LOGINQuinn Scarlett Laurent's POV
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa apartment ni Miza at dahil tabing-kalsada lang naman ito, pagkababa pa lang ng e-jeep ay rinig na rinig na namin ang malakas na boses ni Shane.
“Mukhang nasa loob na si Shane,” banggit ko kay Diane.
“Obvious ba? Ang lakas ng speaker ng bunganga eh,” natatawang sagot ni Diane sa akin.
Napatawa na lang din ako at nagtuloy-tuloy na sa aming paglalakad.
“Papunta kayo kay Miza? Pakisabihan naman yung isang bisita na medyo hinaan ang boses,” sabi ng isang lalaki na nakasalubong namin.
“Sige, Kuya, pasensya na,” sagot ko sa kanya.
Ngumiti naman ito at umalis na, tila babalik na sa kanyang silid.
Nagtuloy-tuloy na kami patungo sa silid ni Miza. Actually, this apartment is shared with 5 people.
“Pakihinaan daw ang boses, bes, nagrereklamo yung kasama n’yo dito,” sabi ni Diane nang makapasok na kami sa silid.
“Hindi naman malakas boses ko, te,” pabalyang sagot ni Shane.
“Ewan ko sa’yo, pero in fairness, ang ganda ng view dito sa apartment mo, Miza,” sabi ni Diane na siyang nagpakunot ng noo ko. “Katulad kanina, ang sarap sa mata nung pandesal na nakipag-usap sa’yo, ’di ba, Scar?”
“Ha?” confused na tanong ko sa kanya.
“Ano ka ba, sabi niya ang sarap daw ng abs nung lalaki,” sabi ni Shane. “Teka, kasamahan mo dito sa apartment ’yon? Nakita ko ’yon kanina galing jogging.”
“Yep, he’s Yohan, from Sinclare University,” nonchalant na sagot ni Miza habang nanonood sa kanyang iPad.
“Wow, isang linggo ka pa lang dito kilala mo na agad siya?” surprised na tanong ni Diane dito.
“Of course, gusto kasi ng tenant na magkakakilala kami dito sa bahay, and also, mabait si Yohan,” sabi ni Miza. “Makakasama natin siya sa school kung saan tayo ide-deploy bukas, pero by next week pa ang deployment nila.”
“Nila? Do you mean na may makakasama tayong mga practice teacher na galing sa ibang school?” tanong ko sa kanya.
“Yes, actually, kasama ko yung apat dito, dalawang guy at dalawang girl,” sagot niya na hindi man lang ako pinadadapuan ng tingin.
Hindi na lang ako umimik, since they are from university siguradong maca-compare na naman kaming mula lang sa maliit na paaralan ng kolehiyo.
“Alam ko iniisip mo, actually pumasok din sa isip ko ’yan na malamang maca-compare tayo sa mga ’yon,” sabi ni Miza.
“Edi mas galingan natin!” sang-ayon naman ni Diane.
“Mas malaki lang school nila, mas magaling pa rin tayo!” sigaw naman ni Shane.
“Shhh! Ang bunganga mo talaga, Shane, lalagyan ko na ’yan ng silencer!” pagsuway ko sa kanya.
Napatawa na lang silang tatlo dahil sa sinabi ko, habang ako ay napailing-iling na lang.
“So, anong oras daw ba bukas at nagawa n’yo pang mag-aya para mag-bar ngayon?” sabi ko bago naupo sa kama ni Miza.
“Itong taong ’to, napakatamad makinig sa ating formator, ala-una pa tayo ng tanghali kaya okay lang na mapuyat tayo!” sagot ni Shane sa akin.
“Nasa trabaho nga ni, ’di ba nga,” nang-aasar na sagot ko sa kanya.
Sinimangutan ako nito samantalang tinawanan ko lang siya.
“Mga 9 p.m. us pupunta, ’no?” tanong ni Shane.
“Yes,” maigsing sagot ni Miza.
“Bawal magsama ng boyfriend ha! Respeto naman sa single!” singit ko sa kanilang usapan.
“Si Shane lang naman ang may boyfriend!” sagot naman ni Diane sa akin.
Nginitian ko siya. “So dapat ba sinabi ko na ‘bawal sumama sa hindi boyfriend?’” natatawang sabi ko sa kanya.
Umirap naman ito sa akin. Hindi na ako nagsalita pa dahil baka mamaya ay mapikon ito sa akin. Simula nang makipaghiwalay ito sa kanyang boyfriend na two years ay parang naging isa na itong playgirl. Kung kani-kanino na lang sumasama at kung saan-saan nakikitulog.
“Gayahin mo si Scar, no boyfriend since birth,” biglang imik ni Miza sa gitna ng aming katahimikan.
“No boyfriend since birth, libo-libo naman ang crush,” nakairap na sagot ni Diane. “Tapos ang hilig-hilig sa gwapong clean boy na mayroong malaking biceps!”
“Oh, bakit ba? Ikaw nga ang hilig-hilig mo sa cosplayer!” sigaw ko sa kanya. “Pag tinanggal naman ang make-up, tingin mo ba ’yun pa rin yung paborito mong character?”
Nakita ko ang bahagyang inis sa mukha nito bago mabilis na kumuha ng unan at ibinato sa akin. Agad naman akong gumanti, hinampas ko ito at doon na nag-umpisa ang aming pillow fight.
Scarlett’s POVBiyernes ng gabi. Dapat masaya ako, dapat excited sa weekend, pero sa halip, parang mas lalo pang bumigat ang pakiramdam ko. Tahimik ang bahay—wala si Mama, gaya ng nakasanayan tuwing Biyernes, nasa bahay ni Tita para mag-overnight. Ako lang mag-isa, pero kahit ganoon, hindi ako mapakali. Parang ang liit-liit ng buong mundo, parang kahit anong gawin ko, hindi ko matakasan ang bigat ng lahat ng dapat kong itago.Ilang araw na akong umiiwas kay Sebastian—sa text, sa tawag, pati sa eskuwelahan. Pilit ko siyang nilalayo, pilit kong tinatabunan ng trabaho at pagod lahat ng hinanakit at takot. Pero alam kong hindi na siya magpapapigil. Alam kong darating ang gabi na haharapin ko na rin siya, kahit ayaw ko.Hindi nagtagal, may narinig akong papalapit na kotse sa labas ng gate. Kumabog ang dibdib ko, alam ko agad. Bumaba siya ng sasakyan, mabilis ang lakad, halatang matagal nang nagpigil. Sa porch ako naghintay, naglalaban sa pagitan ng gustong lumapit at gustong humiwalay.“Sc
Clyde’s POVHindi ko masabing chismoso ako, pero kahit anong iwas, napapansin ko kapag may kakaiba sa mga taong araw-araw mong kasama. Simula pa nitong linggo, parang may mabigat kina Sir Sebastian at Scarlett. Dati, kahit pagod si Scarlett, laging game sa kulitan, lalo na kapag kami ang magkasama sa faculty room—parang magkapatid lang. Pero ngayon, parang may distansya na siya sa lahat, lalo na kay Sir.Isang araw, habang nag-aayos ako ng worksheets, pumasok si Sir Sebastian na may dalang test papers. “Clyde, pakikuha nga ng attendance sheet kay Scarlett. Nasa library siya,” utos niya, sabay abot ng folder.“Okay po, Sir.” Wala namang kakaiba—pero napansin ko, parang mas madalas na kaming pinagsasabay ni Sir. Parang gusto niyang may kasama si Scarlett palagi.Pagdating ko sa library, nakita ko si Scarlett na abala sa pag-check ng class record. “Scar, hinahanap ka ni Sir. Sabi, sabay daw tayong bumalik,” sabi ko.Napatingin siya sa akin at pilit na ngumiti. “Sige, Clyde. Tapos ko na r
Sebastian's POVKinabukasan, mas maaga akong pumasok sa school. Tahimik pa ang faculty hallway—kakaunti pa lang ang tao, at ang bawat hakbang ko ay parang lalong bumibigat ang loob ko. Diretso agad ako sa library office, pilit na pinapakalma ang sarili habang nagpapanggap na may hinahanap lang sa faculty shelf. Pero ang totoo, pinagmamasdan ko si Ma’am Andrea, na abala sa pag-aayos ng mga faculty files, papel, at envelopes sa kanyang lamesa.Hindi nagtagal, napansin kong may envelope siyang hawak. Saglit siyang lumabas ng office para kausapin ang isang staff sa labas, naiwan na bahagyang nakabukas ang drawer sa ilalim ng kanyang desk. Doon ko naramdaman ang pagkakataon—kabado, pero determinado. Sulyap dito, sulyap doon. Wala namang ibang tao.Dahan-dahan akong lumapit sa mesa niya at binuksan ang drawer. Sa loob, may ilang envelope na may label na “PST Monitoring,” “Intern Reports,” at isa pa na walang anumang label—maliban sa pangalan naming dalawa ni Scarlett. Kumakabog ang dibdib k
Sebastian’s POVHindi ako mapakali buong gabi. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Pabalik-balik lang sa isip ko ang eksena kanina—si Scarlett, umiwas ng tingin, umiwas ng yakap, umiwas ng kahit anong koneksyon. Ilang beses kong tiningnan ang phone, umaasang may mensahe siya, kahit simpleng “OK lang ako.” Pero wala. Blangko.Hindi ako sanay na siya ang lumalayo. Palaging ako ang nagpapakumbaba, ako ang nagpapasensya, ako ang nauunang mag-reach out. Pero ngayon, parang may pader na hindi ko kayang basagin, hindi ko maintindihan.Kinabukasan, maaga akong dumating sa faculty room. Sinalubong ako ng mga co-teacher, pero wala akong ganang makipagkwentuhan. Ang utak ko, lumilipad—naghahanap ng sagot. Pagdating ni Scarlett, hindi siya tumingin sa akin. Tahimik siyang dumaan, nagpaalam na may kailangan daw tapusin sa records. Wala. Wala ni isang sulyap, ni isang ngiti.Tumingin ako kay Clyde, na napansin kong parang mas abala kay Scarlett. Lagi siyang nakasunod, laging may dalang pagkain, la
Sebastian’s POVHapong-hapo na ako buong araw—galing sa sunod-sunod na klase, meetings, at mga papel na kailangang i-check. Pero ang pinakaabangan ko, ang tanging nagpapagaan ng araw ko, ay ang makita si Scarlett kahit ilang saglit lang. Kaya nga nandoon ako ngayon, nakatayo sa labas ng library, hawak-hawak ang phone at paulit-ulit na tinitingnan kung online siya.Nag-message na ako:“Scar, okay ka lang ba? Nasa labas ako ng library, hintayin kita.”Nilibot ko ang paningin ko sa hallway, umaasang lalabas na siya anumang oras. Ilang minuto ang lumipas, pero wala pa rin. Napansin kong kakaiba ang atmosphere—parang mabigat ang hangin, parang may bumabagabag kahit sa mga estudyanteng dumadaan.Maya-maya, nakita ko siyang lumabas ng library—mabagal ang lakad, nakayuko, at parang ibang-iba ang aura niya. Wala ‘yung dating sigla, ‘yung simpleng ngiti na laging nagbibigay-buhay sa araw ko. Inangat niya lang saglit ang tingin, nagtagpo ang mga mata namin, at doon ko nakita—puno ng takot, lungk
Scarlett’s POVKabado akong naglakad papunta sa library office. Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat ang hangin ngayon—parang bawat hakbang ko, mas lumalalim ang kaba at takot sa dibdib ko. Sobrang tahimik ng hallway, parang lahat ng tao ay lumalayo, parang may paparating na unos na ako lang ang nakakaalam.Pagbukas ko ng pinto, nandoon na agad si Ma’am Andrea. Hindi siya nakaupo sa usual niyang pwesto sa harap ng computer, kundi sa mismong reading nook, malapit sa bintana. Nakataas ang kilay, tuwid ang upo, at mahigpit ang hawak sa envelope na parang sandata.“Umupo ka, Scarlett.” Wala nang lambing sa boses niya, puro lamig at authority.Naglakad ako papunta sa harap niya, pilit na pinapakalma ang sarili. Umupo akong maayos—kahit gusto ko nang tumakbo, gusto kong magtago, gusto kong maglaho. Pero hindi puwede. Kailangan kong harapin ‘to.“Ano po ‘yon, Ma’am?” mahina kong tanong, pilit na pinipigilan ang panginginig ng boses ko.Hindi siya sumagot agad. Imbes, dahan-dahan niyan







