Nahihibang na ba siya? Pareho naman kami ng kinain kaninang lunch.
“Hindi pwede, sakto na kami.” agad kong sagot. Inilayo ko sa kanya si Justin nang maramdaman kong gusto nilang lumapit sa kanya.
Napansin kong bumaling si Jeremy kay Dane dahilan para kumunot ang noo ko. “He already played the first game, siguro naman sa susunod na laro ay ako na ang papalit sa kanya.”
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nababaliw na siya. Tumingin ako kay Dane na kanina pa nalilito sa lalaking ito. Nakakahiya kung papalitan ko si Dane para lang sa gagong ito. Siya ang inaya ko rito!“Ayos lang ba, bro?” Mahinahon pang tanong ni Jeremy kay Dane.
Sumeryoso ang mukha ni Dane na nakatingin kay Jeremy. “Pwede ko bang malaman kung sino ka?”
Patay na! Hindi alam ni Dane ang tungkol sa nakaraan ko, kahit tinatanong niya ito noon pero isang sabi ko lang na ayaw kong pag-usapan ay kahit kailangan hindi niya na ulit ito tinanong.
Kita ko ang pagngisi si Jeremy, at sa ngisi na iyon gusto ko na siyang sampalin. Ang kapal ng mukha niya!
Bakit ba ang dami pang sinasabi ng Emce sa harap, mas lalo tuloy akong naiinis sa presensya ni Jeremy.
Kagat labi kong tinignan si Jeremy na inilahad ang kanyang kamay sa harap ni Dane. “I am her boss, Jeremy Saltzman.”
What? Kailan ko pa siya naging boss? Investor lang siya ng company namin, hindi ko pa siya naging boss.Bumaling sa akin si Dane sabay ngiti kaya tila napakalma ako, ayaw ko siyang magtampo sa akin dahil malaking bagay ang pagsama niya sa amin ni Justin dito sa Family Day.
“Siguro mas mabuti kung itanong muna natin kay Diana kung gusto ka niya bang kasama rito. Diana?”
Oh God! Ayaw ko nga siyang kasama rito pero bakit binigay sa akin ni Dane na para bang wala siyang pakialam kung boss ko nga si Jeremy. Well, sabagay. Alam din ni Dane makibagay sa mga malalaking tao kaya hindi na ako nagulat kung parang wala siyang pakialam sa presensya ni Jeremy.
Tumayo ako ng tuwid at hinarap si Jeremy ng buong tapang. “Hindi naman na namin kailangan ng iba pang tao para maglaro. Kaya na namin itong tatlo, right son?” Tumingin din ako kay Justin para manghingi ng validation. Kasi feeling ko kapag sumunod siya sa gusto ko ay aalis na itong si Jeremy.
Pero iyon ang inakala ko. Hindi ko malaman kung anong magic ang dala ng kumag na ito. Bumaba siya para pantayan si Justin kaya ang ginawa ng anak ko ay lumapit sa kanya, wala na akong magawa para pigilan ito dahil para bang magnet ang ngiti ni Jeremy sa kanya. Nakakainis!
“Do you want me to playe with you, little boy? I am strong enough to make us win every game…” Ang lambing ng boses niya.
“But I don’t know you…my mom said I will not talk to stranger,” saad ng anak ko.
Ayan, tama yan! Mabuti na lang matalino itong anak ko, hindi tulad ng ibang bata na isang lambing lang sa taong hindi nila kilala ay susunod agad ito.
Hindi naman inalis ni Jeremy ang tingin kay Justin. “Magpapakilala na lang ako sa’yo para hindi na tayo stranger, okay? My name is Jeremy, I am your mom’s friend.”
Ginamit pa ako! Kaya tuloy tumingin si Justin sa akin, nakakunot ang noo na para bang nagtatanong kung totoo ba ang sinasabi ng lalaking nasa harap niya. Hindi naman ako pwedeng magsinungaling sa harap ng anak ko.Humingi ako nang malalim sabay tango sa kanya at magsasalita na sana para hindi nga papayagan si Jeremy pero biglang tumalon si Justin na tuwang-tuwa.
“Okay! You can join us, let us pretend na I have two daddys. Right, mom?”
Anong two daddys?! Hindi pwede. Kahit isa sa kanila ay walang magiging daddy.
Pero para bang nawalan ako ng lakas na humindi nang makitang binuhat bigla ni Jeremy si Justin. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi talaga pwede. Matagal kong tinago ang anak ko sa kanya.
Pero bakit ngayon, habang pinagmasdan silang dalawa na nakangiti sa isa’t isa ay para bang kumakalma rin ang loob ko, ngunit hindi pa rin nawawala ang takot sa isipan ko na baka balang araw ay maniwala si Jeremy na anak niya nga si Justin at kunin ito sa akin.
“Siya ba ang ama ni Justin?”
Agad akong tumingin kay Dane nang magsalita itoo, gulat at napaawang ang bibig ko. Mabuti na lang ay hindi iyon narinig ni Jeremy dahil umalis ito dala si Justin papunta sa registration area para sa susunod na laro.
Seryoso ang tingin sa akin na Dane, bakas din sa mukha niya na para bang nadidismaya siya. Alam kong hanggang ngayon ay gusto niya pa rin ako kahit na dati ko pa sinasabi at paulit-ulit kong pinaparamdam sa kanya na tanging pagkakaibigan lang ang maibigay ko. Kahit isa sa nakaraan ko ay hindi niya alam, kaya nagulat ako na iyon ang itinanong niya.
“Ayos lang kung hindi mo sagutin, pero hindi mo pwedeng itanggi ang totoo.”
Naguguluhan ako sa sinabi niya, kunot noo ko siyang tinignan. “Anong ibig mong sabihin?”
“Hindi ko alam kung pilit mo lang bang hindi pansinin, pero kahit na sino ang tumingin sa kanilang dalawa, mahahalata mo na mag-ama sila. From the appearance, and even the attitude of Justin bilang seryosong bata ay makikita mo sa lalaking iyon.” Mahabang paliwanag niya.
Kinabahan ako. Masyado ko bang hinayaan ang ganoong bagay? Alam kong mahahalata agad sa feature nilang dalawa dahil kahit isa ay walang nakuha si Justin sa akin, lahat ay nakay Jeremy.
Pumikit ako nang mariin sabay dahan-dahang tumango kay Dane. Matalino rin si Dane, hindi ko na dapat ilihim pa sa kanya ang bagay na ito dahil kahit siya ay nakapansin. Si Jeremy pa kaya. Sigurado ako dahil doon kaya siya nanatili rito sa venue. He thinks that Justin is his son.
“Yes, Jeremy is his father. Pero ayaw ko munang mangyari ang bagay na iyon sa kanilang dalawa, masyado pang maaga para kay Justin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat.” Malungkot kong sabi.
Hinawakan naman ako ni Dane sa kamay, kaya napatingin ako roon. Wala lang sa akin ang ganitong eksena kaya naman tumingin ako sa mukha niyang maaliwalas.
“Matalino ang anak mo, kaya niyang intindihin ang lahat ng sasabihin mo. Pero sa akin, hindi si Justin ang problema…” Napahinto siya sabay tingin sa dalawa na naglalakad papunta sa amin na tila masayang nag-uusap. Tumingin ulit ako kay Dane nang magsalita ulit siya. “Iyang nakaraan mo sa kanya ang dapat mong pansinin, baka mabigatan ka lalo.”
Nang oras na para sa conference meeting, kasama ni Jeremy si Diana. At ngayon sa harap nila, nagsasalita si Viviane. Puno ng paghanga ang mga naroon, na tila ba perpektong asawa ng isang Saltzman dahil alam niya lahat ng mga sinasabi niya. At habang pinagmasdan ni Diana ang slides sa presentation, may napansin siya. Walang nagbago mula sa siya ang gumawa ng slides. Pero naalala niya na nabanggit ni Viviane ay marami siyang binago dahil mali-mali ang mga ito. Sa nakikita niya ngayon, mukhang sinabi naman ni Viviane ang lahat ng siya mismo ang gumawa. Napangiti siya sa kanyang isipan. Hindi niya inasahan na may ganito pa lang kayang gawin si Viviane, ang angkinin pati ang mga bagay na hindi siya ang gumawa. “Wow, Viviane. Hindi talaga nagkakamali na isa ka sa napiling mapapangasawa ng isang Saltzman. Ang husay ng presentation mo, walang labis walang kulang,” sabi ng isang executive na naroon. Nakikinig lang si Diana sa mga komento nila tungkol kay Viviane, si Viviane naman ay tuwang-t
Third Person’s Point of View:Napatigil si Diana sa narinig. Nagulat, hindi inaasahan na iyon ang dahilan ng matanda kung bakit ito umalis ng bansa. Pero gumaan ang pakiramdam niya na nagpapagamot lang ito sa ibang bansa, ibig sabihin may pag-asa pa siyang makita ito at makilala si Justin. “Huwag kang magalit kay Jeremy, Diana. Hindi lang din namin inasahan na iyon ang magiging reaction ng lolo niya,” sabi ni Viviane. Tumingin si Diana sa kanya, at sa isip nito. Oo, hindi lang dapat si Jeremy ang dapat sisisihin kung bakit umalis ang matanda, kasama si Viviane sa dapat na sisihin. “Hindi ko naman iniisip iyon. Ang mahalaga ngayon, nasa maayos siya.” Tumingin siya kay Jeremy ulit. “You can call him and tell him to come back. I’m already here, gusto ko rin na makilala siya ni Justin,” dagdag ni Diana.Nagulat naman silang tatlo, lalo na si Viviane. Palihim niyang ikinuyom ang kanyang mga palad habang nakatingin kay Diana. Naiinis siya. Sino ba naman ang hindi maiinis kung walang iban
DIANA’s POINT OF VIEW:Sinimulan nilang ikwento sa akin lahat, nauna si Viviane pero hindi niya alam bago pa niya ikwento ang tungkol sa kanila ni Jacob, nalaman ko na ang lahat. At alam ko puro kasinungalinga ang lumalabas sa bibig niya dahil si Jacob mismo ang nagsabi sa akin. Pinakinggan ko lang siya sa mga kasinungalingan niya, malayo sa mga kinwento ni Jacob sa akin. Ang laman ng kwento ni Viviane ay puro paghanga at pagbanggit sa pangalan ni Jacob. Pero ako, alam ko; hindi si Jacob ang ibig niyang sabihin, ginamit niya lang ang pangalan ni Jacob para pagtakpan ang desire niya. Si Jeremy pa rin hanggang ngayon. Kasi hindi naman masyadong magaling sa negosyo si Jacob, kaya paano niya nasabi na si Jacob ang nagtaas ng buong Saltzman?It was Jeremy. She can’t fool me. But still, I’m in the act. Dapat akong umakto na naniwala sa kaniya.“Wow, grabe. Ang dami ko na pala talagang hindi alam. Pero honestly, masaya ako na nahanap mo na iyong taong para sa’yo, Vi. After all, Saltzman pa
Sa inis, tinulak ni Viviane si Jacob at tinignan ito nang masama. “Ano bang akala mo sa akin, ha? Tanga para gumawa ng katangahan?” gigil nitong sabi. Ngumisi naman si Jacob. “Alam kong hindi ka pa rin nagbabago, Viviane. Huwag mo na talagang subukan dahil sa oras na may gawin ka, hinding-hindi mo na makikita si Vanessa. Ilalayo ko siya sa’yo. Ayaw kong magalit ang buong pamilya ko sa akin dahil hinayaan kitang gumawa ng kabobohan…ayaw kong madamay ang anak ko.” Pagkatapos sabihin ni Jacob iyon, tumalikod siya para umalis. Naiwan si Viviane na nakakuyom ang mga palat dahil sa galit. Pumikit siya nang mariin. Iniisip ang mga araw pagkatapos mawala ni Diana. FLASHBACK***“Vi, anong nangyari, ah? Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Jeremy nang makarating siya sa condo unit ni Viviane. Iniwan niya si Diana dahil tumawag si Viviane na kailangan siya nito. Pagkarating niya, mataas ang lagnat ni Viviane hanggang sa nahimatay ito kaya agad siyang sinugod sa ospital. Pagkarating sa o
Masaya si Justin habang naliligo sa dagat kasama ang kanyang magulang—noon pa man ay gusto niya na ito. Bata pa lang, wala siyang ibang ninanais kundi makasama sina Diana at Jeremy. Halos isang oras silang naliligo hanggang sa nagpaalam si Jeremy dahil may tumawag sa kanya bigla. Nakipag-usap siya rito hindi kalayuan kina Justin at Diana. Samantala, nang sila nalang ni Diana at Justin sa dagat, ngumiti si Diana sa anak at nagtanong. “Are you happy, son?” Masaya namang tumango si Justin. “Yes, Mommy! Sana palaging ganito, palagi ko kayong kasama ni Daddy!” Hinimas ni Diana ang ulo ni Justin at ngumiti. Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa sinabi ng anak niya dhail hindi siya sigurado kung mangyayari ba iyon. Natapos na rin silang maligo kaya pumunta sila sa cottage nila, naroon si Jeremy naghahanda ng pagkain. “Oh, saan na ang kausap mo?” tanong ni Diana nang makitang si Jeremy na lang mag-isa. “Pumunta na sa suite niya. By the way, ayos lang ba sasama sina Viviane at Vanessa
Pagkatapos maligo at magbihis nina Diana at Justin, lumabas na sila ng suite nila at dumiretso sa dining hall. Pagkaraing nila roon, nakita nila si Jeremy may kasama—si Viviane at ang anak nitong si Vanessa.“Wala ba ang daddy ni Vanessa?” tanong niya sana iyon sa sarili niya pero si Justin ang sumagot na ikinagulat niya.“Vanessa said he won’t come.”Hindi na nagsalita si Diana, hindi niya inasahan na anak niya talaga ang sumagot no’n. Hinawakan niya na lang ang kamay ni Justin at saka sila sabay na naglakad.Nang makarating sila lamesa kung nasaan ang tatlo, agad na tumayo si Jeremy para paupuin sila. Magkatabi sina Vanessa at Justin, kaharap naman ni Diana si Jeremy at katabi ni Jeremy si Viviane. Nasa gitna nila ni Vanessa si Justin. Biglang nakaramdam ng pag-alinlangan si Diana. “Umorder na ako ng pagkain, ayos lang ba?” tanong ni Jeremy kay Diana. “Oo, ayos lang. Pasensya na kung natagalan kami,” sabi naman ni Diana. Sasagot pa sana si Jeremy sa kanya nang maunahan ito ni Viv