Share

My Angel Gabriel
My Angel Gabriel
Author: Artista Kho

Prologue

"MY mommy and daddy!!!"

Halos maglupasay na sa sahig ang batang si Sofia sa kakaiyak. Hindi man niya masyadong nasundan ang mga pangyayari pero nauunawaan na niya iyon. She was just seven. Too young for a child para masaksihan ang ganoong pangyayari. Her parents were supposed to pick her up from her Sunday school to celebrate their anniversary pero, isang masaklap na balita ang kanyang narinig mula sa kanyang yaya--isinugod umano sa ospital ang kanyang mga magulang dahil sa aksidente.

"Tama na anak, tama na, mabubuhay pa ang mommy at daddy mo," alo sa kanya ng kanyang Yaya Sita.

"Nakita kong maraming dugo yaya, nakita ko."

"Ma'am makabubuti pong ilabas niyo muna ang bata dito sa ER. Hindi maiging nakikita niya ang mga nangyayari dito," sabi ng lumapit na nurse sa kanila. "Ako nang bahalang magpaliwanag kung dumating man ang ibang kamag-anak ng mga na aksidente."

Napatingin si Sofia sa nurse at pasigok-sigok na nagsalita. "Ma-bubuhay po ba ang ang mommy at daddy ko?"

"Halika na Sofia, lumabas na muna tayo."

"Pero, Yaya..."

Hinawakan ng nurse ang ulo niya. "Ginagawa na ng team ang lahat nang makakaya nila, sweetheart. Sa ngayon sumama ka muna sa Yaya mo. Pumunta muna kayo ng cafeteria," bahagyang nginitian siya ng nurse.

Suminghot-singhot siya. Sumisikip parin ang dibdib niya sa pag-aalala. Sana naman ay okay lang ang kanyang Mommy at Daddy.

"Sige na, Sofia. Halika na."

Sandali siyang nag-atubili at inabot rin ang kamay ng kanyang Yaya.

Nagpasalamat muna ang Yaya niya sa nurse bago sila lumabas ng ospital.

"Kumain na muna tayo ng lunch, anak."

"Hindi po ako nagugutom, Yaya."

Nag-aalalang napatitig ang kanyang Yaya sa kanya. "Pilitin mong kumain anak at anong oras na. Hindi matutuwa ang Mommy at Daddy."

Napasigok ulit siya nang maalala ang danatnan niya kanina. "Yaya, will everything going to be okay?"

"Yes anak, everything will going to be okay," sagot nito.

Pero iyon ang akala niya.

Because it was never okay.

And never will be.

Dahil pagbalik nila ay nadatnan nila ang kamag-anakan ng kanyang mga magulang na umiiyak.

Hindi na umano nakuhang mailipat ang kanyang mga magulang sa ICU dahil sa pagre-revive palang umano ay parehong nalagutan na ang mga ito ng hininga.

Hindi na niya nakuhang lumapit sa kinahihigaan ng kanyang mga magulang.

Ayaw niyang maniwala.

Ayaw niyang paniwalaang ang kanyang pinakamamahal na Mommy at Daddy ay wala na.

Anniversary ng mga ito.

They were supposed to celebrate it together.

They should supposed to be happy today.

Masaya dapat sila. Hindi ganito! Hindi!

Dahil sa abala sa pagluluksa ang lahat ay hindi namalayan ng mga tao sa loob na napatakbo siya.

Hindi niya alam kung saang pasilyo siya nakatakbo. Gusto niyang mapag-isa, ayaw niya makausap ang alin man sa mga tao at sabihing wala na ang kanyang mga magulang.

"Aray!" natigilan siya nang marinig ang iritableng boses na iyon ng isang lalaki.

Masakit ang kanyang balikat mula sa pagkakabangga sa medyo matigas rin nitong balikat. Muntikan pa siyang matumba, buti't napakapit siya sa damit nito.

"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?"

Napahikbi siya at napatitig sa mukha nito.

Ito man ay mukhang natigilan rin nang magkatinginan sila, saka lang biglang nagbago ang kaninang iritableng mukha nito.

"Bakit ka ba umiiyak?" napakunot ang makinis na noo nito.

Ang kaninang hikbi niya ay naging hagulhol na ngayon. Bakit ba siya umiiyak? Dahil nasasaktan siya. Sobra siyang nasasaktan. "Pa-tay na ang mommy at daddy ko...pa-tay na sila..." Ewan ba niya kung bakit nasabi niya iyon sa batang ito.

Sa tingin niya'y matanda lang ito sa kanya ng ilang taon. Medyo payat ito at mukhang matangkad sa edad. Mukhang kagaya niya ay anak mayaman rin ito dahil malinis ito at masasabi niyang napakaganda ng mukha nito. Maganda kung isasalarawan niya ang gwapong mukha nito. Napakaganda ng mga mata nito.

"Kaya ka ba tumakbo kanina?" nawala na na ng tuluyan ang iritasyon sa boses nito.

Tumango siya. Wala siyang planong kuma-usap ng kahit na sino pero ewan ba niya at nasabi niya iyon dito. "Hindi ko na sila makakasama, mag-isa nalang ako..."

"Narito ba sila ngayon?"

Napatitig siya sa maganda nitong mga mata. "Oo...pero ayaw ko silang makita...ayaw ko...sorry kung nabangga kita. Hindi ko iyon sinasadya..."

"Sa susunod huwag kang basta-bastang tumakbo ng hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo, pa'no kung ibang matigas na bagay ang nabangga mo at hindi ako? Ikakapahamak mo iyon," sabi nito at basta nalang inabot ang kanyang kamay. "Halika sumama ka muna sa akin."

"Teka, saan tayo pupunta?" tanong niya pero nakasunod narin siya sa malalaking hakbang nito.

"Basta, gagawan natin ng paraan para mabawasan ang lungkot mo."

"Huh?"

Nakita niyang papalabas sila ng ospital. Saan ba siya dadalhin ng batang lalaking ito?

"Teka lang..."

"Alam mo ba ang number ng alin man sa mga kamag-anak mo?" anito habang hila-hila siya sa parking lot ng ospital.

"Oo yung yaya ko."

"Good. Tawagan mo siya mamaya, pwede kitang ipahatid sa driver namin."

Naguguluhan man ay wala siyang nagawa kundi sumunod dito.

Tumigil sila sa isang kulay itim na sasakyan.

May bumabang malaking Mamang naka itim na damit mula sa driver's seat at sinalubong sila.

"Manong Jun, pwede bang dalhin mo kami sa FS town square?"

Tumango ang driver at agad na pinagbuksan sila nito ng pinto sa backseat.

"After you..." sabi ng batang lalaki sa kanya.

Walang pag-aatubili siyang umakyat, inalalayan pa siya nito. Gusto niya sanang tawagan ang kanyang yaya but worrying wasn't her concern right at the moment. Ayaw niyang isipin ang nangyari. Hindi pa iyon tanggap ng kanyang batang isip.

"Okay ka lang?" Kinabitan siya nito ng seatbelt.

Kung hindi lang bata ang mukha nito ay iisipin niyang matanda na ito. Mukha kasi itong matandang magsalita.

Dahan-dahan siyang napatango.

"Huwag ka ng umiyak. Normal lang sa atin ang mawalan ng mga mahal sa buhay. Sigurado akong kung nasaan man ang Mommy at Daddy mo ngayon ay ayaw nilang malungkot ka."

"Pa'no mo nalaman?"

"Iyon ang sabi sakin ng lola ko."

"Saan pala ang mommy at daddy mo?"

"Nasa LA sila ngayon."

"LA?"

"Nasa States."

"Ibig sabihin hindi mo sila kasama?"

"Kasama ko sila, andito lang ako sa Pilipinas para magbakasyon sa bahay ng lolo at lola ko. Kung gusto mo isasabay kita roon sa susunod."

Sabi ng mommy niya hindi daw dapat basta magtiwala sa taong hindi mo kilala o sa mga strangers. Pero, iba ang nararamdaman niya sa batang kasama niya ngayon. Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala at magaan ang loob niya dito. Hindi niya namalayang hindi na pala siya umiiyak.

Ngumiti ito sa kanya. Mas lalo tuloy itong gumwapo sa kanyang paningin.

Nginitian niya ito.

"Ayan, huwag kanang malungkot, mas maganda ka kung nakangiti ka."

Sa murang edad niya'y hindi pa siya kailanman pumuri ng batang lalaki. Wala naman kasi siyang alam gawin kundi ang maglaro kasama ang mga babaeng kaibigan niya sa kanilang school.

"Malapit na tayo. Mahilig kaba sa ice cream?"

"Huh, ah...eh...Oo..."

"Anong flavor ang gusto mo?"

"Durian at vanilla."

Pumasok ang sasakyan sa isang gusali at tumapat iyon sa Fresco. Nasisilip na ni Sofia mula sa salaming pader ang makulay na loob ng dessert house at ang mga kabataang kumakain ng ice cream.

"Halika na." Kinalas na ng batang lalaki ang kanyang seatbelt.

"Kakain tayo ng ice cream?"

Tipid siya nitong nginitian. "Oo, tita ko ang may-ari nito. Pagnatikman mo ang ice cream nila malilimutan mo ang lungkot mo."

"Talaga?"

"Oo, halika na."

Nagpaalam muna ito sa driver saka sila magkahawak kamay na pumasok sa salaming pinto ng Fresco.

Pagbungad pa lamang nila sa entrance ay may kung sinong batang lalaki naman na kasing taas at kasing katawan rin nito ang sumulpot mula sa likod ng counter.

Sandali itong natigilan nang matingnan siya. Kakaiba ang aura nito dahil nakangiti na ang mga mata nito kahit hindi naman talaga itong nakangiti. Mukhang masayahin ito at gwapo rin.

"Gab!"

"Ethan!" sagot ng katabi niya.

Napabaling muli ang tingin ng batang may pangalang Ethan sa kanya, ngayon ay nakangiti na ito." Sino itong kasama mo?"

Nagtatanong na napatingin ang katabi niyang may pangalan palang Gab.

"Sofia. Ako si Sofia." Siya na ang sumagot sa tanong nito.

"Hello, Sofia." Lalong lumawak ang ngiti nito at inabot pa ang kamay nito para makipagkamusta. Ang pagkaka-alam niya ay mga matanda lang ang nagkakamustahan.

Atubiling inabot niya ang kamay nito. " Hi..."

Ramdam niya sa bahagya nitong pagkakapisil sa kanyang kamay ang mainit nitong palad.

"Halika, Sofia, anong gusto mo?"

Napatingin siya kay Gab. Napailing itong sumunod sa kanila ni Ethan.

"Igagawa kita ng ice cream! Gusto mo ba?" si Ethan na hawak-hawak na ang kanyang kamay ngayon.

"Sige!" sagot niya sa masiglang boses.

Hindi niya alam kung bakit bigla ay nakalimutan niyang nagdadalamhati siya. Nakalimutan niyang wala na ang kanyang Mommy at Daddy.

At siguro kahit kailan hindi rin niya malilimutan ang araw ding iyon.

Dahil iyon din ang araw...

Ang araw kung kailan nakilala niya ang dalawang lalaking magbibigay ng kakaibang saya at sakit sa buhay niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status