공유

Chapter 5

last update 최신 업데이트: 2025-01-06 08:35:40

Ilang minuto pa bago ako umiwas ng tingin mula sa kanya, hindi ko siya maitindihan. Anong dapat kong ipaliwanag sa kanya? 

Magsasalita pa sana ako nang bigla kong narinig ang boses ni Dane, magiliw na tila ba excited din akong makita. “Nandito ka na pala, kanina ka pa inaantay ni Justin.”

Dahan-dahan akong bumaling sa kanya, hindi pa rin nawawala ang cute niyang ngiti dahil din iyon sa mataba nitong pisngi. “Dana…salamat sa pagsama kay Justin, pasensya na kung nahuli ako. Hindi pa naman siguro nagsisimula?” tanong ko.

Na-guilty ako, dapat ako ang kasama ni Justin pero sa ibang tao ko pa naiasa kahit na hindi naman na iba sa amin si Dane. 

“Nagsimula na sa ibang games pero pwede pa naman tayong humabol. Tara na ba?” Mahinahon niyang tanong. 

Tumingin ako sa kamay ng anak ko na hinihila ang manggas ng damit ko, ang kaninang kaba ay mas lalong bumalik nang makita kong nakatingin ito kay Jeremy. Bumaling din ako kay Jeremy na seryosong nakatingin kay Dane. Napalunok ako ng dalawang beses sabay hawak sa kamay ng anak ko. 

“Baby, sama ka muna kay Spongebob sa pwesto niyo kanina. Pupuntahan ko kayo mamaya, I will just talk to him, okay?” malambing kong sabi sa anak ko.

Kumunot naman ang noo n Justin na para bang pati sa kanya ay kailangan kong magpaliwanag. Ano ba naman ito. 

Nagulat ako nang inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at bumulong. “Who is he? Do we like him or not?”

Gusto kong matawa sa tanong niya, nakabase talaga sa akin kung gusto ba namin ang isang tao na bago niya pa lang nakita. 

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. “I will tell you later, okay? Sa ngayon, samahan mo muna si Spongebob.” Ngiti ko sa kanya. Tumango naman siya at agad na lumapit kay Dane.

Kahit si Dane ay naguguluhan din sa nangyayari pero wala siyang sinabi, sinunod niya lang ang pagtango ko hudyat na mauna na muna sila at susunod ako pagkatapos kong harapin ang kumag na kasama ko ngayon. Inantay ko muna silang makalayo bago ko hinarapa si Jeremy.

“Salamat sa paghatid sa akin, makakaalis ka na.” seryoso kong sabi. Pero hindi siya kumilos para tumalikod, nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin.

“I need your explanation. What the hell is going on?” matigas niyang tanong na nagdulot sa akin ng pagkahina sa mga tuhod ko. Hinawakan niya ako sa braso ko na sobrang higpit.

Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya, isipin niya kung ano ang iisipin niya. Kung inakala niyang pina-abort ko ang batang gusto niyang mawala noon, pwes hindi. Hindi ko kayang pumatay ng inosente lalo na sariling anak ko.

“Bitawan mo ako, nasasaktan ako…” giit ko sa kanya at pilit na inalis ang kamay niya sa braso ko. Tumingin naman siya sa paligid tila napagtanto na nasa publiko kami. Huminga ako nang malalim. “Wala akong dapat ipaliwanag sa’yo, Jeremy. Kung iniisip mo tungkol sa anak ko, huwag ka na mag aksaya ng oras dahil anak ko lang siya. Hindi mo siya anak.”

Pagkatapos kong sabihin iyon, tumalikod na ako sa kanya at nagmamadaling naglakad na hindi siya nililingon ulit. Natatakot ako na kapag nilingon ko siya ay mabigyan ko pa siya ng pag-asa sa sarili niya na anak niya si Justin.

Hindi pwede. Ayaw kong malapit ang anak ko sa kanya, dahil ayaw kong maalala ko ang hirap naming dalawa ng anak ko noong mga panahon na wala ang ama niya. Masaya na kami na kaming dalawa lang, hindi na siya kailangan sa buhay namin. 

“Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Dane nang makarating ako sa pwesto niya. 

Tumingin ako sa kanya, tumango at ngumiti nang malapad. “Oo naman, ayos lang ako. Ano, may next game na ba na pwede tayong sumali?” magiliw kong tanong.

“Oo, niregister ko na ang name natin sa Charades, magulang ang maglalaro at yong bata naman ang magche-cheer. Ikaw ang manghuhula,” paliwanag niya. 

Na-excite ako bigla dahil lagi naman namin iyon nilalaro sa apartment tuwing day-off ko kasama si Justin at pamilya ni Dane kaya madali na lang sa amin ang game na ito. 

Nang tinawag na ang players sa susunod na laro, agad kaming pumwesto tatlo, magkaharap kami ni Dane, nakatayo siya at ako naman ang naka-upo habang si Justin ay nasa gitna namin bitbit ang dalawang balloon na kulay blue, pumito na at saka kami nagsimulang maglaro. Ilang minuto lang ay nahulaan ko kaagad ang pinapahula ni Justin pero nang malapit na matapos ang oras ay napatigil ako.

Nawala ako sa focus.

“Diana, dali. Isa na lang ito.”

“Mommy, last one mommy.”

Bakit siya nandito? Pinaalis ko na siya. 

Nakatingin ako sa lalaking parang tigre kung tumingin sa akin na para bang handa na siyang lapain ako. Nakatayo siya sa pwesto naming tatlo kanina

“3 seconds!”

Kung hindi dahil sa sigaw ay hindi ako makakabalik sa laro. Binilisan kong hulaan ang pinahula ni Justin, huling item na. Alam ko naman na ang sagot kanina bago ako mapatingin kay Jeremy kaya kami na ang nanalo. 

Tuwang-tuwa si Justin sa nangyari, ito ang unang game na may kasama siya. Nagpabuhat pa siya sa akin. “You’re amazing, mom!” masaya niyang sabi.

Hinalikan ko siya sa pisngi. Binigay na sa amin ang prize at inalayan naman kami ni Dane na babalik sa pwesto namin. Napatigil ako at naghanap ng ibang pwesto pero wala na akong mahanap kaya wala akong choice kundi bumalik sa dati.

Palihim akong pumikit ng mariin. Naiins ako sa presensya niya, pinaalis ko na siya. Anong rason niya para manatili rito?

Kahit si Dane ay napatigil nang makita siya. Binaba ko si Justin na hindi pinapansin si Jeremy pero itong anak ko siya pa talaga ang unang lumapit! 

Please naman anak, wag kana magsalita!

“Hey! Ikaw iyong kasama ng mommy ko kanina. What are you doing here?”

Anak ka talaga ng tatay mo, hindi ko alam kung kanino nagmana ang batang ito. Sinabi niya iyon kay Jeremy na seryoso at nakataas ang isang kilay. Agad ko siyang nilayo mula kay Jeremy.

Si Jeremy naman hindi maalis ang tingin niya kay Justin, kinakabahan ako ulit. Ayaw kong tignan niya ang anak ko nang matagal. 

“May gusto ka bang bilhin?” tanong ko kay Justin para maiba ang attention niya. Tumingin din ako kay Dane para humingi ng tulong pero hindi siya nakatingin sa akin, kay Jeremy rin siya nakatingin. 

Gusto ko na lang lamunin ako ng lupa ngayon. 

“Ano bang ginagawa mo rito? Hindi ba’t pinaalis na kita?” mahina kong tanong sa kanya, narinig iyon ni Dane at Justin pero wala na akong choice, masyadong dumarami ang tao sa paligid para hilahin ko pa ang isang ito palayo.

Inalis niya ang tingin kay Justin at tumingin sa akin na tila ba handa siya sa kung ano man ang gusto niyang gawin.

“Wala na akong meeting kaya naisipan kong dito muna at manood.”

Napahawak ako sa sentido ko. “Hindi naman na kailangan ng dagdag audience dito, marami ng tao. Alam kong busy ka Mr. Saltzman kaya hindi mo naman kailangan gawin ito,” mahina ko pa ring sabi sa kanya. 

Gusto ko siyang sipain para umalis lang. Nakatayo pa rin kaming apat at ramdam ko na ang tingin ng mga tao sa paligid namin dahil tila kami lang ang nakatayo. 

“Hmmm.” Tumingin siya kay Dane, sunod kay Justin na nasa tabi ko lang din at huli ay sa akin ulit. “I will play a game with you and this kid too.”

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
haha yeah ang family day tuloy
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 90

    Nang oras na para sa conference meeting, kasama ni Jeremy si Diana. At ngayon sa harap nila, nagsasalita si Viviane. Puno ng paghanga ang mga naroon, na tila ba perpektong asawa ng isang Saltzman dahil alam niya lahat ng mga sinasabi niya. At habang pinagmasdan ni Diana ang slides sa presentation, may napansin siya. Walang nagbago mula sa siya ang gumawa ng slides. Pero naalala niya na nabanggit ni Viviane ay marami siyang binago dahil mali-mali ang mga ito. Sa nakikita niya ngayon, mukhang sinabi naman ni Viviane ang lahat ng siya mismo ang gumawa. Napangiti siya sa kanyang isipan. Hindi niya inasahan na may ganito pa lang kayang gawin si Viviane, ang angkinin pati ang mga bagay na hindi siya ang gumawa. “Wow, Viviane. Hindi talaga nagkakamali na isa ka sa napiling mapapangasawa ng isang Saltzman. Ang husay ng presentation mo, walang labis walang kulang,” sabi ng isang executive na naroon. Nakikinig lang si Diana sa mga komento nila tungkol kay Viviane, si Viviane naman ay tuwang-t

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 89

    Third Person’s Point of View:Napatigil si Diana sa narinig. Nagulat, hindi inaasahan na iyon ang dahilan ng matanda kung bakit ito umalis ng bansa. Pero gumaan ang pakiramdam niya na nagpapagamot lang ito sa ibang bansa, ibig sabihin may pag-asa pa siyang makita ito at makilala si Justin. “Huwag kang magalit kay Jeremy, Diana. Hindi lang din namin inasahan na iyon ang magiging reaction ng lolo niya,” sabi ni Viviane. Tumingin si Diana sa kanya, at sa isip nito. Oo, hindi lang dapat si Jeremy ang dapat sisisihin kung bakit umalis ang matanda, kasama si Viviane sa dapat na sisihin. “Hindi ko naman iniisip iyon. Ang mahalaga ngayon, nasa maayos siya.” Tumingin siya kay Jeremy ulit. “You can call him and tell him to come back. I’m already here, gusto ko rin na makilala siya ni Justin,” dagdag ni Diana.Nagulat naman silang tatlo, lalo na si Viviane. Palihim niyang ikinuyom ang kanyang mga palad habang nakatingin kay Diana. Naiinis siya. Sino ba naman ang hindi maiinis kung walang iban

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 88

    DIANA’s POINT OF VIEW:Sinimulan nilang ikwento sa akin lahat, nauna si Viviane pero hindi niya alam bago pa niya ikwento ang tungkol sa kanila ni Jacob, nalaman ko na ang lahat. At alam ko puro kasinungalinga ang lumalabas sa bibig niya dahil si Jacob mismo ang nagsabi sa akin. Pinakinggan ko lang siya sa mga kasinungalingan niya, malayo sa mga kinwento ni Jacob sa akin. Ang laman ng kwento ni Viviane ay puro paghanga at pagbanggit sa pangalan ni Jacob. Pero ako, alam ko; hindi si Jacob ang ibig niyang sabihin, ginamit niya lang ang pangalan ni Jacob para pagtakpan ang desire niya. Si Jeremy pa rin hanggang ngayon. Kasi hindi naman masyadong magaling sa negosyo si Jacob, kaya paano niya nasabi na si Jacob ang nagtaas ng buong Saltzman?It was Jeremy. She can’t fool me. But still, I’m in the act. Dapat akong umakto na naniwala sa kaniya.“Wow, grabe. Ang dami ko na pala talagang hindi alam. Pero honestly, masaya ako na nahanap mo na iyong taong para sa’yo, Vi. After all, Saltzman pa

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 87

    Sa inis, tinulak ni Viviane si Jacob at tinignan ito nang masama. “Ano bang akala mo sa akin, ha? Tanga para gumawa ng katangahan?” gigil nitong sabi. Ngumisi naman si Jacob. “Alam kong hindi ka pa rin nagbabago, Viviane. Huwag mo na talagang subukan dahil sa oras na may gawin ka, hinding-hindi mo na makikita si Vanessa. Ilalayo ko siya sa’yo. Ayaw kong magalit ang buong pamilya ko sa akin dahil hinayaan kitang gumawa ng kabobohan…ayaw kong madamay ang anak ko.” Pagkatapos sabihin ni Jacob iyon, tumalikod siya para umalis. Naiwan si Viviane na nakakuyom ang mga palat dahil sa galit. Pumikit siya nang mariin. Iniisip ang mga araw pagkatapos mawala ni Diana. FLASHBACK***“Vi, anong nangyari, ah? Ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Jeremy nang makarating siya sa condo unit ni Viviane. Iniwan niya si Diana dahil tumawag si Viviane na kailangan siya nito. Pagkarating niya, mataas ang lagnat ni Viviane hanggang sa nahimatay ito kaya agad siyang sinugod sa ospital. Pagkarating sa o

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 86

    Masaya si Justin habang naliligo sa dagat kasama ang kanyang magulang—noon pa man ay gusto niya na ito. Bata pa lang, wala siyang ibang ninanais kundi makasama sina Diana at Jeremy. Halos isang oras silang naliligo hanggang sa nagpaalam si Jeremy dahil may tumawag sa kanya bigla. Nakipag-usap siya rito hindi kalayuan kina Justin at Diana. Samantala, nang sila nalang ni Diana at Justin sa dagat, ngumiti si Diana sa anak at nagtanong. “Are you happy, son?” Masaya namang tumango si Justin. “Yes, Mommy! Sana palaging ganito, palagi ko kayong kasama ni Daddy!” Hinimas ni Diana ang ulo ni Justin at ngumiti. Hindi niya alam kung ano ang itutugon sa sinabi ng anak niya dhail hindi siya sigurado kung mangyayari ba iyon. Natapos na rin silang maligo kaya pumunta sila sa cottage nila, naroon si Jeremy naghahanda ng pagkain. “Oh, saan na ang kausap mo?” tanong ni Diana nang makitang si Jeremy na lang mag-isa. “Pumunta na sa suite niya. By the way, ayos lang ba sasama sina Viviane at Vanessa

  • Mr. Saltzman Rejected Wife   Chapter 85

    Pagkatapos maligo at magbihis nina Diana at Justin, lumabas na sila ng suite nila at dumiretso sa dining hall. Pagkaraing nila roon, nakita nila si Jeremy may kasama—si Viviane at ang anak nitong si Vanessa.“Wala ba ang daddy ni Vanessa?” tanong niya sana iyon sa sarili niya pero si Justin ang sumagot na ikinagulat niya.“Vanessa said he won’t come.”Hindi na nagsalita si Diana, hindi niya inasahan na anak niya talaga ang sumagot no’n. Hinawakan niya na lang ang kamay ni Justin at saka sila sabay na naglakad.Nang makarating sila lamesa kung nasaan ang tatlo, agad na tumayo si Jeremy para paupuin sila. Magkatabi sina Vanessa at Justin, kaharap naman ni Diana si Jeremy at katabi ni Jeremy si Viviane. Nasa gitna nila ni Vanessa si Justin. Biglang nakaramdam ng pag-alinlangan si Diana. “Umorder na ako ng pagkain, ayos lang ba?” tanong ni Jeremy kay Diana. “Oo, ayos lang. Pasensya na kung natagalan kami,” sabi naman ni Diana. Sasagot pa sana si Jeremy sa kanya nang maunahan ito ni Viv

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status