LOGIN
Aella's POV
“Luna, dahan-dahan! Huwag kang tumakbo, baka madapa ka!” Huli na ang babala ko. Sa isang kisapmata, matulin nang tumatakbo ang tatlong taong gulang kong anak patungo sa nagtataasang halaman sa gilid ng garahe. Bitbit ko ang dalawang plastic ng grocery sa magkabilang kamay, habang ang bag ko naman ay nakasabit sa aking siko, kaya wala akong nagawa kundi panoorin ang kaniyang pagpaspas. “Mommy, look! May butterfly na kulay blue! Hinahabol ko!” masiglang tili ni Luna Elise. Ang kaniyang itim na buhok na naka-pigtails ay sumasayaw sa hangin habang nakataas ang maliliit niyang kamay. “Luna, sabi nang huwag maingay, ’di ba?” mariin kong bulong habang nagmamadaling lumapit sa kaniya. Medyo hinihingal pa ako mula sa paglalakad mula sa labasan ng subdivision hanggang dito sa inuupahan naming townhouse. Maganda ang lugar. Tahimik, sementado ang mga daan, at may mga guwardiya sa gate. Pero ang pinakamalaking bonus? Sobrang mura ng upa. Halos kalahati lang ito ng presyo ng mga apartment sa labas. Noong una nga, akala ko ay may multo rito kaya bagsak-presyo, pero nang makita ko ang kontrata, mas nakakatakot pa pala sa multo ang nag-iisang kondisyon ng may-ari. Rule Number 1: Bawal ang maingay. Absolute silence is highly appreciated. “Mommy, look! Umakyat sa pader!” turo ni Luna sa mataas na konkretong pader na naghihiwalay sa maliit naming bakuran at sa naglalakihang mansiyon sa kabilang bahagi ng compound. Ang mansiyon ng aming landlord. Ang mansiyon ni Zion Monteverde. “Hayaan mo na ang butterfly, Luna. Halika na sa loob, magluluto pa si Mommy ng hapunan natin,” pangungumbinsi ko habang pilit na binubuksan ang pinto gamit ang libreng daliri ng kaliwang kamay ko. “But Mommy, si Mr. Pogi Butterfly ay lumipad doon sa bintana ng big house!” pagpupumilit ng bata, habang nakaturo pa rin ang maliit na daliri sa ikalawang palapag ng mansiyon. Napatingin din ako sa direksyong iyon. Malalaking glass windows ang nandoon, ngunit natatakpan ng makakapal na kurtina. Doon nakatira ang tinaguriang Boss ng buong compound na ito. Ayon sa ahente na kausap ko noong kinuha ko ang unit, isang mailap at supladong bilyonaryo ang may-ari. Halos hindi raw ito lumalabas ng bahay at allergic sa ingay ng mga tao, lalo na ng mga bata. Kaya nga bawat kilos namin ni Luna, kailangang maingat. “Luna, pasok na. Huwag mong tinitingnan ang bahay na ’yan, baka lumabas ang monster,” pananakot ko sa kaniya sa mahinang boses. “Monster, Mommy? Like Shrek?” “Mas nakakatakot kay Shrek. Kaya pasok na, dali.” Sa wakas, naitulak ko rin ang pinto at pumasok kami sa malamig na loob ng bahay. Ibinaba ko ang mga grocery sa counter ng kusina at napabuntong-hininga. Isang buwan pa lang kami rito, pero parang palagi akong tiktik na nagmamanman sa paligid dahil sa takot na mabulabog ang bilyonaryo sa kabila at bigla kaming palayasin. Mahirap maghanap ng murang matitirhan ngayon para sa isang single mom na tulad ko na umaasa lang sa pagiging freelance graphic designer. “Mommy, can I have a cookie?” tanong ni Luna na ngayon ay nakaupo na sa sahig at naglalaro ng kaniyang maliit na manika. “Mamaya pagkatapos kumain ng rice, baby. Magluluto lang si Mommy ng sinigang.” “Okay po.” Nagsimula akong mag-asikaso ng mga sahog. Masarap ang simoy ng hangin mula sa nakabukas na bintana ng kusina. Habang naghihiwa ako ng sibuyas, tahimik ang paligid. Masyadong tahimik. Doon ako biglang kinabahan. Kapag ang isang tatlong taong gulang na bata ay biglang tumahimik, dalawa lang ang ibig sabihin niyan pwedeng dahil may ginagawang kalokohan, o may sinisirang gamit. “Luna?” tawag ko habang nakasilip sa sala. Wala si Luna. Ang manika niya ay nakahandusay lang sa sahig. “Luna Elise?” Medyo lumakas na ang boses ko. Lumabas ako ng sala at tiningnan ang banyo. Wala. Umakyat ako sa maliit naming kwarto sa taas. Wala rin. Lumundag ang puso ko sa kaba. Agad akong bumaba at tumakbo patungo sa pinto ng kusina na nakabukas pala patungo sa likod-bahay. Doon ko nakita ang isang maliit na silya na nakatapat sa mababang bahagi ng bakod na gawa sa mga pandekorasyong halaman. At sa kabila ng bakod… ay ang malawak at napakagandang hardin ng mansiyon ni Zion Monteverde. “Diyos ko, Luna…” bulong ko na parang maiiyak. Mabilis akong sumilip sa pagitan ng mga halaman. At doon, muntik na akong mawalan ng hininga sa aking nakita. Sa gitna ng napakalinis na bermuda grass ng mansiyon, nakaupo ang anak ko. At sa harap niya, nakatayo ang isang lalaki. Kahit nakatalikod ang lalaki, alam kong siya na iyon. Sabi ng mga kapitbahay, kilala si Zion sa kaniyang tindig—matangkad, malapad ang balikat, at may awtoridad sa bawat galaw. Naka-puting polo shirt ito na nakatupi hanggang siko at itim na slacks. At sa tabi nito, may isang napakalaking aso na mukhang mamahaling breed ng Siberian Husky. “Hi, Mr. Pogi!” masiglang bati ng anak ko sa lalaki, na tila ba hindi nito alam na maaari siyang lamunin ng buhay ng aso o ng mismong may-ari. Hindi sumagot ang lalaki. Nanatili itong nakatayo, nakapamulsa ang isang kamay, habang nakatitig sa maliit na bata sa harap niya. “Luna!” pabulong ngunit madiin kong tawag mula sa bakod. “Luna, bumalik ka rito!” Hindi ako narinig ng anak ko. Sa halip, inilahad pa niya ang kaniyang maliit na kamay sa malaking aso. “Hello, doggy! Ano’ng name mo? Ako si Luna.” “Luna Elise Vergara, pumasok ka rito kung ayaw mong mapalo!” Sa takot ko, nakalimutan ko nang baka marinig ako ng landlord. Lumusot ako sa pagitan ng mga halaman, walang pakialam kung sumabit ang buhok ko o madumihan ang t-shirt ko. Lumapit ako nang mabilis at binuhat si Luna patalikod. “Pasensya na po! Pasensya na talaga, Sir!” sunod-sunod na hingi ko ng paumanhin habang yakap-yakap ang anak ko. Hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya. “Hindi ko po sinasadya, nakalusot po siya sa bakod. Hindi na po mauulit, pangako. Huwag niyo po kaming palayasin.”Luna's POVHindi ako in love sa kaniya. Imposible.Bumangon ako mula sa aking higaan at mabilis na kinuha ang notebook sa ibabaw ng aking study table. May studio session kami ni Kael pagdating ng hapon, pero mag-iisang oras na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko habang pilit na inaayos ang sarili kong isip. Hindi ako pwedeng magpadala sa sinabi niya kagabi sa ilalim ng streetlamp. Sinabi niya lang 'yun kasi gusto niya akong protektahan sa galit ni Daddy. Walang ibig sabihin 'yun.Kumuha ako ng ballpen at dahan-dahan kong isinulat ang pangalan niya sa tuktok ng pahina. I need to be logical about this. Kailangan kong ilista ang lahat ng dahilan kung bakit hindi dapat ako mahulog kay Kael Vance.Una, napakayabang niya. Sobra. Akala mo kung sinong laging magaling at laging may hawak ng tamang sagot sa lahat ng bagay.Pangalawa, napakasarkastiko ng pananalita niya. Mula noong unang araw na nagkaharap kami sa studio hanggang kagabi, wala siyang palampas na pang-aasar sa akin. Hindi siya
Luna's POVTahimik ang buong paligid habang binabagtas namin ni Kael ang daan patungo sa gilid ng subdivision kung saan nakatambay ang mga pampublikong sasakyan. Binitawan ko na ang kaniyang kamay pero nanatili siyang naglalakad sa tabi ko, pinapanatili ang mabagal at kalmadong hakbang para hindi ako mahirapan.Sariwa pa rin ang galit sa aking dibdib mula sa pagtatalo namin ni Daddy sa patio. Nanginginig pa rin ang mga daliri ko sa matinding hiya at inis."Luna, huminto ka muna," mahinang boses ni Kael habang humahawak sa aking balikat.Napatigil ako sa paglalakad sa ilalim ng streetlamp at humarap sa kaniya. Hindi ko maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata."I'm so sorry, Kael," pabulong na hingi ko ng paumanhin habang lumalabas na naman ang init sa mga gilid ng aking mata. "Pasensya ka na sa ginawa ni Daddy. Hindi ko talaga alam na kakausapin ka niya nang ganoon. Nagagalit ako kasi alam kong wala kang ginagawang mas
Luna's POV Umakyat ako sa ikalawang palapag para kunin ang portfolio binder sa aking study room. Dali-dali kong hinalungkat ang ibabaw ng mesa hanggang sa mahanap ko ang mabilis na naisulat na draft para sa exhibition layout. Hawak ang mga papel, mabilis akong bumaba ng hagdanan para balikan sina Kael at Daddy sa sala. Pero bago pa man ako makatapak sa huling tatlong baitang, napansin kong wala na sila sa living room. Tahimik ang buong paligid. Ang boses lang ng dalawang lalaki ang naririrnig ko mula sa glass patio door na patungo sa may garden. Dahan-dahan akong huminto sa tabi ng malaking curtain sa may hallway. Sumilip ako nang kaunti at nakita ko silang dalawa na nakatayo malapit sa mga halamaman. Nakatayo si Daddy habang nakatitig nang deretso sa mga mata ni Kael. Ibinaba niya ang kaniyang baso ng kape sa maliit na outdoor table. Ang kaniyang mukha ay wala nang kahit anong halong biro. Bumalik ang pormal at nakakatakot
Luna's POV"Kael, pumasok ka muna sa loob. Kukunin ko lang sa study room ang portfolio binder na nakalimutan ko kahapon."Isinara ko ang pinto ng aming bahay habang ibinababa ang aking tote bag sa console table sa foyer. Biglang umulan nang napakalakas habang pabalik kami mula sa Pinto Art Museum, kaya napilitan akong papasukin muna si Kael sa bahay habang nagpapatila siya ng ambon.Inayos ni Kael ang kaniyang basang buhok habang nakatayo sa may entrada. Tinitigan niya ang mataas na kisame, ang malaking chandelier, at ang malawak na living room ng aming mansion." Sigurado ka bang okay lang na pumasok ako rito?" pabulong na tanong ni Kael habang nakatingin sa akin. " Pakiramdam ko kapag nakatapak ako sa carpet niyo, babawasan ng Security Detail 'yung taon ng buhay ko."Natawa ako nang mahina habang inaayos ang dress ko. " Huwag kang mag-alala. Wala rito si Daddy ngayon. May meeting siya sa Makati hanggang gabi, kaya ligtas ka.""
Luna's POVNakatayo ako sa harap ng salamin sa aking kwarto habang hawak ang tatlong magkakaibang outfit para sa Sabado. Sa Sabado na ang punta namin ni Kael sa Pinto Art Museum. Ilang beses ko nang isinukat ang simpleng white linen dress, pero pakiramdam ko ay masyadong pormal. Isinukat ko rin ang maong jacket at black top, pero parang sobrang kaswal naman.Pumikit ako at napasandal sa gilid ng dresser. Ano ba itong nangyayari sa akin? Museum visit lang naman ito kasama ang project partner ko."Luna, baby?"Mabilis kong ibinaba ang mga damit sa kama nang marinig ko ang boses ni Mommy. Pumasok siya sa kwarto ko habang may dalang dalawang tasa ng chamomile tea. Nakasuot siya ng kaniyang paboritong silk robe at nakatali nang maayos ang kaniyang buhok."Mom," bati ko sabay ngiti nang bahagya. "Gising ka pa pala."Inilapag ni Mommy ang mga tasa sa nightstand at naupo sa gilid ng aking kama. Tinitigan niya ang mga damit na nakakalat s
Luna's POV"Luna, libre ka ba ngayong Sabado? May magandang art installation sa Pinto Art Museum sa Antipolo. Naisip ko lang na baka gusto mong pumunta kasama ko."Napatigil ako sa pag-aayos ng aking camera lenses sa malaking wooden table ng Fine Arts studio. Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Si Julian, isang third year architecture student na paboritong photographer din ng student council. Gwapo, matangkad, at laging maayos magsalita. Ilang linggo na rin siyang madalas magdala ng kape para sa akin at laging naghahanap ng dahilan para makipag-usap.Bago ako makasagot, narinig ko ang malakas na kalabog ng isang metal light stand sa kabilang dulo ng studio.Si Kael. Nag-aayos siya ng mga kable sa gilid, pero ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa aming dalawa ni Julian. Napakasama ng kaniyang tingin, na parang may nagawang napakalaking kasalanan ang taong nakatayo sa tabi ko." May problema ba doon, Vance?" tanong ni Julian haban
Aella's POV Eksaktong alas-otso ng umaga, habang abala ako sa pagpapasok ng mga basang labada sa washing machine, narinig ko ang sunod-sunod na katok sa aming pinto. Tok! Tok! Tok! “Mommy! May bisita tayo! Ang cookies ko andyan na!” malakas na tili ni Luna mula sa sala. Patakbo siyang lumapit sa
Aella's POV Kinabukasan, maagang nabulabog ang umaga ko dahil sa sikat ng araw na pumasok sa bintana at sa walang tigil na pangungulit ng aking anak. “Mommy, gising na po! May mission tayo ngayon!” yugyog ni Luna sa balikat ko habang nakaluhod sa gilid ng kama ko. Alas-siyete pa lang ng umaga. K
Aella's POV “Luna, ubusin mo ang gulay mo. Kung hindi, walang cartoon mamaya,” paalala ko habang nilalagyan ng sabaw ng sinigang ang kaniyang kanin. Napasimangot ang anak ko. Tinitigan niya ang hiwa ng labanos at kangkong sa kaniyang plato na parang nakaharap siya sa kaniyang pinakamalaking kaa
Aella's POV Isang mahabang katahimikan ang sumunod. Walang sumasagot. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabigat na paghinga ng malaking aso. Dahan-dahan, itinaas ko ang aking tingin. At doon, literal na napatitig ako. Ang description ng ahente, at ng mga kapitbahay at pakiwari ko'y kulang p







