"What?! Pinagkasundo niyo ako sa lalaking kahit kailan ay hindi ko pa nakikilala?!"
Halos sumabog ang galit ni Keziah habang nakatitig sa kanyang mga magulang. Ramdam ang panginginig ng kanyang boses, tila pinipilit pigilan ang pag-agos ng luha."Iha," malumanay na sabi ng kanyang ina, "kailangan natin ito. Mabait si Cael, at sigurado akong magugustuhan mo siya kapag nakilala mo na."
"Mabait? Paano ko malalaman kung totoo 'yan, Ma? Ni hindi niyo man lang ako tinanong kung papayag ako!" Napakuyom siya ng kamao, pilit pinipigilan ang pagbagsak ng kanyang emosyon.
"Ang buhay ko ito, hindi negosyo!"
"Anak," sagot ng kanyang ama, mahigpit ang tono, "kilala ang mga Lozano bilang isa sa pinakamalalakas na pangalan sa negosyo. Malaki ang maitutulong nila sa kompanya."
"So, dahil lang sa negosyo kaya niyo isusuko ang kalayaan ko? Ang mga pangarap ko?!" sigaw ni Keziah, di na alintana ang pangingilid ng luha.
"Papa, hindi ba kayo nag-aalala kung magiging masaya ako?!"
Ang sagot ng kanyang ama ay matalim, puno ng awtoridad: "Wala ka nang magagawa, Keziah. Nakahanda na ang lahat. Sa gusto mo man o hindi, magpapakasal ka kay Cael."
Matapos magsalita, iniwan siya nito at umakyat sa kwarto.Iniwan siya ng kanyang ina ng mahinang paalala, "Iha, intindihin mo ang papa mo. Para rin ito sa'yo." Subalit, para kay Keziah, tila ito'y hungkag na mga salita.
Umakyat siya sa kanyang silid at doon niya ibinuhos ang sama ng loob. Nakatitig siya sa salamin, iniisip kung kailan siya naging isang tauhan sa sariling buhay. Sa isip niya: "Dahil lang sa negosyo... kaya nilang isakripisyo ang lahat ng pangarap ko."
Tinawagan niya ang matalik niyang kaibigang si Lexie, ang tanging tao na nauunawaan ang bigat ng kanyang damdamin. Magkikita sila sa paboritong bar para maglabas ng sama ng loob.
Sa bar, sumalubong kay Keziah ang malalakas na tugtog at liwanag mula sa mga disco ball. Agad niyang nakita si Lexie na may kausap na lalaki.
"Lex!" tawag niya, na agad namang nilingon ng kaibigan.
"Oh, andito ka na pala, Quinn," sabi ni Lexie habang nilapitan siya at bineso.
Agad niyang binulungan ang kaibigan, "Sino 'yan? Jowa mo na?" habang kinukuha ang alak na inorder ni Lexie para sa kanya.
"Hoy, Quinn, dahan-dahan naman. Ginawa mong juice ang tequila!" saway ni Lexie habang nagtatama ang kanilang tawanan.
Ngunit hindi napigilan ni Keziah ang sarili. Isa-isa niyang nilalagok ang inumin, hinayaan ang init ng alak na unti-unting pumatay sa kanyang galit.
"Lex, mas okay nang malasing ako. Sa puntong ito, wala nang saysay ang buhay ko. Sa lalaking mahal ko dapat isusuko ang lahat, pero ngayon... para saan pa?"
Nang umalis si Lexie kasama ang kanyang bagong kaibigan, naiwan si Keziah sa bar. Inom pa rin siya nang inom hanggang sa naramdaman niyang umiikot na ang paligid. Halos mahulog siya mula sa kanyang upuan nang bigla siyang saluhin ng isang estranghero—isang lalaki na may malalim na boses at matitigas na bisig.
"You can’t go home alone, lady," sabi ng lalaki. Ang bango ng kanyang pabango ay tila gumising sa natutulog na init sa loob ni Keziah.
Sa ilalim ng mapupulang ilaw ng silid, naramdaman ni Keziah ang bigat ng mga labi ng lalaki sa kanyang balat. Ang kanyang lasing na utak ay naglalaro sa pagitan ng katotohanan at ilusyon. Ang init ng kanyang mga yakap at ang malalim na boses na bumubulong ng hindi niya maunawaan ay tila musika na pumapawi sa lahat ng kanyang galit at sakit.
Hindi niya maalala kung paano nagsimula. Ang tanging natatandaan niya ay ang pakiramdam ng kanyang puso na tumitibok nang mabilis, ang kanyang katawan na sumusuko sa init na hindi niya kailanman naranasan. Sa gabing iyon, binigay niya ang kanyang sarili sa estrangherong hindi niya kilala, na parang saglit na pagtakas mula sa realidad na nagpapabigat sa kanya.
Nagising si Keziah sa malambot na kama. Habang dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, tumambad sa kanya ang kakaibang kisame at pamilyar na amoy ng panlalaking pabango. Bumangon siya nang marahan, at napansin ang kalat ng kanilang mga damit na nakakalat sa sahig.
"Oh my God," bulong niya sa sarili habang mabilis na tinakpan ng kumot ang kanyang katawan. Parang sinampal siya ng alaala ng nagdaang gabi—mga halik, mga yakap, at mga alingawngaw ng kanyang mga damdamin.
Mabilis niyang hinanap ang lalaki ngunit nakita niya itong nakatalikod, mahimbing pa ring natutulog. Malawak ang kanyang mga balikat, at kahit nakatalikod ay halatang alaga ang katawan nito. Ngunit hindi ito ang mahalaga kay Keziah. Ang tanging nasa isip niya ay ang makatakas bago pa siya makita ng estranghero.
Mabilis niyang pinulot ang kanyang mga damit sa sahig at nagbihis sa loob ng banyo. Habang tumitingin siya sa salamin, nakita niya ang sariling repleksyon—namumula ang mga pisngi at gulo-gulo ang buhok. "Ano ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili, habang pilit niyang inaayos ang hitsura niya.
Lumabas siya ng banyo at marahan ang bawat hakbang upang hindi magising ang lalaki. Inabot niya ang kanyang bag at sapatos, saka tuluyang lumabas ng kwarto. Habang papalabas ng hotel, nararamdaman niya ang matinding kaba sa dibdib. Hindi niya alam kung sino ang lalaki, ngunit ang ideya na makilala ito ay masyadong nakakapanlumo para sa kanya.
Habang naglalakad palabas, ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin. Pilit niyang pinapatahan ang kanyang sarili habang bumibigat ang kanyang hakbang. Sa isip niya: "Ito na siguro ang simula ng mas malaking gulo. Sana hindi ko na lang ginawa ito."
Sumakay siya ng taxi at iniwan ang hotel. Ngunit kahit anong pilit niyang takasan ang nangyari, alam niyang hinding-hindi niya ito malilimutan.
KEZIAH Malapit na kami sa mansion ng mga Lozano halos wala itong ipinagbago nung huli kong punta dito. Napahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Cael. Kinakabhan ako sa maaring reaction ng pamilya ni Cael. Hindi ko alam kung galit sila sa ginawa ko, alam ko kung gaano nila kasabik magkaroon ng apo at alam ko kung ano kaya nilang gawin para makuha ang anak ko sa akin. Naramdaman ko ang paghawak ni Cael sa kamay ko kaya napatingin ako dun. At agad ko namang binawi iyon at napatingin siya sa akin."I-I'm sorry, alam kong kinakabhan ka kaya,,,,""I'm okay Cael, don't worry." at nilagpasan ko na siya."Mommy,where are we?" tanong ni Cali."We are here at your lolo and lola's house, your daddy's parents.""Let's go baby,they are waiting for us." aya ni Cael kay Cali at tinanguan ako.Pagkapasok namin sa sala ay nag-aantay ang mga magulang ni Cael. Hindi pa agad nila kami napansin.
KEZIAH Nagising akong mag-isa sa kama kaya tuluyan na akong bumangon. Bago lumabas ng kwarto ay naghilamos muna ako at nag-toothbrush. Nadatnan ko sila Ethan at Cath sa kusina. Sinipat ko ang sala para tignan kung andun ba sila Cael at ang anak ko pero wala akong makita. "Oh, gising ka na pala Quinn halika ka na sabay ka ng mag-agahan sa amin." sabi ni Ethan ng mapansin ako. "Ah, Ate Keziah sila kuya nga pala nagpunta lang ng mall ni Cali. Ang aga kasi ni Cali nag-aya kay kuya na magpunta ng mall. Di ka na nila ginising." saad ni Cath. Kaya ngumiti nalang ako bilang tugon. "Si Lexie nga pala pupunta yun dito mamaya. Ang aga tumawag para magsabi na pupunta siya." ngiting sabi ni Ethan. Maya-maya ay dumating na sila Cael at Cali. Patakbo namang lumapit ai Cali sa akin at humalik sa pisngi. "Hi,mommy good morning," tuwang bati sa akin ng anak ko. "Mommy look daddy bought me a doll." at pinakita
CAEL'S POV Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman ng malaman ko na may anak kami ni Keziah. Parang piniga ang puso ko kanina na ang buong akala ko ay anak ni Ethan at Keziah ang bata. Pero nung malaman ko na anak namin ni Keziah si Cali, parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Pero alam ko hindi pa pwedeng makampante, di ko pa sila nababawi. Hindi ko na alam paano paamuhin si Keziah, ang Keziah noon ay iba na sa Keziah ngayon.. Pero ganun pa man sa t'wing makikita ko siya parang ang gaan ng pakiramdam ko. Alam kong mapapatawad niya rin ako at babalik sila sa akin. Katabi ko ang aking anak ngayon at nakayakap siya sa akin kaya di ako makaalis sa kama kaunting galaw ko lang ay yumayakap agad siya ng mahigpit. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.KEZIAH'S POV Kanina pa kami lahat dito sa sala habang hinihintay si Cael na lumabas ng kwarto. Pero ilang oras na ay di pa rin siya lumalabas kaya pinuntahan ko na sila sa kwarto. Pagkapasok ko ay natulala akong makita ang mag-am
CAEL POV"OH, kuya saan ka galing kanina pa kita hinahanap. Ba't magkasabay kayo ni ate Keziah may pinuntahan ba kayo?"Tanong ni Cathalia ng mapansing magkasabay kami ni Keziah na dumating.Minsan din talaga di rin makatikom ang bibig ng kapatid ko."Huh?! Ah, hindi napansin ko siya sa kabilang direksiyon siya galing ako naman sa c.r,"Sabi ni Keziah, na nabubulol sa pagdedeny."Emmmnn,,Oo may tinawagan lang ako saglit,""Daddy, are you coming home with us?"Tanong ng anak ko at nakatingin ako kay Keziah na parang nabibigla sa tanong ng anak namin at tumingin din ako kay Ethan na tumango nalang din sa akin. Alam kong napamahal na rin sa kanya ang anak ko. Dahil ito ang naging kasama niya sa loob ng mahigit dalawang taon."Yes, honey ihahatid ko kayo nila mommy mo okay?""Yes daddy!! Yeheyyy,,, I'm so happy mommy cause I have two daddy."At napangiti ako sa anak ko na nagmana ata sa ka
KEZIAH POV"CALI XANDRIA" tawag ko sa anak ko.Patakbo naman siyang lumabas ng makita si Ethan."Papa Tan,miss you po." Papa na nakasanayan niyang tawag kay Ethan dahil nung nagsimula iyong matutong magsalita ng papa si Ethan ang lagi niyang nakasama alam ko kasalanan ko kung bakit di niya nakilala ang totoo niyang ama."I miss you too baby ,Let's go ? " kinarga naman siya ni Ethan at hinawakan niya ako sa kamay upang igiya papunta sa kotse niya.Hindi nagtagal nasa byahe na kami."Alam na ba ni Lexie na ngayon ang balik niyo sa maynila?" tanong ni Ethan sa akin."Oo nagtatampo nga yun eh,kasi di daw natin sinabi sa kanya na may plano pala akong umalis nung time na lumabas ako ng hospital,pero okay na yun pinaliwanagan ko na.""Kahit ako naguguilty dahil iniiwasan ko rin siya ng higit dalawang taon namimis ko rin si Lexie.""Me too." at ngumiti ako sa kanya.Sa mga ilang oras naming byahi ay nakatulog na si Cali sa kanyang upuan nakaupo kasi siya sa carseat niya kaya di siya masyadong ma
KEZIAH POV Pagkatapos ng ilang araw na pananatili ko sa hospital pwede na akong makalabas.Hindi ako uuwi sa bahay namin ni Cael. Masyadong naging komplekado ang lahat dahil lang sa mali niyang iniisip tungkol sa amin ni Ethan muntikan pa kami mapahamak ng anak ko."Quinn,ready ka na ba umuwi?""Ethan,ayoko umuwi sa sa bahay namin ni Cael hindi ko pa siya kayang makita.Please Ethan ilayo mo muna kami ng anak ko dito,kahit saan basta malayo dito.""Pero Quinn di mo muna ba pwedeng kausapin si Cael?Ilang araw din siya pabalik balik dito Quinn.""Okay lang kung di mo ko tutulungan Ethan, kay Lexie nalang ako magpapatulong."Hindi ko pinakinggan ang sinasabi niya. Ayaw ko muna makita si Cael o makausap sobrang sakit ang nararamdaman ko ng mga araw na yun na nahuli ko siya na may kasamang iba at wala man lang siyang pakialam sa akin."Alam mo namang di kita pwedeng pabayaan Quinn ang akin lang sana-"Di ko siya pinatapos sa sasabihin niya."Tama na Than,buo na ang desisyon ko na lumayo muna