LOGINCALLIANA
Pagkapasok pa lang namin sa napakalaking mansyon ng mga Fierro, agad kong naramdaman ang lamig ng paligid. Mukhang pribadong museo ang bahay nila. Malawak iyon, kumikinang ang sahig pero parang walang kabuhay-buhay. "Ihatid niyo na siya sa kuwarto," malamig na utos ni Kairo sa kasambahay na sumalubong sa amin, bago pa man ako makapagsalita. Hindi man lang niya ako nilingon at diretso na siyang naglakad patungo sa kaniyang opisina. Napanguso na lang ako habang sinusundan ko ang kasambahay pataas sa ikalawang palapag. Nang mabuksan niya ang pint0 ng masters bedroom, napatigil ako sa may pintuan. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nadatnan. "Seryoso ba 'to?" bulong ko sa sarili habang inililibot ko ang paningin ko sa loob ng silid. Sobrang dry at boring ng kuwarto! Kulay gray at puti ang dingding, walang kulay ang kama at wala man lang ni isang picture frame naming dalawa ni Kairo na nakasabit! Agad akong lumapit sa walk-in closet at binuksan ko iyon. Bumagsak ang balikat ko sa aking nakita. Puro kulay itim, puti, beige at dark navy blue ang mga damit. Walang buhay, walang ka-thrill-thrill! "Ang boring naman manamit ng old version ko," naiiling kong reklamo. "Kahit isa man lang sanang cute na damit, wala?!" Naghanap pa ako nang naghanap sa dulo ng closet hanggang sa makakita ako ng isang simpleng light pink na dress na may maliliit na floral print. Napangiti ako nang malapad. "Thank God!" Mabilis akong pumasok sa banyo para maligo. Paglabas ko, isinuot ko agad ang pink na dress. Gustong-gusto kong i-impress si Kairo ngayon. Ayaw kong isipin niya na boring o nakakatakot akong kasama. Naglagay ako ng kaunting kolorete sa mukha—light blush, lip tint at inayos ko ang aking kilay. Pagkatapos ay kinuha ko ang curling iron na nakita ko sa vanity table para kulutin nang bahagya ang dulo ng aking buhok. Habang nakatitig ako sa salamin at hawak ang mainit na curling iron sa tabi ng mukha ko, hindi ko mapigilang kiligin habang iniisip ko ang magiging reaksyon ni Kairo mamaya. ‘Hah! Tiyak na mabibighani 'yon kapag nakita niya ako. Ang ganda-ganda ko kaya ngayon!’ Napangiti ako nang napakalapad at napasayaw pa ako nang kaunti sa kinaroroonan ko. Napatigil ako sa pagsasayaw nang biglang bumukas nang malakas ang pint0 ng kuwarto! "Calliana, the dinner is—" "Ay pusa!" Sa matinding gulat ko sa biglang pagpasok ni Kairo, napaigtad ang kamay ko at direktang tumama ang mainit na bakal ng curling iron sa noo ko! "Aray! Aray! Aray!" Napasigaw ako sa matinding hapdi at mabilis kong naibaba ang curling iron sa mesa habang hawak-hawak ko ang aking noo. Napapikit ako sa sakit at napaluhod ako nang kaunti. "Calliana!" Bakas ang matinding taranta sa boses ni Kairo. Sa isang idlap, mabilis siyang nakalapit sa akin. Inalis niya ang kamay ko at pilit niyang inangat ang mukha ko para tingnan ang napasanggi kong noo. "What the héck?! Ano bang ginagawa mo?!" Nanginginig ang boses ni Kairo habang tinitingnan niya ang namumulang balat sa noo ko. Mabilis niyang kinuha ang baso ng malamig na tubig sa bedside table. Pinatakan niya ng kaunting tubig ang kaniyang panyo at marahan niya iyong inilapat sa noo ko. "Masakit ba? Ha? Huminga ka nang malalim, palamigin natin 'to. Tsk! Ayaw kasing mag-iingat." natatarantang sabi ni Kairo. Halos magkapantay na ang mukha namin habang maingat na maingat ang bawat galaw niya. Napatigil ako sa pagdàing. Nakatitig lang ako sa mukha ni Kairo na sobrang lapit sa akin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya, ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib niya at ang bakas ng totoong takot para sa akin. Kumalat na naman ang matinding kilig sa puso ko dahilan para maging tulala ako habang nakatitig sa lalaking nag-aalala sa akin. "M-Medyo kumikirot pa..." mahina kong bulong habang nakatitig pa rin ako sa mukha niya. Sa sobrang lapit ni Kairo, naamoy ko ang malamig at mamahaling amoy ng perfume niya. Nang marinig iyon ni Kairo, lalong sumeryoso ang mukha niya. Maingat niyang idinampi ang malamig na panyo sa noo ko habang hinihipan pa niya iyon nang marahan. "Bakit ka ba kasi humahawak ng mainit na bagay kung natataranta ka?" sermon ni Kairo, pero halatang halos ayaw niyang lakasan ang boses niya dahil sa sobrang pag-aalala. "Look at your forehead, namumula na. Nag-iisip ka ba? Kakagaling mo nga lang sa hospital at may bandage pa 'yang ulo mo, dadagdagan mo pa?" Habang pinagagalitan niya ako, hindi man lang ako nagalit. Sa halip, lalo pang lumapad ang ngiti ko. Inangat ko ang kamay ko at dahan-dahan kong hinawakan ang pulso ni Kairo na nakahawak sa panyo. "Nag-aalala ka sa akin, 'no?" nakangisi kong tanong habang kumukurap-kurap ang mga mata ko. Natigilan si Kairo. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kaniya nang ma-realized niya kung gaano siya kalapit sa akin at kung paano siya nag-react. Dahan-dahan niyang inilayo ang panyo at itinayo nang tuwid ang kaniyang sarili. Mabilis siyang tumikhim at inayos ang kaniyang kuwelyo, sabay iwas ng tingin. "N-Nag-aalala?" Malamig at pilit niyang pinalalim ang boses pero halatang pumiyok siya. "Ayoko lang na may mangyari sa'yo rito sa mansyon dahil panibagong iskandalo na naman 'yan kapag nakita ka ng mga tao na sugatan. Baka isipin nilang pinababayaan kita o ‘di kaya ay inaabuso." "Ay sus!" pang-aasar ko habang tumatayo na rin ako mula sa aking upuan. Inayos ko ang aking light pink na dress at buong pagmamalaki akong humarap kay Kairo. "Kahit anong sabihin mo, nakita ko ang mukha mo kanina. Nataranta ka kaya tapos halata sa mga mata mo na nag-aalala ka sa akin." Tinitigan ako ni Kairo mula ulo hanggang paa. Kumunot ang noo niya habang nakatingin siya sa pink na dress, sa nakakulot kong buhok at sa kaunting kolorete sa mukha ko. "Ano 'yang suot mo?" tanong ni Kairo habang salubong ang kaniyang mga kilay. "At bakit gan'yan ang buhok mo?" "Maganda ba?" Masaya kong pinakita ang dress ko at umikot pa ako sa harap niya. "Nakita ko lang sa dulo ng closet mo. Ang boring kasi ng mga damit doon, puro kulay abo, itim at puti! Kaya sinubukan kong ayusin ang sarili ko para ma-impress ka!" Napatitig lang si Kairo sa akin. Hindi siya nakapagsalita agad. "Calliana..." mahina ang boses ni Kairo. Parang napapagod na naman ang utak niya sa mga nangyayari. "Huwag mo nang gawin 'to. Hindi mo kailangang mag-dress up o magpanggap na gusto mo akong i-impress. Alam ko namang you’re not doing all of these for me." "Hindi ako nagpapanggap!" mabilis kong sagot sabay lapit nang isang hakbang kay Kairo. "Seryoso ako, Kairo. Alam kong sinasabi niyo ni Kara na marami akong kasalanan at niloko kita... pero wala talaga akong maalala sa mga 'yon. Ang alam ko lang ngayon, crush na crush kita dati pa at plus points pa na asawa na kita! Kaya siyempre, galingan ko dapat para magustuhan mo rin ako!" Huminga nang malalim si Kairo at pabalik na umatras. Tinalikuran niya ako at humawak siya sa may pintuan ng kuwarto. "Nakahanda na sa baba ang dinner," panira niya sa masaya kong mood. "Mag-ayos ka na kung gusto mong bumaba. Pero kung masakit pa 'yang ulo mo, ipapadala ko na lang dito ang pagkain mo. Pagkatapos ng dinner ay pag-usapan natin ang divorce. Ipapabasa ko sa iyo ang draft ng papeles." Bago pa ako makasagot, tuluyan nang lumabas si Kairo at isinara ang pint0. Naiwan akong napanguso pero may kakaibang determinasyon sa aking mga mata. "Divorce papers ka riyan..." bulong ko sa sarili habang nakatingin ako sa pint0. "Hinding-hindi ko pipirmahan 'yan! Akin ka na, 'no! Hindi kita hahayaang mapunta sa iba! Hmp!” Nang makababa kami ni Kairo sa may living area, napatigil kaming dalawa. Nakatayo roon si Kara, nakatukod ang dalawa niyang kamay sa bewang. May katabi siyang malaking maleta at dalawang mamahaling bag sa tabi ng sofa. "Kara?" gulat na tanong ni Kairo. Salubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin siya sa kaniyang kapatid at sa mga bagahe nito. "Bakit ang dami mong bitbit na mga gamit mo?" Tumingin nang masama si Kara sa akin. Mula sa kulot kong buhok hanggang sa suot kong light pink na dress bago niya ibinaling ang tingin sa kapatid niya. "Dito muna ako titira, Kuya," pabalang na sagot ni Kara. "Bantay-sarado ka sa akin. Baka kasi kapag pumikit ka lang nang kaunti, mauto ka na naman ng babaeng 'yan sa 'pa-amnesia' at paputing-itlog niyang arte!" "Kara, hindi mo kailangang—" "Hindi, Kuya!" mabilis na putol ni Kara. "Magpapadala na lang ako ng tauhan para kunin ang iba ko pang gamit sa condo. Ayokong iwan ka ritong mag-isa kasama siya." Nilingon ni Kara ang kasambahay at nag-utos. "Manang, paki-akyat po ng mga maleta ko sa guest room, please. Marami pong salamat." Wala nang nagawa si Kairo kundi magpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Sige. Hahayaan na kita sa gusto mo pero magpalamig ka muna ng ulo. Pumunta na muna tayo sa dining area para makakain." Naglakad kaming tatlo patungo sa dining area. Pagkarating sa tabi ng mahabang dining table, out of habit—dahil sanay na ang katawan niya sa nakalipas na mga taon—dahan-dahang inabot ni Kairo ang sandalan ng silya. He got me a seat! Shocks! I'm so kilig! Natigilan si Kairo nang ma-realized niya ang ginagawa niya pero bago pa man niya maitulak pabalik ang silya, mabilis akong lumapit! "Aww! Ang sweet naman ng asawa ko!" tili ko na halos sumabog ang puso sa matinding kilig. Dali-dali akong umupo sa silya at nginitian ko nang napakalapad si Kairo. "Thank you, hub!" Napairap nang halos 360° si Kara at pabalang siyang umupo sa katapat na silya. "Yuck. Nakakasuka. Parang hindi ang lalaking isinumpa mo noong isang linggo ang katabi mo ngayon, ah?" Hindi ko na lang pinansin ang patutsada ng hipag ko dahil nanlaki ang mga mata ko nang maihain ng mga kasambahay ang mga pagkain sa mesa. May mainit na bowl ng kare-kare na may kasamang bagoong at isang platter ng nagniningning na adobo. "Wow!" Napasinghap ako at halos maglaway na ako sa aking nakikita. "My gosh! Miss na miss ko na 'tong lutong bahay! Kare-kare at adobo?!" Kukuha na sana ako gamit ang kutsara nang bigla akong napatigil. Kumunot ang noo ko habang nakatitig ako sa bowl ng kare-kare. "Teka lang..." nagtatakang tanong ko habang palipat-lipat ang tingin ko sa pagkain at kay Kairo. "Bakit may kare-kare rito? 'Di ba ayaw na ayaw mo sa mani, Kairo? Sabi mo dati, amoy pa lang ng kare-kare, nasusuka ka na? Bakit nagpaluto 'yong chef niyo nito? Nakalimutan na ba niya ang gusto mo... o wait, naghihirap na ba tayo kaya puro mani na lang ang ulam?!" Napatigil sina Kairo at Kara. Bago pa man makasagot si Kairo para ipaliwanag ang dahilan, mabilis na pumasok ang isang kasambahay mula sa living room. Mukhang natataranta siya. "Sir Kairo, pasensya na po sa istorbo habang kumakain kayo," bungad ng maid. "May bisita po sa labas, hinahanap kayo—" "I'm already here!" Isang maarte at pamilyar na boses ng babae ang narinig ko. Bago pa man makapagtanong si Kairo o makatayo mula sa kaniyang silya, mabilis na pumasok ang isang babaeng nakasuot ng office attire. Naka-stiletto heels, branded na shoulder bag at nakalugay pa ang kaniyang magandang buhok. Anong ginagawa ni Kianna rito? "Hi, Kai!" masayang bati ni Kianna sabay diretso sa gawi ni Kairo na para bang hindi niya napansin o sadyang pinalampas lang ang presensya ko sa mesa. "Nabalitaan ko ang nangyari sa hospital kaya nag-alala ako nang sobra! I tried calling you pero hindi ka sumasagot kaya pumunta na ako agad rito. Okay ka lang ba?" Nanlaki ang mga mata ko at halos mabulunan ako sa sarili kong laway habang nakatitig sa babaeng kabababa lang ng bag sa tabi ng mesa. ‘Kianna?!’ sigaw ng utak ko habang napaatras ang ulo ko sa matinding gulat. Kilalang-kilala ko ang mukhang 'yan! Noong first year college kami, si Kianna ang kinatatakutang it-girl ng campus at ang pinakamalaking balakid sa mga pantasya ko dahil ito ang sikat at magandang ex-girlfriend ni Kairo! Siya ang tipo ng babaeng kapag dumaan sa hallway, parang may sarili siyang invisible na electric fan at background music. Napahawak ako sa kutsara ko habang nandidilat ang mga mata ko. ‘Anong ginagawa ng ex nitong hub ko sa loob ng bahay namin?! Bakit gano'n siya makatawag ng 'Kai'?! Feeling close ‘yarn?!’ "Kianna..." Halatang nagulat din si Kairo sa biglaang paglitaw nito. Bahagya siyang tumayo mula sa silya. "Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka muna nagpasabing pupunta ka?" "Sabi ko naman sa'yo, nag-alala ako nang sobra!" maarteng sagot ni Kianna habang hawak pa niya ang balikat ni Kairo at tinitingnan ito mula ulo hanggang paa. "Nabalitaan ko ang nangyari sa building... Gosh, I was so scared for you! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo dahil sa pag-iiskandalo ng isa riyan." Bahagyang sumulyap si Kianna sa akin. Isang mabilis, malamig, at paitaas-pababang tingin na punong-puno ng pangmaliit bago niya muling ibinalik ang buong atensyon kay Kairo na parang hangin lang akong nakaupo sa tabi nito. "I brought your favorite pastries mula sa cafe na binibilhan natin dati," patuloy ni Kianna na jmay kasama pang matamis na ngiti. "Naisip ko kasi, baka kailangan mo ng makakausap ngayon... 'yong totoong makakaintindi sa'yo." Bahagyang napangiti si Kara sa tabi at halatang natutuwa siya sa pagdating ni Kianna. "Mabuti pa nga na pumunta ka rito, Kianna. At least may matino namang tao na nakakausap si Kuya ngayon." Habang nakatitig ako sa kanilang tatlo, unti-unti akong napanganga. ‘Aba't!’ Kumulo ang dugo ko mula sa aking light pink na dress hanggang sa aking nakakulot na buhok. ‘Nasa harap ako ng pagkain ko tapos may malanding ex na pumasok sa bahay KO at sa harap ng ASAWA KO?! Hindi pa kami hiwalay, kaya anong karapatan nitong landiin ang asawa ko sa harapan ko? Hindi p'wede ‘to! Hindi ko siya hahayaang dumikit at dumiskarte kay Kairo! Never! Over my dead sexy body!’CALLIANAPagkapasok pa lang namin sa napakalaking mansyon ng mga Fierro, agad kong naramdaman ang lamig ng paligid. Mukhang pribadong museo ang bahay nila. Malawak iyon, kumikinang ang sahig pero parang walang kabuhay-buhay."Ihatid niyo na siya sa kuwarto," malamig na utos ni Kairo sa kasambahay na sumalubong sa amin, bago pa man ako makapagsalita. Hindi man lang niya ako nilingon at diretso na siyang naglakad patungo sa kaniyang opisina.Napanguso na lang ako habang sinusundan ko ang kasambahay pataas sa ikalawang palapag. Nang mabuksan niya ang pint0 ng masters bedroom, napatigil ako sa may pintuan. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nadatnan."Seryoso ba 'to?" bulong ko sa sarili habang inililibot ko ang paningin ko sa loob ng silid.Sobrang dry at boring ng kuwarto! Kulay gray at puti ang dingding, walang kulay ang kama at wala man lang ni isang picture frame naming dalawa ni Kairo na nakasabit!Agad akong lumapit sa walk-in closet at binuksan ko iyon. Bumagsak ang balikat ko sa ak
CALLIANADahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Tahimik na ang paligid. Halatang wala na si Kara. Paglingon ko sa may sofa sa gilid ng kuwarto, napasinghap ako nang mahina. Nakatagilid si Kairo roon. Nakapikit ang kaniyang mga mata at halatang nakatulog siya dahil sa matinding pagod. Bahagyang nakabukas ang kuwelyo ng polo niya at nakatupi ang sleeves niya hanggang siko.Maingat akong bumangon. Kahit kumikirot pa nang kaunti ang katawan ko, marahan akong bumaba sa kama at naglakad palapit sa sofa. Mabuti na lang at mahaba ang hose na nakakonekta sa akin. Lumingon-lingon muna ako na parang nagnanakaw ng pagkakataon bago lumuhod nang marahan sa tabi ng tulog na si Kairo.Pinagmasdan ko ang mukha niya nang malapitan. ‘Grabe…’ isip-isip ko habang pumupuputok ang dibdib ko sa matinding kilig. ‘Bakit lalo siyang gumuwapo ngayong mas tumanda na siya?! Look at those eyelashes! Mas mahaba pa kaysa sa akin! At ang ilong niya, p'wedeng mag-slide! Ang labi niya, parang iginuhit talaga.’Hindi
CALLIANA"Agh..." daing ko nang subukan kong igalaw ang katawan ko.Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Biglang kumirot ang buong ulo ko. Isa iyong matinding sakit na parang binabakbak ang bungo ko. Kasunod noon ang mabigat at masakit na pakiramdam sa buong katawan ko. Sa bawat paghinga ko ay parang may sumasaksak sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.Napansin ko na may nakatakip sa ilong at bibig ko. Inabot ko ito at dahan-dahang inalis ang oxygen mask. Tuyong-tuyo ang labi at lalamunan ko. Dumaing ulit ako habang pilit kong inililibot ang tingin ko. Puti ang dingding at may tunog ng heart monitor sa tabi. Isang pagpapatunay na nasa hospital ako ngayon. Pero bakit ako nandito? "Mommy? Daddy?" garalgal at paos kong tawag. "Mommy, nasaan kayo?"Pero kahit anong tawag ko, walang sumasagot. Hindi pumasok ang mga magulang ko. Kaya kinabahan ako."Mommy..."Nagulat ako nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng kuwarto. Napatingin ako roon nang may pag-asa. Akala ko ang mga magu







