تسجيل الدخولQuinn
Kahit nasasaktan ay pinilit kong ipagpatuloy ang buhay.
Pero dahil sa nakita ko sa social media, pati na rin sa larawan na pinadala sa akin ni Daphne ay nagdesisyon na akong makipaghiwalay kay Gavri.
Ayaw ko ng sayangin ang buhay ko sa kanya.
Para sa akin ay sapat na ang halos isang taong pag-asam na mababago ang damdamin niya o kahit man lang ang pakikitungo niya sa akin.
Nagdesisyon akong makipaghiwalay na sa kanya.
I should learn to love and live for myself.
Wala akong ibang libangan kundi ang makipag-chat kay Shalani. She's working kaya madalas na weekend lang kami nagkikita. Kung minsan ay hindi pa.
At sa mga panahon na ako lang mag-isa ay nasa bahay lang ako.
Kasalukuyan akong nasa balcony ng aming silid at nagdidilig ng alaga kong mga halaman ng biglang tumunog ang aking cellphone.
Kinuha ko iyon sa ibabaw ng mesa at tinignan.
“I'll be back next week. We will talk.”
Text mula kay Gavri.
Muli kong nilapag ang cellphone at nagpatuloy na sa pagdidilig na parang wala akong natanggap na text.
I'm sure, gusto niya akong makausap dahil kay Daphne.
Naalala ko ang mga pagkakataon na nagkikita kami. Wala man lang kahit na anong conversation na namamagitan sa amin dahil sex lang ang ginagawa namin. At paggising ko ay wala na siya.
Kapag magsesend ako sa kanya ng message ay hindi din niya nire-reply-an. Para pala akong tanga sa pagsasama namin.
Ano ba ang nagawa ni Gavri para sa akin?
Bukod sa sex na inaamin kong nagugustuhan at kinababaliwan ko ay wala na. Totoo, haplos pa lang niya ay bumibigay na ako.
Ako, ano na ba ang nagawa ko para sa kanya?
I guess sex lang din maliban sa mga messages na pinapadala ko araw-araw na hindi naman nga natutugunan.
Ang sinserong pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya na binalewala lang din niya.
Ano ang dahilan para ipagpatuloy pa namin ang pagsasamang ito?
Sex?
Nabibigay na ni Daphne sa kanya yon.
Ako naman ay pwede ko rin makuha sa iba.
Ngayon ko higit na napatunayan na wala na talagang saysay na ipagpatuloy pa ang pagsasama namin.
Huminga ako ng malalim at nilapag ang pandilig na hawak ko. Kinuha ko ang cellphone sa lamesa at pumasok sa kwarto.
Naglinis ako ng katawan at nagbihis tsaka dumiretso sa garahe bitbit ang aking bag at nag-drive papunta sa isang law firm.
Pagdating ko sa law firm ay mabilis lang at hawak ko na ang draft ng divorce agreement.
Kinausap pa ako ng abogadong si Lawrence Hughes para siguraduhin ang desisyon ko.
“I'm sure,” sabi ko sa kanya.
“Okay. Ipa-finalize ko na ito. Hintayin mo lang at madadala mo na pauwi. Make sure na mapapirma mo ang asawa mo para maging mas mabilis ang proseso.”
“Thank you,” tugon ko.
Nang matapos ay umuwi na ako.
Sa kwarto ay nilagay ko sa ibabaw ng night table ang divorce agreement. Bukod sa kwarto ay wala naman ng pinupuntahan si Gavri na bahagi ng bahay na to.
Nagpalit ako ng damit at nagpunta sa kusina upang magluto.
I want to celebrate.
Pasta, steak at wine.
Perfect!
Hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw.
Akalain mo at tatlong araw na lang at saktong isang buwan na ng umalis si Gavri.
Nilibang ko ang sarili ko sa paghahanap ng malilipatan.
Nagsimula na rin akong ligpitin ang mga gamit ko.
Habang nakaharap sa closet ay gusto kong matawa.
Ang dami kong damit. Iba't-ibang klase. Binili iyon lahat ni Lola Neria para sa akin. Ang sabi niya ay si Gavri ang namili ng mga iyon.
Noong una ay naniwala ako. Ang isip ko ay sobrang busy lang ni Gavri sa trabaho kaya pinadaan na lang kay Lola Neria ang lahat.
Pero sa paglipas ng mga araw lalo na ngayon, narealize kong hindi iyon totoo.
Humugot ako ng maleta at isa-isang nilagay ang mga damit na ako ang bumili at dala ko ng lumipat ako dito. Yun lang ang dadalhin ko sa aking pag-alis para walang masabi si Gavri at ang pamilya niya.
Ang mga alahas ay iniwan ko din. Kung gusto ko ng clean break sa pagitan namin, kailangan ay wala akong madala na kahit na anong bagay na makakapagpaalala sa akin sa kanya.
Ilang saglit lang at natapos na ako. Isang maleta para sa lahat ng mga gamit ko.
Ang mga halaman ko sa balcony ay naipadala ko na sa apartment ni Shalani. Nagtataka siya pero hindi na nagtanong.
Nilagay ko sa isang sulok ang maletang naglalaman ng mga gamit ko at tsaka ako naglakad papunta sa kama at naupo.
Nalingunan ko ang kopya ng divorce agreement na nasa night table pa rin. Alam ko na ang nilalaman non at napirmahan ko na din kaya hindi ko na iyon pinansin.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa orasan sa cellphone ko na nasa tabi ko lang din.
Nagulat na lang ako ng biglang tumunog iyon at nakita ko ang pangalan ni Lola Neria.
“Quinn?”
“Lola Neria,” sabi ko sa mahinang tinig.
“Are you busy?” tanong niya.
“Hindi naman. Bakit po?”
“Gavri called. Hindi ka raw nagreply sa text niya noong nakaraan,” sagot ng matanda.
“Naging busy po ako nitong mga nakaraang araw at late ko ng nabasa.”
“May problema ba, hija?”
Gusto kong sabihin sa kanya na matagal ng meron. Simula pa lang ng maging mag-asawa kami ni Gavri ay problema na agad.
“Wala naman po. Naging busy lang talaga. Hayaan nyo po at magtetext ako sa kanya mamaya.”
“Mabuti naman kung ganon,” tugon niya. “Anyway, sabihin ko na rin sayo. Ilang araw na lang at first year wedding anniversary nyo na. May hinandang surprise si Gavri para sayo kaya make sure na available ka.”
Natigilan ako sa sinabi niya.
Surprise?
Anong surprise?
Surprise pa bang matatawag yon ngayon?
Ang sabi ni Gavri bago umalis ay mag-uusap kami.
“Quinn, nandyan ka pa ba?”
“Yes po, Lola. Nandito lang naman po ako sa bahay. Kung anuman po ang surprise ni Gavri he can just come home.”
Yun na lang ang sinabi ko.
Ayaw ko ng umasa pa ng kahit na ano mula kay Gavri.
Sa nakalipas na araw ay patuloy ang pagpapadala sa akin ng unknown number na yon ng larawan ni Gavri na kasama si Daphne.
Sinuman sa kanilang dalawa ang nagpapadala sa akin non ay wala na rin akong pakialam.
Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap namin ni Lola Neria at na-end na rin ang call.
Napahinga ako ng malalim.
Surprise ba kamo?
Gavri, ako ang may surprise sayo pagdating mo.
Muli kong nilingon ang divorce agreement na naghihintay sa kanya.
QuinnHindi ko alam kung saan nagpunta si Gavri matapos niyang umalis ng hospital room ko. Pero matapos kong makausap Denzel, ang aking right hand man ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang doktor.“Mrs. Sterling,” tawag ng doktor. Napangiwi ako. Paano ko nagawang magpakasal sa lalakking yon?Ah, oo nga pala.Dahil gwapo at maganda ang katawan and I am a sucker to both. At dahil sa nangyari sa amin ay nadagdagan pa ng isa. He’s very good in bed.Damn, Laree.“Doctor, can I be discharge now?’ tanong ko.Saglit na natigilan ang doktor na tila hindi alam ang sasabihin.“Pero ang sabi ni Mr. Sterling ay—”“I don’t care what he says. Ako ang pasyente kaya ako ang masusunod para sa sarili ko.”“But he’s—-”“Am I in danger?” putol ko sa sasabihin niya. Ayaw ko ng makarinig pa ng kahit na anong tungkol kay Gavri.“Okay naman na ang lahat. You just need a comnplete rest after discharge. Tapos na kami sa lahat ng scan and the results are all good.”“Kung ganon, please process the d
Quinn"Laree? She's just a tool. When the time comes, we'll eliminate her.""She's nothing but a toy you'll get to play with once she's old enough.""If necessary, we can even send her to another Don's bed in exchange for territory.""Laree knows too much about us. We can't let her live."Napadilat ako nang mariin, kasabay ng isang malalim na paghigop ng hangin na tila ba matagal akong nalunod sa kailaliman ng dagat.Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame.Kasunod noon ang paulit-ulit na tunog ng isang heart monitor.Beep... Beep... Beep...Unti-unti kong inilibot ang tingin sa paligid.Amoy disinfectant.Puting kurtina.IV stand.At ang malamig na ilaw ng silid.Hospital.Nasa ospital ako.Ngunit hindi iyon ang pinakaunang bagay na tumatak sa isip ko.Hindi ang sugat sa ulo ko.Hindi ang matinding sakit na nararamdaman ko.Kundi ang katotohanang... bumalik na ang lahat.Lahat ng alaalang matagal na nawala. Lahat ng bahaging ninakaw sa pagkatao ko. Lahat ng katotohanang pilit
QuinnHabang nagmamaneho, mahigpit kong hawak ang manibela na para bang doon nakasalalay ang natitira kong katinuan.Tahimik ang loob ng sasakyan, tanging mahinang ugong lamang ng makina at ang tunog ng air conditioner ang kasama ko. Pero taliwas iyon sa ingay na nasa loob ng isip ko. Sunod-sunod ang mga tanong, pag-aalinlangan, at pag-asang pilit kong pinapatahimik.Please...Please let this be about us.Please let this be the day na pipiliin niya rin akong ipaglaban.Hindi ako relihiyosong tao, pero sa mga sandaling iyon ay wala akong ibang magawa kundi ang magdasal."Sana..." mahina kong bulong habang nakatutok ang mga mata sa kalsada. "Sana tungkol sa pagsasaayos ng pagsasama natin ang gusto mong pag-usapan, Gavri.""Sana hindi pa huli ang lahat."Hindi ko namalayang kumakapit na pala nang mahigpit ang mga daliri ko sa manibela.Pakiramdam ko, isang maling sagot lang ang maririnig ko ngayong hapon at tuluyan nang mababasag ang puso kong ilang beses nang binuo at dinurog ng iisang
QuinnAraw ng first wedding anniversary namin ni Gavri.Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang cellphone habang paulit-ulit na tinititigan ang madilim nitong screen. Halos ilang minuto na rin akong nakatulala roon, umaasang anumang sandali ay sisindi iyon dahil sa isang tawag o mensaheng matagal ko nang hinihintay.Ngayon din ang balik ni Gavri mula sa business trip niya. Bago siya umalis isang buwan na ang nakalipas, malinaw niyang sinabi na may kailangan kaming pag-usapan pagbalik niya. Dahil doon, kahit gaano pa kabigat ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang buwan, pinili kong maghintay.At umaasang baka sa pagkakataong ito, iba na ang kahihinatnan ng pag-uusap naming dalawa.As for the surprise na paulit-ulit na binabanggit ni Lola Neria?Wala akong balak na tanggapin iyon.Hindi ko na kailangan ng kahit anong regalo, mamahaling alahas, bouquet ng bulaklak, o engrandeng anniversary surprise na manggagaling pa kay Gavri. Wala nang halaga ang mga materyal na bagay kun
QuinnKahit nasasaktan ay pinilit kong ipagpatuloy ang buhay.Pero dahil sa nakita ko sa social media, pati na rin sa larawan na pinadala sa akin ni Daphne ay nagdesisyon na akong makipaghiwalay kay Gavri.Ayaw ko ng sayangin ang buhay ko sa kanya.Para sa akin ay sapat na ang halos isang taong pag-asam na mababago ang damdamin niya o kahit man lang ang pakikitungo niya sa akin.Nagdesisyon akong makipaghiwalay na sa kanya.I should learn to love and live for myself.Wala akong ibang libangan kundi ang makipag-chat kay Shalani. She's working kaya madalas na weekend lang kami nagkikita. Kung minsan ay hindi pa. At sa mga panahon na ako lang mag-isa ay nasa bahay lang ako.Kasalukuyan akong nasa balcony ng aming silid at nagdidilig ng alaga kong mga halaman ng biglang tumunog ang aking cellphone.Kinuha ko iyon sa ibabaw ng mesa at tinignan.“I'll be back next week. We will talk.”Text mula kay Gavri. Muli kong nilapag ang cellphone at nagpatuloy na sa pagdidilig na parang wala akong
QuinnMarahan kong minulat ang aking mga mata.Dama ko pa ang sakit ng katawan dulot ng nagdaang gabing pag-angkin ni Gavri sa akin.Ngunit sa kabila non ay hindi ko maipaliwanag kung bakit masaya pa rin ako. Alam ko na para sa kanya ay sex lang ang lahat ng ito. Ginagampanan lang namin ang obligasyon bilang mag-asawa.Makailang beses niya akong inangkin kahit na nga lasing siya. Isang bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan. Ang sabi nila ay nawawala ang pagnanasa ng isang lalaki kapag lasing. Ngunit hindi si Gavri. He’s a beast in bed everytime na aangkinin niya ako dahilan upang mag-iwan siya ng mga marka sa aking buong katawan.“You're awake.”Bigla akong napatingin sa pinanggalingan ng tinig.Nakita ko si Gavri, nakatayo malapit sa may pinto at inaayos ang cufflink ng longsleeve polo na suot niya.Gamit ang kumot ay tinakpan ko ang aking katawan habang bumabangon at nakayuko ang ulo bago nagsalita.“Ipaghahanda kita ng almusal.”“No need,” tugon niyang wala man







