Partager

KABANATA 2

Auteur: CESSYPRINCE
last update Date de publication: 2026-05-25 07:18:38

Aella's POV

Isang mahabang katahimikan ang sumunod. Walang sumasagot. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat na paghinga ng malaking aso.

Dahan-dahan, itinaas ko ang aking tingin. At doon, literal na napatitig ako.

Ang description ng ahente, at ng mga kapitbahay at pakiwari ko'y kulang para ilarawan ang lalaking ito. He wasn’t just a good-looking man. He was dangerously handsome. May matangos siyang ilong, makakapal na kilay, at mga matang kulay tsokolate na tila ba nakakabasa ng iniisip ng ibang tao. Ang kaniyang panga ay may kaunting balbas na lalong nagpatikas sa kaniyang mukha. Bagamat nakakunot ang kaniyang noo, hindi mo maitatangi na para siyang modelong lumabas sa isang luxury magazine.

Mr. Pogi nga, sa-isip ko. Kaya naman pala ito ang itinawag ng anak ko.

“Is this your child?” Mababa, baritono, at malamig ang boses niya. Parang boses ng hari na nag-uutos sa kaniyang mga alipin.

“O-Opo, Sir. Anak ko po. Ako po si Aella, ’yung bagong nangungupahan sa Unit B,” nauutal kong sagot habang mas hinihigpitan ang yakap kay Luna. “Pasensya na po talaga sa abala. Alam ko po ang rule tungkol sa ingay—”

“You broke the rule,” putol niya sa sinasabi ko. Tiningnan niya si Luna, bago muling ibinalik ang malamig na tingin sa akin. “Not only did she make noise, she trespassed on my property.”

“Mommy, hindi ako trace-passing!” sabat bigla ni Luna, nahihirapan pa sa salitang narinig. “Hinabol ko lang si Mr. Pogi Butterfly! Tapos nakita ko si Mr. Pogi Landlord!”

“Luna, shut up,” saway ko sa kaniya, pakiramdam ko ay lalong lumulubog ang paa ko sa kumunoy. Tumingin ako kay Zion nang may pagsusumamo. “Sir, pakiusap. Ako na lang ang pangaralan niyo, huwag ang bata. At please, huwag niyo kaming paalisin. Napakalaking tulong po ng murang upa rito para sa amin.”

Tinitigan ako ni Zion nang ilang segundo. May kung anong dumaan sa kaniyang mga mata tila isang kislap na hindi ko maintindihan, bago ito mabilis na napalitan ng dati nitong malamig na ekspresyon.

“I don’t like children,” seryoso niyang pahayag. “They are loud, destructive, and unpredictable.”

“Friendly naman po si Luna, Sir—”

“I don’t care,” madiin niyang sabi. Humakbang siya nang isang beses pabalik, at sumunod sa kaniya ang malaking aso. “This is your first and last warning, Ms. Vergara. Siguraduhin mong hindi ko na makikita ang anak mo sa bakuran ko. Kung hindi, alam mo kung saan ang daan palabas ng subdivision na ito.”

Bago pa ako makasagot, tumalikod na siya at naglakad patungo sa kaniyang mansiyon kasama ang kaniyang aso.

Napalunok ako. Ang kaba sa dibdib ko ay unt-unting napalitan ng inis, pero mas nangingibabaw ang takot na mawalan ng matitirhan. Hinarap ko si Luna na ngayon ay nakangiti pa rin habang kumakaway sa papalayong likod ni Zion.

“Bye-bye, Boss Daddy! See you tomorrow!” masiglang sigaw ng anak ko.

“Luna!” Agad kong tinakpan ang bibig niya at mabilis na naglakad pabalik sa townhouse namin. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, agad kong isinara ang pinto ng kusina at ibinaba si Luna sa sahig.

“Ano’ng tinawag mo sa kaniya? Boss Daddy?” tanong ko, bahagyang hinilot ang aking sentidó. “Luna, napakamasungit ng taong ’yon. Pwede tayong mawalan ng bahay dahil sa ginawa mo.”

“But Mommy, he is not a monster. He is nice! Bibigyan niya raw ako ng cookies next time,” nakangiting sagot ni Luna habang naglalakad patungo sa kaniyang mga laruan.

Napakunot ang noo ko. “Cookies? Kailan niya sinabi ’yan? Ni hindi nga siya ngumiti kanina.”

“Sinabi niya kanina bago ka dumating, Mommy. Sabi niya, may cookies siya sa loob ng big house.” Niyakap ni Luna ang kaniyang manika at naupo muli sa sahig.

Umiling na lang ako. Siguro ay guni-guni lang ng bata iyon dahil nakakita siya ng aso at ng magandang bahay. Imposibleng mag-alok ng cookies ang isang Zion Monteverde na kilala sa pagiging cold at suplado. Ang mahalaga ngayon, kailangan kong bantayan nang maigi ang anak ko. Isang pagkakamali pa, sa kalsada na kami pupulutin.

Pumunta ako sa sala para kunin ang cellphone ko na kanina pa pala nagva-vibrate sa ibabaw ng lamesa. May mensahe mula sa ahente ng bahay.

“Good day, Ms. Aella. Tinatanong po ni Sir Zion kung maayos ba ang aircon sa Unit B. Kung may kailangan daw po kayong ipagawa, sabihan niyo lang daw po siya agad.”

Napatitig ako sa text. Medyo nagtaka ako. Bakit biglang nagtatanong ang landlord tungkol sa aircon, gayong katatapos lang niya kaming pagbantaan na palalayasin?

“Ang gulo ng may-ari ng bahay na ito,” bulong ko sa sarili ko.

Tumingin ako sa bintana, tanaw ang malaking mansiyon sa kabilang bakod. Pakiramdam ko, ang pananatili namin sa lugar na ito ay magiging isang malaking hamon. Pero para kay Luna, titiisin ko ang kasungitan ng pogi na iyon. Isasara ko na lang nang mabuti ang lahat ng pinto at bintana para hindi na makalabas ang anak ko.

Habang nag-iisip ako ng mga paraan kung paano iiwasan ang landlord, hindi ko napansin si Luna sa sulok ng sala. Lumingon ang bata sa bintana, may hawak na maliit na plastik na walkie-talkie na kulay pink na nakuha niya sa kaniyang lumang laruan.

Pinihit niya ang maliit na button nito at inilapit sa kaniyang bibig, habang nakatingin sa direksyon ng mansiyon sa kabila.

“Boss Daddy, over,” mahinang bulong ni Luna sa laruan, sapat lang para hindi ko marinig mula sa kusina. “Nagalit si Mommy. Pero nakita mo na siya, ’di ba? Sabi mo may ice cream ako bukas. Over!”

Mula sa kabilang bahagi ng bakod, sa madilim na silid ng ikalawang palapag ng mansiyon, isang lalaki ang nakatayo sa tabi ng bintana. Hawak niya ang kaniyang high-end na smartphone na konektado sa isang frequency app. Isang tipid at bihirang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Zion Monteverde habang nakatingin sa maliit na bahay sa tapat.

“Roger that, baby wingman,” mahinang sagot ni Zion sa kaniyang telepono. “Two scoops of strawberry ice cream, as promised.”

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy   KABANATA 37: ‼️SPG‼️

    Aella's POVIlang minuto na ang lumipas dahil hindi ko na matantiya. Ang tanging alam ko ay ang bawat pintig ng puso ni Zion na dumadagundong sa aking dibdib, ang bawat paghinga naming naghahalo sa dilim, at ang walang humpay na pagdampi ng kanyang mga labi sa balat ko."Zion..." halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses. Paulit-ulit ko itong ibinubulong na parang dasal, habang ang aking mga daliri ay abala sa paghahanap ng laylayan ng kanyang t-shirt. Marahan ko itong hinihila paitaas, at siya naman ay tumulong para mas mapabilis ang galaw at mahubad na ang kanyang pang-itaas bago pa man ako makapag-isip.Ang init ng kanyang balat ay direktang dumikit sa akin, at maya-maya pa ay naramdaman ko ang kanyang mga palad na marahang pumapaimbabaw sa aking mga hita, unti-unting ibinababa ang suot kong pajama. Bawat galaw niya ay mabagal, pero ang kanyang mga mata sa dilim ay animo'y nagniningas na apoy."You sure about this, Aella?" bulong niya sa pagitan ng mga halik sa aking panga,

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy   KABANATA 36

    Aella's POV Kung may isang bagay man na talagang kahinaan ko simula pa noong bata ako, ’yun ay ang matinding takot sa dilim. Kaya ko namang harapin ang mga deadlines, ang mga lasing sa compound, o kahit ang matatalas na dila ng mga tsismosa, pero kapag binalot na ng kabuuang kadiliman ang paligid, literal na nagpapanic ang buong sistema ko. Alas-onse na ng gabi. Kagagaling lang namin sa isang simpleng dinner sa labas at kasalukuyan kaming nasa loob ng Unit B. Mahimbing nang natutulog si Luna sa kwarto dahil napagod sa biyahe, habang kami naman ni Zion ay nasa sala pa. Kakalapag ko lang ng bag ko sa lamesa nang biglang mangyari ang hindi inaasahan. Zzzzt… Pop! Isang malakas na tunog ng short circuit ang narinig mula sa transformer sa labas, at sa isang kurap ng mata, tuluyang namatay ang lahat ng ilaw. Total blackout. Ang buong compound ay binalot ng nakakatakot na kadiliman. Kahit ang liwanag mula sa mga poste sa kalsada ay nawala. “Hala!” napasigaw ako nang mahina, kasabay

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy   KABANATA 35

    Aella's POV Kung mayroon mang pinakamalaking pagbabago kay Zion simula nang maging official ang pamilya namin sa drowing ni Luna, ’yun ay ang kaniyang mukha. Dati, noong bagong lipat pa lang kami sa compound, ang tingin ko sa kaniya ay nakakatakot na rebulto ng kasungitan. Palaging nakakunot ang noo, seryoso ang mga mata, at ang boses ay parang laging dominante at malamig. Pero ngayon? Sabado ng umaga habang nagtitimpla ako ng kape sa kusina ng Unit B, napansin ko na naman ang kakaibang phenomenon na ’to. Si Zion, nakaupo sa carpet ng sala, kasalukuyang ginagawang unan ni Luna habang pinapanood si Duke na hinahabol ang dulo ng kaniyang sinturon. At ang loko, nakangiti. Hindi lang basta tipid na ngiti. Kundi isang malawak, abot-taingang ngiti na nagpapakita ng kaniyang mga pantay na ngipin at nagpapasingkit sa kaniyang mga mata. Ang gwapo-gwapo niya, mukha siyang commercial model ng toothpaste na hinaluan ng aura ng isang napakalambing na tatay. “Boss Daddy, look at Duke! He think

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy   KABANATA 34

    Aella's POV Biyernes ng hapon. Dahil magaling na ako at tapos na rin ang mga nakatambak kong trabaho, nagkaroon ako ng oras para maglinis ng sala. Habang si Luna ay abala sa panonood ng cartoons at si Zion naman ay may pinapakisuyong pirmahang kontrata sa labas kasama ang kaniyang sekretarya, sinimulan kong iligpit ang mga nagkalat na laruan sa carpet. Nang iangat ko ang maliit na wooden table ni Luna, may nalaglag na isang piraso ng sketchpad mula sa ilalim nito. Dadamputin ko na sana para itapon sa basurahan kung sakaling drowing lang ng mga pusa o spaceship, pero napatigil ako nang mapansin ang mga kulay. Drowing ito ng tatlong tao. Ginamitan ito ng makukulay na crayon dahil may dilaw, asul, at pink. Sa gitna, may isang maliit na batang babae na may suot na korona na kulay pink paniguradong si Luna 'to. Sa kaniyang kaliwa, may isang babaeng may mahabang buhok na nakasuot ng apron na may hawak na sandok alam kong ako 'to. At sa kaniyang kanan, may isang matangkad na lalaki na na

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy   KABANATA 33

    Aella's POV Salamat sa mga miracle medicine, masusustansyang sopas, at tila doctor-level na pag-aalaga ni Zion nitong mga nakaraang araw, sa wakas ay bumaba na ang lagnat ko. Huwebes ng hapon, pakiramdam ko ay nagkaroon na uli ng buhay ang mga natuyo kong cells sa katawan. Dahil lagkit na lagkit na ako sa sarili ko, nagprisinta akong maligo kahit medyo may konting hilo pa. Pagkalabas ko ng banyo ng Unit B habang nakasuot ng powder blue pajamas ko, nakatapis pa ng tuwalya ang basang-basa kong buhok. Naabutan ko si Zion na nakaupo sa gilid ng kama ko, seryosong may binabasang dokumento sa tablet niya habang binabantayan si Luna na natutulog na para sa kaniyang afternoon nap. Nang marinig niya ang pagbuka ng pinto, mabilis niyang ibinaba ang tablet at tumayo. Salubong ang kaniyang mga kilay habang papalapit sa akin. “Aella, bakit ka naligo agad? Baka mabinat ka,” medyo masungit pero puno ng pag-aalalang saway niya habang hinahawakan ang siko ko para alalayan ako. “Ang lagkit ko

  • Mr. Pogi is my Boss Daddy   KABANATA 32

    Aella's POV Karma yata ito ng pagiging workaholic ko, o sadyang sumuko lang talaga ang katawan ko matapos ang ilang linggong puyat sa deadlines at pag-aasikaso sa makulit kong anak. Martes ng umaga, imbis na marinig ko ang tila alarm clock na boses ni Luna, nagising ako na parang pinupukpok ng maso ang ulo ko. Ang bigat ng talukap ng mga mata ko, tuyong-tuyo ang lalamunan ko, at nanginginig ang buong katawan ko sa lamig kahit pinatay ko na ang aircon. “Mommy? Are you okay po? Bathtime na natin,” marahang kalabit ni Luna sa pisngi ko. Pilit kong idinilat ang mga mata ko. “Baby… sandali lang, ha? Sobrang sakit ng ulo ni Mommy. Diyan ka muna sa sala, huwag kang magulo.” Ang hina ng bose ko, halos pabulong na. Mabilis na tumakbo si Luna palabas ng kwarto. Akala ko ay sumunod siya sa utos ko na maglaro, pero makalipas ang sampung minuto, nakarinig ako ng mabilis at mabibigat na yabag ng paa patungo sa direksyon ko. Biglang bumukas ang pinto. Laking gulat ko nang makita si Zion na naka

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status