LOGIN
CALLIANA
"Agh..." daing ko nang subukan kong igalaw ang katawan ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Biglang kumirot ang buong ulo ko. Isa iyong matinding sakit na parang binabakbak ang bungo ko. Kasunod noon ang mabigat at masakit na pakiramdam sa buong katawan ko. Sa bawat paghinga ko ay parang may sumasaksak sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Napansin ko na may nakatakip sa ilong at bibig ko. Inabot ko ito at dahan-dahang inalis ang oxygen mask. Tuyong-tuyo ang labi at lalamunan ko. Dumaing ulit ako habang pilit kong inililibot ang tingin ko. Puti ang dingding at may tunog ng heart monitor sa tabi. Isang pagpapatunay na nasa hospital ako ngayon. Pero bakit ako nandito? "Mommy? Daddy?" garalgal at paos kong tawag. "Mommy, nasaan kayo?" Pero kahit anong tawag ko, walang sumasagot. Hindi pumasok ang mga magulang ko. Kaya kinabahan ako. "Mommy..." Nagulat ako nang biglang bumukas nang malakas ang p***o ng kuwarto. Napatingin ako roon nang may pag-asa. Akala ko ang mga magulang ko ang pumasok pero hindi. Isang babaeng naka-designer dress, nakatagilid ang mukha sa galit at nakakuyom ang mga kamay, ay mabilis na lumapit sa kama ko…si Kara Fierro. "Masaya ka na?!" bungad agad ni Kara, basag ang boses sa sobrang inis. "Ha, Calliana?! Masaya ka na ba na nagpapansin ka na naman at isinawsaw mo na naman sa putik ang pangalan ng pamilya namin dahil sa pagtalon mo sa building?!" Napatitig ako sa kaniya. Sobrang litong-lito ako. Kahit paos at walang lakas, dahan-dahan akong umupo habang hawak ang ulo ko. Nagulat pa ako nang may makapa akong benda sa ulo ko. "Anong... anong pinagsasabi mo?" tanong ko nang nagtataka. "Kara, anong problema mo? Bakit ka ba naninigaw riyan? What did I do for you to scream at me like that?" Napatawa nang mapakla si Kara saka pabalang na humalukipkip sa tabi ng kama. "Wow. Iyan pa talaga ang itatanong mo sa akin? Tigilan mo nga 'yang pag-arte mo, Calliana! Hindi bagay sa'yo!" sigaw ni Kara. "Muntik mo nang sirain ang buhay ng Kuya ko! Lahat ng tao sa labas, ang tingin sa kaniya ngayon ay isang masama tao dahil sa ginawa mo! Pero panalo ka na, 'di ba? Masaya ka na ba na sa wakas, pipirmahan na rin ni Kuya ang divorce papers?!" Natigilan ako. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. "Divorce p-papers?" nauutal kong tanong. "Anong divorce papers? Kara, anong sinasabi mo? At bakit ko naman sasaktan o papahirapan si Kairo? Bakit..." "Nababaliw ka na talaga!" putol ni Kara sa akin habang nakaturo ang daliri niya sa mukha ko. "Gan'yan ka na ba kadesperadang makipaghiwalay sa Kuya ko? Kailangan mo pa talagang magpakamatay?! Akala mo ba matutuwa si Kuya sa'yo?! Galit na galit siya sa'yo ngayon!" Nanlamig ang buong katawan ko. Ang mga salitang naririnig ko ay parang galing sa ibang planeta. Wala akong maintindihan kahit isa. Nasa isang gag show ba ako at ako ang napagtripan? "Teka lang..." Hawak ko ang dibdib ko habang mabilis akong humihinga. "Anong hiwalayan? Anong kasal? Kara, ano bang pinagsasabi mo?" Huminga ako nang malalim at napatitig nang diretso sa mata ni Kara. Puro pagtataka ang mukha ko. "Ako? Kasal... kay Kairo Fierro?!" "Aba't... tumigil ka nga, Calliana!" Mabilis na lumapit si Kara at pabalang niyang pinalo ang gilid ng hospital bed. "Huwag mo nga akong madaan-daan sa pa-amnesia mong 'yan! Nakakasuka! Akala mo ba maaawa kami sa'yo?! You’re disgusting!" Dahil sa gulat at lakas ng boses ni Kara, lalong kumirot ang ulo ko. Pero mas naguguluhan ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Ano bang pinagsasabi niyang kasal at divorce? At bakit galit na galit siya sa akin? Eh, hindi naman kami malapit sa isa’t-isa? Kailan pa kami nag-uusap ni Kara? "Hindi ako umaarte, Kara!" paos kong depensa, habang hawak ko pa rin ang noo ko. "Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo sinasabing kasal ako kay—" "Dahil kasal ka talaga sa kaniya!" galit na sigaw ni Kara habang pautap-utap ang kaniyang hininga dahil sa gigil. "At alam mo kung ano ang pinakamasakit doon? Napakapangit mong asawa! Wala kang kwenta! Ginawa mong impyerno ang buhay ng Kuya ko mula noong ikasal kayo! Wala ka nang ginawang matino kundi ang gumawa ng iskandalo at ipahiya ang pamilya namin!" Bago pa man ako makasagot, narinig namin ang mabilis at mabibigat na yabag sa labas ng kuwarto. Biglang bumukas nang malakas ang pint0. Isang matangkad na lalaki ang pumasok. Naka-business suit ito na bahagyang lukot ang kuwelyo, gulo-gulo ang buhok at bakat sa kaniyang mukha ang matinding galit at pagod. Napahinto ang buong paligid nang tumingin nang diretso sa akin si Kairo Fierro– ang kakambal ni Kara Fierro. "Ano na naman 'to, Calliana?" nanginginig sa galit na wika ni Kairo. Lumakad siya nang mabilis patungo sa paanan ng kama. "Masaya ka na ba? Nakuha mo na ba ang atensyon na gusto mo?! Talagang kailangan mo pang tumalon sa building para lang sirain ang pangalan ko at pilitin akong pumunta rito?!" "Kuya!" singit ni Kara sabay turo sa akin. "Tingnan mo 'yan, nagmamang-maangan pa na hindi niya raw alam na kasal kayo!" Inaasahan siguro nina Kairo at Kara na iiyak ako, magmamakaawa o kaya'y makikipagsagutan tulad ng sinasabi nilang ginagawa ko dati. Pero napansin kong natigilan silang dalawa. Nanatili akong nakatitig kay Kairo. Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang umawang ang mga labi ko sa matinding gulat, hindi dahil sa galit ng lalaki kundi dahil sa mukha nito! Siya si Kairo Fierro! Ang legendary student council president at kinatatakutang business heir noong first year college pa lang ako! Ang lalaking tinataguan ko sa hallway kapag nakikita ko dahil sobrang unreachable, ang crush ng buong campus na sa panaginip ko lang kayang lapitan! "Kairo?" bulong ko na parang hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Kahit masakit ang katawan ko at umiikot ang ulo ko, napaupo ako at pinagmasdan ko si Kairo mula ulo hanggang paa. "Asawa... asawa kita?!" napalakas kong tanong habang itinuturo ko ang sarili ko at si Kairo. "Ibig sabihin... kasal talaga ako sa'yo?!" Malamig ang titig ni Kairo sa akin. Naglakad siya pabalik-balik sa gilid ng kama ko. Parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang reaksyon ko. Hindi niya maintindihan kung bakit ako umaakto na walang maalala, matapos ko raw tumalon sa building para lang mapapayag siya sa gusto ko. "Hanggang kailan mo ba ako paparusahan, Calliana?" tanong ni Kairo. Pasigaw na ang boses niya dahil sa matinding frustration. "Ginawa ko naman ang lahat para sa'yo! I gave you everything you asked for and this is what I get in return?! Ang ipahiya ako at mag-eksena ka nang ganito?!" Napakurap ako. Pilit kong inayos ang sarili ko kahit paos na paos pa rin ako. "Pero... Kairo, seryoso talaga ako," nanginginig kong sabi habang nakatitig ako sa guwapong mukha niya. "Wala talaga akong maalala. Ang huling natatandaan ko, first year college pa lang ako at..." "Kuya, 'wag kang magpapauto riyan!" mabilis na sabat ni Kara sabay amba ng kamay sa akin. "Kitang-kita mo naman, panibagong palabas na naman 'yan! Papansin talaga! Hinding-hindi na ‘yan magbabago!" Habang galit na galit ang magkapatid sa harap ko, biglang may kakaibang pakiramdam na kumalat sa dibdib ko. ‘Teka lang…’ isip-isip ko habang nakatitig ako kay Kairo. ‘Asawa ko talaga 'to?! As in si Kairo Fierro?! 'Yong pangarap ko lang dati na malayong-malayo ang agwat sa akin?!’ Dahil sa matinding kilig na biglang lumukob sa akin, napangiti ako. Pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto kahit sabog ang ulo at katawan ko sa sakit. Gusto kong bawasan ang galit nilang dalawa kaya pilit akong nagbiro para gumaan din ang tensyon. "Naku naman, nagalit ka agad..." pangiti-ngiti kong sabi kay Kairo sabay subok na abutin ang kamay niya. "Galit na galit, agad-agad? 'Wag ka na magalit, hub. Ang guwapo mo pa naman kapag—" "Aba't ang kapal din talaga ng mukha mo, 'no?!" sigaw ni Kara. Pabalang niyang pinalo ang kamay ko bago pa man ito makalapit kay Kairo. "Bakit ka nakangiti?! Anong 'hub’?! Hub-hubin ko kaya 'yang mukha mo?!" "Calliana, stop it!" galit na singhal ni Kairo? Pabalik siyang umatras at halos masuka na siya sa sobrang inis. "Huwag mo akong daanin sa mga gan'yang panloloko! Nagpapanggap ka lang na walang maalala para takasan ang lahat ng ginawa mo!" "Bakit ba ayaw niyo akong paniwalaan?" kunot-noong tanong ko. Medyo natatawa pa rin ako dahil hindi talaga mag-sink in sa utak ko ang galit nilang dalawa. "Paanong magpapanggap? Seryoso nga, wala talaga akong—" "Baka nakakalimutan mo, niloko mo ang kapatid ko!" putol ni Kara na halos pumutok na ang ugat sa leeg. "You cheated on him, Calliana! Nahuli ka niya mismo! Tapos ngayon mag-aasal ka na parang walang nangyari at ngingiti-ngiti ka pa riyan?!" Nawala ang ngiti sa mukha ko. "Ako? Nag-cheat?" Napahalakhak ako nang mahina. Parang iyon na ang pinakamalaking joke na narinig ko sa buong buhay ko. "Imposible! Baka nagkakamali ka lang, Kara. Bakit naman kita lolokohin, Kairo? Mahal na mahal kaya kita! Grabe, unang kita ko pa lang sa iyo noong enrolment ikaw na agad ang pangarap ko, tapos lolokohin kita?! Baliw ba ako?!" "Tumahimik ka!" sigaw ni Kairo. Ang mga salita ko ay parang asin na ibinuhos sa sariwang sugat niya. "Huwag na huwag mo nang sabihin ulit 'yang salitang 'yan! Hindi ka nakakatuwa!" "Kuya, nakikita mo ba? Pinaglalaruan ka lang talaga ng babaeng 'yan!" sulsol pa ni Kara habang masama ang tingin niya sa akin. "Baliw na talaga 'yan!" Ikinuyom ni Kairo ang mga kamay niya hanggang sa mamuti ang kaniyang mga kasukasuan. Hindi na niya kayang makipag-argumento pa sa akin na biglang nagbago ang pag-uugali at parang ginagawa lang katatawanan ang lahat. Harap-harapan akong tinalikuran ni Kairo at mabilis siyang naglakad patungo sa pint0 ng kuwarto. Binuksan niya ito nang napakalakas at sumigaw sa hallway. "Nurse! Doctor! Pumunta kayo rito ngayon din!" sigaw ni Kairo. Nilingon niya ulit ako gamit ang malamig at walang emosyon niyang mga mata. "Gusto kong ipa-test ang utak ng babaeng 'yan! Ipa-CT scan niyo, ipa-drug test niyo, lahat! Tingnan natin kung hanggang kailan gagana 'yang panloloko at pagpapanggap mo, Calliana!" Mabilis na rumesponde ang mga doktor at nurse matapos ang sigaw ni Kairo. Agad nila akong inilabas sa kuwarto para isailalim sa sunod-sunod na mga eksaminasyon. CT scan, MRI, blood tests, neurological evaluation, halos lahat ng p'wedeng ipagawa ay ipinautos ni Kairo. Sa bawat pint0ng pinapasukan ko, nakabuntot ang magkapatid. Nakaabang si Kairo sa labas ng bawat laboratoryo habang nakakuyom ang kaniyang mga kamay at paulit-ulit na tumitingin sa kaniyang relo. Si Kara naman ay pabalik-balik sa paglalakad sa hallway at nakatitig sa bawat galaw ng mga nurse na nagtutulak sa wheelchair ko. Takot na takot siyang baka makahanap ako ng pagkakataong makatakas o makagawa na naman ng panibagong gimik. Dahil na rin sa matinding pagod ng katawan ko mula sa aksidente at sa epekto ng mga gamot na ibinigay sa akin, hindi na ako nakatagal. Sa gitna ng huling pagsusuri sa akin, tuluyan nang pumikit ang mga mata ko at nakatulog sa matinding antok. Ano bang nangyayari? Paano ko naging asawa si Kairo at bakit ko siya nagawang lokohin? ~~~~ KAIRO Nang maihatid uli si Calli sa kaniyang kuwarto at makatulog nang mahimbing, lumabas ang attending physician para kausapin kami ni Kara. "Doc, ano na?" mabilis na tanong ni Kara bago pa man ako makapagsalita. "Ano na ang mga resulta? Huling-huli niyo na ba ang pagpapanggap niya?" Huminga nang malalim ang doktor at tiningnan ang hawak niyang medical chart bago siya bumaling sa akin. "Mr. and Ms. Fierro, lumabas na ang mga laboratory results at scan ng pasyente," simula ng doktor. "May nakita kaming trauma sa frontal lobe ng utak niya dahil sa pagkakabagok noong nahulog siya. At batay na rin sa neurological assessment na ginawa namin bago siya nakatulog... napag-alaman naming nagkaroon siya ng tinatawag na retrograde amnesia." Kumunot ang noo ko. Parang may pumutok na ugat sa ulo ko sa inis. "Amnesia? Doc, sigurado ba kayo? Baka naman binu-bullshit niyo lang kami o inuuto kayo ng babaeng 'yan?" "I'm very sure, Mr. Fierro," seryosong sagot ng doktor. Wala siyang kahit anong pag-aalinlangan. "Hindi kayang pekein ang mga tests na ginawa namin. Ang mga alaala lang na natira sa kaniya ay ang mga nangyari bago siya mag-labing-walong taong gulang. Bawat detalye pagkatapos noon, kasama na ang kasal ninyo, ang mga nangyari sa nakalipas na ilang taon at ang aksidente ay ganap na nabura sa memorya niya. Para sa kaniya ngayon, 18 years old pa rin siya." Hindi ako nakapagsalita. Parang nawalan ng lakas ang mga binti ko kaya napasandal ako sa malamig na dingding ng hallway. Pakiramdam ko, lalong bumigat ang dibdib ko sa narinig ko. "At gusto ko ring ipaalala sa inyo," dagdag pa ng doktor, "huwag niyo munang i-stress ang pasyente. Huwag ninyong ipilit sa kaniya ang mga bagay na hindi pa kayang i-process ng utak niya. Maselan pa ang lagay ng utak niya ngayon at kapag na-stress siya nang matindi, p'wede itong magdulot ng permanenteng pinsala o mas malalang komplikasyon." "Naintindihan ko po, Doc. Maraming salamat po," pilit kong sagot kahit gulong-gulo ang isip ko. Nang makalayo ang doktor, mabilis na humarang si Kara sa harap ko. Salubong ang mga kilay niya at halos hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. "Kuya! Huwag mong sabihing naniniwala ka sa sinabi ng doktor na 'yon?!" iritableng sigaw ni Kara kahit pabulong dahil nasa hallway kami. "Amnesia?! Sa lahat ng p'wedeng maging dahilan, amnesia talaga?! Baka binayaran niya lang 'yong doktor o baka talagang napakagaling lang niyang umarte!" "Kara, tumahimik ka muna," pagod na pagod kong sabi habang minamasahe ko ang aking sintido. Gusto ko lang ng kahit konting katahimikan. "So ano ngayon kung may scan results?!" hirit pa ni Kara. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko para harapin ko siya nang diretso. "Kuya, nakikiusap ako sa'yo, 'wag ka nang magpauto ulit sa kaniya! Taon-taon ka na niyang ginagawang tanga! Ginawa niyang impyerno ang buhay mo, niloko ka niya, pinagmukha ka niyang tanga sa harap ng maraming tao, tapos ngayon, isang 'amnesia' lang malilinis na agad lahat ng kasalanan niya?!" Tinitigan ko lang ang kapatid ko. Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Ang bawat salita niya ay parang sampal ng katotohanan, pero sa kabilang banda, naiisip ko ang mga inosenteng mata ni Calliana kanina—mga matang matagal ko nang hindi nakikita sa kaniya. "Tama na, Kuya," patuloy ni Kara habang may halong awa at galit ang boses niya. "Sobra-sobra na ang ibinigay mo sa kaniya. Pagod na pagod ka na, kitang-kita sa'yo! Pipirmahan mo lang ang divorce papers, 'di ba? 'Yon ang plano natin! Huwag mong hahayaang gamitin niya 'yang sinasabi niyang amnesia para itali ka na naman sa kaniya. Tapusin mo na 'to! Enough is enough! Kahit anong sabihin ng mga doktor, she's still a cunning and cold-blooded woman in my eyes!" Napabuntong hininga ako. Hindi ko masisisi ang kakakambal ko kung bakit gano'n na lamang ang galit niya kay Calli. Miski ako, galit na galit at punong-puno na sa ugali niya. Siguro nga tama ang kapatid ko. I need to be firm on my decisions. Ayoko nang maging laruan ni Calli. I'm done with her!CALLIANAPagkapasok pa lang namin sa napakalaking mansyon ng mga Fierro, agad kong naramdaman ang lamig ng paligid. Mukhang pribadong museo ang bahay nila. Malawak iyon, kumikinang ang sahig pero parang walang kabuhay-buhay."Ihatid niyo na siya sa kuwarto," malamig na utos ni Kairo sa kasambahay na sumalubong sa amin, bago pa man ako makapagsalita. Hindi man lang niya ako nilingon at diretso na siyang naglakad patungo sa kaniyang opisina.Napanguso na lang ako habang sinusundan ko ang kasambahay pataas sa ikalawang palapag. Nang mabuksan niya ang pint0 ng masters bedroom, napatigil ako sa may pintuan. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nadatnan."Seryoso ba 'to?" bulong ko sa sarili habang inililibot ko ang paningin ko sa loob ng silid.Sobrang dry at boring ng kuwarto! Kulay gray at puti ang dingding, walang kulay ang kama at wala man lang ni isang picture frame naming dalawa ni Kairo na nakasabit!Agad akong lumapit sa walk-in closet at binuksan ko iyon. Bumagsak ang balikat ko sa ak
CALLIANADahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Tahimik na ang paligid. Halatang wala na si Kara. Paglingon ko sa may sofa sa gilid ng kuwarto, napasinghap ako nang mahina. Nakatagilid si Kairo roon. Nakapikit ang kaniyang mga mata at halatang nakatulog siya dahil sa matinding pagod. Bahagyang nakabukas ang kuwelyo ng polo niya at nakatupi ang sleeves niya hanggang siko.Maingat akong bumangon. Kahit kumikirot pa nang kaunti ang katawan ko, marahan akong bumaba sa kama at naglakad palapit sa sofa. Mabuti na lang at mahaba ang hose na nakakonekta sa akin. Lumingon-lingon muna ako na parang nagnanakaw ng pagkakataon bago lumuhod nang marahan sa tabi ng tulog na si Kairo.Pinagmasdan ko ang mukha niya nang malapitan. ‘Grabe…’ isip-isip ko habang pumupuputok ang dibdib ko sa matinding kilig. ‘Bakit lalo siyang gumuwapo ngayong mas tumanda na siya?! Look at those eyelashes! Mas mahaba pa kaysa sa akin! At ang ilong niya, p'wedeng mag-slide! Ang labi niya, parang iginuhit talaga.’Hindi
CALLIANA"Agh..." daing ko nang subukan kong igalaw ang katawan ko.Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Biglang kumirot ang buong ulo ko. Isa iyong matinding sakit na parang binabakbak ang bungo ko. Kasunod noon ang mabigat at masakit na pakiramdam sa buong katawan ko. Sa bawat paghinga ko ay parang may sumasaksak sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.Napansin ko na may nakatakip sa ilong at bibig ko. Inabot ko ito at dahan-dahang inalis ang oxygen mask. Tuyong-tuyo ang labi at lalamunan ko. Dumaing ulit ako habang pilit kong inililibot ang tingin ko. Puti ang dingding at may tunog ng heart monitor sa tabi. Isang pagpapatunay na nasa hospital ako ngayon. Pero bakit ako nandito? "Mommy? Daddy?" garalgal at paos kong tawag. "Mommy, nasaan kayo?"Pero kahit anong tawag ko, walang sumasagot. Hindi pumasok ang mga magulang ko. Kaya kinabahan ako."Mommy..."Nagulat ako nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng kuwarto. Napatingin ako roon nang may pag-asa. Akala ko ang mga magu







