LOGINAella's POV
Eksaktong alas-otso ng umaga, habang abala ako sa pagpapasok ng mga basang labada sa washing machine, narinig ko ang sunod-sunod na katok sa aming pinto. Tok! Tok! Tok! “Mommy! May bisita tayo! Ang cookies ko andyan na!” malakas na tili ni Luna mula sa sala. Patakbo siyang lumapit sa pinto, ngunit mabilis ko siyang nahila sa kaniyang t-shirt para mapigilan. “Luna, rule number one natin? Huwag basta-basta magbubukas ng pinto,” paalala ko habang pinupunasan ang aking mga kamay sa aking short. Nang buksan ko ang pinto, hindi ang masungit na mukha ni Zion Monteverde ang bumungad sa akin. Sa halip, isang lalaking naka-uniporme ng isang sikat at mamahaling hotel ang nakatayo roon. May tulak-tulak siyang isang eleganteng food cart na may takip na pilak, at sa ibabaw nito ay may isang malaking ice cream bucket na gawa sa kahoy. “Good morning po, Ms. Aella Vergara?” nakangiting bati ng waiter. “Ah… opo. Ako nga po. Pero kuya, parang nagkakamali kayo ng pinuntahang unit. Wala akong inorder na ganyan,” nag-aalangan kong sagot habang pilit na tinatanaw ang laman ng cart. “Hindi po kami nagkakamali, Ma'am. Mula po ito kay Sir Zion Monteverde. Pinapahatid po niya ang almusal at ang… special request para sa kaniyang munting kapitbahay,” magalang na paliwanag ng waiter. Bago ko pa man makuha ang dila ko para tumanggi, nakalusot na si Luna sa ilalim ng braso ko. “Wow! Ice cream! At tsokolate cookies!” pumalakpak ang aking anak habang kumikinang ang mga mata sa tuwa. “Thank you, Kuya Delivery!” “Walang anuman, Little Miss,” sagot ng waiter, bago muling humarap sa akin. “Ibinilin din po ni Sir Zion na kailangang maubos niyo ang pagkain dahil ayaw niya ng nag-aaksaya sa kaniyang compound. Iiwan ko na po ito rito. Balikan ko na lang po ang cart mamayang hapon.” Tulala akong napatango na lang habang ipinapasok ng waiter ang pagkain sa loob ng aming maliit na sala. Nang makaalis ang lalaki, naiwan akong nakatitig sa dami ng pagkain sa ibabaw ng lamesa, may bagong luto na pancakes na may iba't ibang syrups, isang tray ng naglalakihang chocolate chip cookies na amoy mamahalin, at isang malaking tub ng premium strawberry ice cream. May kasama pa itong tatlong makakapal na coloring books at isang set ng mamahaling crayons. “Luna,” seryoso kong tawag sa anak ko na kasalukuyan nang sumusubok magbukas ng takip ng ice cream. “Hindi ba sinabi ko sa’yo na huwag tayong tatanggap ng kung ano-ano sa landlord natin? Bakit parang alam mo na magpapadala siya nito?” Napatigil si Luna. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang maliliit na kamay at tumingin sa akin nang may inosenteng mga mata. “Kasi po… sinabi niya po kahapon sa hardin, ’di ba? Sabi niya may cookies siya.” Napakunot ang noo ko. Totoo ngang binanggit iyon ni Zion kaninang umaga bago ako bumalik sa bakod, pero bakit parang sobra-sobra naman ito para sa isang simpleng paghingi ng paumanhin? At bakit may kasamang coloring books? Ni hindi ko naman binanggit sa kaniya na mahilig mag-kulay ang anak ko. “Kakaiba talaga ang bilyonaryong ’yon,” bulong ko. “Akala mo kung sinong halimaw kung magsalita, pero nagpapadala ng ganito karaming pagkain.” “Mommy, kain na tayo! Please? Gutom na si Luna,” pagmamakaawa ng anak ko, habang nakahawak pa sa kaniyang maliit na tiyan para magpacute. Dahil sayang naman kung matutunaw ang ice cream, wala akong nagawa kundi bigyan siya. Nilagyan ko ng dalawang malalaking scoops ng strawberry ice cream ang isang mangkok, at kumuha rin ako ng isang pancake para sa sarili ko. Habang kumakain kami, hindi ko mapigilang mapatingin sa bintana na nakaharap sa mansiyon. Natatakpan pa rin ng makapal na kurtina ang bintana ng kwarto ni Zion. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Nakatingin din kaya siya sa amin? Samantala, sa kabilang bahagi ng bakod, sa loob ng kaniyang malawak at modernong kusina, nakaupo si Zion Monteverde habang umiinom ng kaniyang itim na kape. Sa harap niya ay ang kaniyang laptop, ngunit hindi mga numero ng kumpanya ang kaniyang tinitingnan, kundi ang isang video feed mula sa security camera na nakatutok sa likod-bahay ng Unit B. Nakita niya sa screen ang paglabas ng waiter mula sa bahay ni Aella, tanda na natanggap na ng mag-ina ang kaniyang ipinadala. Narinig niya ang mahinang tunog ng static mula sa kaniyang tabi. Kinuha niya ang kaniyang smartphone at binuksan ang frequency app. “Boss Daddy, over,” narinig niya ang mahinang boses ni Luna mula sa kabilang linya. Mukhang nagtago ang bata sa ilalim ng lamesa para lang makipag-usap sa kaniya. “Masarap ang ice cream! At nagustuhan din ni Mommy ang pancakes. Over.” Isang malawak na ngiti ang sumilip sa mga labi ng striktong bilyonaryo. “Good to know, Luna. Kinakain ba ng Mommy mo ang pagkain niya?” “Opo! Malaki ang subo niya kanina,” report ng maliit na espiya. “Pero Boss Daddy, tinitingnan niya ang big house mo. Sabi niya sa sarili niya, bakit ka raw nagpapadala ng food kahit masungit ka. Over.” Natawa nang bahagya si Zion, isang tunog na kung maririnig ng mga empleyado niya sa kumpanya ay tiyak na ikagugulat ng lahat. “Sabihin mo sa kaniya, ayaw ko lang ng may nagugutom na tenant sa compound ko. At huwag mong kalilimutan ang susunod nating plano para sa linggong ito.” “Ano po ’yun, Boss Daddy?” “Sa Lunes, may darating na mga gamit para sa pag-aayos ng bakod niyo. Kailangan mong sabihin sa Mommy mo na ako ang nagpapadala ng mga manggagawa, at kailangan niyang pumunta sa opisina ko sa mansiyon para pirmahan ang permit.” “Permit? Ano ’yun?” takang tanong ng tatlong taong gulang. “Isang papel para payagan akong pumasok sa buhay niyo… este, sa bakuran niyo,” pagtatama ni Zion, habang ang kaniyang mga mata ay nananatiling nakatitig sa larawan ni Aella na kuha limang taon na ang nakararaan na nakasave sa kaniyang computer. Ang babaeng nagligtas sa kaniya noong gabing duguan siya at iniwan sa ospital nang walang pangalan. “Okay po! Copy that, Boss Daddy! Over and out!” Ibinaba ni Zion ang telepono at sumandal sa kaniyang upuan. Ang kaniyang mga daliri ay dahan-dahang kumatok sa lamesa. “Limang taon kitang hinanap, Aella,” sa-isip niya habang nakatingin sa direksyon ng townhouse. “Ngayong nandito ka na sa pamamahay ko, hindi na kita hahayaang makawala pa uli. Kahit pa kailangan kong gamitin ang buong yaman ko para lang makuha ang tiwala mo.”Aella's POV Kinaumagahan, medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil bumalik na ang kuryente sa mansiyon at tumila na rin ang ulan. Pero imbis na mapanatag ako, nagsimula namang gumana ang paranoid radar ko dahil sa anak ko. Pakiramdam ko talaga, may nakainom ng kakaibang vitamins si Luna dahil simula paggising namin, kung ano-anong gimik ang ginagawa niya para pagdikitin kami ni Zion. Nagsimula iyon sa agahan. Noong uupo ako sa tapat ni Zion, bigla akong hinila ni Luna. “Mommy, sit there! Beside Boss Daddy. Para easy to pass the ulam!” sabi niya habang itinutulak ang pwet ko sa upuang katabi mismo ng aming landlord. Pagkatapos, nang naglalakad ako papuntang sala, sadyang ihahagis ni Luna ang laruan niya sa paanan ni Zion para magkabunggo kami habang pinupulot ito. Anong meron sa batang 'to ngayon? Pero ang pinakamatindi ay naganap pagkatapos ng tanghalian. Naghuhugas ako ng baso sa kusina nang biglang tumakbo si Luna papasok, hingal na hingal. “Mommy! Let's play hide and seek! 1 to 100
Aella's POVAlas-tres na ng madaling araw pero heto ako, nakatitig pa rin sa kisame ng guest room ng mansiyon ni Zion. Sobrang lambot ng kama, may aircon, at amoy mamahaling hotel ang buong silid, pero hindi talaga ako makatulog. Marahil dahil hindi ako sanay sa ganitong karangyaan, o baka dahil hanggang ngayon, paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang huling sinabi sa akin ni Zion bago kami maghiwalay kagabi.“Hindi mo na kailangang mag-isa, Aella. Kasi narito na ako.”Anong ibig niyang sabihin doon? Bilang landlord? Bilang boss? O bilang… ewan! Na-frustrate lang ako lalo kaya nagpasya akong bumangon. Naririnig ko pa rin ang marahang pagpatak ng ulan sa labas. Nag-jacket ako at dahan-dahang binuksan ang pinto para bumaba sa kusina. Kailangan ko ng kape para kumalma ang utak ko.Bitbit ang phone ko para sa kaunting liwanag, dahan-dahan akong naglakad sa madilim na hallway. Pagdating ko sa kusina, natigilan ako. May liwanag na nanggagaling sa counter.Doon, nakaupo si Zion sa isang mat
Aella's POV Hawak niya ang kamay ko habang hinihila ako sa gitna ng dilim, hindi ko alam kung paano kami napadpad sa sitwasyong ito. Dahil sa biglaang blackout at sa matinding pilit ni Zion, heto kami ngayon at pumapasok sa naglalakihang pinto ng kaniyang mansiyon. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, kahit tanging liwanag lang mula sa flashlight ng phone niya ang nagbibigay-buhay sa paligid, literal na napanganga ako. Grabe. Sobrang laki ng espasyo. Ang kisame ay napakataas na may nakasabit na dambuhalang crystal chandelier na kahit walang ilaw ay nagniningning pa rin. Ang sahig ay gawa sa mamahaling makinis na marmol na halos mahihiya kang apakan ng simpleng tsinelas mo. Pero habang iginagala ko ang paningin ko sa malawak na sala, may kung anong bigat na dumapo sa dibdib ko. Napakagarbo, oo, pero napakalungkot. Walang kahit anong kalat. Walang mga litratong nakasabit sa dingding na nagpapakita ng masasayang alaala o ngiti ng isang pamilya. Walang kaide-ideya ng init ng isang tahana
Aella's POV BOOM! “Mommy! The monster is angry again po!” Isang malakas na kulog ang yumanig sa buong townhouse kasabay ng pagkidlat na nagbigay ng panandaliang liwanag sa madilim naming sala. Agad na sumubsob si Luna sa leeg ko, ang maliliit niyang kamay ay nakayapos nang mahigpit sa t-shirt ko habang nanginginig ang buong katawan niya. Halos maiyak na siya sa sobrang takot. “Shh... baby, it’s just the rain. Hindi galit ang monster, naglalaro lang sila ng bowling sa langit,” pagpapatahan ko sa kaniya, kahit ang totoo ay nagpa-panic na rin ako sa loob-loob ko. Kasalukuyang hinahagupit ng malakas na bagyo ang buong subdivision. Isang oras na ang nakakalipas simula nang mag-blackout ang buong compound. Patay ang aircon, walang ilaw, at ang tanging nagbibigay ng kaunting liwanag ay ang natitirang limang porsyento ng baterya ng cellphone ko. Ang hirap ng ganito. Bilang isang single mom, sa mga ganitong pagkakataon ko talaga nararamdaman kung gaano kabigat mag-isa. Walang matakbu
Aella's POV “Sir Zion, seryoso po ba kayo? Alas-siyete pa lang ng umaga, andyan na agad ang mga manggagawa?” Gusot pa ang buhok ko at literal na nakasuot pa ako ng pambahay na t-shirt na may butas sa balikat habang nakadungaw sa pinto. Sa labas, may tatlong lalakeng may bitbit na mga pala, martilyo, at bagong set ng mga kahoy na bakod. At siyempre, sa gitna ng driveway, nakatayo ang bilyonaryo naming landlord mukha siyang fresh na fresh, amoy mamahaling shower gel, at naka-puting linen polo shirt na mukhang bawal madumihan kahit isang tuldok ng alikabok. “I don’t like delaying projects, Ms. Vergara,” malamig at seryoso niyang sagot, habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng kaniyang slacks. “The sooner the fence is fixed, the sooner your child stops trespassing.” Napairap na lang ako sa isip ko. Dahil nahiya naman akong panuorin lang silang magtrabaho sa ilalim ng tumitinding sikat ng araw, napilitan akong pumasok sa kusina para maghanda ng simpleng almusal. Ang nakayanan ng
Aella's POV Buong araw akong hindi mapakali. Literal na lumilipad ang isip ko habang nakatitig sa Adobe Illustrator sa laptop ko. Kahit anong pilit kong mag-focus sa dine-design kong brand logo para sa isang bagong client, parang may multo na pabalik-balik sa utak ko. At ang multong iyon ay walang iba kundi si Zion Monteverde. Ano ba talaga ang problema ng bilyonaryong ’yon? Gigil kong ibinaba ang mouse at napasapo sa aking noo. Hindi ko talaga maisip ang logic sa likod ng kakaibang ugali niya. Noong unang araw na magkita kami sa hardin niya, kulang na lang ay lamunin niya kami ng buhay ni Luna sa talas ng tingin niya, sabay banta na palalayasin kami sa unang pagkakamali pa lang. Pero ngayon? Nagpapadala siya ng mamahaling hotel breakfast cart, tapos kung magsalita, akala mo kung sinong nag-aalalang ewan. “Mommy! Look! Si Mr. Pogi Landlord, may dalang giant sword sa drawing ko!” Natauhan ako nang biglang hilahin ni Luna ang dulo ng t-shirt ko. Umikot ang swivel chair ko at







