Share

Chapter 67

Penulis: MysterRyght
last update Tanggal publikasi: 2026-04-19 22:05:17
Bradley

Lumipas ang ilang araw, ngunit nananatiling pareho ang sitwasyon, wala pa ring malinaw na resulta.

Ito ang klase ng delay na hindi ko pa nararanasan. Sanay ako na madaling makuha ang kailangan, ngunit ngayon lang ako naka-encounter ng isang sitwasyon na parang walang solusyon.

Kaya naman mas mabilis akong nauubusan ng pasensya ngayon kaysa dati. Hindi dahil sa kakulangan ng impormasyon, kundi dahil sa mga bagay na napapansin ko sa paligid ko na hindi ko maipaliwanag kung bakit nakakaapek
MysterRyght

Aba at mukhang may ibang kutob si Bradley ah. May matuklasan kaya siya? At saan kaya pupunta si Jenelyn?

| 31
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Manang Beb
ahaha tawa aqo sau Bradley c Jen ang paimbistigaha ajajha
goodnovel comment avatar
Angielyn Del Remedios Watson
Nakoww!!. mukhang unti-unti nang madi-discover ni Bradley yung katauhan ni EmNagui aka Jen ... parang malapit na siya sa katotohanan...
goodnovel comment avatar
Ian Dave Salceda Alupit
nag punta c jenelyn SA best friend niya....para ibigay ang kwintas na na kuha niya .....
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 186

    BradleyNag-angat ng ulo si Mr. Ledesma at direkta itong tumingin kay Jenelyn.Sa loob lamang ng isang segundo ay nakita ko ang bahagyang pagkabigla sa mukha nito bago agad na napalitan ng respeto.Respect na hindi basta-basta ipinapakita ng isang COO.Respect na para lamang sa taong mas mataas ang posisyon kaysa sa kanya.At iyon ang eksaktong problema.Dahil bago pa man makapagsalita si Mr. Ledesma, bahagyang tumaas ang kilay ni Jenelyn at halos hindi mahahalatang umiling.Maliit na galaw lamang ngunit malinaw ang mensahe.Huwag mo akong tawaging boss.Napalunok si Mr. Ledesma.Kitang-kita ko iyon.Parang estudyanteng nahuling nangongopya ng kanyang principal.Sandaling naglihis ang tingin nito.Tila naghahanap ng tamang sasabihin.At sa unang pagkakataon mula nang dumating siya, mukhang hindi niya alam kung ano ang gagawin.Nagulat pa nga ito nang magsalita si Mr. Montez.“Mr. Ledesma,” tawag ng matandang lalaki. Halata ang tensyon sa boses nito. “Sinong boss ang sinasabi mo?”Tahim

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 185

    BradleyKung maaari lamang akong tumawa nang malakas sa mismong sandaling iyon, baka ginawa ko na.Hindi dahil nakakatawa ang sitwasyon kundi dahil sa sobrang kabalintunaan ng lahat.Narito sina Clarabelle at Mr. Montez, buong kumpiyansang ipinagmamalaki ang koneksyon nila sa Zeus Air habang minamaliit ang babaeng nakatayo sa harapan nila. Para bang isa lamang siyang ordinaryong empleyado na desperadong kumapit sa trabaho niya sa Salazar Group.Samantalang ang babaeng iyon...Ay siya mismong chairwoman ng Zeus Air.At ang mas nakakainis pa, galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari sa sasakyan kanina.Kung hindi lang talaga siya nagtampo dahil sa usapin tungkol sa cellphone ko, baka matagal na niyang pinatigil ang mag-amang ito. Ngunit dahil kilala ko si Jenelyn, alam kong wala siyang balak magsalita agad.Kapag ganito siya katahimik, may dalawang posibilidad lamang.Maaaring wala siyang pakialam. O kaya naman ay hinahayaan niyang ibaon ng kausap niya ang sarili nito sa mas malalim n

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 184

    BradleyTahimik kong pinagmasdan si Jenelyn na nakaupo sa tabi ko sa backseat ng sasakyan.Papunta kami sa isang restaurant para sa mahalagang meeting, ngunit sa halip na isipin ko ang kontratang pag-uusapan mamaya, ang atensyon ko ay paulit-ulit na bumabalik sa kanya.Partikular sa suot niya.Nakasuot siya ng high-waisted pants na bumabagay sa kanyang katawan at isang crop top na hindi naman masasabing sobrang revealing. Gayunpaman, sapat iyon para mapansin ko ang bahagyang paglitaw ng kanyang maputing baywang sa tuwing gagalaw siya.At gaya ng inaasahan, bago pa man ako makapagbigay ng kahit anong komento ay tinaasan na niya ako ng kilay.Parang alam na alam niya ang nasa isip ko.Parang nababasa niya ako.“Ano?” tanong niya.Bahagya akong umiling.“Wala.”“Sinungaling.”Napabuntong-hininga na lang ako.Hindi na ako nagtangkang makipagtalo dahil alam kong mauuwi lang iyon sa argumentong siya rin naman ang mananalo.Habang iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag na ayaw ko lang na masya

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 183

    JenelynCurious na curious ako sa dahilan ng pagpunta ni Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit interesado ako. Una, pamilyar ang apelyido niya. Pangalawa, kasama ang larawan niya sa mga dokumentong ibinigay sa akin ni Matt. Kahit pa hindi ko agad maalala kung saan ko nakita ang mukha niya, sigurado akong hindi ako nagkakamali.Habang iniisip ko iyon ay nakita kong nakapasok na si Mr. Montez sa opisina ni Bradley.Samantala, ako naman ay nanatiling nakaupo sa mesa ko.Ilang segundo akong nakatitig sa saradong pinto ng opisina bago tuluyang kinuha ang cellphone ko.Kung may makakasagot man sa tanong ko, si Matt iyon.Agad kong hinanap ang pangalan niya at pinindot ang call button.Hindi pa man umaabot sa ikatlong ring ay sinagot na niya ang tawag.“Baby Jen!”Napapikit agad ako.“Baby Jen!” ulit niya nang mas malakas.Pagkatapos ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.“Ay, Jen lang pala. Baka magalit ang future husband mo.”Napailing ako habang

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 182

    JenelynNaging maayos ang mga sumunod na araw.Sa katunayan, mas maayos pa kaysa sa inaasahan ko.Hindi ko akalaing talagang tutuparin ni Bradley ang sinabi niya noong gabing sinundo niya ako sa police station.Sinibak niya si Clarabelle.Hanggang ngayon ay medyo hindi pa rin ako makapaniwala.I mean, kahit paano ay kilala ito ni Lolo Ruel. Medyo malapit din sila at alam kong may koneksyon pa rin ang pamilya nito sa ilang taong malapit sa pamilya Salazar. Kung ibang tao siguro ang nasa posisyon ni Bradley, baka nagdalawang-isip pa.Pero hindi si Bradley.Kapag nakapagdesisyon na siya, mahirap na siyang baguhin.At ayon sa kanya, mas lalo lamang siyang nagalit nang makita niya ang CCTV footage mula sa bar.Hindi na niya sinabi ang lahat ng detalye sa akin, pero base sa ekspresyon niya nang mapanood iyon, alam kong mas marami siyang nakita kaysa sa mga naikwento namin sa police station.Sa huli, wala na rin naman akong pakialam.Matagal nang nakakaabala si Clarabelle sa buhay ko.Sa opis

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 181

    JenelynTahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan habang binabagtas ni Bradley ang daan pauwi.Matagal nang naihatid sina Denise at ang iba pa. Sa katunayan, halos kalahati ng biyahe ay wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Tanging ang mahinang ugong ng makina at ang ilaw ng mga sasakyang kasalubong namin ang nagsisilbing kasama sa katahimikan.Paminsan-minsan ay pasimple akong sumusulyap kay Bradley.Pareho pa rin ang ekspresyon niya mula nang sunduin niya ako sa police station.Seryoso.Tahimik.At iyon ang mas nakakatakot.Mas gugustuhin ko pang magalit siya nang diretsahan kaysa sa ganitong hindi ko mabasa ang iniisip niya.Sa huli ay hindi ko na kinaya ang katahimikan.“Wala si Denver?” tanong ko, naghahanap lamang ng kahit anong pwedeng pag-usapan.Hindi man lang siya lumingon. Nanatili ang mga mata niya sa kalsada.“Gusto mo pang mang-abala ng natutulog na tao?”Agad akong napakurap.Well...Mali yata ang napili kong topic.Napakagat ako sa loob ng pisngi ko.Sabi ko nga sa saril

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 178

    Bradley“Anyway, Lo. Hindi mo naman siguro ako pinapunta rito dahil kay Jenelyn, right?” tanong ko matapos ang ilang sandaling katahimikan. Kanina pa namin pinag-uusapan si Jen, ngunit pakiramdam ko ay hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit niya ako pinauwi agad sa mansyon.Napansin kong huminga

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 176

    Bradley“Charles, is that—”Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa inner pocket ng suot kong coat. Agad kong kinuha iyon at tinignan ng walang pag-aatubili.Sa totoo lang, inaasahan kong si Jenelyn ang makikita kong tumatawag. Hindi ko alam kung bakit, n

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 175

    Bradley“Sir, everything’s ready.”Nag-angat ako ng tingin mula sa dokumentong nasa harapan ko at tumingin kay Charles. Tahimik siyang nakatayo sa kabilang bahagi ng mesa habang hawak ang tablet na naglalaman ng schedule ko para sa buong araw. Tumango ako bilang tugon bago isinara ang folder na bina

  • Ms. Angas at Mr. Arogante   Chapter 172

    JenelynNai-schedule ang operasyon ng Daddy ni Marie limang araw matapos kaming dumalaw sa ospital. Dahil natapat iyon sa araw ng pasok, agad ko nang sinabi sa kanila na pupunta ako pagkatapos ng klase. Half-day lang naman ang schedule ko kaya walang magiging problema. Nang marinig iyon ni Denise ay

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status