Bukas na po babawi. Ito lang muna ang update ko ngayon guys.
Nagkaroon ng gulo kanina sa office. Well, hindi galing kay Erin kun’di galing kay Helena. Pinakalat lang naman niya na may namamagitan samin ni Escalante.Kaya pala paglabas namin ng elevator, ganoon na lamang ako tignan ng mga tao.“Baliw talaga yang Helena na yan.” Naiinis na sabi ni Vaughn. “Ang laki ng inggit sayo Vida. Alangan naman sisihin ka niya kung nagandahan si sir sayo.”Hindi na ako sumagot kasi totoo rin naman yung sinabi ni Helena. Ayoko lang kumpirmahan at hayaan silang isipin na haka-haka lang yun.Marami rin kasing hindi naniwala maliban kay Erin na kanina ko pa napapansin na tinitignan ako.No’ng nagbanyo ako, di ko napansin na sinundan pala ako ni Erin. Hinila niya ako papunta sa loob ng cubicle.“Erin!” Gulat na gulat ako habang nakatingin sa kaniya.“Hinaan mo ang boses mo.”Tumango ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. I’ve been dying to talk to her.“G-Gusto kong malaman. Totoo ba yung narinig ko kagabi?”Kahit pa e-deny ko, narinig na niya kaya tumango ako. “Oo,
“E-E-Erin…” nautal ako at kinabahan ng husto.“Ah n-nauhaw l-lang a-a-ko. S-Sige, u-uuwi ako.”Nagmamadali siyang umalis sa kusina at halos hindi siya makatingin sakin. Hindi kami close ni Erin, close siya kay Vaughn. Kaya natatakot akong sabihin niya bukas ang tungkol sa nakita ay narinig niya.“Erin sandali!” Sinubukan ko siyang habulin pero hinawakan ako ni Escalante.“Escalante, a-anong ginagawa mo? Kailangan ko siyang makausap!”“Hindi siya makikinig sayo dahil nagulat pa siya sa nangyari. Bukas mo na siya kausapin.”Hindi sana ako makikinig sa kaniya pero nagising si Drix kaya inayos ko ang mukha ko at lumayo ng bahagya kay Escalante.“Si Erin?” tanong niya.“Kakaalis lang. Uuwi na daw siya.”“Hala. Andaya! Uwi na rin kami.”Sinipa niya si Jace kaya nagising ito. Umuwi na rin sila pagkatapos at hindi na kumain. Dahil wala ng naiwan sa apartment, umuwi na rin kami sa bahay ni Escalante.Nagpalit na ako ng pambahay at lahat na pero hindi pa rin nawala sa isipan ko si Erin. Sa sobr
Nakauwi na si Helena, Vaughn at Mhai. Ang natira ay si Jace, Drix, Eric at sir Dane then saka si Escalante. Nakapagluto na rin ako at inaya ko na sila kumain.Pero yung kumain lang ay si Escalante at sir Dane dahil tulog na yung tatlo sa sala sa sobrang kalasingan.“Feeling ko bukas ay may issue sa inyo.” Sabi ni sir Dane at sinulyapan kaming dalawa. Parang ako lang yung nabahala kasi si Escalante wala namang pakialam.“Sa tingin mo ba, halata kami sir Dane?”“Si sir Aris ang halata, Vida.” Tapos tumawa siya na parang may kumiliti sa kaniya.“Shut your mouth, Dane.”Agad itinikom ni sir Dane ang bibig niya.“Kumain ka na nga,” saway ko kasi sinusungitan niya si sir Dane na hindi naman siya inaano. Sumimangot siya.“Ang sarap mo magluto, Vida.” Nagsalita na naman si sir Dane. Lasing na nga talaga itong taong to kasi naging madaldal na siya kahit pa pinapatahimik na siya.“Thank you, sir!”“Pwede ka na mag-asawa!” At humalakhak ulit ito.“Asawa ko na siya!”Natigilan ulit kami at napatin
Agad kinuha ni sir Dane ang attention nila at nagpatuloy sa inuman. Nag-excuse rin ako na magluluto ako para kung sakaling magutom sila ay may makain sila.Pero ang totoo, gusto kong umiwas kasi naiilang ako sa mga tingin nila sakin.Nagpunta ako ng kusina at kinuha ang mga pagkain sa fridge. Nagstock ako ng pagkain kanina umaga dito para may makain mamaya. Di lang ako bumili ng alcohol kasi diko naman alam anong iinumin nila.Habang nakaharap ako sa fridge, nagulat ako ng may kamay ang pumulupot sa bewang ko.Tumikhim ako at alam kong si Escalante ito.“I’m sorry baby… are you mad?”Pakiramdam ko e lasing na siya.“I’m not mad. Sige na, bumalik ka na doon.”“But you’re mad.”Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Sumalubong sakin ang mapupungay niyang mata.“Hindi nga ako galit. Sige na, balik ka na doon.”Ngumuso siya at hinawakan ang kamay ko.“Did I make you uncomfortable earlier? Galit ka ba sakin ng sobra?”Umiling ako.“Hindi. Kakasabi ko lang kanina. Kung galit ako sayo, hindi
Sunday, ang araw kung saan sila iinom sa apartment ko.Kami ni Escalante ang bumili ng mga alak at si sir Dane ang naiwan doon kasama ni Mhai, Vaughn, Helena at tatlo pa na si Jace, Drix, at Erin.Kanina no’ng nakarating sila ng apartment, kasabayan nila sa pagdating si Escalante at sir Dane. Kita ko sa mukha nilang lahat ang pagkagulat at pagkailang kasi di nila aakalain na ang boss na kinakatakutan nila e sasama sa inuman sa apartment ko.“Uy. Kasama si sir Aris?” bulong ni Mhai sakin na hindi ko alam kung gusto pa bang ituloy ang inuman o hindi.“Ah guys, si sir Aris… Inaya ko. Diko kasi aakalain na papayag siya.” Sabi ni sir Dane, na ibig sabihin ay inaya niya si Escalante out of courtesy kahit na ang totoo e alam niya sa simula pa lang na sasama ito dahil sakin.“Ano… Ako na bibili ng alak sa convenience store.” Gusto kong tumakas at naiilang ako na nandito ang mga co-worker ko at si Escalante.“Sasama ako.”Napatingin ako agad kay Escalante na biglang gustong sumama.“I have a ca
“Vida! Let’s talk! What is this?”Sinusundan ako ni Marky ngayon na parang aso. Nong nakaraang araw, matapos naming mag-usap ni Escalante, agad akong kumuha ng wedding gown sa AE Lines worth 15,000.“Marky, mali-late na ako sa trabaho.” Sabi ko. Supposed to be, sasabay ako kay Escalante kanina pero hindi ko tinuloy kasi batid ko ng inaabangan na ako ni Marky sa labas ng AE Lines dahil nagtext siya bigla na gusto niya akong makausap.Stress na stress ang mukha niya nang makita niya ako.“Vida, wait. Mag-usap tayo.” Hinablot niya ang kamay ko kaya wala akong choice kun’di ang tumigil para tignan siya.“Ano bang problema mo?”“May staff ng AE Lines pumunta ng bahay para magdeliver ng wedding gown.”“Maganda. Nahatid na pala agad ang gown ko.”“Vida, teka. Bakit sa AE Lines?”“Ano bang problema? Gusto ko e.”“Kasi ang mahal. Para lang sa wedding gown, gagastos na tayo ng $15,000.”Lihim akong ngumisi. Sa wedding gown pa lang, malaking pera na ang nawala sa kaniya. Kung e-convert sa peso, n