapag nakatapak ako sa carpet niyo, babawasan ng Security Detail 'yung taon ng buhay ko."Natawa ako nang mahina habang inaayos ang dress ko. " Huwag kang mag-alala. Wala rito si Daddy ngayon. May meeting siya sa Makati hanggang gabi, kaya ligtas ka.""

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 220

    Luna's POVNakatayo ako sa harap ng salamin sa aking kwarto habang hawak ang tatlong magkakaibang outfit para sa Sabado. Sa Sabado na ang punta namin ni Kael sa Pinto Art Museum. Ilang beses ko nang isinukat ang simpleng white linen dress, pero pakiramdam ko ay masyadong pormal. Isinukat ko rin ang maong jacket at black top, pero parang sobrang kaswal naman.Pumikit ako at napasandal sa gilid ng dresser. Ano ba itong nangyayari sa akin? Museum visit lang naman ito kasama ang project partner ko."Luna, baby?"Mabilis kong ibinaba ang mga damit sa kama nang marinig ko ang boses ni Mommy. Pumasok siya sa kwarto ko habang may dalang dalawang tasa ng chamomile tea. Nakasuot siya ng kaniyang paboritong silk robe at nakatali nang maayos ang kaniyang buhok."Mom," bati ko sabay ngiti nang bahagya. "Gising ka pa pala."Inilapag ni Mommy ang mga tasa sa nightstand at naupo sa gilid ng aking kama. Tinitigan niya ang mga damit na nakakalat s

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 219

    Luna's POV"Luna, libre ka ba ngayong Sabado? May magandang art installation sa Pinto Art Museum sa Antipolo. Naisip ko lang na baka gusto mong pumunta kasama ko."Napatigil ako sa pag-aayos ng aking camera lenses sa malaking wooden table ng Fine Arts studio. Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Si Julian, isang third year architecture student na paboritong photographer din ng student council. Gwapo, matangkad, at laging maayos magsalita. Ilang linggo na rin siyang madalas magdala ng kape para sa akin at laging naghahanap ng dahilan para makipag-usap.Bago ako makasagot, narinig ko ang malakas na kalabog ng isang metal light stand sa kabilang dulo ng studio.Si Kael. Nag-aayos siya ng mga kable sa gilid, pero ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa aming dalawa ni Julian. Napakasama ng kaniyang tingin, na parang may nagawang napakalaking kasalanan ang taong nakatayo sa tabi ko." May problema ba doon, Vance?" tanong ni Julian haban

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 3

    Aella's POV “Luna, ubusin mo ang gulay mo. Kung hindi, walang cartoon mamaya,” paalala ko habang nilalagyan ng sabaw ng sinigang ang kaniyang kanin. Napasimangot ang anak ko. Tinitigan niya ang hiwa ng labanos at kangkong sa kaniyang plato na parang nakaharap siya sa kaniyang pinakamalaking kaa

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 2

    Aella's POV Isang mahabang katahimikan ang sumunod. Walang sumasagot. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat na paghinga ng malaking aso. Dahan-dahan, itinaas ko ang aking tingin. At doon, literal na napatitig ako. Ang description ng ahente, at ng mga kapitbahay at pakiwari ko'y kulang p

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 1

    Aella's POV “Luna, dahan-dahan! Huwag kang tumakbo, baka madapa ka!” Huli na ang babala ko. Sa isang kisapmata, matulin nang tumatakbo ang tatlong taong gulang kong anak patungo sa nagtataasang halaman sa gilid ng garahe. Bitbit ko ang dalawang plastic ng grocery sa magkabilang kamay, habang an

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy!   KABANATA 5

    Aella's POV Eksaktong alas-otso ng umaga, habang abala ako sa pagpapasok ng mga basang labada sa washing machine, narinig ko ang sunod-sunod na katok sa aming pinto. Tok! Tok! Tok! “Mommy! May bisita tayo! Ang cookies ko andyan na!” malakas na tili ni Luna mula sa sala. Patakbo siyang lumapit sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status