Home / Romance / Mr. Wrong becomes Mr. Right / Chapter 6- Mr. Wrong becomes Mr. Right

Share

Chapter 6- Mr. Wrong becomes Mr. Right

Author: YNAH MENDOZA
last update Last Updated: 2025-05-03 21:12:09

AYA

Kinakabahan ako ng sabihin ni She na magpahatid na lang kami kay Marcus tutal ay wala kaming makitang namamasada ng motor para maghatid sa amin dahil biglang dagsa ang uwian ng tao.

Kung alam lang nito ang huling nangyari sa amin ng lalakeng iyon na kulang na lang ay parehong mag-apoy sa galit ang mga ilong namin ay hindi siguro ito magpupumilit na sumabay kami sa kotse ng Marcus.

Wala na nga akong nagawa ng sapilitan akong pinasakay ni She-she sa loob na kotse na minamaneho ni Marcus Napoleon.

Habang nasa biyahe kami papunta sa bahay ni She ay kulang na lang ay ihulog niya ito sa kotse sa inis. Paano na ang mangyayari kapag naihatid na nito si She sa bahay nito mismo? Maiiwan kaming dalawa ng lalakeng ito, malay ko ba kung may balak siyang masama sa akin. Aba...aba, babaeng Pilipina kaya ako at pinalaki ako ng mga lolo at lola ko na pinapangalagaan ang puri kaya tiyak na makakatikim ako ng kurot sa singit sa mga ito kapag nalaman na nagpahatid ako sa isang lalake sa dis oras pa ng gabi!

Nagulat ako ng matapos naming maihatid si She sa bahay nito ay nirequest pa nitong sa unahan ako maupo katabi nito. Tinaasan ko siya ng kilay, hindi ko lang alam kung napansin nito ang ginawa kong iyon.

At ayaw pang mapagkamalang driver dahil lang sa wala itong katabi sa driver's seat? Talaga naman.

Katulad kanina ay wala na naman akong nagawa ng sapilitan din niya akong paupuin sa driver's seat na katabi ito.

Habang nasa biyahe kami ay pasimple kong sinusulyapan ang ginagawa nito. Diretso lang itong nakatingin sa daan, at suwabeng-suwabe kung makahawak sa manubela kala mong hindi reckless driver samantalang muntik na niya akong mapatay.

Minsan niya akong nahuli na nakatingin ng pasimple dito kaya naman gusto ko na lang tumalong ng labas ng kotse  dahil dun. Baka akalain nito ay wala na akong ginawa kung hindi ang titigan ito kanina pa? Hindi nga ba Aya?

"About what happened last time." Napalingon ako ng marinig ko ang boses nito na nagsalita. Ito ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi muna ako nagsalita at hinintay ko ang sasabihin pa niya.

"I didn't mean it when I said I will just pay you some money for you know..." pagpapatuloy nito. Bigla kong naalala ang mga nangyari sa amin ng araw na iyon pero di katulad ng una kong naramdaman ng mangyari iyon, kalmado na ako o mas nangingibabaw lang ang kaba sa puso ko dahil sa ginagawa nitong paninitig sa akin sa tuwing magbabawas ito ng speed ng takbo ng kotse.

"O-okay na...kalimutan na natin yun." Sabi ko na lang. Ayoko na ring namang makipagtalo sa harap nito lalo na at nalaman ko pang ito pala ang bunsong anak ni Gobernor Napoleon.

"What do you mean okay na?" Lingong tanong nito sa akin.

Napabuntonghininga muna ako saka ako muling sumagot.

"Huwag mo ng isipin yun nangyari, wala namang masamang nangyari sa atin pareho kaya mas mabuting kalimutan na lang natin kung ano man ang nagyari ng araw na iyon."

"Yeah, but I still..." hindi nito naipagpatuloy ang sasabihin ng itaas ko sa hangin ang kamay ko para patigilin ito.

"Okay na nga hindi ba?" mataray kong sagot sa kanya. Kahit naman hindi na kami nagkitang muli ay makakalimutan ko naman ang nangyaring iyon sa amin dahil sa naniniwala akong hindi dapat pinapatira sa puso ang galit. Maikli lang ang buhay sa mundo para aksayahin ko pa sa mga galit o hindi magandang bagay.

Natahimik saglit si Marcus ng mataray ko siyang sagutin. Iyon ang ugali ko, hindi ako sweet o malumay magsalita lalo na at kakikilala lang naming dalawa.

Ilang minuto pa ay narating na rin namin ang tapat ng mismong gate ng bahay nila lolo at lola. Tahimik na tahimik ang paligid at tanging mga ingay ng kuliglig lang ang maririnig mo kapag bunuksan mo ang bintana ng kotse.

"We're here." Ianyos nito ang kambyo ng kotse nito at saka ako hinarap. Kinabahan naman akong bigla ng magtama ang mga mata naming dalawa.

Iyon ang kabang naramdaman ko rin ng una kaming magkita na para magkakasakit ako ng magkakasakit sa puso dahil sa lakas ng dagundong nito sa loob ko.

"S-salamat..." iyon na lang ang naisip kong sabihin ng mga sandaling iyon. Kung puwede lang ay talunin ko na lang ang bintana ng kotse nito para makababa na ako ginawa ko na.

"Welcome." Nakangiti namang sagot nito sa akin. Tangka kong bubuksan ang pinto ng kotse nito ng bigla itong magsalita ulit.

"Since na pinatawad muna ako sa nangyari sa atin that day, friends...?" At saka nito inilahad ang isa nitong kamay para makipagkamay sa akin.

Saglit kong tinitigan ang maputi at malaki nitong kamay bago ko tanggapin ang pakikipagkamay nito. Wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko ang pakikipagbati nito sa akin. Inabot ko ang kamay niyang nasa ere pa rin at ng maramdaman ko ang pagdampi ng kamay nito sa mismong kamay ko ay parang may kung anong kuryente ang biglang nanalaytay sa katawan ko.

Hindi ko maiwasan na makaramdaman ng mas  malakas na kaba ng pisilin nito ang kamay ko na para bang sa paraang iyon ay masusukat  nito ang laki ng aking kamay.

Hindi nito agad binitawan ang kamay ko habang nakatitig sa mga mata ko. Naasiwa ako sa paraan ng pagtitig nito sa akin, o baka hindi lang ako sanay na titigan ng ganon ng isang lalake dahil kahit kailan ay wala ata akong pinahawak na kamay sa kahit sinong lalake kung hindi ang Marcus Napoleon pa lang na ito.

Nang hindi pa rin nito binitiwan ang kamay ko pagkatapos ng ilang segundo ay kusa na akong tumikhin.

"Y-yun kamay ko..." Sabi ko sa kanya sabay bawi sa kamay ko. Nakita kong bahagyang itinaas nito ang gilid ng labi nito at saka ngumiti ng mababaw.

"Sorry."

"Okay lang." Sagot ko naman. Akma uli akong bababa na ng kotse nito ng muli niya akong pigilan, sa pagkakataong ito ay hinawakan na niya ako sa siko na ikinagulat ko na naman.

"May I know your number Aya? I mean, habang nandito ako sa Ilocos ay may makilala naman akong bagong kaibigan, hindi ba?" Bigla ay kabig nito.

Sa yaman at impluwensiya ba naman ng pamilya nito ay kailangan pa talaga nitong magkaroon ng kaibigan na mahirap katulad ko? Nagtataka kong tanong sa sarili ko.

Napatingin ako muli sa guwapo nitong mukha at nakita ko na lang na kinuha nito mula sa pantalon nitong suot ang sarili nitong cellphone at pagkatapos ay iniabot sa akin.

Nag-alangan ako kung aabutin ko ba ang cellphone nito o hindi. Pero ng tingnan ko ang guwapo nitong  mukha na nakatunghay sa harapan ko ngayon ay parang nawalan ako ng lakas na tanggihan ang gusto nito. Marupok ka Aya, marupok ka!

Napabuntonghininga na lang ako pagkatapos at kita ko ang pagngiti nito dahil sa ginawa ko.

Kinuha ko ang cellphone na inaabot nito sa akin at tinipa ko ang cellphone number ko pagkatapos ay ibinalik ito sa kanya.

"You gave your number, so it means walang magagalit kung magtext ako sayo?" Nakakagulantang na tanong nito sa akin na naging dahilan kung bakit biglang namilog ang singkit kong mga mata.

"Ano?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Sabi ko wala kang boyfriend kasi ay hindi mo tinanggihan ng hingin ko ang cellphone number mo." Nakakaloko nitong sagot muli sa akin.

Hindi talaga ako makapaniwala na ang isang Marcus Napoleon na muntik ng kumitil ng buhay ko ay magagawang matanong ng ganon sa kanya? Nakakaloka ito!

Nag inhale-exhale muna ako bago muling tumingin dito at sumagot.

"Ano naman ang connection kung mayroon o wala akong boyfriend sa pagbibigay ko sayo ng cellphone number ko?" Hindi ko na napigilang itanong dito. Mukhang katulad nila Ka Nardo ay interesado rin ito sa takbo ng lovelife ko, susme. Bakit ba parami na ng parami ang mga nagkakainteres sa buhay pag-ibig ko? Ganun na ba talaga ka big deal sa kanila kung sa edad kong ito ay wala pa rin akong boyfriend since birth?

Bigla na lang tuloy akong naawa sa sarili ko. Naalala ko tuloy ang sabi ni She tungkol sa  pagiging nerd ko. Ano ba yan!

Muli kong nasilayan ang pagngiti ni Marcus sa harapan ko, nahantad tuloy sa paningin ko ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Napaawang ang mga labi ko.

"Okay, hindi na ulit kita kukulitin. Let me check kung cellphone number mo talaga ang nakasave dito sa phone ko. Kasunod nun ay nag miscall ito sa number na tinype ko cellphone nito.

Naramdaman ko naman ang pagtunog ng cellphone ko sa loob ng bag ko,hindi ko lang kinuha at nakakahiya kung makita nito na di keypad lang ang cellphone ko. Kaya hinayaan ko na lang na kusang ihinto nito ang pagtawag, napailing pa ako pagkatapos.

"Okay, confirmed."  Nakaloko na naman nitong sabi.

"Kung wala ka ng itatanong, puwede na po ba akong bumaba?" Mataray ko pa ring tanong dito. Imbis na sagutin niya ako ay bumaba ito ng kotse at nagulat pa ako ng pagbuksan niya ako ng pinto.

Tiningala ko siya habang nakaupo pa rin ako sa loob ng kotse nito. Hindi ako makapaniwala na ang isang katulad nito ay pag-aaksiyahan pa akong pagbuksan ng pinto ng kotse nito.

Saglit akong napatulala at ng hawakan niya ako sa braso ay saka pa lang ako nakagalaw para bumaba ng kotse.

"S-salamat." Alangan kong sabi sa kanya. Nakatayo na kami pareho sa labas ng gate ng bahay namin. Nakita ko pang pasimple pa nitong sinipat ang bahay namin pagkatapos.

"You're welcome. Sa susunod na magkita tayo maniningil na ako." Bigla ay sagot nito. Nangunot ang noo ko sa sinabi nito at naghintay ng palawinag tungkol sa tinuran nito.

"What I mean is...bayad sa paghahatid sayo. Maniningil na ako, mahal na ang diesel ngayon." Nangiti nitong biro sa akin. Napatango na lang ako. Wala namang problema sa akin kung sisingilin niya ako, mainam nga iyon at mawawalan siya ng utang na loob dito.

"Okay sige." Sagot ko na lang sa kanya. Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito dahil sa sinabi ko.

"You mean, payag kang isakay uli kita sa kotse ko?"

Nawala na naman sa pinta ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Bakit nga ba nasabi kong payag pa ako na singilin nito sa susunod na sasakay ako sa kotse nito? Ibig sabihin lang ay may susunod pang pagkakataon para magkita kaming dalawa.

Hindi ko pinahalata ang pagkapahiya ko sa harap nito at agad akong bumawi sa sinabi nito.

"Ang ibig kong sabihin, kung sakaling magkikita pa tayo ulit. Hindi ko sinabing sasakay ulit ako sa kotse mo." Inis kong turan sa kanya. Napahalakhak ito pagkatapos. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Okay, if that's want you said. Pumasok ka na sa loob ng bahay nyo before I leave." Utos nito sa akin pagkatapos. Napanguso na lang ako sa harap nito sabay talikod dito.

Ramdam ko ang paninitig niya sa akin habang binubuksan ko ang lock ng gate namin kahit hindi ako lumilingon sa gawi nito. Nang mabuksan ko ang lock nito ay agad kong binuksan ang bakal na gate namin saka pumasok sa loob. Sa pagkakataon iyon ay nakaharap na ako sa gawi nito habang binabalik ko sa pagkakasara ang gate namin at doon ko nakumpirma na hinihintay talaga niya akong makapasok sa loob ng bahay namin saka ito aalis.

Nang maisara ko na ang gate ay muli ko siyang tiningnan at mula sa pagkakasandal nito sa gilid ng hood ng kotse nito ay binuksan na nito ang pinto nito. Bago ito tuluyang sumakay sa loob ng kotse nito ay nginitian pa niya ako na parang nagpapahiwatig na aalis na ito. Hindi ko nagawang suklian ang pangiti niya sa akin at sa sobrang kaba ay agad akong tumalikod para hindi nito makita ang reaksyon ko dahil sa ginawa nito.

Ilang sandali pa ay narinig kong pinaharurot na nito ang kotseng sinasakyan nito tanda na nakaalis na ito. Napasandal na lang ako sa likod ng pinto namin habang ngingiti-ngiti sa mga nangyari sa amin ni She sa plaza at sa muli naming pagkikita ni Marcus Napoleon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 12- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    AYAHindi ako nakasagot agad sa tanong nya dahil nagulat ako kung bakit nito naisip na itanong ang bagay na'yun sa akin, wala naman siguro itong naisip na naman na kakaiba kong bakit ito biglang nagtanong ng ganoon?“Oo. Ako lang ang inaasahan ni lola dito sa bukid at wala na din kasi si mama.” Sagot ko sa kanya na ikinatahimik nito bigla. Hindi ko alam kung nagulat ba siya sa kaalamang wala na akong mga magulang oh dahil hindi nito inaasahan na ang katulad kong babae ay makakayang gawin ang mga gawain sa bukid na sa una ay pang lalake lang sa tingin ng iba.“You mean, wala ka na ring mga magulang?” Sunod niyang tanong sa akin at isang tango lang ang sinagot ko sa kanya pagdaka.“Sanggol pa lang ako ng mamatay si mama at si papa naman ay hindi ko siya nakita simula ng bata pa ako.” Nagulat ako sa sarili ko ng sa maikling oras ay nagawa kong ikuwento kay Marcus ang ilang parte ng buhay ko na tanging iilan lang ang nakakaalam katulad ni She.“I hope someday you can also see your fathe

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 11- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    AYANawalan ako ng kibo ng makita ko kung paano binuhat ni Marcus aNg ilang plastic bag ng gulay na naunang naani ng mga tabahador namin. Tinangga itong awatin ng mga ito sa pagbubuhat pero hindi ito nakinig. Sinenyasan ko na lang ang mga tao namin na hayaan na lang ito at mukhang enjoy na enjoy naman ito sa ginagawa. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit sa init ng panahon at ilang bag na binuhat nito ay mukha pa rin itong fresh at mabango? Ano kaya sekreto nito para magkaroon ng ganoong hitsura? Bigla akong napaismid ng pumasok sa isipan ko ang bagay iyon. Nang matapos na ito sa pagtulong sa pagkakamada ng mga gulay sa plastic ay nakunsensiya naman ako kaya inabot ko sa kanya ang dala kong tambler na may malamig na tubig at yelo."Thanks for this". Nakangiti nitong sabi sa akin. "It's so refreshing." Itinaas pa nito ang thumbler na ininuman nito na parang commercial model ang dating. "Masaya pala ang magbuhat ng mga gulay, just like doing my everyday workout?" Hindi mawala sa guw

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 10- Mr. wrong becomes Mr. Right

    YANAPara akong namamalikmata ng makita ko ang lalakeng nasa gitna ng kabukiran namin ngayon. Totoo bang nagpunta ang lalakeng iyan dito? Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko sa katotohanang nasa harapan ko ngayon. Kasalanan lahat ito ni She ih! Bulong ko sa sarili.Naiinis akong binalikan ng tingin si Marcus habang nakatayo ito malapit sa pilapil ng bukid. Nakasuot ito ng putting long sleeves na naka tack-in sa fitted jeans na lalong nagpatingkad ng imahe nito sa gitna ng init ng kabukiran. Isama pa ang suot nitong black shades at boots na suot sa paa na nagpakumpleto sa mala artista nitong hitsura. Namukhang photo shoot tuloy ang datingan nito at kulang na lang ay camera man.Aminin mo man oh hindi Alyana, naguwapuhan ka kay Marcus! Napangiwi ako ng bigla ay tumakbo sa isipan ko ang nakakakilabot na katotohanang iyon. Bakit ba kasi kailangan magpunta ng lalakeng iyan dito sa bukid namin?“Aya!” Narinig kong tawag sa akin ng taong may sala kung bakit sumasakit ang mga mata ko ngayo

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 9- Mr. wrong becomes Mr. Right

    AYANainis ako sa sarili ko kung bakit ba kailangan kong ma stress sa kaalamang may isang taong nakapasok ng bahay namin ngayon na hindi ko lubos maisip kung paano ito nangyari. Wala sa hinuha ko na makikita ko ang isang katulad niya sa isang simpleng bahay na mayroon kami ngayon.“Aya.” Untag sa akin ni She.Nilingon ko siya at nagtatanong ang mga mata ko ng tingnan ko siya. Nahagip pa ng paningin ko ang paglingon din ni Marcus sa gawi ko ng magsalita si She.“Bakit?”“Baka naman maipasyal mo si Sir Marcus sa bukid nyo, hindi ba?” may pagkindat pang kasamang tanong nito sa akin. Napaismid naman ako pagkatapos kong makita ang reaksyon niya.“Bukid namin?” kunwari ay hindi ko naintindihan ang sinabi nito.“Opo. Kasi tingnan mo ah, itong si Sir Marcus ay minsan lang magbakasyon dito sa lugar natin so dapat ay entertain mo siya ng maayos.” Mahabang lintanya nito na lalo atang nagpasakit ng batok ko. Napatulala na lang ako habang katitig kay She. Ako? Bakit ako ang kailanga

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 8- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    AYAHindi ko akalain na mangyayari ang kinatatakutan ko ng ganun kabilis. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na darating ang panahon na matra-trap ako sa ganitong sitwasyon.Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan sa sala namin habang napapalibutan ng mga taong wala atang hinihintay kung hindi ang paglabas ng anumang salita sa bibig ko.“Ehemmmm…” sunod kong narinig na sabi ni She. Nakakunot ang noo ko ng linungin ko siya.Sinenyasan ko siya na tumahimik pero kinindatan lang niya ako at isang nakakalukong ngiti na naman ang pinakawalan nito sa harap ko.“Mr…Marcus Napoleon.” Bigla na lang na parang sinilihan ang pakiramdam ko ng bangitin nito ang pangalan ng antipatikong lalake na ngayon ay nasa loob ng bahay namin.Sunod kong tiningnan ang naging reaksyon nito sa pagtawag ni She sa pangalan nito.“Yes?”“A-mmmmm.” Para namang naumid ang dila ni She at hindi agad makapagsalita ng marinig nito ang baritonong boses ng anak ng gobernador namin.“What’s that?” agap na muling tanong ni Marcus

  • Mr. Wrong becomes Mr. Right   Chapter 7- Mr. Wrong becomes Mr. Right

    MARCUSI felt different when she seated beside me a while ago. There's something I can't just explain. Hindi naman kakaiba ang ginawa niya, umupo lang naman siya sa tabi ko pero may kung anong kasiyahan ang namuo sa puso ko.Unlike our first met, tahimik ito at hindi madaldal ngayon. Mas gumanda pa ito sa paningin ko sa suot na naman nitong parang panglalakeng porma. Napailing na lang ako ng balikan ko ang hitsura nito kanina ng magtama ang mga mata namin ng muli kaming magkita.Wala itong kakurap-kurap, para nga itong natuklaw ng ahas sa sobrang pagkabigla nito. I was amazed by her simply simple and fascinating beauty. Kakaiba ang kilos at epekto nito sa akin na hindi ko maintindihan.I tried to ask for her number so she would not misunderstand my intention. I just want to be close to her, that's it.I'm not the typical guy who asks several women about their numbers. Sila ang nanghihingi ng number ko, then after a minute they will text me to hang out, and that's the start of a one-ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status