"Diana, hulog ka talaga ng langit!" kinikilig na sabi ni Froilan, ang team leader namin. "Pansin niyo ba, simula nang magtrabaho rito si Diana parati na lang napupuri ang team natin?"
Natawa na lang ako at nahihiyang napayuko. "Kayo talaga. Nagkataon lang siguro na forte ko ang napunta sa atin kaya ganon ko ka-smooth na i-present ko."
"Masyado ka talagang pa-humble!" dagdag pa ni Lilith, at nagtawanan naman ang lahat. "Hindi mo rin man lang sinabi sa amin ang dati mo palang asawa ay bilyonaryo!"
Nanlaki ang mga mata ko at biglang kinabahan. Simula nang iwanan ko si Jeremy ay wala akong ibang pinagsabihan tungkol doon. Ibinato ko sa limot ang pinagsamahan namin at namuhay ng tahimik.
"Bilyonaryo?" Gulat na tanong ni Froilan. "Saan mo naman nalaman yan? Bakit wala namang sinasabi na ganyan si Diana?"
"Iyon na nga, wala siyang sinasabi sa atin na dati pala siyang Billionaire's Wife. Sobrang yaman pala ng ex husband niya."
Akward akong ngumiti sa kanila, hindi alam kung paano sasabihin at lulusutan iyon.
"Arrange Marriage lang," tipid kong sagot. "Ano, hindi rin naman nagtagal... naghiwalay rin kami."
"Sinong bilyonaryo?" Curious na usisa naman ni Rochelle. "Sabihin mo naman sa amin, Diana. Baka kilala namin. Siguro gwapo yan no? Mukhang wala naman sa itsura mo ang papatol sa old carabao."
"What's going on here?" Our head manager save my day.
Napabunga ako ng hangin. Kamuntikan pa ako major seat.
"Nagkakatuwaan lang, Ma'am Bridgette," mabilis na sagot ni Froilan.
"Gusto ko lang sabihin na natutuwa ako sa team na ito. Nakikita ko ang dedication ng lahat sa inyo. Lalo na kay Diana, the director and the board is very impress sa presentation mo kanina. Gusto nila na ikaw rin ang magpresent bukas para pagwelcome ng bagong investor natin."
Napatakip ako sa bibig sa sobrang tuwa. Nagpalakpakan naman ang mga kasama ko, halatang proud sa akin. "Ma'am Bridgette, hindi ko po kayo bibiguin. Makakaasa kayo, lalo na ang board na gagawin ko ang lahat para maging maganda ang presentation natin bukas."
"I'm looking forward, Diana." Hindi na rin nagtagal sa amin si Ma'am Bridgette at nagpaalam na.
Tapos na rin ang gagawin ko kaya nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko. At isa pa, nangako ako kay Justin na dadalhin ko siya sa food park ngayon.
"Mama!" Nakangiting bungad sa akin ng anak ko. Tumakbo siya palapit sa akin ay niyakap ako.
"Namiss mo ba si Mama?" Yakap ko pabalik.
"Sobra po. Kung pwede lang dito ka na lang at huwag na magwork," naglalambing na wika niya.
Hinaplos ko ang mukha niya at muling ngumiti. Kung may choice lamang sana ako ay mas gugustuhin ko talaga na alagaan ang anak ko kaysa magtrabaho. Pero kung hihinto naman ako ay paano ko na lang siya mapagpag-aral. Paano na ang mga gastusin namin sa araw-araw. Nagbabayad din ako ng nagbabantay sa kanya.
"Kapag nakaipon na ako ng maraming-maraming pera, hindi ko na kailangan umalis. Parati na ako narito sa bahay para alagaan ka at ihatid sa eskwela."
"Narito ka na pala, Diana," bati sa akin ni Ate Lisa. Sa kabilang apartment lang siya nakatira, stay-at-home wife dahil seaman ang asawa. Malalaki na rin ang mga anak kaya naman walang problema sa kanya ang magbantay kay Justin. "Nagluto ako sa bahay ng ginataang gulay. Dinalhan kita. Nagsaing na rin ako para kakain ka na lang."
"Ate Lisa, sobra-sobra naman po ang ginagawa niyo. Nakakahiya naman." Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Simula nang pirmahan ko ang divorce paper ay dito na ako tumira. Si ate Lisa rin ang kasama ko noong nagbubuntis ako kay Justin, hanggang sa makapanganak na ako.
"Hayaan mo na ako. Gusto ko rin naman ito. Kapag narito ako ay naaalis ang pagkaboryo ko."
Pareho kaming natawa. Umuwi na si ate Lisa at nagsimula naman kami kumain ni Justin.
"Mama, nagtanong si Teacher kung sino ang isasama ko sa family day," maya-maya'y sabi ni Justin habang kumakain kami.
Napahinto ako at tumingin sa kanya. "Family day?"
"Family day, kasama ang mama at papa. Pero wala naman ako papa, diba?"
Parang tinusok ang puso ko sa sinabi niya. At the age of 4 ay napakamatalino ni Justin. Sinusubukan ko ipaliwanag sa kanya paunti-unti ang sitwasyon namin dahil ayaw ko siya paasahin na mayroon siyang ama dahil ang totoo naman talaga ay wala. Hindi kami pinanindigan ni Jeremy at hindi rin pinili.
At naiintindihihan iyon ni Justin. Ayos lang sa kanya na kami lang dalawa. Pero alam ko rin sa sarili ko na hindi niya maiiwasan na hindi mainggit sa mga kaklase niya dahil halos lahat ang mga iyon ay kompleto ang pamilya.
"Gusto mo ba isama ko si SpongeBob?"
Nag-aliwalas ang mga mata niya at napatalon pa sa tuwa. "Please! Isama natin siya!"
Dane aka SpongeBob, ang kapatid ni ate Lisa. Dane tried to pursue me, but I rejected him. Hindi dahil hindi pa ako nakaka-move on kay Jeremy, kundi gusto ko muna i-enjoy ang buhay na kami lang ng anak ko. Kung tutuusin ay husband material si Dane. Close rin sila ni Justin kaya malapit silang dalawa at magkasundo.
"Itatanong ko muna kung pwede siya bukas. Kapag pumayag siya, isasama natin."
Pagkatapos namin kumain ay pinaliguan ko na si Justin para makapagpahinga na siya at ako naman ay inihanda ang mga gagawin bukas para sa presentation. Naibigay na rin ni Ma'am Bridgette sa email ko ang mga material at inumpisahan ko na iyon.
**
"Pumayag na si SpongeBob!" anunsyo ko habang binibihisan si Justin. "Papasok lang si Mama sa work ngayong umaga, tapos mamayang tanghali ay sabay kaming pupunta ni SpongeBob sayo."
Kapag nakikita kong masaya ang anak ko ay masaya rin ako. And I'll do everything to make him happy and safe.
Pagkatapos ko maihatid si Justin sa school niya ay pumara na ako ng taxi papunta sa company.
"Ang blooming mo ah! In love ka ba?" puna ni Froilan sa akin pagkalapag ko ng gamit ko sa desk ko.
"Hindi no!" mabilis kong tanggi. "Maganda lang talaga ang gising ko."
"Same, girl. Kilala mo ba ang dadating na investor ngayong araw?" Animo'y kinikilig na sabi niya. "Isang hot na Business tycoon lang naman!"
Napailing na lang ako sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na rin si Ma'am Bridgette at pinagready na kami sa conference room. Tinulungan naman ako ng mga kateam ko na magset-up.
"May lunch daw tayo mamayang tanghali," bulalas ni Lilith. "Sana pala ay nagdala ako ng dress."
"Hindi ako tatanggi kapag libre!" si Rochelle.
"Pass," sabi ko at sabay-sabay nila akong nilingon. "Family day ng anak ko. I can't miss his event."
"Everything's ready?" tanong ni Ma'am Bridgette.
Tumango ako at nag-thumbs up pa. "Yes, Ma'am."
"Alright, they'll be here in five minutes."
Magkahalos excitement at kaba ang naramdaman ko. Excited dahil unti-unti ay nagkakaroon na rin ako ng sarili kong accomplishment. Kaba dahil first time ko na haharap sa malaking tao kaya importante na hindi ako magkamali.
Exactly five minutes ay bumukas ang pintuan ng conference room. Isa-isang pumasok ang mga board member, at director ng company. Pero ang huling dalawang tao na pumasok sa pintuan ay ang nagpakabog ng dibdib ko.
Jeremy and his secretary professionally walked towards their seat. Nang umangat siya ng tingin sa akin ay natigilan siya at tumingin sa kanyang secretary, halatang nagtatanong kung ano ang ginagawa ko ngayong sa harapan niya.
"Mr. Saltzman, this is Diana Lucero, our one of the best employees. And she'll present us today what we can offer you," pagpapakilala ni Ma'am Bridgette sa akin.
Hindi agad sumagot si Jeremy. He was just looking at me as if me I am a scenery. Hindi ko rin magawang mag-iwas ng tingin. Mula naman sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na nasa aming dalawa ang tingin ng lahat.
"Sure," pagbabasak siya sa katahimikan pero nakatingin pa rin sa akin. "I know her very well, and I know she won't disappoint me. Ms. Diana Lucero, you may start."
Nang oras na para sa conference meeting, kasama ni Jeremy si Diana. At ngayon sa harap nila, nagsasalita si Viviane. Puno ng paghanga ang mga naroon, na tila ba perpektong asawa ng isang Saltzman dahil alam niya lahat ng mga sinasabi niya. At habang pinagmasdan ni Diana ang slides sa presentation, may napansin siya. Walang nagbago mula sa siya ang gumawa ng slides. Pero naalala niya na nabanggit ni Viviane ay marami siyang binago dahil mali-mali ang mga ito. Sa nakikita niya ngayon, mukhang sinabi naman ni Viviane ang lahat ng siya mismo ang gumawa. Napangiti siya sa kanyang isipan. Hindi niya inasahan na may ganito pa lang kayang gawin si Viviane, ang angkinin pati ang mga bagay na hindi siya ang gumawa. “Wow, Viviane. Hindi talaga nagkakamali na isa ka sa napiling mapapangasawa ng isang Saltzman. Ang husay ng presentation mo, walang labis walang kulang,” sabi ng isang executive na naroon. Nakikinig lang si Diana sa mga komento nila tungkol kay Viviane, si Viviane naman ay tuwang-t
Third Person’s Point of View:Napatigil si Diana sa narinig. Nagulat, hindi inaasahan na iyon ang dahilan ng matanda kung bakit ito umalis ng bansa. Pero gumaan ang pakiramdam niya na nagpapagamot lang ito sa ibang bansa, ibig sabihin may pag-asa pa siyang makita ito at makilala si Justin. “Huwag kang magalit kay Jeremy, Diana. Hindi lang din namin inasahan na iyon ang magiging reaction ng lolo niya,” sabi ni Viviane. Tumingin si Diana sa kanya, at sa isip nito. Oo, hindi lang dapat si Jeremy ang dapat sisisihin kung bakit umalis ang matanda, kasama si Viviane sa dapat na sisihin. “Hindi ko naman iniisip iyon. Ang mahalaga ngayon, nasa maayos siya.” Tumingin siya kay Jeremy ulit. “You can call him and tell him to come back. I’m already here, gusto ko rin na makilala siya ni Justin,” dagdag ni Diana.Nagulat naman silang tatlo, lalo na si Viviane. Palihim niyang ikinuyom ang kanyang mga palad habang nakatingin kay Diana. Naiinis siya. Sino ba naman ang hindi maiinis kung walang iban
DIANA’s POINT OF VIEW:Sinimulan nilang ikwento sa akin lahat, nauna si Viviane pero hindi niya alam bago pa niya ikwento ang tungkol sa kanila ni Jacob, nalaman ko na ang lahat. At alam ko puro kasinungalinga ang lumalabas sa bibig niya dahil si Jacob mismo ang nagsabi sa akin. Pinakinggan ko lang siya sa mga kasinungalingan niya, malayo sa mga kinwento ni Jacob sa akin. Ang laman ng kwento ni Viviane ay puro paghanga at pagbanggit sa pangalan ni Jacob. Pero ako, alam ko; hindi si Jacob ang ibig niyang sabihin, ginamit niya lang ang pangalan ni Jacob para pagtakpan ang desire niya. Si Jeremy pa rin hanggang ngayon. Kasi hindi naman masyadong magaling sa negosyo si Jacob, kaya paano niya nasabi na si Jacob ang nagtaas ng buong Saltzman?It was Jeremy. She can’t fool me. But still, I’m in the act. Dapat akong umakto na naniwala sa kaniya.“Wow, grabe. Ang dami ko na pala talagang hindi alam. Pero honestly, masaya ako na nahanap mo na iyong taong para sa’yo, Vi. After all, Saltzman pa
Sa inis, tinulak ni Viviane si Jacob at tinignan ito nang masama. “Ano bang akala mo sa akin, ha? Tanga para gumawa ng katangahan?” gigil nitong sabi. Ngumisi naman si Jacob. “Alam kong hindi ka pa rin nagbabago, Viviane. Huwag mo na talagang subukan dahil sa oras na may gawin ka, hinding-hindi mo na makikita si Vanessa. Ilalayo ko siya sa’yo. Ayaw kong magalit ang buong pamilya ko sa akin dahil hinayaan kitang gumawa ng kabobohan…ayaw kong madamay ang anak ko.” Pagkatapos sabihin ni Jacob iyon, tumalikod siya para umalis. Naiwan si Viviane na nakakuyom ang mga palat dahil sa galit. Pumikit siya nang mariin. Iniisip ang mga araw pagkatapos mawala ni Diana. FLASHBACK***“Vi, anong nangyari, ah? Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Jeremy nang makarating siya sa condo unit ni Viviane. Iniwan niya si Diana dahil tumawag si Viviane na kailangan siya nito. Pagkarating niya, mataas ang lagnat ni Viviane hanggang sa nahimatay ito kaya agad siyang sinugod sa ospital. Pagkarating sa o
Masaya si Justin habang naliligo sa dagat kasama ang kanyang magulang—noon pa man ay gusto niya na ito. Bata pa lang, wala siyang ibang ninanais kundi makasama sina Diana at Jeremy. Halos isang oras silang naliligo hanggang sa nagpaalam si Jeremy dahil may tumawag sa kanya bigla. Nakipag-usap siya rito hindi kalayuan kina Justin at Diana. Samantala, nang sila nalang ni Diana at Justin sa dagat, ngumiti si Diana sa anak at nagtanong. “Are you happy, son?” Masaya namang tumango si Justin. “Yes, Mommy! Sana palaging ganito, palagi ko kayong kasama ni Daddy!” Hinimas ni Diana ang ulo ni Justin at ngumiti. Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa sinabi ng anak niya dhail hindi siya sigurado kung mangyayari ba iyon. Natapos na rin silang maligo kaya pumunta sila sa cottage nila, naroon si Jeremy naghahanda ng pagkain. “Oh, saan na ang kausap mo?” tanong ni Diana nang makitang si Jeremy na lang mag-isa. “Pumunta na sa suite niya. By the way, ayos lang ba sasama sina Viviane at Vanessa
Pagkatapos maligo at magbihis nina Diana at Justin, lumabas na sila ng suite nila at dumiretso sa dining hall. Pagkaraing nila roon, nakita nila si Jeremy may kasama—si Viviane at ang anak nitong si Vanessa.“Wala ba ang daddy ni Vanessa?” tanong niya sana iyon sa sarili niya pero si Justin ang sumagot na ikinagulat niya.“Vanessa said he won’t come.”Hindi na nagsalita si Diana, hindi niya inasahan na anak niya talaga ang sumagot no’n. Hinawakan niya na lang ang kamay ni Justin at saka sila sabay na naglakad.Nang makarating sila lamesa kung nasaan ang tatlo, agad na tumayo si Jeremy para paupuin sila. Magkatabi sina Vanessa at Justin, kaharap naman ni Diana si Jeremy at katabi ni Jeremy si Viviane. Nasa gitna nila ni Vanessa si Justin. Biglang nakaramdam ng pag-alinlangan si Diana. “Umorder na ako ng pagkain, ayos lang ba?” tanong ni Jeremy kay Diana. “Oo, ayos lang. Pasensya na kung natagalan kami,” sabi naman ni Diana. Sasagot pa sana si Jeremy sa kanya nang maunahan ito ni Viv