NAGISING si Gracie na nasa banyagang silid siya. Pupungas-pungas na bumangon siya pero nanatiling nakaupo sa malambot na kama. Napansin niya na iba na rin ang suot niyang damit, isang plain t-shirt at short na lang. Hindi na niya malinaw na matandaan ang mga nangyari sa nagdaang gabi.
“Teka, nasaan ba ako ngayon?” maang na tanong niya sa sarili.
Bago pa niya mailinga ang tingin sa apat na sulod ng silid ay bumukas ang pinto n’on. Iniluwa n’on ang isang babae na kilala pa rin niya.
“N- Narita?” usal niya sa pangalan nito.
Ngumiti ito. “Gising ka na pala Gracie. You were so drunk last night at dahil hindi ko naman alam ang address mo ay iniuwi na muna kita dito sa town house ko.”
Nakadama siya ng hiya. “Pasensya na kung naabala kita. Feeling strong kasi ako kahit alam ko na mahina ako sa inuman.”
“It’s alright, remember my unfinish business pa tayo,” anito.
“Ano ‘yun?” nagtatakang tanong niya sa babae.
“Ikaw talaga, iyong pagganti na gagawin natin sa half-sister mo. Ngayon ay hindi na usapang lasing napagkwentuhan natin kagabi. Ang mabuti pa ay ayusin mo muna sarili mo, may sariling banyo at naka-ready na rin ang damit mo. Iyong damit na suot mo ay ipinalaba ko muna sa maid ko dito.”
“Grabe ang laki na pala ng utang ko sa’yo,” lalo pang nahiyang saad niya.
“Don’t be,” tugon nito. “Maiwan muna kita para makapag-ayos ka at itutuloy natin ang usapan natin sa breakfast.”
Bago siya makapagsalita ay tinalikuran na siya ni Narita saka lumabas na sa silid na kinaroroonan niya.
Tumayo na siya para magtungo sa banyo. Pasalamat siya na wala siyang hang-over sa dami ng nainom niyang alak kagabi.
“HUWAG na lang kaya natin ituloy ang plano natin. For sure may karma rin si Tatiana. Hindi ko kaya ang ipapagawa mo sa akin,” nag-aalinlangang sabi ni Gracie kay Narita nang malaman ang plano nitong gawin. Naroon sila sa dining table at katatapos lang kumain ng breakfast.
“Alam mo Gracie, minsan ay kailangang lumabas tayo sa comfort zone natin para mabigyan ng justice ang sarili natin. Saka once mo lang gagawin ang ipinapagwa ko sa’yo,” pag-kumbinse nito sa kanya.
Alanganing umiling siya. “Ngunit hindi ako maatim na gawin ‘yun at ako ang nahihiya sa sarili ko. Baka may pwedeng iba na lang na gumawa n’on para sa ating dalawa.”
“Mahirap ang gusto mong mangyari, hindi natin masasabi ang loyalty ng naiisip mong iba na pwedeng gumawa ng plano natin. Kung hindi nga lang ako kilala ni Oliver ay willing sana ako na ang gumawa,” dagdag pa nito.
Saglit nawala ang atensyon niya kay Narita nang makatanggap siya ng message mula sa assistant niya sa office na si Rhona.
Ma’am Gracie, nagpunta po dito sa office mo si Ma’am Tatiana saka siniraan ka po sa amin. Ipinagkakalat niya na ninakaw mo raw po ang business proposal na ginawa niya. totoo ba ‘yun?
Umahon na naman ang dugot sa ulo niya at nabuhay ang galit sa half-sister niya. naikuyom niya ang kamao ng isang malayang kamay niya.
“Kung patuloy kang magiging mahina Gracie ay lalo ka lang mamaliitin ng mga taong walang bilib sa’yo. Kapag nagawa natin ang plano ay dapat na maging masaya ka na ikaw ang nagbigay gn karma sa kapatid mo,” sabi pa ni Narita na sinadya siyang untagin dahil sa pananahimik niya.
Hindi totoo ‘yun. Siya pa nga ang nagnakaw ng pinaghirapan nating proposal. Ipinadala niya ang nasabing reply sa assistant saka muling binalingan siya ni Narita.
“Sige pumapayag na ako sa plano natin,” diretsong sabi niya sa babae. “Sumusobra na si Tatiana at gust kong ipalasap sa kanya ang karma niya. Kailan ng apala natin gagawin?”
May kakaibang ngiti ang gumuhit sa labi ni Narita. “Mamaya na Gracie at tamang-tama dahil birthday ni Oliver ngayon kung saan madali nating magagawa ang plano natin. Salamat sa pagpayag mo na maging partner in crime kita.” bahagya itong napatawa.
“This time ay kailangan ko naman na ilaban ang sarili ko,” puno ng tapang at paghihiganting sabi niya.
NAKAMULAT ang mga mata ni Gracie pero tanging dilim ang nakikita niya sa kinaroroonan. Nakaupo siya sa alam niyang pinaka-relak na posisyon. Pansamantala lang naman siya sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayong gabi. May nauulinigan siyang mga tinig pero hindi niya malinaw na marinig. Mga ilang minute na rin siya doon.
Nagulat siya nang awtomatikong gumalaw sa pwesto niya. ramdam niya na umaandar na siya na patungo kung saan. Narinig niya ang pag-igik ng bumukas na pinto.
Lalong lumakas ang naririnig niyang ingay at usapan sa labas. Sa pagkakataong iyon ay may halo na rin ng musika. Ingay ng mga nagkakasiyahan.
Napatingala siya sa pagkakaupo nang marinig ang marahang pagkatok. Ang hinihintayn niyang hudyat para lumabas na sa pinagkukublihan sa mga sandaling iyon.
Bumuntong-hininga siya na tila humuhugot ng lakas ng loob. Nakainom na rin siya ng alak kanina para mabawasan ang reserbasyon sa sarili lalo na ang pagkailang.
This is it!
Sa pagtaas ng kamay niya ay tumayo na siya. Ganap niyang nailabas ang sarili sa malaking kahon na pinagtaguan niya na nakalagay sa isang trolley para madali siyang maipasok sa loob ng isang bachelor’s pad.
“Enjoy our gift birthday boy!” sabi ng isang lalaki. Natutuwang nagpalakpakan at sumipol ang mga kasamahan nito. Nasa anim na kalalakihan ang nakita niya sa lugar na iyon.
“You guys are crazy!” naiiling na sabi ng isang lalaki at kita ang pagka-disgusto sa mukha nito. Suot nito ang isang red polo at cream slack. At marahil ito na nga ang pakay niyang lalaki ngayong gabi- ang fiancée niya si Tatiana.
“Just enjoy the night Oliver.” Tinapik ito ng isang lalaki at nakumpirma nga ang hinala niya.
Pumailanlang sa paligid ang isang isang tugtugin na sinabayan niya ng pagsayaw ng may pagkaharot. Isang sexy tube at short ang suot niya. sa paggiling ng katawan niya ay hinuli niya ang tingin ni Oliver.
Nagtagumpay naman siya dahil nagtama ang kanilang mga mata. Umalis na siya sa nasirang malaking kahon saka mas lumapit pa kay Oliver.
Oliver has styled neatly hair with an intense gaze. He has a sharp cheekbones na nagpadagdag appeal sa kagwapuhang taglay nito. Matangkad ito at masasabing hanggang balikat lang siya nito. He’s so hot.
May kung anong kakaibang attraction ang lumukob sa kanya. Gusto niya na maakit ang fiancée ng half-sister niya sa gabing iyon.
Napapikit si Gracie, pinilit ang sariling huminga nang malalim habang ramdam pa rin ang init ng haplos ni Oliver—isang init na tila hindi lang mula sa kanyang palad kundi sa mismong kaluluwang humihiling ng sagot. Gusto niyang magpakatatag. Gusto niyang tapusin ang sandaling iyon—ngunit huli na. Wala na siya sa pagitan ng pag-iwas at pag-amin. Nahulog na siya. At masyado nang malalim.“Oliver…” mahina niyang tawag, bahagyang nanginginig.Hindi ito sumagot. Sa halip, mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay—hindi mapilit, kundi parang humuhugot ng lakas mula sa kanya. Sa simpleng hawak na iyon, may init na nagmumula sa balat hanggang sa dibdib niyang kumakabog.Gusto na sana niyang sabihin ang lahat. Ilahad ang katotohanan. Ipakita ang bahaging matagal na niyang ikinukubli—hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa takot. Takot na kapag nalaman ni Oliver, mabura ang koneksyong ito na sa bawat araw ay lumalalim.Pero nakita niya sa mga mata ng binata ang pagkapit sa katahimikan. P
Nanatiling nakatayo si Gracie, hindi makapaniwala sa nangyayari. Ang init ng titig ni Oliver ay bumabalot sa kanya, unti-unting pinapaso ang anumang pag-aalinlangan niya.Ang lalaking ilang linggo lang ang nakalilipas ay tila isang imposibleng maabot na tao—ngayon ay nakaharap sa kanya, bahagyang nakabukas ang itim nitong shirt, at binibigyan siya ng pagkakataong ilarawan ito sa paraan kung paano niya ito nakikita sa kanyang mga mata."Gracie," bulong ni Oliver, mababa at bahagyang paos ang boses. "Ba’t hindi ka gumagalaw?"Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano magre-react.Hindi na ito ang dating Oliver na laging may suot na maskara ng pagiging cold at istrikto. Sa harap niya ngayon ay isang lalaking may mapanganib na karisma—isang lalaking mukhang handang iparamdam sa kanya ang mga bagay na dati’y sa sketches lang niya nagkakaroon ng buhay.Kinalma niya ang sarili, pilit na ibinalik ang focus sa papel. Mabilis siyang umupo sa stool sa harap ng easel, sinubukang iwaksi ang kaban
Nanlamig ang buong katawan ni Gracie. Hindi niya alam kung paano magre-react sa alok—o sa pang-aasar—ni Oliver."A-Anong ibig n'yong sabihin, Sir?" pilit niyang inilayo ang sarili habang hinahawakan ang laylayan ng oversized shirt niya, na parang makakatulong iyon para maprotektahan siya mula sa intense na titig ng lalaki.Umupo si Oliver sa gilid ng kanyang maliit na couch, nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya na parang may iniisip na kung anong kapilyuhan. "Simple lang. Kanina mo pa ako pinipinta, di ba? So bakit hindi na lang natin gawing totoo? Ako mismo ang magiging subject mo… live."Muntik nang mahulog ang hawak niyang brush. Live? Pinipinta niya ito nang hindi niya namamalayan, at ngayon gusto nitong gawin iyon sa harapan niya?"S-Sir, hindi naman po ako professional portrait artist," mabilis niyang tanggi, pilit na dinadaan sa katwiran ang sitwasyon. "Passion ko lang po talaga ito."Hindi sumagot si Oliver, pero isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Ti
Halos gusto nang lumubog ni Gracie sa kinauupuan niya. Para siyang nasunog sa kahihiyan habang mahigpit na hawak ang cellphone niya, na parang sa pamamagitan noon ay mabubura ang eksenang nasaksihan niya ilang segundo lang ang nakalipas.Ano bang ginawa mo, Gracie?!Hindi niya sinasadyang makita iyon! Pero bakit parang… hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya?Muli niyang tinapik-tapik ang sarili. Magpakatino ka! File ang ipinahanap niya, hindi siya ang pinapanood mo!Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili, at pilit inalala ang dapat niyang gawin—ang i-scan ang file. Kaya kahit nanginginig pa ang daliri niya, kinuha niya ang document, isinalang sa scanner, at pilit iniiwasan ang bumalik sa isip niya ang hubad na imahe ni Oliver.Pero bago pa man niya maipagpatuloy ang trabaho, biglang tumunog muli ang cellphone niya. Isang video call mula kay Oliver.Muntik na siyang mapatalon.Napalunok siya at saglit na tinitigan ang screen. Hindi niya alam kung kakayanin niyang tingnan
KINABUKASAN, walang Oliver na pumasok sa site sales office ng Palmera Estate. Hindi maikakaila ni Gracie na nami-miss niya ang presensya ng binatang boss. O maging ng puso niya?Napailing siya sa isiping iyon. 'Huwag kang ilusyunada Gracie. Oliver will never like you lalo kapag nalaman niya ang secret mo. Siguradong magagalit 'yun sa'yo.'Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Hinamig niyang muli ang sarili. Isang video call ang natanggap niya mula sa lalaking laman ng isip niya ngayon. Kaagad niyang sinagot iyon."Hello Gracie," bati ni Oliver sa kabilang linya. Malinaw niya itong nakikita sa screen ng cellphone niya. "I'm here in Manila now, may immediate meeting ako sa mga shareholder ng company. May ipapasuyo sana ako sa'yo.""Sure Sir, ano po iyon?" ang masiglang tugon-tanong niya kay Oliver. Ewan ba niya kung bakit naging sobrang saya niya na makita ito kahit online.Isang mahalagang file ang ipinapahanap nito sa kanya. Pansamantala nitong tinapos ang tawag. Nagpunt
Tahimik si Gracie habang nakaupo sa maliit na sofa ng kanyang apartment, hawak ang isang baso ng wine. Mula sa bintana, tanaw niya ang city lights—parang simbolo ng lahat ng pinagdaanan niya sa nakalipas na mga buwan.Marami na ang nagbago. Ang dating simpleng trabaho niya sa Palmera Homes ay nauwi sa mas malaking laban. Hindi lang niya tinulungan si Oliver Wright na iligtas ang kanyang kumpanya, kundi pati na rin ang relasyon nito sa ama.Napabuntong-hininga siya. Sa wakas, natapos na rin ang lahat ng kaguluhan.O akala niya lang.Dahil maya-maya lang, may kumatok sa kanyang pinto.Napakunot ang noo niya. Alas-diyes na ng gabi, sino kaya iyon?Dahan-dahan siyang lumapit at binuksan ang pinto. At halos mapalunok siya nang makita kung sino ang naroon.Si Oliver.Nakapamulsa ito, nakasuot ng simpleng dark blue polo at fitted jeans. Pero ang pinakamapanganib sa lahat? Ang paraan ng pagtitig nito sa kanya—seryoso, parang may gustong sabihin.“Oliver?” bulong niya, halatang nagulat. “Anong
Sa Palmera Site Sales Office.Abala si Gracie sa pagsasaayos ng final plans para sa Palmera Estate Subdivision nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya.Si Oliver.Napatingin siya rito, bahagyang nagulat sa presensiya nito. “Sir Oliver? Andito na po pala kayo ”Ngumiti ang lalaki at lumapit sa kanya, may hawak na isang folder. “Tapos na ang gulo. This is a good news .”Napangiti si Gracie. Alam niyang hindi lang ito tungkol sa negosyo—ito rin ay isang personal na tagumpay para kay Oliver.“Nagkaayos na kayo ng dad mo?” tanong niya.Tumango si Oliver. “Oo. Hindi pa perpekto, pero at least, nag-uusap na kami.”Mas lalong lumambot ang ekspresyon ni Gracie. Alam niyang napakalaking bagay nito para kay Oliver, lalo na sa lahat ng pinagdaanan nito.“Good,” sagot niya. “Dahil kailangan mo nang pirmahan ‘to.”Itinulak niya ang isang dokumento patungo kay Oliver—ang final contract para sa Palmera Estate Expansion Project.Napangiti ang lalaki at umiling. “Lagi mo na lang akong inuutusan,
Matagal nang alam ni Oliver at Gracie ang katotohanan—ang mismong ama ni Oliver ang nasa likod ng pagpapabagsak sa kanya.Hindi lingid sa kanila ang bawat atake, ang bawat balakid na inilagay nito sa daraanan ni Oliver para sirain ang kumpanyang itinayo niya mula sa sarili niyang pagsisikap. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi sila sumuko.At ngayon, hawak na nila ang ebidensya para tapusin ito.—Nakatayo si Oliver sa harap ng kanyang opisina, nakatitig sa mga dokumentong inilapag ni Gracie sa kanyang lamesa. Tahimik siyang nagbabasa, ngunit sa bawat segundo, lalo lang tumitindi ang tensyon sa paligid.“Hindi na siya nagtatago,” malamig na sabi ni Oliver matapos basahin ang report. “Direkta na siyang kumikilos.”Tumango si Gracie. “Lahat ng galaw ng Vita Land nitong mga nakaraang buwan, may pirma niya. Ang mismong lupa na sinira niya gamit ang peke niyang soil report? Alam mong bakit niya ginawa ‘yon, ‘di ba?”Mariing isinara ni Oliver ang hawak na papel. “Dahil gusto niyang sirain ang
Pagpasok ng lalaki, bumungad ang matikas nitong tindig at ang seryosong ekspresyon sa mukha. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng opisina, tumagos ang matalas nitong titig kay Oliver—isang titig na puno ng kumpiyansa, ngunit may bahid ng pag-aalala."Arman Villarosa," malamig na banggit ni Oliver, hindi man lang itinago ang tensyon sa kanyang boses. "I was just about to call you."Ngumiti nang tipid si Arman at lumingon kay Gracie bago bumalik ang tingin kay Oliver. "Mukhang hindi maganda ang timpla mo. Ano bang nangyayari?"Hindi na nagpaligoy-ligoy si Oliver. Kinuha niya ang folder sa mesa at malakas itong ibinagsak sa harapan ni Arman. “Explain this.”Kumunot ang noo ni Arman habang marahang binuksan ang folder. Saglit niyang sinuyod ng tingin ang mga dokumento, at saka marahang umiling. "Ah... So, ito pala ang dahilan ng lahat ng ito."Tumayo si Oliver, ang mga kamao’y nakatukod sa mesa. "Don't play games with me, Arman. Alam mong hindi stable ang lupa, pero pinirmahan mo ang second r