JasmineNaiiling na umalis nalang ako sa bahay nito. Parang bata talaga ito kumilos ngayon nakakapanibago. Ano kayang nakain nito at papakainin ko ulit non para palagi na lang siyang ganyan na hindi masyadong nakakatakot. Pag kasi nagsasalubong na ang dalawa nitong kilay ay nanginginig na ako sa takot. Alam ko kasi na galit na galit na ito pag ganun. Pero kung yung mga paisa isang taas lang ng kilay ay tingin ko kasi doon ay mild pa lang ang galit niya. Kung baga di pa naka full charge. Napapangiti na lang ako habang nag da drive pauwe. Sulit na sulit ngayon ang pagod ko ah. Imagine di lang ako naka halik at nakayakap sa kanya. Ang higit sa lahat ay pwede na ako magsimulang manligaw dito. May permission na akong ipakita dito ang nararamdaman ko para sa kanya. Akalain mo iyon. Bilib din ako kanina sa sarili ko na nasabi ko ng ganun lang kadali ang mga iyon kay baby loves kanina. Ni hindi man lang ako na bulol nung mag confess ako dito ng feelings ko. I'm so proud of myself. Haha
Jasmine Bigla naman ako nahiya sa aking ginawa. Di ko maiwasang pinamulahan ng mukha dahil sa nangyari. My gulay nakakahiya talaga na mahuli ka sa minamanyak mo siya. Dahan dahan na akong nag taas ng tingin at nagawi naman sa kanyang dibdib ang aking paningin medyo may lumilitaw kasing cleavage akong nakita. Di ko maiwasang mapa lunok ng mapansin ko iyon. Kahit gustuhin ko pa sana na tagalan ang pag tingin doon ay pinilit ko talaga ang aking sarili na ilayo sa magandang tanawin na iyon ang aking mga makasalanang mata. Sayang naman kasi. Kailan ko kaya ulit makikita ang ganitong mga tanawin sa kanya? Kinakabahan na tuluyan ko ng tinaas ang aking paningin at sinalubong ako ng nagliliyab na niyang mga mata. Katapusan ko na ba? Huwag naman sana di pa ako sinasagot ng dragonang ito. Magkakaanak pa kami ng isang dosena. "Manyak ka talaga Cordova.!" Gigil na sigaw nitong sabi sa akin saka ako sinamaan na naman ng tingin. Sayang ganda sana ng mga mata nito kung di lang laging m
Athena Kumakain na kami ngayon ng lunch ni Cordova. Di ko maiwasang mapailing pag iniisip ko ang mga pinag gagawa nitong si Cordova mula kahapon pa. Mukhang napa sama yata ang pang aakit ko dito kahapon. Tuloy na triggered ito at nagka lakas ng loob na magtapat ng kanyang nararamdaman. Lakas nang loob nito. Parang di man lang kinakabahan habang nag coconfess siya sa akin kahapon. Ako tuloy ang kinabahan sa kanyang mga pinag tapat. Oo aaminin ko na, na attractive ako kay Cordova di ko na itatangi pa. Hindi ko nga alam kong ano ang nagustuhan ko dito eh. Basta natutuwa lang ako pag nandyan lang siya at nakikita ko. Kaya nga kung ano ano na lang pinapagawa ko sa kanya para lang lagi ko siyang nakakasama. Yun lang kasi ang alam kong paraan. Alangan naman na sabihin ko dito na gusto ko siyang kasama kaya dapat nasa tabi ko lang siya. Di mas lalong lumaki ang ulo nun pag nalaman nya na attracted ako sa kanya. Pero kahit ganun pa man ay di pa rin ako pabor na manligaw ito sa ak
Jasmine Di ko naman maiwasang mapatingin dito. Bakit bigla na lang itong nainis?. Bakit bigla naman yatang nag iba ang mood nito mula ng mabanggit ko si Miss Mandy sa kanya. "Close po kasi kami nyan Ma'am, siya kasi ang nagtuturo sa akin sa office pag minsan sinasama ako noon doon ni Dad. Tapos hanggang sa matuto na ako. Kaya siya na rin ang nagiging secretary ko pag pupunta naman ako doon sa office." Mahinahon kong paliwanag dito. "Bakit kailangan ka pa niyang e text kung secretary mo lang naman siya? At may picture pa talaga kayong magkasama ha." May paghihinala na tiningnan niya akong maige. "Naging ka close ko nga po siya Ma'am." Mahinahon ko pa ring paliwanag dito. "Tika nag seselos ka ba? Hmmm?" Ako naman ngayon ang tumingin sa kanya ng nanunuri. Kita ko ang biglang pamumula ng mukha nito. Di ko alam kung dahil ba sa nahuli ko na nagseselos siya o dahil sa galit. Sana naman dahil sa nahuli ko na lang na nagseselos ito. Bigla naman parang sumaya ang pakiramdam ko dahil
Jasmine Nag aayos na ako ng aking mga gamit na dadalhin ko pa Mindoro. Medyo madami dami din ito at isang buwan kasi akong mag lalagi doon. Buti na nga lang at may signal kila lola eh. Kaya kahit paano ay matatawagan at ma te text ko pa rin si baby loves. Hay miss ko na sya agad. Dumaan kaya muna ako sa kanya bago ako dumiretso ng Batangas pier. Hmmm sounds good. Para naman maka silay muna ako kay baby loves. Bago mag pa Mindoro. Nang matapos na akong mag ayos ng mga gamit ko ay agad na akong bumaba upang kumain na ng dinner. Mauuna na akong kumain. Maya pa daw kasi darating sila Mommy at may mga inaasikaso pa sila sa office ni Dad. Magana na akong kumakain ngayon. Ganito talaga ako pag masaya. Ikaw ba naman maka halik sa nililigawan mo di ka matuwa. Baka nga mag party ka pa eh. After ko makakain ay nagpahinga lang ako ng kaunti at umakyat na rin sa aking kwarto. Maaga ako ngayong matutulog at medyo maaga rin kasi akong aalis bukas. Mukhang hindi na nga ako makakadaan pa
AthenaIlang Linggo na ang nakalipas mula ng mag paalam sa akin si Cordova na magbabakasyon siya sa kanilang probinsya sa Mindoro. Patuloy lang akong nakaka received sa kanya ng mga text na kung ano ano na kahit isa sa mga ito ay wala akong ni replayan. Bakit ko naman re replayan yun e wala naman akong obligasyon sa kanya. Isa lang siyang pampagulo sa buhay ko.Mabuti na nga lang at naka block ito sa call sa cellphone ko dahil kung hindi ay bulabugin lang nito ang nanahimik kong mundo sa kakatawag nito. Baka lalo lang akong maiinis dito. Pero pwera biro. Medyo namimiss ko na rin ang manyakis na iyon. Nandito ako ngayon sa bahay ng parents ko. Matagal na rin kasi na hindi ako nakakapamasyal sa kanila. Alam nyo naman andaming ginagawa sa school. Lalo na pag nagkasabay sabay ang mga gawain. Isang retired na Judge ang Mommy ko at si Dad naman ay retired rin na official sa PNP. Gusto nga nila sana akong pakuhanin noon ng Law kaya lang ay Education nga ang kinuha ko. Nag katampuhan
JasmineNapangiti ako ng ma send ko na yung picture namin ni Tuesday kay baby loves. Gusto ko lang kasing alamin kung magseselos ba ito pag nakita na nito ang picture na send ko. Di rin naman kasi totoo iyong mag o overnight ako sa kanila. Gawa gawa ko lang iyon. May gusto lang sana akong patunayan. Ilang oras na akong naghihintay ay wala pa rin akong natatanggap na text mula dito. Mukhang wala yatang effect dito ang mga sinabi ko ah. Mukhang mali lang ako ng pag aakala dito. Maya lang nag check na ako ng messenger ko at tinignan kung na open na nito iyong send ko. Maya lang ay nakita ko na open nya na ito. Nangingiti ako at naghihintay ng reply nya. Pero dumaan pa ang ilang minuto ay wala pa rin. Nang tignan ko sana ulit sa messenger eh naka block na ako dito. Maging sa kanyang Facebook. Nanghihinang napa upo na lang ako sa aking kama.Mukhang wrong move yata ako ah. Hindi ganito ang inaasahan ko na magiging reaction nya. Akala ko pa naman ay mag se selos ito pero mali lang pala
JasmineKinabukasanMaaga akong umalis ng bahay upang sunduin sa kanila si Tuesday. Mag gagala daw muna kami sa may bayan bago kami pumunta sa peryahan kung saan may mga rides ng nakalagay daw doon. Sumang Ayon na lang ako dito. Ok na rin kasi iyon at ng makapag ikot ikot din dito. Di pa kasi ako ganon ka familiar dito sa bayan namin eh.Nang makarating ako sa kanilang bahay ay agad akong pinapasok ng kanilang kasambahay. "Pasok po muna kayo Ma'am at nag bibihis pa po kasi si senorita Tuesday eh" sabi sa akin ng kasambahay nila saka ako pinaupo at inalok ng maiinom. "Huwag na ho. Wait ko na lang po si Tuesday dito." Nasabi ko na lang sa kanya. At umalis na si manang Maya lang ay bumaba na si Tuesday at di ko mapigilang humanga sa taglay nitong ganda.Si Tuesday kasi ay ang magandang version ng isang dalagang pilipina. Morena ang kulay nito na bagay sa makinis niyang kutis. Mahaba ang naka lugay nitong itim na itim na buhok. Na bumagay naman sa maliit nitong mukha. Na kahit simple