LOGINQuinn
Marahan kong minulat ang aking mga mata.
Dama ko pa ang sakit ng katawan dulot ng nagdaang gabing pag-angkin ni Gavri sa akin.
Ngunit sa kabila non ay hindi ko maipaliwanag kung bakit masaya pa rin ako.
Alam ko na para sa kanya ay sex lang ang lahat ng ito. Ginagampanan lang namin ang obligasyon bilang mag-asawa.
Makailang beses niya akong inangkin kahit na nga lasing siya. Isang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan.
Ang sabi nila ay nawawala ang pagnanasa ng isang lalaki kapag lasing. Ngunit hindi si Gavri. He’s a beast in bed everytime na aangkinin niya ako dahilan upang mag-iwan siya ng mga marka sa aking buong katawan.
“You're awake.”
Bigla akong napatingin sa pinanggalingan ng tinig.
Nakita ko si Gavri, nakatayo malapit sa may pinto at inaayos ang cufflink ng longsleeve polo na suot niya.
Gamit ang kumot ay tinakpan ko ang aking katawan habang bumabangon at nakayuko ang ulo bago nagsalita.
“Ipaghahanda kita ng almusal.”
“No need,” tugon niyang wala man lang kaemo-emosyon.
Sa ganitong pagkakataon ay hindi ko magawang makatingin sa kanya ng diretso.
Unang beses ito na nagising akong nandito pa siya.
Bigla akong napatingin sa orasan na nasa night table sa aking kaliwa.
“It's ten in the morning. Aalis na ako,” sabi niya kaya napatingin ulit ako sa direksyon niya. Normally, six A.M. pa lang ay wala na siya. Alam ko dahil ganong oras ako nagigising at wala na siya sa tabi ko. Kaya katakataka ang pagkakataon na ‘to.
Binuksan niya ang pintuan at inasahan kong lalabas na siya, ngunit bigla itong lumingon pabalik sa akin.
Napalunok ako dahil nakita ko kung gaano siya kagwapo sa suot niyang black suit.
Matangkad ito, matipuno, gwapo at mayaman. Mga katangiang hinahanap ng kahit na sinong babae at hindi ako makapaniwala na asawa ko siya.
Ngunit ano ang saysay non kung dalawang beses sa isang buwan ko lamang siya nakikita?
“I’ll be out of the country. Matagal na ang isang buwan na mawawala ako at sa pagbalik ko ay kailangan nating mag-usap.”
Hindi na niya hinintay na makasagot ako at tuluyan na siyang naglakad palabas ng silid.
Napahinga ako ng malalim.
Nagtaka ako kung bakit kailangan pa niyang sabihin gayong kailanman ay hindi rin niya ginawa iyon. Aalis at darating siya mula sa ibang bansa ng hindi ko nalalaman.
Pinilig ko ang aking ulo at bumangon.
Tiningnan ko ang kama at ang buong paligid.
Kahit sino ay malalaman kung ano ang nangyari ng nagdaang gabi kung makikita nila ang kalat sa paligid.
Hindi na ako nag-abala pang takpan ang aking sarili. Ako lang naman mag-isa ang nandito sa bahay.
Iika-ika akong naglakad papunta sa bathroom.
Masakit ang buong katawan ko, lalo na ang maselang bahagi na nasa pagitan ng aking mga hita. Feeling ko ay sobrang sore na non.
Pagpasok ko sa banyo ay napansin kong puno na ng tubig ang bathtub. Lumapit ako para tingnan iyon at malinis ang tubig.
Nilubog ko ang aking kamay at nalaman kong medyo mainit pa iyon.
Si Gavri ba ang naghanda nito para sa akin?
Nagtatampo man ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ito ang unang beses na ginawa ni Gavri ito para sa akin.
Ngunit mabilis din iyong nawala ng maalala ko kung gaano siya kalamig sa akin. Kung paanong hindi niya ako gustong makita kaya naman sa dalawang beses isang buwan na pupuntahan niya ako ay palagi siyang lasing.
Lumubog ako sa bathtub at pumikit. Nakadama ako ng kaginhawaan ng katawan ng maramdaman ko ang maligamgam na tubig sa aking katawan.
“Ano ang pag-uusapan namin pagbalik niya?” hindi ko maiwasan na maisaboses kahit na nga ako lang naman mag-isa ang nasa bathroom.
After almost an hour ay natapos akong maligo.
Mas magaan na ang pakiramdam ko kumpara ng magising ako.
***
Naging normal ang takbo ng buhay ko habang wala si Gavri.
Dahil sinabi niya na may pag-uusapan kami ay hindi ko mapigilan ang kabahan. Tungkol saan kaya iyon.
Isang buwan daw siyang mawawala at sa pagbabalik niya ay saktong ika-isang taon anibersaryo ng aming kasal.
Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng umalis si Gavri.
Schedule ko ng pamimili kaya naman maaga pa lang ay nagda-drive na ako papunta sa supermarket.
Monthly ay gawain ko na ito.
Same time, same items.
Walang nababago sa nakalipas na halos isang taon simula ng makasal kami ni Gavri.
Kasalukuyan akong nasa meat section ng tumunog ang aking phone. Kinuha ko iyon sa bulsa ng aking pantalon at tiningnan.
Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi ng makita ko ang pangalan ng aking kaibigang si Shalani.
“Quinn!!!” Mabilis kong nailayo ang cellphone sa pagkakalapat sa tenga ko. Kung hindi ay baka nabasag na ang eardrum ko dahil sa lakas ng tili niya.
“Hinaan mo naman ang boses mo, Sha…” sabi ko habang natatawa.
“Ay sorry naman.”
“Ano ba ang dahilan ng pagtili mo?” curious kong tanong.
“Ano pa ba eh di dahil nakita ko sa lahat ng social media news si Daphne Johnson. Kasama niya sa larawan si Gavri Sterling at nakuhanan sila sa Paris! Sobrang dami ng fans na nababaliw sa kanila. Bagay na bagay talaga sila!”
Bigla akong tila tinulos sa aking kinatatayuan.
Tama ba ang narinig ko?
Magkasama sina Gavri at Daphne sa Paris?
“Hey, nandyan ka pa ba?” tanong ni Shalani.
Gusto kong maiyak dahil sa balitang hatid niya. Wala siyang kamalay-malay na ang lalaking pilit niyang shiniship kasama ang iniidolong si Daphne Johnson ay asawa ko.
“Um, yes. I’m still here.”
“Bakit bigla kang nanahimik?”
“Nasa grocery kasi ako at namimili ng karne kaya medyo nawala ako.”
“Ganon ba? O sige na, gusto ko lang i-share sayo ang happiness ko. Mamili ka muna and then magkita tayo later.”
“O sige, tawagan na lang kita.”
Natapos ang tawag habang nanatili akong tila tuod na nakatayo sa meat section.
Kahit na sinabi sa akin ni Shalani ang lahat ay kusa pa rin ang mga kamay ko na dumutdot sa aking cellphone at nagbukas ng aking social media.
At tama nga si Shalani.
Bungad na bungad ang trending photo ni Gavri kasama si Daphne, ang babaeng mahal nito.
Nang pumayag akong magpakasal kay Gavri ay sinabi ko sa sarili ko na sisikapin kong makuha ang loob niya.
Nalaman ko kasi na napaka-aloof nito. Hindi ito nakikipag-usap sa kahit na sinong babae at napaka-istrikto pagdating sa pagnenegosyo.
Hindi lang iyon, kilala din siyang walang patawad sa mga taong nakakagawa sa kanya ng hindi maganda.
Kaya naman, ginawa ko ang lahat upang magkasundo kami.
Ang hindi ko alam ay kahit na ano pala ang gawin ko ay walang saysay dahil iisang babae lang ang gusto niya. At yon ay walang iba kung hindi si Daphne.
Wala akong ideya kung bakit sila nagkahiwalay. Hindi ko na rin binalak na alamin dahil para sa akin ay nakaraan na siya at ako ang kasalukuyan.
I thought when I show him my sincerity ay magiging maayos at normal ang aming pagsasama habangbuhay.
Pero nagkamali ako.
Hindi ko pala kayang labanan ang nakaraan.
Hindi ko alam kung paano ko natapos ang pamimili, pati na rin sa kung paano ko nagawang magmaneho pauwi gayong tila durog na durog ang puso ko.
Mahal ko si Gavri.
Unang kita ko pa lang sa kanya ng ipakilala siya ni Lola Neria sa akin ay tila naukit na ang pangalan at itsura niya sa puso ko.
Naipasok ko na sa bahay at nadala sa kitchen ang lahat ng aking pinamili ng muling tumunog ang aking cellphone.
Nang tingnan ko iyon ay mula sa unknown account ang mensaheng natanggap ko. Binuksan ko iyon at natuklasan kong larawan pala iyon.
Larawan ni Gavri na kasama si Daphne.
Nasa isang medyo madilim na silid sila pero malinaw ang manipis na pantulog ang suot ni Daphne habang si Gavri naman ay walang pang-itaas kaya kita ko ang mapulang marka sa kanyang dibdib na karaniwan na niyang iniiwan sa katawan ko. Nakahiga ito at nakapikit, halatang natutulog na.
Kung kanina ay durog na durog ang puso ko, ngayon ay tila tuluyan na iyong hindi tumibok.
Nanikip ang aking dibdib at nahihirapan akong huminga dahil sa sakit.
Nangako si Gavri na hindi niya gagawin ang bagay na yon.
Pinanghawakan ko ang salita niya kahit na nga alam ko kung gaano niya kamahal si Daphne.
QuinnKinabukasan, maaga akong nagising dahil sa kakaibang pakiramdam sa aking tiyan.Noong una ay inakala kong nagugutom lamang ako. Bahagya akong gumalaw sa pagkakahiga at sinubukang umupo, ngunit bago pa ako tuluyang makabangon ay biglang umikot ang sikmura ko. Napahawak ako sa aking bibig at mabilis na bumaling sa kabilang panig ng kama.Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili.Agad akong bumangon at nagmamadaling pumasok sa banyo, kung saan halos hindi ako nakarating sa toilet bago ako tuluyang nasuka."Quinn?"Narinig ko ang boses ni Gavri mula sa likuran ko. Halatang nagising siya nang mapansin niyang wala na ako sa tabi niya. Ilang segundo lamang ang lumipas ay naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking likod, marahang hinahagod iyon habang nakayuko ako sa harap ng toilet."My dear wife, what's wrong?" nag-aalalang tanong niya. "Are you feeling sick?"Hindi ako agad nakasagot. Patuloy akong nasusuka, at kahit wala nang halos laman ang aking tiyan, hindi pa rin tuluyang nawawala a
QuinnKinahapunan, magkasama kaming bumiyahe ni Gavri patungo sa Sterling Estate. Habang papalapit kami sa mansyon ng pamilya Sterling, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa ekspresyon ng asawa ko.=Kanina ay nakangiti at kalmado lamang siya habang ipinapasyal ko siya sa Queen's Estate, pero ngayon ay mas seryoso na ang kanyang mukha.Alam kong hindi ito simpleng pagbisita para sa kanya.May mga miyembro ng pamilya niya na hindi naging masaya sa akin. May mga pagkakataong kinuwestiyon nila ako, at may mga pagkakataon ding tila nakalimutan nilang hindi ako isang taong maaari nilang kontrolin o gamitin para sa kanilang sariling interes.At bilang asawa ko, hindi niya hahayaang maulit iyon.Nang makarating kami sa estate, agad kaming sinalubong ng mga staff. Ipinaalam ni Gavri na gusto niyang makausap ang kanyang pamilya sa main manor, kaya mabilis na ipinasa ang mensahe sa mga naroon.Hindi nagtagal ay nasa malaking receiving room na kami, kung saan nagsimulang dumating ang ilan
QuinnKinabukasan, maaga kaming nagising ni Gavri sa Saunders mansion. Halos hindi ko namalayan ang paglipas ng gabi dahil sa dami ng nangyari nitong mga nakaraang araw, pero sa pagkakataong iyon ay mas magaan ang pakiramdam ko.Nakapagpalipas ako ng oras kasama ang aking mga magulang, at kahit sandali lamang ay naramdaman kong para bang unti-unti kong nababawi ang mga panahong nawala sa amin.Matapos kaming mag-almusal kasama sina Dad at Mommy, nagpaalam na rin kami ni Gavri. Marami pa kaming kailangang asikasuhin, lalo na't may isang bagay akong matagal nang gustong sabihin sa aking asawa.Ilang beses ko na iyong naisip noong mga nakaraang araw, ngunit dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay palagi ko iyong ipinagpapaliban.Ngayon, wala na akong balak na maghintay pa.May isang malaking lihim akong kailangang ipagtapat kay Gavri, at gusto kong sa akin mismo niya iyon marinig.Pagdating namin sa sasakyan, nauna akong sumakay sa passenger seat habang si Gavri naman ay umupo sa driver's
Quinn“Anong sinabi mo?” Nanlalaki ang mga mata ng aking ina sa gulat.Kakasabi lamang ng aking ama ng tungkol sa akin at ngayon nga ay nakatunghay sa akin si Mommy na tila hindi makapaniwala. Tumingin siya kay Dad na tila ba gusto nitong siguraduhin sa kanya ang katotohanan ng kanyang narinig.“It’s true, honey. Nung araw na makidnap ka ay natanggap namin ang resulta ng DNA test. She’s really our daughter,” nakangiti pero may luha sa mga matang sabi ni Dad.Tuluyan ng pumatak ang mga luha ni Mommy ng tumingin siya sa akin.She was sitting sa tapat namin ni Gavri habang katabi si Dad pero mabilis itong tumayo at umupo sa tabi ko.Bigla niyang sinapo ang aking magkabilang pisngi habang sige ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.“My daughter?” tanong niya, tumango ako. “You’re really my daughter?” ulit pa niya.“Yes, I am your real daughter—”Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla niya akong niyapos.Mahigpit na tila ba ayaw niya akong pakawalan.It feels warm, like it cou
QuinnDalawang araw na ang nakalipas ng mailigtas ang aking ina mula sa kamay ng mga kidnapper. Pero hanggang ngayon ay parang nanlalambot pa rin ang aking mga tuhod dala ng takot.I just found out na sina Stanley at Frances ang aking tunay na mga magulang ngunit may malaking kaganapan na agad ang nangyari.Nakidnap ang aking ina at namatay si Daphne.At matapos naming maihatid sa kanilang mansyon ang aking mga magulang ay hindi ko pa sila ulit nakita.Naging busy kami ni Gavri sa mga nahuling kidnapper at sa grupo ni Adam.Dahil si Lucas ang susi para malaman kung sino ang nag-utos sa kanya para kunin ako sa mga Saunders noong sanggol pa lamang ako ay ginawa ni Gavri ang lahat upang mapayagan kami ng pulisya na i-interrogate ang lalaki.Ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Lucas hanggang sa ipaalam namin sa kanya na namatay na si Daphne.Nagwala ang lalaki, hindi makapaniwala na ang anak na pilit niyang iningatan at tinago kay Adam ay mawawala na lang ng ganon.“Frances Saunders was
Third PersonSa kabilang panig ng siyudad, maingat na nagmaneho si Stanley patungo sa abandonadong warehouse na itinuro ng mga kidnapper. Nasa likod ng sasakyan ang perang hinihingi ng mga ito, maayos na nakalagay sa ilang malalaking bag.Tahimik siyang nakaupo sa likod, hawak ang cellphone at pilit na pinananatiling kalmado ang kanyang paghinga. Ilang beses na niyang sinilip ang screen, umaasang may tawag mula kay Frances, ngunit nanatiling walang pagbabago ang display.Sa labas ng sasakyan, nakapuwesto na ang grupo ni Gavri kasama ang kanyang mga tauhan, si Ranier, at ang mga pulis.Hindi sila direktang nakapaligid sa sasakyan ni Stanley upang maiwasang mahalata ng mga kidnapper na may kasama siyang ibang tao. Sa halip, maingat nilang binantayan ang mga posibleng pasukan at labasan sa lugar, handang kumilos kapag nagbigay na ng senyas si Gavri.“Everyone in position?” mahinang tanong ni Gavri sa kanyang komunikasyon.“Positioned,” sagot ng isa sa kanyang mga tauhan.“Police units ar







