Share

Chapter 3

Author: ElizaMarie
last update Huling Na-update: 2025-08-07 03:06:00

“Girl, try this one,” sabi ni Honey sa kaibigan na si Jhaira.

Lunch break kaya naisipan ni Honey na sumaglit sa isang mall. Wala naman problema kahit ma-late sila dahil sa kanila naman ang kumpanya. At dahil kaibigan niya si Jhaira ay damay din sa kanya.

“Ay, hindi. Ikaw na lang,” nakangiwing wika ni Jhaira.

“Why? I'm sure, bagay ‘to sayo,” giit ni Honey.

“Oo nga, bagay sa akin. Pero ang presyo, hindi bagay sa akin.”

“Ito naman, parang 5k lang.”

Naparolyo naman ng mata si Jhaira sa kaibigan. “Girl, mukha bang afford ko ang 5k?”

“Sinabi ko bang ikaw ang magbayad?” Ganting irap ni Honey. “Of course, isukat mo dahil kapag kasya sayo, libre ko yan sayo.”

“Nako, girl. Wag na. Nakakahiya,” sagot ni sagot.

“Mas nakakahiya kung pinahiya mo ako dito kasi tinanggihan mo ako, gusto mo ba yon?” Bulong ni Honey sa kaibigan.

“Sige na nga mapilit ka,” sabi na lang ni Jhaira at kinuha ang damit na nais pasukat ni Honey sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay lumabas si Jhaira mula sa dressing room na suot na ang dress. Hi do naman mapigilang mamangha si Honey . “Wow! Ang ganda mo, girl! Bagay sayo.”

“Talaga? Bagay sa akin? Baka pinaloloko mo lang ako,” angil naman ni Jhaira.

“Ano ka ba naman. Kailan pa kita niloloko?” Natatawang saad ni Honey. Kaya naman ay napangiti na rin si Jhaira. “Tara na nga, bihis ka na ulit at ng mabayaran na dress mo.”

Tumango naman si Jhaira at sinunod ang nais ng kaibigan. Matapos magbihis at mabayaran ang damit ay naisipan nilang magkape muna sa isang coffee shop kung saan malapit sa company nila.

Pagpasok pa lang nila sa entrance ay nakita na agad nila ang assistant ng daddy niya na si Zack. Nakapila sa counter. Marahil ay umo-order din ng kape.

Pansin ni Honey ang mga bulong-bulongan at mga matang nakatitig sa lalaki. Titig na may paghanga at parang may nais na makamit.

“Alam mo, girl? Pansin mo ba?” Bulong ni Jhaira kay Honey.

“What?” Curious na tanong ni Honey.

“Look around,” utos nito sa kanya na siyang sinunod ni Honey Jane. “Halos lahat nakatitig kay sir Zack, especially girls.”

“And so? Anong mapapala nila sa lalaking tulad ni Zack?” Bulong na tanong ni Honey Jane.

“Marami, girl. As maraming-marami.”

“Gaya ng?” tanong pa ni Honey. Hindi kasi niya ma gets kasi sa totoo lang ay wala naman siyang makitang special sa lalaki.

“Girl, hindi mo ba nakikita?” Hindi makapaniwala na tanong ni Jhaira. “Ang gwapo kaya ni sir Zack, matangkad, moreno. Nasa kanya ang tinatawag nilang tall, dark and handsome.”

“Duh, girl. Aanhin mo naman ang sinasabi mong tall, dark and handsome kung para kanang nakipag-usap sa pipi na, para pang bingi.”

“Ito naman, ang HB mo masyado sa kanya. Kahit naman ganun siya ay ngumingiti naman soya kahit paano,” pagtatanggol nito sa lalaki habang patuloy na pinagmasdan ito. “Kita mo yan? Oh, diba? Mas lalo siyang guma gwapo pag ngumiti.”

“Ewan ko sayo,” nakaismid na wika ni Honey. “Halika na nga, order na tayo ng kape, baka mas lalong pumait ang panlasa ko dahil sa kaka-day dreaming mo sa taong yon.”

Yon lang at hinila na ni Honey ang kaibigan. Pumila sila sa counter na malayo sa part kung saan nakapila si Zack. Nagpanggap siyang hindi kilala ang lalaki. Nag-scroll-scroll lang siya sa phone niya hanggang sa sila na ang nasa harap ng counter.

“Ah, miss-”

“Caramel Latte for two, ma’am, right?” Putol ng frontliner sa sasabihin sana ni Honey.

“Yes, please,” yon na lang ang sagot mi Honey.

“Here, ma’am,” agad ni binigay ng crew ang order niya. “No need to pay po. MY nagbabayad na ang order nyo.”

Napataas naman ang kilay ni Honey sa narinig. “Sino?”

“Siya po,” sagot ng crew sabay to sa may pintuan.

Agad namang sinundan ng tingin nina Honey at Jhaira ang sinasabi ng crew. Dito nila nakita ang palabas na si Zack bit it ang dalawang take out na kape. Hindi man lang ito lumingon pa sa kinaroroonan nila.

“Wow, girl. Nalibri ba tayo ng kape?” Hindi makapaniwala na tanong ni Jhaira.

“Ewan ko mukhang may tinupak yata,” sagot ni Honey. “Tara na nga. Sa office na lang din natin inumin to.”

Binigay ni honey Jane ang isang kape saka nauna na naglakad palabas ng coffee shop. Agad namang sumabay sa kanya ang kaibigan. Hindi na niya pinansin pa ang kaibigan dahil ang isip niya ay nandoon kay Zack. Nagtaka siya kung anong nakain ng huli at naisipan nitong ilibri sila.

“Pero alam mo, girl. Mabait din tong si sir Zack ah. Nakalibri tayo,” wika ni Jhaira.

“Ewan, baka mga utos pa ni daddy na gawin niya yon,” walang bilib na wika ni Honey.

“Wala naman doon ang daddy mo ah, saka malay ba natin, may gusto pala sayo yon,” tukso ni Jhaira sa kaibigan.

“May gusto? Malabo yon. Di nga ako kinausap. Magkagusto pa kaya?” Kontra ni Honey.

“Malay ba natin. Humanap lang ng tiempo,” sabi pa ni Jhaira.

“Girl, kilala mo ako,” sabi naman ni Honey. “Malalaman ko kung may gusto sa akin ang tao o wala. At sa kaso niya. Malabo pa sa fog kung ang pagkagusto niya sa akin.”

“Okay, sabi mo eh.” Saad na lang ni Jhaira.

Hindi na nakasagot pa si Honey dahil nandito na sila sa opisina kung saan ang office nila. Pagkaupo pa lang nila ay naging busy na agad sila sa trabaho. Himala at binigyan siya ang trabaho ng mga kasama. Marahil ay napagsabihan ng ama niya dahil hindi siya binigyan ng anumang trabaho.

Pansin din niya ang pagiging busy ng department nila nitong nakaraang araw. Tila may kung ano event silang pinaghandaan. Kaya naman ay sobrang busy ng mga ito na halos hindi na nila nakakausap ang isa't-isa. Tanging si Jhaira pang ang palaging nakausap niya since kaibigan naman niya ito.

“Miss Hon? Pwedeng pakidala ito sa office ng dad mo? It's urgent eh. Need ng approval mula sa kanya,” pakiusap ng isang kasamahan niya.

“But why me?” Tanong ni Honey sa kasama.

“Just do it, okay? Hindi porket anak ka ng may-ari ay di ka na pwede utusan,” sagot ng kasama na may pagkayamot.

“Huh? May sinasabi ba akong hindi ako pwedeng utusan?” Balik tanong ni Honey.

“Alam mo, ikaw? Hindi porket anak ka ng may-ari ay mag-setting pretty la lang diyan. Matuto ka namang kumilos ng sarili mo oi!” Sabi pa nito. “Kung sila natakot na utusan ka, dahil anak ka ng may-ari ng kumpanya, pwest ako hindi. Kaya sundin mo kung anong pinapagawa ko sayo.”

Napatayo si Honey sa kinauupuan niya. Pinag-crus niya ang mga braso sa binti niya kasabay ng pagtaas ng kilay niya. Bumaba ang tingin niya sa I.d nito at naman niyang Leslie ang pangalan nito.

For the first time, parang may gusto siyang sabunutan sa harap ng marami. Nag-bind siya palapit sa babae. At dahil mas matangkad siya nito ay napaatras ito.

“Gusto mong ipakita ko sayo kung paano kumilos ang nag-iisang anak ng kumpanyang ito?” Banta niya sa babae.

“Paano ba?” Hamon nito sa kanya.

“Simple lang,” saad ni Honey at hinila ang buhok nito sabay pain sa malapit ng dingding sa kanila.

“Ouch! Let me go!” Napahiyaw ang babae sa sakit. “Aray! Aray!”

Halos lahat ay napatayo sa komusyong dala nila. Halos lahat na nagulat sa ginawa niya. Hindi marahil makapaniwala na kaya niyang gawin yon.

“Oh my gosh, girl! Bitawan mo siya!” Sigaw ni Jhaira na unang natauhan sa lahat. Hinawakan nito ang kamay ni honey na nakasabunot pa rin kay Leslie. “Girl, let it go. Baka makarating pa to sa daddy mo.”

Ngunit hindi nakinig si Honey. Mas lalo nitong iginiid sa pader ang babae. Dahilan upang mas makaramdam ito ng sakit. Mas lalo tuloy nataranda si Jhaira kung paano awatin ang kaibigan.

“Sa susunod na kausapin mo ako, kausapin mo ako ng maayos. Hindi yong para kang sino kung maka asta. Baka nakalimutan mo, empleyado ka lang ng kumpanyang ito kaya wag kang kung sino makaasta!” Sigaw ni Honey dito.

“I'm sorry, I'm sorry,” hinging paumanhin ng babae. “Please, let go of my hair. It hurts!”

Saka pa lang binitawan ni Honey ang babae. Napahingal namam ang babae matapos niyang bitawan. Habang ai Jhaira ay agad na nilapitan ang kaibigan.

“Girl, ano bang nangyari sayo. Bakit bigla ka nalang nanabunot ng buhok?” tanong ni Jhaira na hindi alam kung matawa o hindi sa tensyon na nangyayari.

“Parang sinapian yata ako,” bulong ni Honey sa kaibigan.

“Exactly! Hindi ka naman ganyan,” sang-ayon ni Jhaira. “Kasi alam kong ikaw ay pinaka-reasonable na taong nakilala ko. Hindi ka basta-basta gumawa ng bagay na nakakasakit ng kapwa.”

Hindi na nakasagot pa si Honey dahil biglang bumukas ang pinto ng department head nila at lumabas mula dito ang lalaking department head nila.

“What's happening here?!”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Assistant, My Secret Husband    Chapter 4

    “What's happening here?”“Babe!” Sigaw ni Leslie pagkalabas ng lalaki agad itong yumakap at nagsumbong pa. “Sinabunutan niya ako!”Napataas naman ang kilay ni Honey sa narinig. Naalala niyang may asawa itong department head nila. At sigurado siyang hindi ang babaeng ito. “Excuse me, siya ang nauna,” depensa ni Honey sa sarili. “No, babe. Siya ang nauna. Pinakiusapan ko lang siya na dalhin ang papeles na ito sa office ng daddy niya pero ayaw niya. Tapos sinabihan pa ako na wala akong karapatan na mag-utos sa kanya dahil anak daw siya ng may-ari ng kumpanya,” sabi pa ni Leslie. Napangiti na lang ng hilaw si Honey sa kasinungalingan ng babae. Hindi niya akalain na may mga taong kayang i-down ang iba para lang umangat sila. At na-experience na niya yon, ngayon-ngayon lang.“It's true, Miss De Guzman?” Tanong ng department head nila. “No, sir,” tanggi ni Honey. “Lier!” Sigaw ni Leslie. “No! Nagsisinungaling siya!”Hindi na napigilan ni Honey ang sampalin ang babae kahit nasa harap pa

  • My Assistant, My Secret Husband    Chapter 3

    “Girl, try this one,” sabi ni Honey sa kaibigan na si Jhaira. Lunch break kaya naisipan ni Honey na sumaglit sa isang mall. Wala naman problema kahit ma-late sila dahil sa kanila naman ang kumpanya. At dahil kaibigan niya si Jhaira ay damay din sa kanya. “Ay, hindi. Ikaw na lang,” nakangiwing wika ni Jhaira. “Why? I'm sure, bagay ‘to sayo,” giit ni Honey. “Oo nga, bagay sa akin. Pero ang presyo, hindi bagay sa akin.”“Ito naman, parang 5k lang.”Naparolyo naman ng mata si Jhaira sa kaibigan. “Girl, mukha bang afford ko ang 5k?”“Sinabi ko bang ikaw ang magbayad?” Ganting irap ni Honey. “Of course, isukat mo dahil kapag kasya sayo, libre ko yan sayo.”“Nako, girl. Wag na. Nakakahiya,” sagot ni sagot. “Mas nakakahiya kung pinahiya mo ako dito kasi tinanggihan mo ako, gusto mo ba yon?” Bulong ni Honey sa kaibigan. “Sige na nga mapilit ka,” sabi na lang ni Jhaira at kinuha ang damit na nais pasukat ni Honey sa kanya. Hindi naman nagtagal ay lumabas si Jhaira mula sa dressing room

  • My Assistant, My Secret Husband    Chapter 2

    Past five na ng hapon kaya mabilis na inayos ni Honey ang gamit niya isa-isang isinilid sa bag niya. As usual, wala na naman siyang ginagawa kaya ayon nag-make up session na lang siya sa desh niya. “Bye!” Paalam niya sa mga kasama. “Bye!” Sabay na sagot ng mga ito. Sa halip na bumaba ay top button ang pinindot niya nang makasakay siya sa elevator. Balak niyang sumabay sa ama pauwi. Na-miss niya ang panahon na hatid sundo siya ng ama. Nagulat pa siya ng buksan niya ang pintuan ng opisina ng ama. Nakasalubong niya sa Zack na ngayon ay papalabas na. “H-hi,” halos mautal na bati niya dito. As usual, umuko lang ito bilang pagbati sa kanya. Nilagpasan lang siya ng lalaki patungonsa desk nito. Bagay na ikakunot ng noo ni Honey. “Haizt, pipi ba ang lalaking yon? Mahal ba ang bayad kapag masalita siya?” Inis na tanong niya sa sarili. Naparolyo na lang siya ng mata. “Whatever! Bahala siya sa buhay niya! Hmmp!”Tuluyan siyang pumasok sa opisina at nakita niya ang ama na busy pa sa mga pa

  • My Assistant, My Secret Husband    Chapter 1

    “Ouch!” Napaigik sa sakit si Honey Jane dahil sa pagka tapilok niya mula sa unang baitang ng hagdan kung saan siya naroroon ngayon. “Are you okay?” Tanong ng kaibigan niya na si Jhaira. “Girl, do I look like I'm okay?” maarting bulyaw ni Honey sa babae. “Ito naman, nag-alala lang naman.”“Kitang hindi ako okay, nagtanong ka pa,” bulyaw pa ni Honey. “Edi, sorry. Sorry kung nag-alala ang tao sayo,” ganting bulyaw ni Jhaira sa inunahan ng akyat si Honey papunta sa 3rd floor kung saan ang opisina nila. Napangiti na lang si Honey sa reaction ng kaibigan niya. Hindi pa talaga sanay tong kaibigan niyang ito sa ugali niya. Para siyang isang panahon na bigla na lang uminit sa kasagsagan ng bagyo o kaya naman ay umulan kahit may araw naman.Agad naman sinundan ni Honey si Jhaira sa opisina nila. Baka mahawa pa ito sa pabago-bago niyang ugali. Baka sa huli, siya pa ang mahihirapan na amohin ang kaibigan niya. “Good morning, miss,” bati ng ilang empleyado pagpasok niya sa opisina. “Morn

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status