Share

Kabanata 2

Author: Docky
last update publish date: 2026-11-02 09:45:26

CALLIANA

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Tahimik na ang paligid. Halatang wala na si Kara. Paglingon ko sa may sofa sa gilid ng kuwarto, napasinghap ako nang mahina. Nakatagilid si Kairo roon. Nakapikit ang kaniyang mga mata at halatang nakatulog siya dahil sa matinding pagod. Bahagyang nakabukas ang kuwelyo ng polo niya at nakatupi ang sleeves niya hanggang siko.

Maingat akong bumangon. Kahit kumikirot pa nang kaunti ang katawan ko, marahan akong bumaba sa kama at naglakad palapit sa sofa. Mabuti na lang at mahaba ang hose na nakakonekta sa akin. Lumingon-lingon muna ako na parang nagnanakaw ng pagkakataon bago lumuhod nang marahan sa tabi ng tulog na si Kairo.

Pinagmasdan ko ang mukha niya nang malapitan. ‘Grabe…’ isip-isip ko habang pumupuputok ang dibdib ko sa matinding kilig. ‘Bakit lalo siyang gumuwapo ngayong mas tumanda na siya?! Look at those eyelashes! Mas mahaba pa kaysa sa akin! At ang ilong niya, p'wedeng mag-slide! Ang labi niya, parang iginuhit talaga.’

Hindi ko mapigilang mapangiti nang sagad sa tainga. 

"Kasal talaga ako sa'yo? As in... totoong asawa na kita?" bulong ko sa sarili habang halos maging hugis puso na ang mga mata ko sa titig sa kaniya.

Biglang naging seryoso ang mukha ko. Naalala ko ang galit ng magkapatid kanina. Inabot ko ang mukha niya at mahina akong bumulong. "Mahal na mahal kita, Kairo Fierro. Pangarap lang kita dati eh kaya hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi ninyong niloko kita? Baliw ba ako para gawin 'yon? Bakit ko lolokohin ang isang guwapo, mayaman, mabango at halos perpektong lalaking tulad mo?" 

Biglang gumalaw ang mga balikat ni Kairo at huminga siya nang malalim, pahiwatig na nagigising na siya! Nanlaki ang mga mata ko. Sa matinding taranta, mabilis akong gumapang pabalik sa kama ko. Humiga ako nang maayos, nagkumot ng hanggang leeg at saka ako pumikit nang napakahigpit.

Tumahimik ang kuwarto sa loob ng ilang segundo.

"Alam kong gising ka, Calliana.” Malamig ang boses ni Kairo mula sa may sofa. "Huwag ka nang magpanggap. Huwag ka nang magtulog-tulugan."

Napamulat ang isang mata ko bago ako tuluyang dumilat. Nahihiya akong umupo nang maayos at napakamot sa ulo ko habang pilit na ngumiti.

"Ah... eh... hi," pautal-utal kong bati.

Tumayo si Kairo. Inayos niya ang kaniyang suit jacket at tinitigan niya ako nang walang bakas ng emosyon. Walang kaabog-abog siyang nagsalita.

"Hindi na kita pipigilan sa mga gusto mo," pamungad ni Kairo habang diretso ang tingin niya sa akin. "Kung divorce talaga ang gusto mo at 'yon ang dahilan kung bakit ka nag-iskandalo, fine. Kakausapin ko na ang abogado ko ngayon din. Do whatever you want. Wala na akong pakialam kahit makipagkita ka pa ulit sa lalaki mo."

Bakas sa boses ni Kairo ang matinding pagod at pagkasuplado. Para bang may isang mataas na pader na namamagitan sa amin na hindi ko na kaya pang tibagin. Humakbang na siya pabalik patungo sa may pintuan para umalis.

Natigilan ako. Mabilis kong itinaas ang kamay ko para pigilan siya. "Teka! Wait lang!" sigaw ko.

Napahinto si Kairo ngunit hindi siya lumingon.

Napasandal ako sa headboard at napalunok. "E-Eh paano... paano kung ang gusto kong makita at makasama eh ikaw? Okay lang din ba 'yon?"

Dahan-dahang lumingon si Kairo sa akin. Salubong ang kaniyang mga kilay at puno ng pagdududa ang kaniyang mga mata. "Bahala ka sa buhay mo kung anong gusto mong gawin," malamig niyang sagot bago siya tuluyang tumalikod ulit at naglakad nang mabilis.

Nang mahawakan na ni Kairo ang door knob, hindi ko na kayang pigilan ang matinding tuwa sa dibdib ko. Dahil sa pag-aakalang nakaalis na siya at hindi na niya ako nakikita, napahawakk ako sa magkabilang pisngi ko at napaimpit na sumigaw sa matinding kilig habang nagtatatalon ang dibdib ko.

"Gosh! Mrs. Calliana Fierro! Bagay na bagay!" pabulaklak kong sigaw sa tuwa habang nakangiti ako nang napakalapad. "My wish came true! Asawa ko na talaga ang long time crush ko! Wahhh!"

Mabilis na napalingon si Kairo. Nakaangat ang isang kilay niya. Halatang nagulat at nagtataka siya sa inasal ko na akala mo ay nanalo sa lotto sa gitna ng seryosong usapan. 

Bigla akong napatigil. Na-realize kong narinig at nakita niya ako. Mabilis kong ibinaba ang mga kamay ko, umayos ng upo at pilit na naglabas ng hilaw na tawa para magbiro.

"Ah... eh..." Napakamot ako sa leeg ko habang nakangisi na parang isang aso. "Sinusubukan ko lang... kung may lakas na ba akong sumigaw. Alam mo na, baka mahina pa ang lungs ko."

Tinitigan ako ni Kairo nang ilang segundo. Ang mga titig niya ay parang nagtatanong kung anong uri ng planeta ba galing ang babaeng nasa harap niya ngayon. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga.

"Madidischarge ka na today," malamig ngunit may awtoridad na sabi ni Kairo. "Susunduin kita rito mamaya kaya 'wag ka nang magbalak na umalis o gumawa ng panibagong kalokohan."

Bago pa man ako makasagot, tuluyan nang lumabas si Kairo at saka niya padabog na isinarado ang pint0.

“Ano ba kasing nagawa mo, Calliana? Bakit parang galit na galit talaga sa'yo ang ultimate crush mo na ngayon ay asawa mo na?" kastigo ko sa aking sarili habang nanlulupaypay ang aking mga balikat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Muli Mo Akong Mahalin   Kabanata 3

    CALLIANAPagkapasok pa lang namin sa napakalaking mansyon ng mga Fierro, agad kong naramdaman ang lamig ng paligid. Mukhang pribadong museo ang bahay nila. Malawak iyon, kumikinang ang sahig pero parang walang kabuhay-buhay."Ihatid niyo na siya sa kuwarto," malamig na utos ni Kairo sa kasambahay na sumalubong sa amin, bago pa man ako makapagsalita. Hindi man lang niya ako nilingon at diretso na siyang naglakad patungo sa kaniyang opisina.Napanguso na lang ako habang sinusundan ko ang kasambahay pataas sa ikalawang palapag. Nang mabuksan niya ang pint0 ng masters bedroom, napatigil ako sa may pintuan. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nadatnan."Seryoso ba 'to?" bulong ko sa sarili habang inililibot ko ang paningin ko sa loob ng silid.Sobrang dry at boring ng kuwarto! Kulay gray at puti ang dingding, walang kulay ang kama at wala man lang ni isang picture frame naming dalawa ni Kairo na nakasabit!Agad akong lumapit sa walk-in closet at binuksan ko iyon. Bumagsak ang balikat ko sa ak

  • Muli Mo Akong Mahalin   Kabanata 2

    CALLIANADahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Tahimik na ang paligid. Halatang wala na si Kara. Paglingon ko sa may sofa sa gilid ng kuwarto, napasinghap ako nang mahina. Nakatagilid si Kairo roon. Nakapikit ang kaniyang mga mata at halatang nakatulog siya dahil sa matinding pagod. Bahagyang nakabukas ang kuwelyo ng polo niya at nakatupi ang sleeves niya hanggang siko.Maingat akong bumangon. Kahit kumikirot pa nang kaunti ang katawan ko, marahan akong bumaba sa kama at naglakad palapit sa sofa. Mabuti na lang at mahaba ang hose na nakakonekta sa akin. Lumingon-lingon muna ako na parang nagnanakaw ng pagkakataon bago lumuhod nang marahan sa tabi ng tulog na si Kairo.Pinagmasdan ko ang mukha niya nang malapitan. ‘Grabe…’ isip-isip ko habang pumupuputok ang dibdib ko sa matinding kilig. ‘Bakit lalo siyang gumuwapo ngayong mas tumanda na siya?! Look at those eyelashes! Mas mahaba pa kaysa sa akin! At ang ilong niya, p'wedeng mag-slide! Ang labi niya, parang iginuhit talaga.’Hindi

  • Muli Mo Akong Mahalin   Kabanata 1

    CALLIANA"Agh..." daing ko nang subukan kong igalaw ang katawan ko.Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Biglang kumirot ang buong ulo ko. Isa iyong matinding sakit na parang binabakbak ang bungo ko. Kasunod noon ang mabigat at masakit na pakiramdam sa buong katawan ko. Sa bawat paghinga ko ay parang may sumasaksak sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.Napansin ko na may nakatakip sa ilong at bibig ko. Inabot ko ito at dahan-dahang inalis ang oxygen mask. Tuyong-tuyo ang labi at lalamunan ko. Dumaing ulit ako habang pilit kong inililibot ang tingin ko. Puti ang dingding at may tunog ng heart monitor sa tabi. Isang pagpapatunay na nasa hospital ako ngayon. Pero bakit ako nandito? "Mommy? Daddy?" garalgal at paos kong tawag. "Mommy, nasaan kayo?"Pero kahit anong tawag ko, walang sumasagot. Hindi pumasok ang mga magulang ko. Kaya kinabahan ako."Mommy..."Nagulat ako nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng kuwarto. Napatingin ako roon nang may pag-asa. Akala ko ang mga magu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status